BRAHMA – ang kinikilalang diyos na tagapaglikha ng mga Hindu at diyos ng mga diyos. Apat na Ulo ng Brahma: - Representasyon ng apat na direksyon - Apat na Varnas: o Brahmins o Kshatriyas o Vaishyas o Shudras - Apat na Vedas o Rig o Yajur o Sama o atharva Brahma – the slayer of robbers he is the wielder of the thunderbolt, the slayer fearful and fierce knows many things inspiring & mighty BUDDHISM: - ISANG RELEHIYONG NANGINGIBABAW SA ASYA - NANINIRAHAN SILA SA TIMOG SILANGANG ASYA, SRI LANKA AT HAPON. ISLAM – ANG CRESCENT MOON ANG PAMILYAR NA SIMBOLO NG ISLAM. MUHAMMED – ang propeta ng Diyos Allah – ang Diyos QUR’AN – Banal na aklat ng Islam PANINIWALA NG MGA MUSLIM: Mahalaga sa kanila ang pagsasakatuparan ng FIVE PILARS. FIVE PILARS - KAUTUSAN AT RITWAL NG MGA MUSLIM. 1. SHAHADAH O PANANALIG – Ang bawat nilalang na nagnanais maging Muslim ay kinakailangang magpahayag ng kanyang pananalig kay Allah. 2. SALAH O PANALANGIN – a. MUEZZIN – Tagauri sa tagapahayag ng mga Muslim sa oras ng panalangin. 3. ZAKAT O PAGBIBIGAY NG LIMOS/PAGTULONG SA KAPWA – BAWAT MUSLIM AY INAASAHANG MAGKALOOB NG BAHAGI NG KANYANG KITA SA MGA MAHIHIRAP 4. SAUM O PAG-AAYUNO - Bawat Muslim ay dapat mag-ayuno sa buong buwan ng Ramadan. 5. HAJJ O PAGLALAKBAY PATUNGONG MECCA. Inaasahang makagagawa ng isang banal na paglalakbay ang isang Muslim sa Mecca kahit minsan lang sa kanyang buhay. Assignment: THE LAST SERMON OF MUHAMMAD AT URANAH VALLEY. O people, listen to me in earnest, worship ALLAH, say your five daily prayers (Salah), fast during the month of Ramadan, and give your wealth in Zakat. Perform Hajj if you can afford to. You know that every Muslim is the brother of another Muslim. YOU ARE ALL EQUAL. NOBODY HAS PRIORITY OVER THE OTHER EXCEPT BY PIETY AND GOOD ACTION. Remember, one day you will appear before Allah and answer for your deeds. So beware, do not astray from the path of righteousness after I am gone. O People, no prophet or apostle will come after me, and no new faith will be born. Reason well, therefore, O people and understand my words which I convey to you. I leave behind me two things, the Quran and my example, the Sunnah and if you follow these you will never go astray. All those who listen to me shall pass on my words to others and those to others again; and may the last ones understand my words better than those who listen to me directly. BE MY WITNESS O ALLAH THAT I HAVE CONVEYED YOUR MESSAGE TO YOU PEOPLE. Sagutin ang mga tanong: 1. Ano ang ipinapangaral ni Muhhamad sa unang saknong ng kanyang sermon? 2. Anong aral ang natutunan mo sa unang saknong ng kanyang sermon? 3. Ano ang nadama mo sa ikatlong saknong ng sermon. 4. Alin sa mga paangangaral ng Islam ang nahahawig sa iyong relihiyon. KRISTIYANISMO – pinakamalaking relihiyon sa daigdig na binubuo ng may 1.9 bilyong tagasunod KRUS – simbolo ng pamamahal ni Hesukristo sa sangkatauhan ANG PAGKAKAPAKO KAY HESUKRISTO – ang pinaniniwalaan ng mga Kriatiyanong tanda ng pagsasakripisyo niya upang iligtas sa kasalanan ang sangkatauhan Ang mga kristiyano ayMONOTHEIST – Ibig sabihin, sila ay naniniwala lamang sa iisang Diyos na may gawa ng sandaigdigan at sangkatauhan. BIBLIYA – Nababasa ang salita ng Diyos sa Bibliya. ROMANO KATOLIKO – ang pinakamalaking pangkat ng mga kristiyano na pinagmumulan ng papa. PALESTINE – kinikilalang banal na lupain ng mga kristiyano JERUSALEM – Sentro ng banal na paglalakbay kung saan pinaniniwalaang ipinanganak si Hesukristo. JUDAISM: STAR OF DAVID or SHIELD OF DAVID – ay simbolo ng Judaism 962 BCE – namuno sa kaharian ng Israel si David Canaan – nakaranas ng kalamidad at tag-gutom noong 1280 BCE RITWAL AT SELEBRASYON: 1. PURIM – ginaganap bilang pagdiriwang sa pagkakaligtas ng mga Jew sa mga Persian. 2. PESACH O PASSOVER – ay may kaugnayan sa naganap na Exodus mula sa Egypt. 3. ROSH HASBANAH – ang bagong taon ng mga Jew. 4. HANAKKAH – ay ipinagdiriwang bilang pag-alala sa muling pagkakabalik ng templo ng Jerusalem mula sa mga Syrian. ASSIGNMENT: Pag-unawa: Ipaliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng sumusunod sa Kristiyanismo. (50 PTS) Kahulugan Kahalagahan o Impluwensiya sa sarili sa mong salita kabihasnang Asyano 1. Monotheism 2. Sampung utos ng Diyos 3. Bibliya 4. Palestine ANG KLIMA NG ASYA Ano ang klima? Ang klima ay tumutokoy sa kalagayan ng atmospera ng isang lupain sa loob ng mahabang panahon; samantalang ang kondisyon ng atmospera sa isang natatanging pook sa loob ng nakatakdang oras ay tinatawag ng panahon. Malaki ang kinalaman ng klima sa uri ng pamumuhay ng mga tao sa isang lupain. 1. Maari itong maging batayan ng uri ng kanilang hanapbuhay, panahanan, gawi, at iba pang aspekto ng pamumuhay. 2. Ang klima rin ang nagtatakda ng uri ng vegetation cover sa isang rehiyon. MGA SALIK NA SANHI NG PAGKAKAROON NG IBAT-IBANG URI ANG KLIMA SA ASYA 1. Kinaroroonang Latitud – Ang latitude ay distansya mula sa hilaga o timog ng ekwador na nasusukat sa digri. Nagkakaiba ang klima ng mga bansa ayon sa latitude na kinalulugaran nito. a. Klima ng Polar – ang rehiyong nakalatag mula 60 digri latitude hanggang sa polong hilaga o polong timog ang tinatawag na mataas na latitude. b. Klimang Temperate – ang rehiyon namang nakalatag sa pagitan ng 60 digri latitud at 23 digri latitud pahilaga at patimog ay tinatawag na gitnang latitude. k. Klimang Tropical – ang rehiyong nakalatag sa pagitan ng ekwador (0) digri , Tropic of Cancer (23 digris)sa hilaga, at Tropic of Capricon (23 digris), sa timog ang mahabang latitude. c.Klimang Polar – Nararanasan sa matataas na latitude. Kabilang sa latitude na ito ang hilagang bahagi ng Silangang Siberia at Antartica sa timog hati ng globo. DIREKSIYON NG UMIIRAL NA HANGIN 1. MONSOON – ay isang natatanging hanging nararanasan sa Asya. Ang init na dala ng direktang sinag ng araw sa kalagitnaan ng Asya ay bumubuo ng mababang presyon na nagiging sanhi ng pagpasok ng hangin na nagmumula sa malamig na karagatan at nagdadala na malakas na ulan. Ang MONSOON – ay kilala sa pangalang HANGING HABAGAT Mararanasan tuwing – Mayo at Setyembre Nanggagaling ang hangin sa INDIAN OCEAN. ALTITUD O TAAS NG LUPAIN -Ang Klimang umiiral sa isang pook ay naaayon din sa taas ng kinalulugaran nito. -ALTITUD – ang tawag sa taas ng isang pook o lupain mula sa sea level o kapantay ng dagat. ANO ANG KLIMA NG MGA REHIYON NG ASYA? -Ang klima ng Asya ay nauuri sa mga sonang tropical, arid/semi-arid, temperate, continental at polar. ANO ANG KAUGNAYAN NG KLIMA SA BUHAY NG MGA ASYANO? -Palay ang pangunahing pananim ng mga Asyano dahil ito ang pangunahing pananim na angkop na tumubo sa klima ng reyihon. ANO BA ANG VEGETATION COVER NG ASYA? -Ang vegetation cover ay tumutukoy sa iba’t ibang uri ng pananim na nakabalot sa lupain ng daigdig. -Ito ang pinakahayag na bunga ng pagkakabahagi ng temperature at presipitasyon sa iba’t ibang bahagi ng mundo. MGA URI NG VEGETATION COVER SA ASYA: 1. Ang Tundra – Ang tundra ay salitang Russo na ang ibig sabihin ay “KAPATAGANG LATIAN” O MARSHY PLAINS” Dahil sa malamig at mayelong klima – nababalutan ito ng lumot at lichen na kilala bilang pinakamabagal na lumagong halaman. (1sentimetro sa isang taon) 2. ANG TAIGA Ang taiga at salitang Russo na ang ibig sabihin ay “PAMAYANANG KAGUBATAN” -Matatagpuan lamang ito sa Timog ng mga lupain ng tundra. -Binubuo ito ng kagubatang CONIFEROUS” Ano ang Conifer? – puno na may dahong animo’y karayom. Grassland o Steppe-ito ay malalawak na damuhang lupain. -makakatagal ang damong tumutubo dito katulad ng HERBACEOUS Ang halamang HERBACEOUS ay nagtataglay ng dahon at tangkay na namamatay matapos ang panahon ng pagtubo at muling mabubuhay mula sa butong pinagmulan nito. DISYERTO – tanging matitinik at mabababang palumpon ng mga halaman at punongkahoy ang bumubuo sa uri ng vegetation na mayroon sa disyerto. TROPICAL RAINFOREST- LIKAS SA GANITONG URI ng lupain ang mga punong tropical deciduous na nagtatagal sa klimang mayroong mahabang tuyong panahon at napakalakas na tag-ulan. Ano ang kaugnayan ng Vegetation Cover sa Buhay ng mga Asyano? 1. Dahil sa pagkakaiba-iba ng klima sa mga bahagi ng kontinente, iba-iba rin ang uri ng mga pananim ang naipupunla sa kalakhan ng lupain. MGA LIKAS NA YAMAN NG ASYA Ang likas na yaman ay tumutukoy sa mahahalagang kayamanan ng mga anyong lupa at anyong tubig. Hindi pantay ang distribusyon ng likas na yaman sa buong daigdig.