Uploaded by Shena Kyla Francisco

Pelikula

advertisement
Pelikula - Ang mga lokal na pelikukang gumagamit ng midyum na Filipino ay
tinatangkilik pa rin ng mga manonood. Kadalasan ay Ingles ang ginagamit na pamagat
sa mga ito. Bakit? Ito ang paraan para mahikayat ang mga manonood kung bakit
ganoon ang Pamagat. -(ex.: one more chance)
Wika- Filipino, English, Taglish
1895- Unang paglabas ng pelikula sa Pilipinas.
Dahil sa malawak na impluwensiya ng wikang ginagamit ng mass media ay mas
maraming mamamayan sa bansa ngayon ang nakakapag salita, nakakaunawa at
gumagamit ng wikang Filipino.
She's dating the gangster, apat dapat, dapat apat, bata bata paano ka ginawa, that
thing called tadhana, one more chance, the how's of us, my ex and why's, hello love,
goodbye.
ELEMENTO NG PELIKULA
1. Pag- arte( Acting)
- Pagsasabuhay ng isang karakter sa pelikula.
2. Sinematograpiya
- Paggamit ng kamera.
3. Distribusyon
- Pagpapakalat ng pelikula sa mga tanghalan.
4. Direksyon
- Kontrol sa pamamaraan, estilo at pangkalahatang porma ng isang pelikula.
5. Editing
- Pagpili at pagsasaayos ng mga kuha upang mabuo ang isang pelikula.
6. Effects
- Pagpapaganda ng mga eksena gamit ang teknolohiya.
7. Direksyong Pangmusika
- Ang paggamit ng musika upang magbigay pokus sa isang eksena.
8. Direksyong Pamproduksyon
- Pagkonsepto, pagpaplano at paggawa ng mga gamit at lugar - kaganapan.
9. Scriptwriting
- Pagsulat ng dayalogo ng mga karakter at mga detalye ng kailangang sa bawat
eksena.
10. Sound recording
- Paggamit ng dayalogo, musika, naratibo, effects at iba pang elemento.
Paano Magsuri ng Pelikula
A. Direktor
B. Tauhan
C. Kuwento
D. Diyalogo
E. Pamagat
F. Sinematograpiya
G. Tema at Paksa
Dula- paglalarawan ng buhay; ang anyo nito ay ayon sa gumagalaw na tauhan at sa
kanilang dayalogo o sinasabi.
Pamamaraan ng Pagsusuri ng Dula
Bilang materyal- sinusuri ang aspeto ng istorya, mahalaga ang skrip. Sinusulat ang
iskrip ng dula upang malaman ang mga sumusunod: banghay ng kwento, mga tauhan,
kakaibang ideya o kaisipang napapaloob dito, at tagpuan o kapaligiran.
Bilang Teatro- Mga bagay labas sa dula ang sinusuri nito tulad ng mga sumusunod :
direksyon, pagganap ng mga tauhan, pag-iilaw sa tanghalan, paglalapat ng mga tunog
at aspektong teknikal.
Mga Elemento ng Dula
1. Iskrip
- pinakaluluwa ng isang dula.
2. Aktor
- Nagsasabuhay sa mga tauhan.
3. Tanghalan
- Ang anumang pook na pinagpasiyahan ng pag tanghalan ng dula.
4. Direktor
- Nagpapakahulugan sa isang iskrip, pagpapasiya sa tagpuan, damit, pagganap ng
pagbikas ng mga tauhan etc.
5. Manonood
- Kailangang may makasaksi ng isang dula.
Awit- tawag sa kanta o musikang pamboses.
- diyona ( para sa kasal at iba pang pagdiriwang)
- indolanin( may malungkot na himig)
-dol-ayanin( awit habang nagsasagwan)
- soliranin( awit sa paglalakbay sa karagatan)
-holohorlo( awit sa pagpapatulog sa sanggol), at iba pang anyong pampanitikang may
himig.
A. ANG PELIKULA
Ang isang film, tinatawag din na ang isang pelikula, motion, paglipat ng larawan, theatrical
pelikula, o photoplay, ay isang serye ng mga imahe pa rin na, kapag ipinapakita sa isang screen,
lumikha ng ilusyon ng paglipat ng mga imahe. Ang optical illusion na ito ay nagiging sanhi ng
madla upang makita ang tuluy-tuloy na paggalaw sa pagitan ng mga hiwalay na bagay na
tiningnan sa sunud-sunod. Ang proseso ng paggawa ng pelikula ay parehong sining at industriya.
Ang isang pelikula ay nilikha sa pamamagitan ng pagkuha ng aktuwal na mga eksena gamit ang
isang motion-picture camera, sa pamamagitan ng pagkuha ng mga guhit o miniature na mga
modelo gamit ang tradisyunal na mga diskarte sa animation, sa pamamagitan ng CGI at computer
animation, o sa pamamagitan ng isang kumbinasyon ng ilan o lahat ng mga pamamaraan na ito,
at iba pang mga visual effect..
Ang Pelikula sa Pilipinas
Simula ng paglaya sa mga Kastila, lumaki at lumawak ang mga manunuod ng pelikula sa
Pilipinas, dahil na rin sa pagdami ng mga artista at mga kwentong sumasalamin sa kultura,
problema at mga pangarap ng Pilipino.Noong 1895 nagawa ang unang pagpapalabas ng pelikula
sa bansa sa tulong ngdalawang negosyanteng Swiss, gamit ang Lumiere chronophonograph.
Inasahan na ang gulat sa mga Espanyol nang nakita nila ang bagong imbensyon. Ngunti
dahil sa giyera, natigil ang pag-usbong ng teknolohiya sa bansa. Nagsimula lamang na umunlad
ang mga pelikula sa bansa noong 1909 kung saan pinapalabas ito sa simula ng mga bodabil o
mga karnabal. Sa taong din iyon nagsimulang lumabas ang mga sinehan tulad ng Empire at
Anda. Ang mga direktor ng pelikula ay dumadayo na sa bansa upang kumuha at ipakita ang kanikanilang mgagawa, na marami ay mga dokumentaryo.
Ang mga unang silent film ay lumabas noong 1912, kung saan tinalakay ang buhay ng
bayani, gaya ni Jose Rizal. Pagkatapos ng World War I, nagsimula nang gumawa ang mga
Pilipino ng sarili nilang mga pelikula, tulad ng Dalagang Bukid (1919).Makikita sa mga ito ang
hangarin ng mga Pilipino na hanapin ang kanilang lokasyon sa mundo ng pulitika, kultura at
lipunan sa mundo. Sina Vicente Dalumpides at Jose Nepumuceno ang nakilala bilang mga
unang Pilipinong producer.
Noong 1930s naman lumabas ang mga talkies gaya ng “Ang Aswang, Collegian Love
at King-Kong”. Ngunit sa kawalan ng teknolohiya ay natatalo ng mga dayuhangpelikula ang mga
pelikulang Pilipino. Napilitang magsara ang mga original na studios at umusbong ang mga bago,
tulad ng Sampaguita Pictures, Excelsior at LVN dahil na rin sa magandang balik ng puhunan
para sa mga negosyante.
Sa paglusob ng mga Hapon, napilitang lumipat ang mga produksyongpangpelikula sa te
atro dahil na rin sa naubos na mga kagamitan sa pelikula.
Sa panahon ng giyera, naisip ng mga mananakop na gamitin ang pelikula bilang uri
ng propaganda upang subuking ilayo ang mga Pilipino sa impluwensyang Amerikano, gayana
lamang ng The Dawn of Freedom na ginawa ng Eiga Heisuka.
Ngunit dahil sa nanatili lamang sila saglit ay bumalik din sa normal ang industriya, ano
lamang na nabago ang pokus sa mga kwentong realistiko.
Sa bandang huli ay nagsimulang malugi ang mga studios pagdating ng 1960s dahil sa
pagkamatay ng mga unang producer at pagbabago sa panlasa ng mga tao. Simula nang nagsara
ang mga film studios, napilitang gumawa ng sariling mga pelikula ang mga sikat na artista at
direktor, tulad nina Fernando Poe Jr. at Manuel Conde. Ang mga ibang artista naman ay
napilitang magretiro o lumipat sa radyo at telebisyon. Mapapansin na ang mga pelikula simula sa
puntong iyon ay ginawa upang pagkakitaan, at madalas ang mga ito'y ginaya sa mga pelikulang
Kanluranin ngunit tinipid sa mga kagamitan at aspeto.
Sumikat sa mga panahong ito ang mga pelikulang ginaya sa mga gangster movies kung
saan tinalakay ang krimen sa mas madugo at mas realistikong paraan. Ang mga melodrama
naman ay napuno ng mga kwento ng mga pagtataksil ng mgaasawa o kaya'y mga babaeng
iniwan lang sa hangin.
Ngunit mas makilala ang mga bomba movies na nagtatampok ng mga maiinit at
malalaswang eksena sa gitna ng mgakwento sa magulong lipunan ng dekada '60 hanggang '80.
Ngunit nagsimula din namang umusbong ang mga bagong kwento, artista atdirektor, tulad nila
Nora Aunor, Vilma Santos at Dolphy. Ang mga batang direktor tuladnina Ishmael Bernal, Lino
Brocka at Marilou Diaz-Abaya naman ay nagtampok ng mga pelikulang may halong drama,
komedya, komentaryo realismo ng buhay Pilipino. Kahit na ninais ng pamahalaan na lumawak
ang kontrol nito sa sining sa pamamagitan ng mga buwis at censorship ay nanatili ang makulay
na pag-unlad at pagbabago ng mga pelikula ng panahong iyon.
Elemento ng Pelikula
➢ Pag-arte (Acting)- ang sining ng pagsasabuhay ng isang karakter sa pelikula.
➢ Cinematography - ang paggamit ng kamera upang maisapelikula ang mga eksena sa
isang production o screenplay.
➢ Direksyon (Directing) - ang kontrol ng istilo, laman at pangkahalatang porma ng pelikula.
➢ Distribusyon - (Distribution) - ang pagpapakalat ng pelikula sa mga tanghalan
➢ Editing - ang pagpili at pagsasaayos ng mga kuha upang mabuo ang isang tuloy-tuloy na
pelikula.
➢ Effects - ang pagpapaganda ng mga eksena ng pelikula gamit ang iba't ibang uring
teknolohiya.
➢ Direksyong Pangmusika (Musical Direction) - ang paggamit ng musika upangmagbigay
pokus sa isang eksena o karakter at maipariting ang emosyon sa isang eksena.
➢ Direksyong Pangproduksyon (Production Design) - ang pagkunsepto,pagpaplano at
paggawa ng lahat ng gamit at lugar kung saan nagaganap ang mga eksena sa pelikula.
➢ Scriptwriting - proseso ng pagsulat ng dayalogo ng mga karakter at mga detalyeng
kailangan sa bawat eksena.
➢ Sound Recording - ang paggamit ng dayalogo, musika, naratibo, effects at iba pang
elemento sa pelikula.
Uri ng Pelikula
➢ Aksyon (Action) – ito ay mga pelikulang nagpopokus sa mga bakbakang pisikal; maaring
hango sa tunay na to o pangyayari o kaya naman ay kathang isip lamang.
➢ Animasyon – (animation) mga pelikulang gumagamit ng larawan o pagguhit/droring upang
magmukhang buhay ang mga bagay na walang buhay.
➢ Bomba - mga pelikulang nagpapalabas ng mga huwad na katawan at gawaing sekswal.
➢ Dokyu - (Documentary) - mga pelikulang naguulat sa mga balita, o mga bagay namay
halaga sa kasaysayan, pulitika o lipunan.
➢ Drama - mga pelikulang nagpopokus sa mga personal na suliranin o tunggalian,
nagtutulak ito sa damdamin at ginawa upang paiyakin ang manunuod.
➢ Experimental - mga pelikulang nagnanais na lagpasan ang mga limitasyon ngpelikula o
magpakita ng mga bagay o situwasyong hindi madalas ipinapakita o ginagawa sa pelikula.
➢ Pantasya (Fantasy) - nagdadala sa manunuod sa isang mundong gawa ng imahinasyon,
tulad ng mundo ng mga prinsipe/prinsesa, kwentong bayan o mga istoryang hango sa
mga natutuklasan ng siyensya.
➢ Historikal (Historical) - mga pelikulang base sa mga tunay na kaganapan sa kasaysayan.
➢ Katatakutan (Horror) - nagnanais na takutin o sindakin ang manunuod gamitang mga
multo, bangkay o mga kakaibang nilalang.
➢ Komedi (Comedy) - mga nagpapatawang pelikula kung saan ang mga karakter ay
inilalagay sa mga hindi maisip na situwasyon.
➢ Musical - mga komedyang may temang pangromansa; puno ito ng musika at kantahan.
➢ Period - pelikula kung saan ang mga karakter ay isinalalarawan ang kanilang mga
karanasan sa paglipas ng panahon. Nagtatampok din ito ng halos tunay na
pagsasalarawan ng kasaysayan.
Mga Gabay para sa Pagsusuri ng Isang Pelikula
A. Direktor – Sino ang direktor? Ano-ano ang estilong ginamit sa ikagaganda ng kanyang
pelikula?
B. Tauhan – Malinaw ba ang karakterisasyon ng mga tauhan. Lumutang ba ang mga katangin
ng tauhan upang makilala ang bida (protagonista) at ang kontrabida (antagonista)?
C. Istorya o Kwento – May kaibahan ba ang istorya sa mga dating napanood mo na o ito’y
isang gasgas na kwento lamang? Malinaw bang naihanay ang mga pangyayari sa pelikula
upang lubos na maunawaan ng mga manonood?
D. Diyalogo – Matino ba o bulgar ang mga salitang ginamit sa kauuan ng pelikula. Angkop ba
ang lenggwahe sa takbo ng mga pangyayari?
E. Pamagat – Mayroon ba itong panghatak o impact? Nakikita ba kaagad at nauunawaan ng
manonood ang mga simbolisno na ginamit sa pamagat?
F. Sinematograpiya – Mapusyaw ba o matingkad ang kabuuang kulay ng pelikula? Nakatulong
ba ang paggamit ng visual effects sa paglutang ng mga pangyayari sa kwento?
G.Tema o paksa – Mayroon bang “puso” ang pelikula? May taglay ba itong kaisipan at diwang
tatak sa isip at damdamin ng mga manonood na kaugnay ng kanilang mga karanasan sa
buhay?
Pormat ng Panunuring Pampelikula
I. Pamagat
II. Mga Tauhan
III. Buod ng Pelikula
IV. Banghay ng mga Pangyayari (story grammar)
a. Tagpuan
b. Protagonista
c. Antagonista
d. Suliranin
e. Mga Kaugnay na Pangyayari o Mga Pagsubok sa Paglutas ng Suliranin
f. Mga ibinunga
V. Paksa o Tema
VI. Mga Aspektong Teknikal
a. Sinematograpiya
b. Musika
c. Visual effects
d. Set Design
VII. Kabuuang Mensahe ng Pelikula
B. ANG SINING NG DULA
Ang dula ay isang paglalarawan ng buhay. Ayon nga kay Aristotle, isang pilosopong
Griyego, ito ay imitasyon o panggagagad ng buhay. Kaya nga inaangkin ng dula ang lahat ng
katangiang umiiral sa buhay gaya ng mga tao at mga suliranin.Mahalagang sangkap sa buhay
ng tao ang pagtataglay ng suliranin o problema sapagkat ito ang nagbibigay ng kulay sa buhay.
Ang suliranin ay maaaring likas o umiiral at maaari ring likha lamang. At ang anyo ng dula ay
ayon sa gumagalaw na tauhan at sa kanilang dayalogo o sinasabi.
Katuturan ng Dula
Ang dula ay isa sa maraming paraan ng pagkukwento. Ito’y may tawag na hango sa
salitang Griyego—Drama– nangangahulugang gawin o ikilos (Rubel). Ito ay isang uri ng
panitikang nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo. Ang pinakamahalagang layunin ng
panitikang ito ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matututuhan ng isang manunuri o kritiko
ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood.
Isang larawan ng buhay na sinasangkap ng wika, damdamin at sining. Ito’y sinusulat hindi
upang sulatin at basahin lamang. Hinahabi ito upang itanghal at makaaliw.
- Consolacion SaucoSinasabi ring ang dula ay isang uri ng sining na may layuning magbigay ng makabuluhang
mensahe sa manonood (kung itinatanghal) o mambabasa (kung nakalimbag o isinaaklat) sa
pamamagitan ng kilos ng katawan, dayalogo at iba pang aspekto na kaugnay ng sining na ito.
Ito ay isang uri ng akdang may malaking bisa sa diwa at ugali ng isang bayan. Parang
buhay na inilalarawan dito sa atin ang buti at sama ng isang bayan; ang mabuti ay upang pulutin
at masama ay upang iwasan at di gawin.
- Schiller at Madame De StaeleAng iba’t ibang manunulat ay may sarili rin o hiniram na pagbibigay katuturan sa dula.
Bilang isang panitikan sinasabi ni Arthur Casanova na ang dula ay isa sa mga anyo ng panitikang
naglalarawan ng mga damdamin at pananaw ng mga tao sa partikular na bahagi ng kasaysayan
ng bayan. Ito ay sang uri ng akdang inilalarawan ng mga artista sa ibabaw ng tanghalan o
entablado ang kaisipan at damdamin ng may-akda (Veneranda Lachica). Sinasabi naman ni Ruth
E. Mabanglo na ito ay isang paglalarawan ng buhay, isang pangagagad sa buhay na binubuo ng
mga tauhan. Ito ay isang uri ng akdang may malaking bisa sa diwa at ugali ng isang bayan.
MGA PAMAMARAAN NG PAGSUSURI NG DULA
Bilang materyal – sinusuri ang aspeto ng istorya, mahalaga ang iskrip. Sinusulat ang
iskrip ng dula upang malaman ang mga sumusnod: banghay ng kwento, mga tauhan, kakaibang
ideya o kaisipang napapaloob ditto, at tagpuan o kapaligiran.
Bilang teatro – mga bagay labas sa dula ang sinusuri nito tulad ng mga sumusunod:
direksyon, pagganap ng mga tauhan, pag-iilaw sa tanghalan, paglalapat ng mga tunog at
aspektong teknikal.
MGA ELEMENTO NG DULA
➢ Iskrip o nakasulat na dula. Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula. Ang lahat ng bagay na
isasaalang-alang sa dula at nararapat na naaayon sa isang iskrip. Walang dula kapag
walang iskrip.
➢ Gumaganap o Aktor. Ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan
sa iskrip. Sila ang nagbibigkas ng dayalogo, nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at
pinapanood na tauhan sa dula.
➢ Tanghalan. Anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag
na tanghalan. Tanghalan din ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula o ang
silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase.
➢ Tagadirehe o Direktor. Ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip. Siya ang
nag-iinterpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan
hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidepende sa
interpretasyon ng direktor sa iskrip.
➢ Manonood. Hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hind ito
napanood ng ibang tao. Hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y
maitanghal at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o manood.
MGA SANGKAP NG DULA
➢ Tagpuan. Ito ay sumasaklaw sa panahon at lugar/ pook na pinagyarihan ng aksyon.
Kadalasang inilalarawan ito ng manunulat upang makatulong sa produksyon. Ang
kaligiran ay mahalaga upang makita ng mambabasa ang pinagganapan ng kuwento.
➢ Tauhan. Sila ang gumaganap at sa buhay nila umiinog ang mga pangyayari sa kuwento.
Sila ang nagsasagawa ng kilos na ipinahihiwatig ng kanilang mga dayalogo. Sa kanilang
pagsasalita lumilitaw ang mga butil ng kaisipang ibig palutangin ng sumulat at sa kanilang
mga kilos naipadarama ang damdamin at saloobin. Inuuri ang mga tauhan ng dula batay
sa kanilang tungkulin sa paglinang ng kwento.
• Dramatis personae – mga tauhan ng drama na binubuo ng protagonista at
antagonista.
• Bayani ng trahedya (tragic hero) – ang protagonista sa dulang trahedya.
• Confidant/confidante – sa kanya ibinubunyag ng pangunahing tauhan ang
kanyang pinakapribadong pag-iisip at damdamin.
• Foil – isang maliit na karakter na may kakaiba o taliwas na personalidad na ang
layunin ng manunulat at mabigyang-tuon ang pagkakaiba nito sa ibang tauhan.
➢ Kwento ng Dula. Ito ay maaaring bungang isip lamang o hango sa totoong karanasan.
Sa kasalukuyan, maaaring pagbatayan ang isang maikling katha o kaya ay nobela.
Mayroon din namang pagkakataon na ang orihinal na dula, maikling kwento o kaya ang
nobela ay nagiging batayan ng pelikula o kaya’y dulang pantelebisyon.
ASPEKTO NG KWENTO NG DULA
•
Diyalogo at Kilos. Ang dramatikong diyalogo ay masining, pili at pinatindi batay sa
sitwayon. Hindi dapat kaligtaan ang pagiging natural sa pagsasalita. Ang pagsasalita ay
may sariling katangian—tiig, bigkas, diin, bilis, lawak. Ang galaw ng kalamnan ng mukha,
ng mga bisig, balikat, kamay at katawan hanggang paa mula pagpasok hanggang
paglabas ng tanghalan ay mahalaga. May mga pagkakataong imiinumungkahi ng
manunulat ang mga galaw sa bawat mahahalagang dayalog na higit na
makapagpapalutang ng mensaheng nais ihatid.
•
Banghay. Ito ang basehan ng kayarian ng isang dula. Pinapanood ang mga kilos o
aksyon na sadyang pinag-ugnay-ugnay upang mabuo ito. Masining na pagkakasunudsunod ng magkakaugnay na pangyayari. Hinahati-hati ang buong banghay sa mga yugto
o bahagi at ang bawat yugto ay sa mga tagpo o eksena. Gaano man kahaba o kaikli ang
isang dula, dapat itong magtaglay ng paglalahad, suliranin, gusot at ang kawakasan. Ang
suliranin o ang gusot ay ang pagtaas na ng aksyon na kinakailangan malutas sa
pagtutunggalian ng mga tauhan. Ang huling bahagi ng dula ay ang resolusyon at wakas
na bunga ng tunggalian ng mga tauhan o pwersa sa kapaligiran.
Ang banghay o mga mahahalagang pangyayari ay maaaring buuin ng mga sumusunod
na bahagi. (Ihambing sa mga bahagi ng Maikling Kwento)
•
•
•
•
•
Eksposisyon – Sa bahaging ito ipinakikilala ang mga karakter, nagsisimula ang
paglalarawang tauhan o karakterisasyon at nagpapasimuno ng aksyon. Kung
minsan, isang pormal na prologo ang makikita sa unahan ng drama upang
mailarawan ang tagpuan.
Komplikasyon – Ipinakikilala at pinauunlad ng komplikasyon ang tunggalian.
Nagaganap ito kapag ang isa o higit pang pangunahing tauhan ay nakaranas ng
mga gusot o problema o kapag ang kanilang relasyon ay nagsisimulang
magbagosaglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan.
Krisis – Nagaganap ang krisis sa panahon ng pinakarurok ng intensidad ng
damdamin at kadalasan ay kakikitaan ang desisyon ng maliwanag na tunggalian
ng protagonista at ng antagonista.
Pababang Aksyon at Kakalasan – Nag-uugat ito sa pagkawala ng kontrol ng
protagonista at ang pinal na catastrophe ay hindi na maiiwasan sa pagdating tulad
ng nagaganap sa isang trahedya. Samantala, sa isang komedya, mga mga
dumarating na di-inaasahang pangyayari (twists) na nagbibigay-daan sa drama
upang magwakas nang masaya.
Resolusyon – Sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga
suliranin at tunggalian sa dula. Maaari rin itong magpakilala ng panibagong mga
suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood.
MGA URI NG DULA SA PILIPINAS
•
Parsa. Nagdudulot ito ng katatwanan sa mga tagapanood sa pamamagitan ng paggamit
ng eksaheradong pantomina, pagbobobo (clowning), mga nakakatawa, nakatutuwa,
komikong pagsasalita na karaniwang isinasagawa sa mabilisan at di akmang layunin at si
pagkakaunawaan. Gumagagamit din ito ng mga sitwasyong hindi makabuluhan at
nagpapakita sa ugali ng tao na walang kontrol.
•
Komedya (mula sa Griyego – komos – magkatuwaan o magsaya). Naglalahad ng isang
banghay sa sitwasyong nakahihigit kaysa parsa, higit na seryoso at kapani-paniwala,
ngunit hindi naman sobra. Ang mga tauhan ay makikita sa lipunan ng mga indibidwal;
maaaring sila’y pagtawanan o makitawa sa kanila na may pansin sa kanilang kalagayan
o suliranin. Isang dramatikong epekto na humihikayat sa pagbabago ng lipunan, sapagkat
ito ay tunay na salaming sosoyal.
•
Melodrama. Tumutukoy ito hindi lamang sa kawili-wiling misteryo, ngunit maging sa mga
dulang may mapuwersang emosyon o damdamin na puno ng mga simpatetikong mga
tauhan. Karaniwang gumagamit ito ng poetikong katarungan at humihikayat ng pagkaawa
para sa mga propagandista at pagkamuhi para sa mga antagonista. Ito’y umaabot at
sumasaklaw sa seryosong drama o dula na tinatawag na “drama” sa Ingles at sa tinatawag
na dulang suliranin (problem play) na patungo sa trahedya.
•
Trahedya. Kumakatawan ito sa mga tauhan na ang lakas ng isip ay nakatuon sa kanilang
kalikasan ng sariling moralidad at sila’y nagagapi sa mga puwersa o laban sa kanila. Ayon
kay Aristotle, ang ganap na trahedya ay dapat gumagad sa mga kilos na nagkakaroon ng
awa at takot. Ang pagkagapi ng trahikong protagonista ay di maiiwasan, di matatanggap,
at nagkakabunga ng masakit na pagtanggi sa moral na imperpeksyon o kaya sa poetikong
kawalang katarungan sa daidig.
•
Saynete. Ang layunin nito ay magpatawa ngunit ang mga pangyayari ay karaniwan
lamang. Ang mga gumaganap ay tau-tauhan at nasa likod ng telon ang mga taong
nagsasalita. Ito’y mayroon ding awitin.
Mahahalagang Konsepto sa Dula
1. Antagonista – ang tauhang sumasalungat at humahadlang sa protagonista upang
matupad niya ang kanyang tungkulin o layunin.
2. Bayani (hero/heroine) - ang protagonistang nakakuha ng ating pagmammahal o
paghanga.
3. Bilog na tauhan – tauhang may iba’t ibang uri ng personalidad at tila ba may buhay sa
labas pa ng salaysay.
4. Casting – ang pagpili ng mga gaganap sa dula.
5. Catastrophe (sakuna) – ang pagtatapos ng isang trahedya. Galing ito sa wikang Griyego
na nangangahulugang “pababang kilos.”
6. Deus ex machine – sa matatandang dula, ito ay ang pagbaba ng isang diyos sa tanghalan
upang iligtas ang protagonista sa kapahamakan. Kaya nga ito rin ang tawag sa anumang
pangyayari na di-sinasadya o di-inaasahan na nagpapabago ng wakas ng isang dula.
7. Direksyon sa tanghalan (stage direction) – ang paglalarawan ng pag-uugali at pagkilos ng
tauhan na hindi taglay ng mga dayalogo. Madalas ito nakasulat ng pahilig o nakapaloob
sa panaklong.
8. Dramatic irony – ito ay kadalasang bunga ng pagkakaiba sa pagitan ng sinasabi at
ginagawa.
9. High comedy – komedya nakatuon sa matalinong pag-iisip batay na rin sa pagiging
malikhain ng banghal at kahusayan sa pananalita.
10. In medias res – sa mga klasikong dula, ang pagsisimula sa kalagitnaan ng salaysay.
11. Karakter na istak (stock) – mga tauhang ang katangian ay eksaherado at karaniwan na
kumakatawan sa isang tipo o uri ng kalikasan ng tao.
12. Katarsis (catharsis) – (mula sa Griyego – paglilinis) ang kaginhawahang naramdaman
matapos masaksihan ang isang masaklap na pangyayari sa dulang trahedya. Sinadya ni
Aristotle na gamitin ang salitang ito upang tutulan ang pananaw ni Plato, isa ring
pilosopong Griyego, na ang dula ay nagpapapakita ng kahiya-hiyang emosyon at
masasamang pag-uugali.
13. Katulong na mga tauhan (minor/supporting) – tumutulong sila sa pagsusulong ng aksyon
subalit hindi sila ang sanhi o biktima nito.
14. Koro (chorus) – sa dulang Griyego, ito ay isang pangkat ng mga tauhan na kumakanta o
sumasayaw nang sabay-sabay. Sila rin ay nagbibigay ng komento sa aksyon ng mga
pangunahing tauhan.
15. Low comedy – komedya na nakatuon sa pinakamababang sense of humor tulad ng
pagtatawa sa mayroong pisikal na karamdaman o indignidad.
16. Madulang aksyon (dramatic action) – anumang pagkilos ng tauhan sa tanghalan na
makapupukaw at makakukuha ng atensyon ng mga manonood.
17. Pangunahing tauhan (central character) – ang protagonist sa dula. Kung walang tahasang
protagagonista at ito ay ikinalat sa iba’t ibang tauhan ito ay tinatawag na dula ng
kapaligiran. (plays of atmosphere)
18. Proscenium – ang bahagi ng tanghalan na nasa harapan ng tabing. Ito ang arkong
naghihiwalay sa gumaganap at sa manonood. Ito ang karaniwang ayos ng mga
awditoryum sa mga paaralan.
19. Romantikong komedya – naglalarawan ng karaniwang pantahan o pampamilyang
sitwasyon o pangkasalukuyang pag-uugali. Ito ay nagsisimula sa isang magulong
romantikong relasyon na nagtatapos sa isang masayang pagwawakas.
20. Satira (Satire) – pinagiging katawa-tawa ang anumang bisyo ng tao o kanyang
kahangalan.
21. Skit – isang impormal na pagsasanay sa dula na hindi kasing lalim o kasinlawak ng
ordinaryong dula.
22. Static characters – mga tauhang walang pagbabago sa buong yugto ng naratibo.
23. Tagpo/Eksena (Scene) – isang yunit ng aksyon na nagaganap sa isang tiyak na oras at
lugar.
24. Tanghal – ang bahaging ito ang ipinanghahati sa yugto kung kailangang magbago ng
ayos ang tanghalan.
25. Yugto (Act)– isang yunit ng aksyon sa dula at maaaring may ilang tagpo. Ipinanghahati
ito sa dula sa pamamagitan ng pagbababa ng tabing upang magkaroon ng panahong
makapagpahinga ang mga nagsisiganap gayundin ang mga manonood.
C. SINING NG PAG-AWIT
Ang awit ay pangkalahatang tawag sa kanta o musikang pam-boses. Sang-ayon sa isang
matan-dang diksiyonaryo, maraming inabutang awit ang mga manan-akop na Español. Kabílang
dito ang diyona (para sa kasal at iba pang pagdiriwang), indolanin (may malungkot na himig), dolayanin (awit hábang nagsasag-wan), soliranin (awit sa paglalakbay sa karagatan), holohorlo (awit
sa pagpapatulog sa sanggol), at iba pang anyong pampanitikang may himig, na maihahambing
ngayon sa “ablon” ng dumagat, “bayok” ng Mëranaw at Mansaka, “ayoweng” ng Bontok, at
“ogayam” ng Kalinga.
Sinasabi na may awit ang mga Filipino sa bawat okasyon ng kanilang buhay at sa lahat
ng kanilang gawaing komu-nal. Sa pag-aaral ng sinaunang panitikan, tinatawag ang mga ito na
“awiting-bayan” (folksong). May awiting-bayan sa pag-aalaga ng sanggol, may awiting-bayan sa
kasal, may awit sa pagsasaka at pangingisda, at may awiting-bayan sa patay. May mga awitingbayan ding gaya ng “pamatbát” na pasalaysay tungkol sa kaugalian at kasaysayan ng tribu. May
awiting-bayang sagutan na gaya ng “talingdáw,” at may awiting-bayang masayá at mapagpatawa
na gaya ng seryeng Doon Po sa Amin.
Nitong ika-19 siglo, awit din ang tawag sa isa sa dalawang naging popular na anyo ng
metriko romanse. Ang isa pa ay tinatawag na “korído.” Kapuwa mahabàng tulang pasalaysay
hinggil sa mga nakagigilalas na pakikipagsapalaran ng mga prinsipe at kabalyero o mga buhay
ng banal na tao ang awit at korido. Nagkakaiba lámang ang dalawa sa sukat ng taludtod nitó. Ang
korido ay may sukat na wawaluhin at ang awit ay lalabindalawahin.
Hanggang ngayon, tampok ang awit sa mga kasayahan at pagtitipon. Maaari rin itong
maging tampok na aktibidad para sa kasiyahan ng mga iginagálang na bisita. Maaari itong awitin
ng propesyonal, para sa mga pormal at malalaking okasyon. Ngunit sa di gaanong pormal na
pagtitipon, halimbawa ay simpleng kasal at kaarawan, ang mismong ikinakasal ang gumagawa
nitó upang mabigyan sila ng “gála”—ang salaping regalo ng mga kaanak at kaibigan.
RELASYON NG AWIT AT WIKA
Magkaaakapay ang awit at wika sa pagbuo ng pagkakakilanlan ng kulturang Filipino.
Maihahalintulad sa kaluluwa ng isang tao ang ugnayan ng dalawa kahit masalimuot at hindi
eksaktong maipapaliwanag ang kahulugan nito. Bunga nito, mauuwi lamang sa mahabang pagaaral at diskurso ang anumang usaping nahihinggil dito. Subalit sa pagpasok ng globalisasyon,
unti-unting kinakain ng wikang banyaga, maging ang mga likhang sining sa Pilipinas kasama na
ang awiting Filipino. Nasasapawan na rin ang mga tradisyunal na awiting Filipino ng mga popular
na awiting kumakagat ngayon sa mga panlasa ng marami.
Ayon kay Nilo Mangusad, isang kompositor at propesor sa Conservatory of Music,
refleksyon ang awit ng kultura ng mamamayan at sa pamamagitan nito, makikilala natin ang mga
Filipino. “Sumasalamin ang awiting Filipino sa buhay, gawain, kultura, pakikibaka, inspirasyon,
pangyayari sa kapaligiran, at sa nararamdaman ng mga Pilipino bilang tao. Isa ring magandang
daluyan ng wika ang musika. Gumagamit ka ng wikang Filipino, naisasaliw ka pa nito.
Sa ganitong pamamaraan, mas mapapalapit ka sa iyong wika, sapagkat tumatagos sa
damdamin,” ayon kay Noel Cabangon, kilalang kompositor sa bansa na lumilikha ng mga awiting
nasusulat sa Filipino. Mula aman kay Prop. Eugene De Los Santos, nagtuturo ng Voice sa
Conservatory, dumadaloy sa awit ang wika at nagsisilbing salamin ito ng huli. Nagsisilbi rin itong
instrumento upang makita ang mga pagbabagong nagaganap sa wika.
Download