Uploaded by Quilente, Irish May L.

Ikatlong Pagbabahagi Panahon ng Bagong Lipunan

advertisement
Ang Panahon ng
Aktibismo at Bagong
Lipunan
Irish May L. Quilente
BSA 1-2
Naging mainit ang pamamalakad ng aktibismo ng mga kabataan
noong taong 1970 – 72. Ang dahilan ng kanilang pagiging
aktibista ay samutsaring paniniwala. Iba’t ibang samahan ang
naitatag at nasapian ng ating mga kabataan nang panahong ito.
May mga kabataang nabilang sa Bagong Hukbo ng Bayan (New
People’s Army), may mga naging “Burgis” radikal o rebelled at
mayroon ding mga nanatiling parang mga walang pakialam sa
takbo ng pamahalaan. Sa kalahatan, maraming mga kabataan ang
naging aktibista upang humingi ng pagbabago sa takbo ng
pamahalaan. Maraming akda ang naisulat sa panahong ito, ngunit
sa higpit ng pamahalaan noon, ay kakaramput na lamang ang
natira ngayon.
Ang karaniwang paksain at laman ng mga
pahayagan at panitikan noong panahong ito
ay punong-puno ng damdaming
mapaghimagsik. Ang mga dating
Aristokratang manunulat ay nagkaroon ng
kamulatang panlipunan. Madalas tungkol sa
kabulukan ng lipunan at pulitika ang talakay
nila noong panahong ito.
Humantong sa pagdedeklara ng Batas
Militar o Martial Law noong 1972 ang
binhi ng aktibismo. Sa mga panahong ito
nauso ang duguang plakard. Ang pag
rarali ng mga aktibista at ilan pang taliwas
sa gobyerno nang may plakard na kasing
pula ng dugo ang ipinangsusulat.
Sa panahon ng pamumuno ni Pangulong
Ferdinand E. Marcos, idineklara nya ang
Batas Militar. Ito ang nagpasimula ng
pagpapakilala ng Pangulo sa tunguhin ng
kanyang pamahalaan na pagkakamit ng
bansa ng kaunlaran sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng isang Bagong Lipunan,
kayat maraming mga kathang nalathala na
nauukol sa pagtataguyod ng mga layunin ng
bagong lipunan.
May mga lathalain ding naglalarawan ng tunay na
nadarama ng marami sa Pilipino nang panahong
iyon. Ang mga nasabing akda ay nagpapahiwatig ng
mapanghimagsik na damdaming namamayani at
pagtutol sa nadaramang pagsupil sa ilang karapatang
pantao katulad ng kalayaan sa pagpapahayag at
pamamahayag. Palihim o pailalim na nalathala ang
mga naturang akda.
Sa panahon ng Batas-Militar ay
ipinagbawal ang mga di-opisyal na
diskurso, ang bawat sambit ay dapat
naaayon sa diskurso ng
nakakapangyayari. Nagkaroon ng
paglilinis(sensura) ng mga palabas,
brodkast at limbag na midya.
Nilikha ang mga pangkulturang institusyon, organisasyon,
programa at iba pang may kinalaman sa
paglalatag ng pundasyon ng Bagong Lipunan:
 Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP)
 National Music Competition for Young Artists
(NAMCYA)
 Phil. Youth Orchestra
 Philharmonic Orchestra
 Philippine Society for Music Education
 Popular Music Foundation of the Philippines
Mga ipinatayong gusali na naging tahanan
ng kulturang Pilipino
 Folk Arts Theater
 Cultural Center of the Philippines
 Philippine International Convention
Center
Bunga ng mga nagaganap na malawakang kilos protesta ng iba’tibang samahan at ang masigasig na aktibismo ng mga kabataan
noong Panahon ng Isinauling Kalayaan, idineklara ni Pangulong
Ferdinand Marcos ang Batas Militar noong Setyembre 21, 1972.
Dito nagsimula ang panahong ng Bagong Lipunan. Luntiang
Rebolusyon, Pagpaplano ng Pamila, Wastong Nutrisyon, Drug
addiction, Polusyon at iba pa ang karaniwang naging paksain ng
panitikan nang panahong ito. Sa panahong ito rin pinagsikapang
putulin ang mga malalaswang mga babasahin at pelikula gayundin
ang mga akdang nagbibigay ng masamang impluwensiya sa moral
ng mga mamamayan.
Nagtatag ang pamahalaan ng military ng bagong
kagawaran na tinawag na “Ministri ng Kabatirang
Pangmadla” upang siya ang mamahala at
sumubaybay sa mga pahayagang, aklat, at mga iba
pang babasahing panlipunan. Kasabay ng
deklarasyon ng Batas Militar ang pansamantalang
pagpapahinto ng publikasyon ng mga pahayagan,
ang sirkulasyon ng mga ito, pambansa man o
pampaaralan. Pinahinto rin ang pagpapalabas ng
mga panooring pantelebisyon at pagtatanghal ng
mga pelikula. Pansamantalang natigil ang mga
programa sa radyo .
Muling naibalik ni Ginang Imelda Romualdez
Marcos ang dating ating mga sinaunang dula
tulad ng Senakulo, Sarsuela, Embayoka ng mga
Muslim at iba pa. Naging laganap ang pag-aawit
noon sa wikang Pilipino. Malaki rin ang
naitulong ng mga lingguhang babasahin tulad ng
Kislap, Liwayway at iba pa sa pag uunlad ng
Panitikan. Tahasang masasabi na nagningning
ang Panitikang Filipino noong panahong ito.
Naging paksa rin ng mga tula ang pagkakaisa,
tiyaga, pagpapahalaga sa pambansang kultura,
ugali, kagandahan ng kapaligiran, at iba pa.
Naging karaniwang paksain ng mga
lathalain sa unang bahagi ng Dekada’ 70
ang tatlong tunguhin ng bansa sa ilalim ng
Bagong Lipunan. Ang mga ito ay ang
pagtataguyod ng kaunlaran
pangkabuhayan, pagbabagong panlipunan
at kalinangang pangkultura ng bansa.
Talasanggunian
Santiago, Erlina M. Panitikang Filipino . Kasaysayan at Pag – unlad
Pangkolehiyo . National Bookstore . Manila . 1989 .
Arrogante, Jose A. et al. Panitikang Filipino (pampanahong elektroniko).
National Book
Store. Mandaluyong City. 1991
Agyaman Nak!
Download