Ang pagsulat ng wika ay mas kompleks kaysa sa pasalitang wika. Ang pasulat na wika ay may higit na mahahabang salita, mas mayaman sa leksikon at bokabularyo. Maidaragdag pa rito ang ang kompleksidad ng gramatika na higit na kapansinpansin sa ano mang pasulat na Higit na pormal ang akademikong pagsulat kaysa iba pang sangay ng pagsulat.Hindi angkop dito ang mga kolokyal at balbal na salita at ekspresyon. Sa akademikong pagsulat, ang mga datos tulad ng facts and figures ay inilalahad nang tumpak o walang labis at walang kulang. ang akademikong pagsulat, sa pangkalahatan ay obhetibo, sa halip na personal.Ang pokus kasi nito kadalasan ay ang impormasyong nais ibigay at ang mga argumentong nais gawin, sa halip na ang manunulat mismo o ang kanyang mambabasa. Ang akademikong pagsulat ay esksplisit sa ugnayan sa loob ng teksto. Responsibilidad ng manunulat nito na gawing malinaw sa mambabasa kung paano ang iba’t ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa’t isa.Ang ugnayang ito ay nagagawang eksplisit sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang salitang signaling words sa Ang akademikong ay gumagamit nang wasto ng mga bokabularyo o mga salita.Maingat dapat ang manunulat nito sa paggamit ng mga salitang madalas katisuran o pagkamalian ng mga karaniwang Sa akademikong pagsulat, ang manunulat ay kailangang maging responsable lalong-lalo na sa paglalahad ng mga ebidensya, patunay o ano mang nagpapatibay sa kanyang argumento. Kailangan din niyang maging responsable sa pagkilala sa ano mang hanguan ng impormasyong kanyang ginamit kung ayaw niyang maparatangan na isang Ang layunin ng akademikong pagsulat ay matugunan ang mga tanong kaugnay ng isang paksa.Ang mga tanong na ito ang nagbibigay ng layunin Ang akademikong pagsulat ay hindi lamang listahan ng mga katotohanan o facts at paglalagom ng mga hanguan o sources. Samantalang ang manunulat ay naglalahad ng mga ideya at saliksik ng iba, ang layunin ng kanyang papel.Ito ay tinatawag na sariling punto de bista ng manunulat Bawat pangungusap at bawat talata ay kailangang sumusuporta sa tesis na pahayag.Kailangang iwasan ang mga hindi kinakailangan, hindi nauugnay, hindi mahalaga at taliwas Ang akademikong pagsulat ay may sinusunod na istandard na organisasyonal na hulwaran. Ang karamihan ng akademikong papel ay may introduksyon,katawan at kongklusyon. Bawat talata ay lohikal na nauugnay sa kasunod na talata. Ang katawan ng talataan ay kailangang may sapat at kaugnay na suporta para sa pamaksang pangungusap at tesis na pahayag.Ang suportang ito ay maaaring kapalooban ng facts, figures, halimbawa, deskripsyon, karanasan, opinyon ng mga ekspert at siniping pahayag o quotations. Napakahalaga nito, dahil bilang manunulat , kailangang matulungan ang mambabasa tungo sa ganap na pagunawa ng paksa ng papel at magiging posible lamang ito kung magiging malinaw at kumpleto ang pagpapaliwanag sa bawat punto ng Sa karamihan ng akademikong papel, kailangang gumamit ng napapanahon,propesyonal at akademikong hanguan ng mga impormasyon.Dahil dito, napakahalaga ng pananaliksik sa akademikong pagsulat. Kaugnay nito, mahalagang maipamalas ang intelektwal na katapatan sa pamamagitan ng dokumentasyon ng lahat ng hinangong impormasyon o datos. Iminumungkahi na angb dokumentasyon ay sa Kakaiba ang estilo sa akademikong pagsulat, kaysa ibang uri ng pagsulat, tulad halimbawa sa malikhaing pagsulat.Iskolarli ang estilo sa pagsulat ng akademikong papel dahil sinisikap dito ang kalinawan at kaiklian.Kailangan ding maging madaling basahin ang akademikong papel,kung kaya’t napakahalaga na maiwasan ang mga pagkakamali sa gramar, ispeling, pagbabantas at bokabularyo sa pagsulat nito. Ang mga gayong pagkakamali ay nagpapahiwatig ng kawalan ng pag-iingat,kung hindi man ng kakulangan ng Unang Kategorya Ipinapalagay na karaniwan ito dahil madalas na ipagawa sa mga magaaral sa iba’t ibang asignatura. Nabibilang dito ang Sintesis, Buod, Abstrak, Talumpati at Rebyu. Ikalawang Kategorya Ang ikalawang kategorya ay naiiba sa iba pang anyo ng akademikong papel.Personal kasi ang mga ito.Sa ibang salita ay pansarili,kaiba sa ibang anyo ng akademikong papel. Taliwas sa iba, nakatuon ang mga ito sa manunulat mismo, sa kanyang iniisip at nadarama kaugnay ng kanyang paksa,maging sa kanyang mga personal na karanasan at maging sa kanyang may pagkiling o subjective na pananaw. Nakapaloob dito ang Replektibong Sanaysay, Ikatlong Kategorya Ang ikatlong kategorya naman ay walang ibang dahilan sa pagkakategoryang ito maliban sa residual ang mga ito. Ibig sabihin, hindi nabibilang ang mga ito sa una at ikalawang kategorya. Nakapaloob dito ang Bionote, Panukalang Proyekto, Agenda at Katitikan ng Pulong. (sa Bernales, et. al.,2017)