Uploaded by Joana Bandal

Esensya ng Pag-iisang Dibdib

advertisement
Esensya Ng Pag-iisang Dibdib
Pre- kolonyal na lipunan
Mga kasaysayang kinagisnan
Noon at mapahanggang ngayon ito’y binubuhay
Kaugalian ng kasal, aking isasalaysay
Pagpapakasal ay isang pribadong seremonya
Isang lalake, isang babae na nagpasya
Maging katuwang sa hirap at ginhawa
Mga pagsubok na dapat masagawa
Pasensiya at dedikasyon
Lalake ay dapat magkaroon
Tiwala ay dapat pag-iiponan
Paninilbihan sa pamilya ng babae ay kinakailangan
Samu’t saring kondisyon
Pagbibigay-kaya na naaayon
Seremonya na dapat isang Babaylan ang nangunguna
Mga tradisyon na nakatatak na
Nawa’y maging halimbawa ng mga kabataan
Na ang pagpapakasal ay dapat pinag iisipan
Sana ang tulang ito ay makatulong sa pagpapaunlad
Sa paglaganap ng kasaysayan na hindi dapat mababaon sa lupa.
Download