Uploaded by Krystalle Mirah Casaway

ESP report

advertisement
ARRANGE THE JUMBLED WORDS
01 YAKNALAA
03 HATOKANATNO
may kakayahang
gawin ang kung
anong gusto ng
walang
nakakapigil sa iyo
pagsasabi ng totoo
na walang halong
kasinungalingan
04 RTAKAANGUN
pagiging wasto o
kawastuhan
05 ASIAKAKAPAG
02
NGAHITUBAK
TAHALNAP
nagkakaisa ang
bawat tao sa
isang lipunan
pagtutulungan,pa
gsasama-sama,
pagkakatugma-tu
gma, ang isang
pamayanan
Mga Prinsipyo ng
Solidarity at
Subsidiarity
Pahina 25-30
Ang Lipunang Politikal
-
Nais ng lipunan na makapagbigay ng maayos na pamumuhay sa mga
nasasakupan nito.
Ngunit sa dami ng pamilya at mga institusyong tumutugon sa pangangailangan ng
bawat isa, isang pamahalaan ang kailangang magpanatili ng organisadong sistema
ng paglalaan ng bawat tao sa lipunan.
Nabanggit sa nakaraang aralin na hindi kaya ng tao ang mabuhay nang mag-isa.
Ganito rin ang pamahalaan, hindi nito kayang tugunan ang bansa nang mag-isa.
Hindi nito kayang tugunan ang bansa nang nag-iisa.
Dapat itong may katuwang tulad ng mga paaralan at iba’t ibang institusyon upang
matagumpay ang mga layunin nito para sa lahat.
Kailangang may italagang mga taong mamamahala at tutupad sa mga tungkulin at
pananagutan na pumoprotekta sa kapakanan at karapatan ng mga taong
nasasakupan nito.
Mga Kondisyon sa Pagtupad ng
Kabutihang Panlahat
Kalayaan
01
Ang kalayaan ang unang kondisyon ng pagiging makatao na masasabing ka
tanggap-tanggap sa lupinang politikal. Kung walang kalayaan ang tao na magpamalas
ng kanyang opinyon, sumunod sa kanyang konsensya, at magpaunlad ng kanyang mga
kakayahan, ang lipunan ay hindi makatao
Katotohanan
02
Ang lahat ng bagay at ang sangkatauhan ay nagmula sa Diyos. Ito ang katotohanang
hinahanap ng tao sa pagtupad ng bawat Telos sa kanilang buhay. Dahil sa
katotohanan, nagagawa niyang kumilos tungo sa nagkakaisang layunin.
Katarungan
03
Kung walang katarungan, hindi magkakaroon ng lipunan at tanging kaguluhan
lamang ang iiral. Sa kawalan ng katarungan sa lipunan, hindi naipamamalas ng
tao ang kanyang kagalingan spagkat siya ay nakadarama ng panganib para sa
kanyang seguridad.
Prinsipyo ng Solidarity
Ang tao bilang bahagi at bumubuo ng lipunan ay tungkulin na
magtulungan upang maging katuwang ng pamahalaan sa mga
proyekto nito. At tungkulin ng pamahalaan ay ang magtayo ng
mga akmang estruktura upang matulungan ang mga
mamamayan.
Ang mga proyektong ito ay ibinabalik nila sa mga tao upang
mapaunlad ang kanilang mga potensyal.
Ayon kay Aristotle, ang lipunan ay isang komunidad ng
mga tao na minimithi ang pakikipagkaisa (communio o
koinonia) at ang pagkakaroon ng philia ay ang pagkakaroon
ng damdamin na mapabilang sa isang pangkat na
umaakay sa atin upang mahalin natin ang ating kapwa.
Ipinabatid lamang ng prinsipyo ng solidarity o pagkakaisa na ang
bawat tao ay may malayang pananagutan para sa bawat isa’t-isa,
dahil tayo ay mga panlipunang nilalang.
● Mga paraan upang ipakita ng tao ang pagkakaisa
sa lipunan:
➢
➢
➢
➢
➢
➢
➢
➢
Pag-aaral nang mabuti upang makapag-ambag ng kaalaman sa
lipunan
Pagpapatupad ng maayos na panukala ng pagtitinda
Pagtatrabaho ng maayos
Pagbabayad ng tamang buwis
Pagpapaunlad ng kakayahan upang makatulong sa komunidad
Pagkakaroon ng kamalayan sa mga isyung panlipunan
Maging mapanuri sa mga pangangailangan ng pamayanan
Maging responsable at mabuting tagasunod ng batas
Prinsipyo ng Subsidiarity
Nagmula sa salitang Latin na Subsidium na ang kahulugan ay tulong.
Ang pamahalaan ay institusyong binuo ng mga tao sa lipunan upang magkaroon ng
organisado at sistematikong pamamahala ngunit hindi magagawa ng pamahalaan
ang lahat ng tungkulin nito kung wala ang ibang mga institusyon.
Ang pagtugon ng pamahalaan sa mga pangangailangan ng tao ay nakaugat sa pag sisilbi
ng kabutihang panlahat.
Dahil sa lawak ng nasasakop ng pamahalaan, at mga taong kailangan maabot ng
pangangailangan, nagtatalaga ang gobyerno ng mga sangay sa iba’t ibang lalawigan.
Ayon kay Aristotle, ang ilang likas na mga institusyon ay nabubuo sa mga lungsod tulad
ng pamilya, mga tribu, asosasyon, magkakapitbahay, at mga taganayon.
Ang papel nito ay nagsisilbing sangay (subsidiary) upang matulungan ng
mga siyudad ang pangangailangan at minimithi ng maliit na grupo. Sa
subsidiarity, tinitiyak ng estado na ang likas o mga nasa lebel ng
kontraktuwal (kompanya, pribadong sektor, at iba pa) ay maka
pagpapalago ng kanilang mga potensiyal sa pagsisilbi sa kabutihang
panlahat. Ang prinsipyong ito ay higit na mapiiral kung ang awtoridad ay
nagmumula sa tao at inoorganisa mula sa pinakamababang lebel patungo
sa pinakamataas.
Ilan sa mga halimbawa ng mga sangay na ito ay ang mga sumusunod:
organisadong pangkat sibiko, mga asosasyon, maliliit na kooperatiba, mga
barangay, at maliliit na pangkat na nagpapakita ng serbisyong tapat upang
umangat ang kalagayan ng lipunan.
Ang maliliit na lipunan tulad ng komunidad ng mga magsasaka, doktor, at
iba pa ay katuwang na pamahalaan sa pagbigay ng tulong sa malalayong
bahagi ng bansa. Ang papel ng mga sangay na ito ang nagbibigay-daan sa
pagbabago mula sa lakas patungo sa pag kilos at pagde-deploy ng mga
kakayahan ng mga tao sa lipunan. Ang paglalagak ng iba’t ibang sangay ng
pamahalaan ayu nakakatulong upang maunawaan ng tao na hindi
palaging inaalsa sa pamahalaan ang pagsasagawa ng paraan upang
umunlad ang lipunan. Ang mga sangay na pinamumunuan ng mga
alkalde, konsehal, at ilang mga itinalaga sa pamumuno ay nagsisilbing
bahagi ng mas malaking pangkat upang tumulong sa pagganap ng mga
bahagi sa pagkamit ng kabutihang panlahat
Ayon kay St. Thomas Aquinas, ang pagiging kabilang ng tao sa isabng
pangkat o lipunan ay hindi maituturing na huling tunguhin o telos kundi
isa lamang tulong upang makapag-ambag sa pagpapabuti ng tao sa
lipunan. Samakatuwid, ang ugnayan ng bawat pangkat sa lipunan ay
makatutulong lalo kung may maayos na pamumuno upang maipatupad
ang mga layunin nito tungo sa kabutihang panlahat.
Sa panahong ito maraming pagsubok na pinagdaraanan ang lipunan, kaya’t higit
na inaasahan ng pamahalaan ang pagtulungan at pagkakaisa ng mga mamamayan
lalo na ng tulad mong kabataan sa pag-aambag sa kabutihang panlahat. Narito ang
ilang mga paraan upang makatulong ka sa prinsipyo ng subsidiarity:
Sumapi sa mga kapisanan ng mga kabataan na naglalayong tumulong
sa panahon ng kalamidad o mga gawaing nagpapaunlad ng talento ng
mga kabataan.
Maging mabuting pinuno at siguraduhing nabibigyang-atensiyon
ang pangangailangang makilala ng bawat miyembro ang kanilang
mga talento sa grupong pangangailangan.
Sumali sa mga proyektong pampamayanan na kayang lahukan at
nauunawaan ang mga layunin.
Suportahan ang mga gawaing pampaaralan ng student government upang
palakasin ang karapatan ng mga kapwa-estudyante o magsilbing boses para
sa kanilang pangangailangan
Palakasin at linangin ang mga kakayahang mag-aambag sa makabagong
paraan sa paglutas ng mga suliranin ng pamayan. “Be the solution and not
the problem.”
Mahalaga ang sama-samang pagbalikat sa isang layunin para sa ikabubuti at
ikakataas ng lipunan at bansa.Biang kabataan, mahalagang maging maalam ka sa
mga gawaing sumasaklaw sa iyong lipunan. Ang pamumuno ay hindi isang biro, higit
ang pamumuno at pagpapaunlad ng isang bansa kaya ang pakikiisa mo sa ilang mga
gawain at pagiging kritikal at mapanuri sa mga nangyayari at pangangailangan ng
pamayanan ay makatutulong sa pagtataguyod ng kabutihang panlahat. Siguraduhin
lamang na ang mga sinusuportahang adhikain at proyektong pampamayanan ay
tunay na makabubuti para sa lahat.
“Without your involvement you can’t succeed.
With your involvement you can’t fail.”
-Abdul Kalam
Thanks for
listening!
(The best si Jan)
Group 1
Agazon, Hannah
Arcangeles, Mariela
Barrameda, Francine
Borja, Jan
Casaway, Krystalle
Flores, Russel
Download