Uploaded by weniferlove

Q1W1-FIL

advertisement
Q1W1
FILIPINO 6
Binibining Wenifer
M. Pampo
Pagsagot ng mga Tanong Tungkol sa
Napakinggan/Nabasang mga Pabula,
Kuwento,
Tekstong Pang-impormasyon at Usapan
ANO ANG PABULA AT
ANO ANG MGA
ELEMENTO NITO ?
ANO ANG MGA
HALIMBAWA NG
PABULA
Ang PABULA ay…..
• Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip
na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga
bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga
tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing,
lobo at kambing, at kuneho at leon.
• May natatanging kaisipang mahahango mula sa
mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na
aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din
itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.
Elemento ng Pabula
• Tauhan
• Ang mga tauhan sa isang pabula ay ginagampanan ng
mga hayop, kung saan payak ang ginagawang
paglalarawan sa mga tauhan
• Tagpuan
• Sa tagpuan ay tinutukoy ang panahon lugar o pook
kung saan naganap o magaganap ang pangyayari
sa kwento. mayroong dalawang uri ng tagpuan. ang
payak at pahiwatig.
Elemento ng Pabula
• Banghay
• Ang banghay ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari sa pabula. Ito ay mayroong
simula,gitna at wakas.
• Aral
• Sa isang kwento ay dapat hindi nawawalan ng aral, o
magandang aral para sa mga mambabasa upang
maituwid niya kung ano man ang mga pagkakamali na
nagawa niya sa buhay.
Download