Uploaded by KYZEN NICOLE CULING

Karanasan at Perspektibo tungkol sa Online Classes ng mga Working College Students ng Batangas State University (1)

advertisement
Republika ng Pilipinas
PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS
BatStateU Alangilan
Alangilan, Batangas City
KOLEHIYO NG INHINYERO, ARKITEKTURA AT MAPINONG SINING
Inhinyerong Elektrikal, Kontrol at Pang Instrumento at Mekatronika na Departamento
CONDEZ, MARION RUSSEL L.
20-09983
CUETO, NICOLE ANGELA A.
20-08262
CULING, KYZEN NICOLE
20-09056
EE-2205
FILI 102: Filipino sa Iba’t ibang Disiplina
Karanasan at Perspektibo tungkol sa "Online Classes" ng mga Working College Students
ng Batangas State University
EE APRIL 2022
I.
Introduksyon
Ang pagtatrabaho o ang pagpapart time-job habang nag-aaral ay matagal nang bahagi ng
buhay ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Ito ay bunga ng mga pagbabago sa pinansyal na
mekanismo na ipinatutupad ng mga unibersidad na nagdudulot nang pagtataas ng bilang ng mga
mag-aaral na nagtatrabaho habang ginaganapan ang mga responsibilidad sapag-aaral (Perna &
Odle,2020).
Sa nagdaang mga taon ng pandemya, ang mga restriksyon at ibat’ ibang paraan ng
paglilimita ay nagdulot ng malawakang epekto sa iba’t ibang sektor pang-ekonomiya. Ang
kawalan ng hanapbuhay ay isa sa mga naging sanhi ng kahirapan na dinaranas ngayon ng
milyon-milyong pamilya sa bansa.Dahil sa kawalan ng trabaho at pagkakakitaan, isa sa mga
naapektuhan ang edukasyon ng mga mag-aaral. Bagama’t nabigyang solusyon ang suliranin sa
paraan ng paghahatid ng edukasyon sa panahon ng pandemya sa pamamagitan ng paggamit ng
teknolohiya at internet, nagdulot naman ito ng suliraning pampinansyal sa karamihan.
Marami sa mga mag-aaral ang pinagsasabay ang pagtatrabaho at pag-aaral sa online.
Ayon sa naging tala ng Commission of Higher Education (CHED), mahigit 216,000 bilang ng
mga mag-aaral ay mga working students. Ito ay walong porsyento ng kabuuang bilang ng mga
mag-aaral sa kolehiyo sa buong bansa noong 2010. Sa taong 2019, lumalabas sa istatistika na
ginawa ng CHED na malaki ang itinaas ng bilang ng mga mag-aaral sa Pilipinas. Ito ay umabot
ng halos tatlong milyon , tatlumpung beses na mas malaki sa nagdaang dekada (Galvez,2020).
Ibig sabihin lamang nito, sa pagdami ng mga mag-aaral ay sa paglaki rin ng itinaas na bilang ng
mga mag-aaral na nagsusumikap sa pag aaral habang nagtatrabaho.
Ayon kay Antipolo, Jimbo(2021)sa kanyang pag-aaral, maraming dahilan kung bakit
pinapasok ng mga mag-aaral ang pagpa-part-time job. Ang pangunahing rason ay ang malaking
tulong na naibibigay nito sa mga mag-aaral lalo na sa mga nasa kolehiyo upang matustusan ang
kanilang malaking mga pangangailangan at kagastusan. Dahil sa hindi sapat na suportang
pinansyal ng mga magulang, ang paghahanap ng sariling pagkakakitaan ang iniisip na paraan ng
karamihan sa mga mag-aaral upang maitaguyod ang sariling edukasyon.Sa kabilang banda,
maraming mananaliksik ang kinikwestyon ang epekto ng pagtatrabaho sa kalidad ng edukasyon
ng mga mag-aaral. Ayon sa CHED, kalahating porsyento lamang ng mga mag-aaral na
nagtatrabaho ang maayos na nakatapos ng kolehiyo. Ito ay marahil nawawalan na ang mga
mag-aaral ng konsentrasyon sa pag-aaral,o sumusuko sila dahil sa hindi sapat na suportang
pinansyal o kaya naman ay nagdudulot ito sa kanila ng mahinang kalusugan(ABS CBN
News,2020). Ipinapakita nga sa ilang mga social media post sa facebook ang ilan sa mga
karanasan ng mga mag-aaral sa kolehiyo habang ang mga ito ay nagtatrabaho kasabay ng
pag-aangkop ng mga ito sa bagong normal na pamamaraan ng pag-aaral at pakikilahok sa klase
online(Cristina Eloisa Baclig,2020).
Buhat noon, marami nang mga pag-aaral at disertasyon ang ginagawa sa mga maunlad na
bansa tungkol sa nasabing isyu. Ngunit kaunti ,kung meron man, ang mga ganitong pag-aaral sa
mga umuunlad na bansa katulad ng Pilipinas.Samakatuwid,nakita ng mga mananaliksik ang
kahalagahan ng pag-aaral at pag iimbestiga sa mga karanasan ng mga Pilipinong mag-aaral na
nagtatrabaho mula sa Batangas State University. Ang pananaliksik na ito ay nagbibigay ng mga
karagdagang estratehiya sa mga mag-aaral na kaugnay sa paksa ng pag-aaral. Gayundin,
makakatulong ito sa mga pananaliksik sa hinaharap na konektado sa mga karanasan ng mga
working students ng Batangas State University.
II.
Mga Kaugnay na Literatura
Ginalugad sa papel na ito ang karanasan at perspektibo tungkol sa "online classes" ng
mga working College Students ng Batangas State University. At bilang isang indibidwal, may
mga responsibilidad ang mga mag-aaral na tulungan ang kanilang sarili at maging
kapaki-pakinabang sa iba. Ang mga manggagawang mag-aaral ay ang mga indibidwal na
naghahanap ng mga paraan upang matustusan ang pangangailangan at upang maisakatuparan ang
mga mithiin sa buhay. Bagaman may mga responsibilidad ang ating mga magulang at
pamahalaan upang tayo’y mabigyan ng nararapat na edukasyon. Ngunit sa kabilang banda ang
kabataan ay may responsibilidad din kung paano nila mapapabuti ang kanilang sarili at hindi
lamang umasa sa kayang ibigay sa kanila.
Bilang isang indibidwal sila ay may mahalagang gampanin din sa pagbibigay ng
magandang kinabukasan sa kanilang mga sarili. Ang student jobs ay naging isang uri ng
“trend”sa mga mag-aaral sa buong mundo, na gustong magtrabaho habang nag-aaral. Sa
madaling salita, ang terminong nababagay sa trend na ito ay ang kumita at matuto na patakaran.
Isa pang mga dahilan kung bakit ang student jobs ay popular sa mga mag-aaral ay kadahilanang
ito’y nakakatulong upang makayanan ang patuloy na pagtaas ng mga bayarin, gastusin,
matrikula, at isang paraan upang makayanan ang karagdagang edukasyon. Isang malaking tulong
sa mga kabataan na makapagtrabaho sila kasabay ang pag-aaral.
Ayon sa National Statistics Office (NSO), mula lima hanggang siyam na taong gulang ay
nag-aaral pa ang mga bata (mga 90 porsiyento) subalit habang tumatagal ay nababawasan na ang
kanilang bilang. Pagdating ng edad 15 ay 50 porsiyento na lamang ang nasa paaralan. Iba’t ibang
trabaho na ang kanilang pinapasok para matugunan ang pangangailangan at upang
masustentuhan ang sarili.
Matututo ang mga kabataan na kalkulahin ang kani-kanilang mga oras o magkakaroon
sila ng kani-kanilang mga time management na makakatulong sa kanilang mga sarili upang
maging produktibo ang araw-araw nilang pamumuhay. Ang pinakahuli sa lahat, ang work
experience. Marahil isa na ito sa paghakbang nila sa industriya at upang magkaroon sila ng
tumpak na kaalaman upang magamit nila sa kanilang mga kinabukasan. May mga disadvantages
din ang pagiging working students kagaya ng
mga sumusunod ayon kay Brand, (2010).
Ang pagtatrabaho ng full time habang nag-aaral ay maaaring magbunsod ng kakulangan
sa oras at ang mga mag-aaral ay kinakailangan na magkaroon ng kasanayan sa pamamahala ng
kanilang oras nang sa ganoon ay makayanan nilang magampanan ng sabay ang pag-aaral at
pagtatrabaho.Ayon naman sa mga naka-interaksyon mga estudyante: “ Hindi rin naming
kailangan na iwan o talikuran ang isa sap ag-aaral o paghahanap-buhay dahil kailangan naming
ito parehas.” Kapag working student ka ay sisikapin mong makapagtapos ng pag-aaral dahil
pinahahalagahan mo ang bawat pawis na ibinubuhus mo ditto, kaya malaki ang pagkakataon
mong makatapos a pag-aaral dahil sa pagtatrabaho.
Sinabi ni Winston Churchill, “success consists of going from failure to failure without losing
Enthusiasm”. Ito ay nangangahulugan na ang buhay ng tao ay hindi puro tagumpay, meron din
itong kabiguan. Kailangan hindi tayo susuko para makamit natin ang totoong taagumpay.
Makakatulong sa mga estudyanteng hindi nagtatrabaho at pinag aaral lamang ng
magulang, sa pamamagitan ng datos na nakalap ay mabibigyan ng kaalaman tungkol sa buhay ng
mga manggagawang mag aaral at ng sa gayon ay makita ang malaking kaibahan nito sa
kalagayan ng buhay.
Ayon kay J.Paul Getty, the formula to success: rise early,work hard. Ito ay
nagkakahulugan na para matagumpay sa buhay, bumangon ng maaga, magtrabaho nang husto.
Kailangang bumangon ng maaga para gawin ang mga importanteng bagay. Magtrabaho ng
walang halong katamaran para maging matagumpay sa hinaharap.
Ayon kay Juarez (2012) ang bawat estudyanteng nagtatrabaho habang nag-aaral ay upang
matustusan ang kanilang pag-aaral. Marahil dahil sa hirap na kanilang dinaranas. Ginagawa nila
ito para makapag tapos ng pag-aaral hindi lang para sa pang sarili nilang kapakanan kung di para
matulungan ang kanilang mga magulang sa oras na sila ay makapagtapos ng pag-aaral sa takdang
panahon. Ayon din kay Juarez (2012) ang dahilan kung bakit nagtatrabaho ang isang mag-aaral
ay para matustusan ang pang araw-araw na pangangailangan dahil sa tingin nila kailangan nila
ito, na mas makatutulong ito sa kanilang paglago bilang isang indibidwal, para magbigay dagdag
karanasan na magagamit sa hinaharap at magbigay dagdag koneksyon at kaibigan. Sa madaling
salita ginagawa nila itong daan para magingmatagumpay sa buhay.
Ayon kay Villeroz (2014), ang pagiging working student ay hindi biro. Ang
pinakamatinding kinakaharap ng mga estudyante ngayon sa pampublikong paaralan ay ang
kahirapan sa buhay. Sa panahon ngayon, itinuturing na ang pag-aaral ay isa sa pinakamahalagang
kayamanan ng bansa. Ngunit hindi ganoon kadaling makapag-aral, may ibang estudyante na
nakatuon ang pansin sa kanilang pangangailangan na makahanap ng trabaho upang matustusan
ang kanilang pangangailangan sa pag-aaral. Sa makatuwid, kailangan talaga ng pagpuporsige
para makatapos ng pag-aaral.
Ayon kay Queena III (2017), ang mabuting epekto ng isang working student ay ang
pagkakaroon ng sweldo na maaaring gamitin sa pag-eenroll o mga bayarin sa paaralan.
Nagpapahiwatig lamang ito na dapat mas bigyang halaga ang bagay na makatutulong sakanilang
paglago bilang isang studyante. Isang bagong pag-aaral na nanggaling sa Georgetown University
Center on Education and the Workforce (2014), sa nakaraang 25 taon, mahigit 70 porsyento ng
estudyante sa kolehiyo ay nagtatrabaho habang nag-aaral. At tumataas ang bilang ng mga
working student kapag tumataas ang College enrollment at Tuition fee. Dahil maraming
estudyante sa kolehiyo ang kapos at nangangailangan ng pandagdag. Kaya’t habang tumataas
ang mga bayarin, darami ang bilang ng mga mag-aaral na nais magtrabaho.
Ayon sa Georgetown (2014), ang mga working students ay nagtatrabaho sa average na 30
oras sa isang linggo. Pero mahigit 25 porsyento ng working students ay tuloy-tuloy na
nagtatrabaho full-time at enrolled sa college. Dahil sila’y estudyante sa umaga at empleyado sa
gabi.
Ayon kay Nucum (2018), sa paglipas ng mga taon, ang konsepto ng “Work -study
balance” ay patuloy na problema ng mga working students. At isa sa dahilan nito ay problema sa
pera kaya maraming estudyanteng kumukuha ng part-time job (full-time). Dahil dito
nababawasan ang panahon ng mga working students sa pag-aaral.
Ayon sa Standfort University (2018), ang mga multi-takers ay hindi ganoon kaproduktibo
kaysa sa mga taong mas gusto ang gumawa ng isang bagay sa partikular na oras. Kagaya nang
ginagawa ngayon ng mga working students. Marahil dahil sa pagsasabay nila ng trabaho at
pag-aaral ay hindi nila maibigay ang kanilang husay sa paaralan. Ang pagkakaroon ng balanse ay
makatutulong sa mga estudyante na magdesisyon kung magtatrabaho ba habang nag-aaral at
ito’y magdedetermina kung sila ba ay matagumpay o hindi.
Talatanungan:
Ang mga sumusunod na katanungan ay gagamitin bilang gabay sa pananaliksik upang masagot
ang mga pangunahing layunin ng pag-aaral.
1. Ano-ano ang perspektibo ng mga mag-aaral tungkol sa pagsasabay ng kanilang pag-aaral at
pagtatrabaho?
2.Ano-ano ang mga positibo at negatibong epekto ng pagtatrabaho habang nag-aaral?
3. Ano-ano ang mga suliranin na kinakaharap ng mga mag-aaral sa kolehiyo sa tuwing sila ay
nagtatrabaho at mag-aaral? Paano nila malalampasan ang mga ito?
4.Ano-ano ang mga suhestiyon at rekomendasyon na maibibigay ng mga mag-aaral sa kolehiyo
na nakakaranas ng pagpapart time-job para sa mga mag-aaral na nagsisimula pa lamang sa
similar na sitwasyon?
5. Ano-ano ang mga pamamaraan upang matapos ang mga gawain o task na binibigay ng
propesor sa oras na itinakda o paano magkamit ng time management?
III. Paraan ng Pananaliksik at Paglalahad ng Interpretasyon ng mga datos
Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng interbyu o panayam sa pitong (7) respondante na mag aaral sa
kolehiyo ng Batangas State University upang maitalakay ang kanilang kwento o mga karanasan bilang
isang working student. Pangunahing ginagawa ang mga panayam sa qualitative research at nagaganap
kapag ang mga mananaliksik ay nagtanong sa isa o higit pang kalahok sa pangkalahatan, sa pamamagitan
ng bukas na mga tanong at pagkatapos ay maitala ang kanilang mga sagot. Ang mga mananaliksik ay
nagsasalin at nagta-type ng data sa isang computer file o isa sa instrumentong ginamit ay ang google
forms, upang masuri ito pagkatapos ng pakikipanayam. Ang mga panayam ay partikular na
kapaki-pakinabang para sa pagtuklas ng kwento sa likod ng mga karanasan ng isang kalahok at
paghahanap ng malalim na impormasyon tungkol sa paksa. Kapaki-pakinabang ang mga panayam sa
pag-follow-up sa mga indibidwal na respondent pagkatapos ng mga questionnaire, upang higit pang
imbestigahan ang kanilang mga tugon.
Larawan 1: Aktwal na Katanungan sa ginawang Panayam
Ang larawan sa itaas ay nagpapakita ng mga aktwal na mga katanungan na ginamit sa pakikipagpanayam
ng mga mananaliksik sa mga respondante. Kasama rin sa mga naging katanungan ang pagkakakilanlan ng
mga respondante katulad ng pangalan(optional), Programa, Klase ng trabaho at branch ng Batangas State
University na pinapasukan. Ito ay isinagawa sa Google Form, isang mediya plataporma na ginagamit
online.
Ang mga sumusunod ay ang pagtalakay sa sagot ng mga respondante sa panayam at mga resulta nito.
1. Ang mga datos at pahayag sa ibaba, ay sumasagot sa unang katanungan na “Ano-ano ang
perspektibo ng mga mag-aaral tungkol sa pagsasabay ng kanilang pag-aaral at
pagtatrabaho?”.
Respondante 1: “Mahirap pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho ngunit dahil nga online class ay
maaari itong pagsabayin at karamihan naman ng working student ay may kagustuhan na magkaroon
ng pera para matustusan ang mga pangangailangan. “
Respondante 2: “Ang aking perspektibo sa usapin ito ay napakahalaga ang pagmamanage ng oras
upang hindi lubos na maapektuhan ng dalawang salik na ito ang isat isa.”
Respondante 3: “mahirap at kailangan maging produktibo anomang oras para di masayang”
Respondante 4: “Dahil sa kakulangan sa financial na pantustos sa pag aaral at pamilya ay
napipilitan pagsabayin ang pag aaral at trabaho. Kung hindi nila kaya, kaya ko.”
Respondante 5: “Mahirap pero kakayanin dahil mas maganda ang may pera pang ipon”
Respondante 6: “Mahirap sa umpisa lalo na't kung walang kasanayan sa pagbabalanse ng oras sa
pag-aaral at pagtatrabaho.”
Respondante 7: “Bilang isang estudyante, nasusubok nito kung paano masasaayos ang pagbabalanse
ng oras (time management)sa pag-aaral at pagtatrabaho. Dahil nasa online set-up tayo ng plataporma
sa edukasyon ay nagkakaroon ng oportunidad na makisabay sa mga taong kumikita ng pera sa
pamamagitan ng online selling. Bagama’t ito ay hassle ngunit nagkakaroon naman ng income na
pwedeng magamit kung sakaling may itinakdang gawain sa school na hindi na kinakailangang
humingi sa ating mga magulang.”
Resulta
Ayon sa mga pahayag ng mga repondante patungkol sa perspektibo ng mga mag-aaral
tungkol sa pagsasabay ng kanilang pag-aaral at pagtatrabaho, Sila’y lubos na nahihirapan pero
dahil kailangan nila ng pera para pandagdag sa kanilang pag aaral o pera para sa
pangangailangan ng kanilang pamilya, Kelangan nilang palakasin ang kanilang persipyo at ang
kanilang pangangatawan para pag sabayin ang pagtatrabaho at ang pag-aaral. Ngunit tayo’y nasa
pandemya at ang mga klase ay “online” laking tulong sa mga “working students” ang ganitong
uri ng sistema ng pag aaral, una dahil makakatipid sila sa mga pamasahe papuntang paaralan, sa
kanilang trabaho, at pa uwi sa kanilang tahanan. Mahirap ang maging isang “working students”,
ginawa-gawa nila ito para sa kanilang pangagailangan, pero sabi nga ng isang respodante ay
“mahirap pero kakayanin!”.
2. Ang mga datos at pahayag sa ibaba, ay sumasagot sa ikalawang katanungan na “Ano-ano
ang mga positibo at negatibong epekto ng pagtatrabaho habang nag-aaral sa online
class?”.
Respondante 1: "Positibo: Nakakapagpatuloy ako ng pag aaral at the same time ay
nakakatulong sa pamilya.
Negatibo: nagkukulang ng oras sa pag aaral"
Respondante 2: "Ang positibong nadudulot nito ay nagkakatulong ito sa mga gastusin ko
sa aking pagaaral. ang masamang naidudulot naman nito ay nahahati nito ang aking oras
na itinutuon ko nalang sana sa pagaaral."
Respondante 3: "Sa positibong panig, (1) natututo, tayong balansehin ang oras upang mas
maging epektibo pa ang ating ginagawa sa araw-araw, (2) nagkakaroon ng personal
income, (3) natututo tayong tignan ang reyalidad na kailangang may sipag upag
magtagumpay sa isang layunin. Para naman sa negatibong panig, (1) imbis na pag-aaral
ilalalaan ang natitirang oras ay napupunta ito sa pagtatrabaho, (2) may pagkakataon din
na hindi tumutugma ang schedule ng trabaho sa pag-aaral kung kaya’t may pagkakataong
lumiban sa klase, (3) nadedrain na kung saan papasok ang ibat ibang factor ng mental
health (physical,mentally etc) dahil sa hindi dalawang gampaning ginagawa sa
araw-araw."
Respondante 4: "Isa sa positibong epekto ay ang pagkakaroon ng karagdagang kita na
maaaring ipantustos sa gastusin sa online class gaya ng load o internet connection fees.
Negatibong epekto naman ay kadalasan hindi nakakadalo sa mga synchronous na klase at
nahuhuli sa lektura."
Respondante 5: "Positibong epekto ay nakakaipon ng pera. Negatibo ay nakakapagod
kapag pinagsabay sa pag aaral online man o hindi."
Respondante 6: "Ang isa sa mga positibong epekto ng pagtatrabaho habang nag-aaral sa
online class ay ang pagkakaroon ng time management.
Ang isa naman sa mga negatibong epekto ng pagtatrabaho habang nag-aaral sa online
class ay ang mga di inaasahang mga activities at nagkataon sa oras ng trabaho lamang
maaaring gawin ang mga ito."
Respondante 7: "Ang positibo nitong epekto ay nakakatulong ka sa araw araw na
pangangailangan ng iyong pamilya at ang negatibo nitong epekto ay ang sobrang
pagkapagod sa pagsasabay nito sa pag-aaral."
Resulta
yon sa mga nasabing kasagutan sa panayam ng mga mag-aaral patungkol sa positibo at
negatibong epekto ng pagtatrabaho habang nag-aaral sa online class, ang pagiging working
student ay nagbibigay ng katugunan sa kanilang pag aaral lalo pa at nakakatulong ito ng malaki
sa kabawasan ng gastusin para sa kanilang mga magulang. Kamakailan, ang mas mataas na
edukasyon ay nagdaragdag ng matrikula at iba pang mga gastos na napupunta sa pag-aaral sa
kolehiyo. May epekto ito sa mga mag-aaral. Pangunahin, naghahanap sila ng mga trabaho
habang nasa paaralan upang makatulong sa pag-iwas sa ilan sa mga gastos at pang-araw-araw na
gastusin. Sa pamamagitan ng pagiging isang working student, naitutuloy nila ang kanilang pag
aaral ganundin ang pag kakaroon ng time management na isang positibong epekto upang
makamit ang tamang pag balanse ng mga estudyante sa pag aaral at pagtatrabaho.
Sa kabilang banda, ayon sa panayam sa walong respondante ilan sa negatibong epekto ng
pagiging working student habang nag aaral sa online class ay ang pag kapagod sa mga tuntunin
ng emosyonal, mental at pisikal nilang pangangatawan. May mga pagkakataon din na hindi
tugma ang kanilang iskedyul sa oras ng pasok sa online at sa trabaho. Isang suliranin rin ang mga
biglaang pag susumite ng mga gawain. Nag kakaroon sila ng kulang sa oras sa pag aaral sa
kadahilanang pinag sasabay sabay nila ang pag tatrabaho sa pag aaral.
3. Ang mga datos at pahayag sa ibaba, ay sumasagot sa ikatlong katanungan na “Ano-ano
ang mga suliranin na kinahaharap ng mga mag-aaral sa kolehiyo sa tuwing sila ay
magtatrabaho at mag-aaral online? Paano nila nalalampasan ang mga ito?”.
Respondante 1: “Sa pamamagitan ng time management ay nagagawaan naman paraan pero may
mga oras talaga na sobrang hirap pagsabayin lalo na pag may biglaang gawain”.
Respondante 2: “Ang mga suliranin na kinakaharap ko ay kakulangan sa oras sa pagaaral.
Nalampasan ko ito sa pagkakaroon ng time management”.
Respondante 3: “Isa sa suliranin, nagigive up ang oras sa pag-aaral dahil kinakailangang kumita.
Malalampasan ang suliraning ito kung magkakaroon ng kaunting oras sa pag-aaral o makipag-interak
sa kaklase upang makahabol sa paksang tinalakay ng guro”.
Respondante 4: “Nagkakaroon ng limitadong oras sa paggawa ng mga nakatakdang gawain o aralin.
Sa pamamagitan ng time management at advance reading kung may oras o araw na walang trabaho,
nagkakaroon ng pagkakataon na maibsan ang pagkahuli sa mga synchronous na klase at makasabay sa
mga bagong gawain”.
Respondante 5: “Oras. Malalampasan ito sa pamamagitan ng time management at pag pili ng
magiging schedule ng trabaho para di magka conflict sa oras”.
Respondante 6: “Ang ilan sa mga suliranin ng mga working student na tulad ko ay kailangan kong
i-manage ang oras ko at unahin ang mga prayoridad lalo na ang gawain sa pag aaral ngunit di rin dapat
kalimutan ang responsibilidad sa trabaho. Ngunit nalalampasan ko naman ito sapagkat unti-unti akong
nasasanay na pagsabayin pareho at kalaunan ay nakakagawa pa ng estratehiya para rito”.
Respondante 7: “Ang pag papasa ng mga gawain sa tamang oras malalampasan nila ito sa
pamamagitan ng time management”.
Resulta
Lumalabas sa ginawang panayam, na magkakatulad ang suliranin na kinakaharap ng mga
mag aaral at ito ay tungkol sa paghahati ng kanilang oras para sa gawaing pampaaralan at
trabaho. Ayon sa kanila, nababawasan at nagiging limitado ang nailalaan nilang oras upang
tapusin ang mga aktibidad at mga gawain sa pag-aaral lalo na kung may mga biglaang gawain sa
kanilang ginagawang part time-job. Dahil sa pagtatrabaho, nagkakaroon ng mga pagkakataon na
hindi sila nakasasabay sa synchronous na mga talakayan na nagdudulot ng pagkahuli nila sa
klase.
Bagama’t lahat ng respondente ay nararanasan ang suliranin sa oras, ang disiplina at
time-management ang nakikitang nilang epektibong pamamaraan upang mabalanse ang kanilang
mga oras. Ayon sa kanila, ang pagtukoy sa mga prayoridad ay marapat na matutukan upang mas
mabigyan ito ng pansin. Ang pagpapasa ng mga gawain sa tamang oras at pag-aayon ng
schedule sa pagtatrabaho sa pag aaral ang sagot upang maibsan ang mga nararanasan nilang
limitasyon sa pagkatuto. Idagdag din dito, ang pag advance reading at pakikipag ugnayan sa mga
kamag-aral ay paraan upang hindi sila mapag iwanan sa klase. Sa mga panahon na hindi sila na
kakadalo sa mga synchronous na talakayan, nais nilang siguraduhin na bagama’t nagtatrabaho,
ang pag aaral pa rin ang kanilang prayoridad.
4. Ang mga datos at pahayag sa ibaba, ay sumasagot sa ika-apat na katanungan na
“Ano-ano ang mga suhestiyon at rekomendasyon na maibibigay ng mga mag-aaral sa
kolehiyo na nakakaranas ng pagpapart time-job para sa mga mag-aaral na nagsisimula pa
lamang sa similar na sitwasyon?”.
Respondante 1: “Hindi madali ang pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral. Ngunit kung malakas
ang loob na sumubok ng ganitong sitwasyon ay kailangang maging matatag ang loob mo at i-manage
ng maayos ang bawat oras na mayroon.”
Respondante 2: “Tiyaking handa ang sarili at matuto ng time management.”
Respondante 3: “maging matiyaga lamang at habaan ang pasensya”
Respondante 4: “Para sa akin, pokus lang sa mga gusto mong mangyari. Wala namang imposible
pag gusto mo at samahan mo ng dasal upang kahit anong mangyari ay guided ka sa mga ginagawa mo
at time management .”
Respondante 5: “Tiyagaan lamang at wag kalimutang magpahinga. Huwag din sayangin ang free
time at sulitin dapat ito.”
Respondante 6: “Hanggat maaari at kaya pa, mas bigyang pansin muna ang pag aaral ngunit kung
hindi maiiwasan at kinakailangan talaga na magpart time-job magkaroon sana ng wastong time
management upang mapagsabay ang trabaho at pag-aaral.”
Respondante 7: “1. Time Management , 2. Makipag-interak sa kamag-aral upang magabayan kung
sakaling absent sa klase.”
Resulta:
Ayon sa naging kasagutan sa mga katanungang aming pinahayag ukol sa maaring maging
suhestion at rekomendasyon ng mga magaaral sa kolehiyo na nakakaranas ng pagpapart time-job
para sa mga mag-aaral na nagsisimula pa lamang sa similar na sitwasyon, masasabing mahirap at
di biro ang pagsasabay ng edukasyon sa pagtatrabaho. Dugo’t pawis ang puhunan bago makamit
at makaya ito. Ang isang estudyante sa ganitong sitwasyon ay dapat kakitaan ng ilang mga
katangian upang mapagtagumpayan ito. Merong apat na katangian na inihayag ng aming
nakapanayam . Una ay ang pagiging matatag. Maaaring subukin ang inyong pasensya sa
kadahilanang mararamdaman ang pagod sa trabaho at pressure sa pagaaral. Ngunit ito ay di
dapat maging hadlang bagkus tatag ng loob ang dapat pairalin upang maisakatuparan ang nais
mapagtagumpayan. Ikalawa ay ang pagiging matiyaga o pagkakaroon ng mahabang psensya.
Kung pursigido ang isang estudyante na makamit ang kanilang layunin na makapagtapos habang
nagtratrabaho ay magagawa ito basta maging pokus lang at wag nagpadala sa mga hadlang.
Ikatlo ay ang pagiging interaktibo sa mga kapwa kamag-aral o guro. Hindi sa lahat ng
pagkakataon ay kayang gawin ng magisa lamang. Maaring ang gabay ng kapwa kamag-aral o
guro ay kailangan sapagkat maaari nila tayong tulungan para magabayan ukol sa mga gawain na
ating dapat maisagawa sa eskwelahan kung sakaling di nakapasok sa klase. Ikaapat at ang higit
na pinakamahalaga ay ang pagiging maalam sa pagmamanage ng oras. Kung maaari ay gumawa
ng iskedyul kada araw kabilang na ang oras ng trabaho at ang oras sa eskwelahan. Sa mga
natitirang oras maglaan ng panahon sa pagaaral at paggagawa ng aktibidad. Maglaan din ng oras
sa pagpapahinga. Sa paraang ito maisasagawa ng estudyante ng maayos ang kanilang tungkulin
bilang isang estudyante at bilang isang empleyado. Laging tandaan na ang lahat ng hirap ay may
kapalit na ginhawa sa huli kaya wag sumuko.
5. Ang mga datos at pahayag sa ibaba, ay sumasagot sa ika-limang katanungan na “Ano-ano
ang mga pamamaraan upang matapos ang mga gawain o task na binibigay ng propesor sa
oras na itinakda o paano magkamit ng time management?”.
Respondante 1: “Habang maaga pa ay gawin na agad (mag-aaral) at pag may
pagkakataon mag advance study ay mas better”.
Respondante 2: “Gawin ito agad. Gamitin ang free time sa makabuluhang bagay”.
Respondante 3: “Gumawa ng isang talahanayan o to-do list upang mas maging epektibo
at maayos ang pagkamit sa pagbalanse ng oras. Sa katunayan ay hindi madali ang
pamamaraang ito ngunit kung pinagtutuunan ng pansin ay magiging matagumpay”.
Respondante 4: “Kung walang trabaho, gawin agad ang mga nakatakdang task o gawain.
Sa oras ng break time, maaari ring maglaan ng kaunting oras sa pagbabalik aral o kaya'y
mag advance reading ng mga lectures”.
Respondante 5: “Gawin ito kaagad hangga't maaari”.
Respondante 6: “Prayoridad ng isang mag-aaral na tapusin kaagad ang mga gawaing
pampaaralan kaya't upang matapos agad, nakikinig ako ng mabuti sa klase at kung hindi
ko naman naunawaan ang pagtuturo ng guro ay sumasangguni kaagad ako sa youtube
kung saan maraming videos ang makakatulong sa akina t maaari ring mag search sa
google upang makatapos kaagad ng mga gawain. Pagkatapos nito, maaari ko ng gamitin
ang iba kong oras para sa online kong trabaho”.
Respondante 7: “Una munang gawin ito (pag-aaral) para matapos at magdire-diretso na
ang gawain sa trabaho”.
Resulta:
Dulot ng mga nararanasang limitasyon at hirap sa pagbabalanse ng oras, nagkaroon ng
isang kasagutan ang mga respondente sa kung paano nila maiiwasan ang mga negatibong epekto
nito. Ito ay ang unang paggawa ng mga aktibidad na ibinigay at pagpaparayoridad sa kanilang
pag-aaral. Ayon sa kanila, sa oras na walang trabaho, ang pag advance study at pagbabalik aral
ay isang magandang hakbang upang matutunan ng husto ang mga aralin. Gumagamit sila ng iba’t
ibang website katulad ng Youtube at Google bilang sanggunian upang mas lubos na maunawaan
ang mga aralin. Idagdag pa ang paggawa ng to-do-list o listahan ng gawain upang malaman nila
ang mga dapat unahin at maisaayos ang mga ito sa sistematikong pamamaraan. Sa huli, kanilang
nirerekomenda ang pagkakaroon ng time management upang mabigyang pansin ang mga
mahahalagang bagay na dapat nilang tapusin sa pag-aaral o sa pagtatrabaho man ang gawaing
ito.
Download