Mga Batayang Kaalaman sa Wika TCHR. VINCENT IAN U. TAÑAIS BERNAKUKLAR • Ang salitang Bernakular ay hango sa salitang latin na "verna" na ibig sabihin ay native. Ito ay tumutukoy sa anumang wika o diyalektong ginagamit sa pakikipagusap araw-araw ng karaniwang mga tao sa isang particular na lugar. • Ito ay katutubong konsepto, unang wika sa lugar at wika ng rehiyon. Kasama na rin ang mga salita, kilos, galaw, senyas, simbolo at iba pa na anumang umiiral at nagbibigay ng kahulugan na ginagamit bilang mensahe sa komunikasyon. BERNAKUKLAR • Madali kasi itong maunawaan, palibhasay nakasanayan na simula pa ng pagkabata ng mga taong gumagamit nito. • Maraming tao sa ating bansa ang nakakaalam ng iba't ibang salita. Mga Pilipino na gumagamit ng salitang banyaga sa kanilang tahanan o kahit saang lugar. • Ang salitang banyaga ay kasalungat ng Bernakular, sapagkat ito ay salitang ginagamit sa isang lugar ng lahat ng nakatira roon. Salitang nauunawaan ng lahat. Ang ating bansa ay maraming kapuluan at halos lahat ito ay may kanya-kanyang Bernakular. BILINGWALISMO • Ang bilinggwalismo ay ang paggamit ng dalawang uri ng lenggwahe o wika. Mula sa partikular na rehiyon o probinsiya na ating kinabibilangan tayo ay may sariling dayalektong ginagamit sa loob ng ating tahanan. BILINGWALISMO • Sa asignatura ng mga primarya at sekondaryang Antas ng mga mag- aaral, isinabatas ng gobyerno ang paggamit ng Billingwal na Patakaran ng Edukasyon o ang BPE. Ingles at Pilipino ang pangunahing wika na ginagamit, ngunit may mga bago na ring kurikulum na kung saan ang mga texto ng mgaaklat at iba pang uri ng babasahin ay nilimbag na gamit ang bilinggwalismo na uri ng wika. MULTILINGGWALISMO • • Hango sa salitang ingles na “multi” na ang kahulugan ay marami at salitang lenggwahe na ang ibig sabihin ay salita o wika. Sa kabuuan ang multilinggwalismo ay “maraming salita o wika”. Ang wikang Pilipino ay binubuo ng maraming wika. Mula sa ating wikang pambansang gamit, may mga nabuo pang salita hango sa ating mga kasalong wika. MULTILINGGWALISMO • Ang mga halimbawa nito ay ang paggamit ng wikang Kapampangan ng mga taga Pampanga, Tarlac at Bataan, Ilocano naman sa mga rehiyon ng Ilocos at ilang bayan ng Pangasinan at Nueva Ecija. • Nabibilang din sa multilinggwalismo ang mga banyagang salita na natutunan natin mula sa mga dayuhang mananakop at mga kaibigan. Andiyan ang Niponggo ng mga Hapon at Mandarin naman sa mga kapatid na Tsino. UNANG WIKA • Ang unang wika ay tinatawag din bilang katutubong wika. Ito ay arteryal na wika na natututunan natin mula ng tayo ay ipinanganak. Batayan para sa pagkakakilanlang sosyolinggwistika ang unang wika. Bukod dito, ang unang wika ang wikang madalas nating ginagamit sa pakikipagtalastasan sa loob ng bahay. UNANG WIKA Halimbawa ng Unang Wika Filipino para sa mga Pilipino Ingles para sa mga Amerikano PANGALAWANG WIKA Ang pangalawang wika, ayon sa dalubwika, ay tumutukoy sa alinmang wikang natutuhan ng isang tao matapos niyang maunawaang lubos at magamit ang kanyang sariling wika. PANGALAWANG WIKA Sa wikang Filipino, may iba’t-ibang dialekto katulad lamang ng Cebuano, at Hiligaynon. Dahil dito, lahat ng tao sa Pilipinas, mula pagkabata, ay may dalawang wika na kaagad na matututunan, ang kanilang inang wika, at Tagalog.