Uploaded by JOY CONCEPCION

ARALIN-2-ANG-LIPUNAN

advertisement
Aralin 2
ANG KONTEMPORARYONG
ISYU SA LIPUNAN AT DAIGDIG
Balik-aral:
Ang kontemporaryong mga
isyu ay mga isyu sa
kasalukuyan
na
nangangailangan ng agarang
pagtugon upang
tayong
lahat ay makapamuhay ng
maayos
at
matiwasay
habang nakakaangkop sa
pagbabago ng panahon.
Panimula
Batayan sa pag-aaral ng mga isyu
at hamong panlipunan ang pagunawa sa bumubuo ng isang
lipunan, ugnayan, at kanyang
kultura.
ARTICLE ANALYSIS
Sa artikulong isinulat ni Leila B. Salaverria na
nailathala sa Philippine Daily Inquirer noong
Disyembre 5, 2012, tinalakay niya ang resulta ng
pag-aaral ng Transparency International tungkol sa
persepsyon ng korapsyon sa Pilipinas. Sa nasabing
pag-aaral, nagtala ang Pilipinas ng iskor na
tatlumpu’t apat sa kabuuang 100 kung saan ang 100
ay may deskripsyon na “very clean”.
Bahagyang tumaas ang marka ng Pilipinas noong 2013 sa iskor na
tatlumpu’t anim.Kung tutuusin, mababa pa rin ang markang ito kung
ihahambing sa mga bansang Denmark, Finland, New Zealand,
Sweden, at Singapore na may matataas na marka at itinuturing na
“very clean”. Nagbibigay ito ng mensahe na ang Pilipinas ay isa pa rin
sa mga bansa sa daigdig na may malaganap na korapsyon sa
pamahalaan.
ARTICLE ANALYSIS
Ang isyu ng korapsyon ay hindi lamang nararanasan sa ating bansa.
Sa katunayan, ayon sa nasabi ring pag-aaral, higit na mataas ang
marka ng Pilipinas kung ihahambing sa mga karatig-bansa sa Asya
tulad ng Vietnam, Indonesia, Bangladesh, at ng North Korea na
kasama sa “five most corrupt countries” sa daigdig. Subalit hindi ito
dahilan upang itigil natin ang paglaban sa korapsyon.
Ayon kay Rosalinda Tirona, ang pangulo ng Transparency
International sa Pilipinas, kailangan pa ang mas maraming pagkilos
upang labanan ang korapsyon. Ngunit, hindi lamang korapsyon ang
dapat na bigyang pansin kundi ang transpormasyon ng lipunang
Pilipino upang makamit ang tunay na pagbabago.
SANDALING ISIPIN!
1. Paano
nakakaapekto
ang
korapsiyon sa pangaraw-araw na
pamumuhay ng mga Pilipino?
2. Ano-ano ang mga maaring
naging salik sa patuloy na
paglaganap ng kurapsiyon sa
ating bansa?
3. Magbigay ng katangian ng
kurapsiyon sa loob ng tahanan at
paaralan.
Ang
lipunan
ay
tumutukoy sa mga
taong sama-samang
naninirahan sa isang
organisadong
komunidad na may
iisang
batas,
tradisyon,
at
pagpapahalaga.
EMILE DURKHEIM
“Ang lipunan ay isang buhay na
organismo kung saan nagaganap ang
mga pangyayari at gawain.
Ito ay
patuloy na kumikilos at nagbabago.
Binubuo ang lipunan ng magkakaiba
subalit magkakaugnay na pangkat at
institusyon. Ang maayos na lipunan ay
makakamit kung ang bawat pangkat at
institusyon ay gagampanan nangmaayos
ang kanilang tungkulin.”
KARL MARX
“Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng
kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sa
pag-aagawan ng mga tao sa limitadong
pinagkukunang-yaman upang matugunan
ang kanilang pangangailangan.
Sa
tunggalian
na
ito,
nagiging
makapangyarihan
ang
pangkat
na
kumokontrol sa produksyon. Bunga nito,
nagkakaroon ng magkakaiba at hindi
pantay na antas ng tao sa lipunan na
nakabatay sa yaman at kapangyarihan.”
Charles Cooley
“Ang lipunan ay binubuo ng tao na
may magkakawing na ugnayan at
tungkulin. Nauunawaan at higit na
nakikilala ng tao ang kaniyang sarili
sa pamamagitan ng pakikisalamuha
sa iba pang miyembro ng lipunan.
Makakamit
ang
kaayusang
panlipunan sa pamamagitan ng
maayos na interaksiyon ng mga
mamamayan.”
Magkakaiba man ang pagpapakahulugan
sa lipunan, makikita na ang mga
sosyologong ito ay nagkakaisa na ang
lipunan ay binubuo ng iba’t ibang
institusyon, ugnayan, at kultura. Bilang
mag-aaral, mahalagang maunawaan mo
kung ano-ano ang bumubuo sa lipunan.
Mga Elemento ng Istrukturang
Panlipunan
Ang istrukturang panlipunan
binubuo ng 4 na elemento:
1. Institusyon (Institution)
2. Social groups
3. Status (social status)
4. Gampanin (roles).
ay
Institusyon
Ang pamilya, relihiyon,
edukasyon, ekonomiya,
at
pamahalaan
ang
itinuturing
na
mga
institusyong panlipunan.
SOCIAL GROUP
Ang mga institusyong panlipunan
ay binubuo naman ng mga social
group. Tumutukoy ang social
group sa dalawa o higit pang
taong may magkakatulad na
katangian na nagkakaroon ng
ugnayan sa bawat isa at
bumubuo ng isang ugnayang
panlipunan. May dalawang uri ng
social group: ang primary group
at secondary group. (Mooney,
2011).
SOCIAL GROUP
• Ang primary group ay tumutukoy sa malapit
at impormal na ugnayan ng mga indibiduwal.
Kadalasan, ito ay mayroon lamang maliit na
bilang. Halimbawa nito ay ang pamilya at
kaibigan.
• Sa kabilang banda, ang secondary group ay
binubuo ng mga indibiduwal na may pormal
na ugnayan sa isa’t isa.
STATUS
Kung ang mga institusyong
panlipunan ay binubuo ng mga
social groups, ang mga social
groups naman ay binubuo ng
iba’t ibang status. Ang status
ay tumutukoy sa posisyong
kinabibilangan
ng
isang
indibiduwal sa lipunan.
STATUS
Ang ating pagkakakilanlan o
identidad ay naiimpluwensiyahan
ng ating status. May dalawang
uri ng status: ito ay ang ascribed
status at achieved status .
GAMPANIN (ROLES)
May posisyon ang
bawat indibiduwal sa
loob ng isang social
group. Ang bawat
posisyon ay may
kaakibat
na
gampanin o roles.
GAMPANIN (ROLES)
Tumutukoy ang mga gampaning
ito
sa
mga
karapatan,
obligasyon, at mga inaasahan ng
lipunan na kaakibat ng posisyon
ng indibiduwal.
Gawain 1
Tukuyin kung saang elemento ng istrukuturang
panlipunan
ang
mga
sumusunod
na
kontemporaryong isyu:
1. Househusband
2. Minimum Wage
3. Age
Discrimination
4. LGBT
5. Divorce
6. Domestic Violence
7. Drinking at Driving
8. RH Law
9. Genetic Engineering
10. Hazing
Gawain 2: Photo Essay
Humanap ng isang larawan ng may kaugnayan sa mga
sumusunod na elemento ng istrukturang panlipunan at
bumuo ng isang sanaysay na mamarkahan ng
sumusunod na rubrik:
1.
2.
3.
4.
Institusyon (Institution)
Social Groups
Status
Gampanin (Roles)
1. Kawastuhan - 7
2. Nilalaman - 6
3. Organisasyon - 4
4. Pagkamalikhain – 3
KABUUAN: 20
PAGPAPAHALAGA
Ano ang kahalagahan ng ating kamalayan
sa
kaugnayan
ng
mga
istrukturang
panlipunan at paano ito makakatulong sa
lipunang ating ginagawalan?
PAGLALAHAT
Mahalagang maunawaan ang kung anoano ang bumubuo sa lipunan bilang
batayan sa pag-aaral ng mga isyu at
hamon sa pagunawa sa kaugyan nito sa
kultura. Ang lipunan ay tumutukoy sa
mga taong sama-samang naninirahan sa
isang organisdong komunidad na may
iisang
batas,
tradisyon
at
pagpapahalaga.
PAGTATAYA
1. Araw-araw ay tone-toneladang basura ang naiipon sa bawat
barangay. Mula sa basura sa bahay, paaralan, pabrika at maging sa
mga pampublikong lugar ay halu-halong uri ng basura ang makikita.
Paano mo nararapat tugunan ang isyu ng polusyon dahil sa di
tamang pagtatapon ng basura?
A. huwag pakialaman sapagkat tayo ay may kanya-kanyang basura
sa tirahan
B. huwag bumili ng bumili upang hindi magkaroon o dumami ang
mga basura
C. idikit ang mga poster upang matauhan ang mga taong tapon ng
tapon ng basura
D. simulan ang pagtatapon ng kahit pinakamaliit na kalat sa tamang
basurahan
PAGTATAYA
2. Si Arden ay isa sa mga anak na may magulang na gumagamit ng
ipinagbabawal na gamot. Bilang anak, nakikita nya ang kanyang tatay kung
paano nakapananakit sa kanyang nanay at kung paano magpatagu-tago sa
mga alagad ng batas kapag may oplan panghuhuli. Hindi nya ninanais na
habangbuhay maging ganun ang kanyang ama. Kung ikaw si Arden,
nanaisin mo din ba na tumigil ang iyong ama sa ganung gawain?
A. hindi, upang hindi nya ibaling sa akin ang kanyang galit at makaiwas sa
posibleng pananakit
B. hindi, sapagkat siya ay may sariling buhay kung kaya’t magdedesisyon
sya sa kanyang sarili
C. oo, sapagkat ayoko sya mapahamak o mapatay ng mga pulis na
humahabol sa kanya
D. oo, upang bumalik ang dating maayos na kalusugan at pag-iisip at
maayos na pakikitungo sa iba
PAGTATAYA
3. Ang Contractualization ay isang seryosong problema ng bansa.
Dahil dito, madaming Pilipino ang hindi magkaroon ng permanenteng
trabaho na nagiging sanhi ng lalong kahirapan at kagutuman ng
maraming pamilya. Madaming mga pulitiko ang nangako at patuloy
na nangangako na aalisin ang ganitong sistema. Sino ang hindi
apektado sa sistemang ito?
A. mga kabataang hindi nagpatuloy pumasok sa kolehiyo at
nagtrabaho na agad
B. mga manggagawang higit sa tatlumpung gulang na bihira na
matanggap sa kompanya
C. mga kabataang nagpupursige sa pag-aaral sa kabila ng matinding
kahirapan
D. mga mangagawang naghihintayan at nagnanais na
magkakasama silang tropa sa isang kompanya
PAGTATAYA
4. Patuloy ang pagdami ng mga miyembro ng LGBT. Laganap ang mga
babae at lalaki na unti-unting nagbabago ng kanilang sexual orientation at
sadyang nagkakagusto sa kapwa kapareho ng kasarian. Dahil dito, madami
ang nagsusulong na gawing legal ang “same sex marriage”. Paano mo
ipapakita ang suporta para sa grupong LGBT?
A. patuloy na paghihikayat sa mga myembro ng LGBT na sumali sa mga gay
o lesbain contest upang patunayan ang sarili
B. palagiang gawing leader sa mga pangkatang gawain ang mga bakla o
tomboy upang wala na gawain ang iba
C. palakasin ang kanilang loob sa mga pagkakataong kinukuha silang
speaker o tagapamahayag sa mga symposium
D. pasamahin sila sa mga kampanya na nagpapakita na ang mga myembro
ng LGBT ay hindi pabigat sa lipunan
PAGTATAYA
5. Si Anthony kagaya ng ibang mag-aaral ay mahilig sa mga
computer games. Kakaibang kasiyahan ang madalas na dahilan kung
bakit di nila mapigilan ang maglaro nito. Ang sobrang pagkahilig sa
ganitong laro ay isang halimbawa ng personal na problema o isyu. Ito
ay maaaring makaapekto sa inyong komunidad maging sa
pakikitungo sa iba kung ____________.
A. ikaw ay maghapong magkukulong sa kwarto at maglalaro lamang
B. ikaw ay manghihikayat pa ng mga kaklase upang umabsent at
makipaglaro din sa iyo
C. ikaw ay magkaksakit dahil sa ilang beses na pagpapalipas ng
gutom dahil sa games
D. ikaw ay mauubusan ng pera kakalaro sa computer shop kesa sa
bahay ninyo
SANGGUNIAN
• Araling Panlipunan 10 – Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon 2017
Download