Aralin 1: Konsepto at Katuturan ng Pagkamamamayan (Citizenship) #AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan KATANGIAN NG AKTIBONG MAMAMAYAN ➢ Makabayan a. Tapat sa Republika b. Handang Ipagtanggol c. Sinusunod ang Saligang Batas d. Nakikipagtulungan sa may kapangyarihan ➢ Makatao ➢ Produktibo ➢ Matatag, may lakas ng loob at tiwala ➢ Matulungin sa kapwa ➢ Makasandaigdigan #AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan Paksa: Legal na Pananaw ng Pagkamamamayan Ang konsepto ng citizenship (pagkamamamayan) o ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado ay maaaring iugat sa kasaysayan ng daigdig. #AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan Paksa: Legal na Pananaw ng Pagkamamamayan Tinatayang panahon ng kabihasnang Griyego nang umusbong ang konsepto ng citizen. Ang kabihasnang Griyego ay binubuo ng mga lungsod-estado na tinatawag na polis. Ito ay isang lipunan na binubuo ng mga taong may iisang pagkakakilanlan at iisang mithiin. Ang polis ay binubuo ng mga citizen na limitado lamang sa kalalakihan. #AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan Paksa: Legal na Pananaw ng Pagkamamamayan Ayon kay Murray Clark Havens (1981), ang citizenship ay ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado kung saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin. #AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan Paksa: Legal na Pananaw ng Pagkamamamayan Ang pagkamamamayan ay nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon sa itinatakda ng batas. Hindi lahat ng naninirahan sa isang bansa ay mamamayan nito dahil may mga dayuhang nakatira dito na maaaring hindi kasapi nito. #AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan Halimbawa: Mga dayuhang naninirahan lamang sa ating bansa #Pagkamamamayan Paksa: Legal na Pananaw ng Pagkamamamayan SALIGANG BATAS 1987 Ito ay ang pinakamataas na batas ng isang bansa at nakasulat dito ang mahahalagang batas na dapat sundin ng bawat mamamayan. #AralingPanlipunan10 ARTIKULO IV PAGKAMAMAMAYAN #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan Artikulo 4 Section 1 ng Saligang Batas 1987 Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas: (1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-batas na ito; (2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas; #AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan Artikulo 4 Section 1 ng Saligang Batas 1987 Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas: (3)yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at (4)yaong mga naging mamamayan ayon sa batas. #AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan Artikulo 4 Section 2 ng Saligang Batas 1987 Ayon din sa Seksiyon 4 ng Saligang Batas ng 1987, ang isang mamamayan ng Pilipinas na nakapag-asawa ng isang dayuhan ay mananatiling isang Pilipino maliban na lamang kung pinili niyang sundin ang pagkamamamayan ng kaniyang napangasawa. #AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan Batay naman sa Republic Act 9225 Ang mga dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng ibang bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay maaaring muling maging mamamayang Pilipino. Siya ay magkakaroon ng dalawangpagkamamamayan (dual citizenship). #AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan Dalawang URI NG MAMAMAYAN NATURALISADO LIKAS o KATUTUBO Anak ng Pilipino, parehas mang magulang o isa lang. #AralingPanlipunan10 Dating dayuhan na naging mamamayang Pilipino dahil sa proseso ng naturalisasyon #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan Mga Prinsipyo ng Pagkamamamayang Pilipino Jus sanguinis Jus soli Naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng mga magulang o isa man sa kanila. Naaayon sa lugar ng kaniyang kapanganakan anuman ang Pagkamamamayan ng kaniyang mga magulang #AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan PAGKAWALA NG PAGKAMAMAMAYAN Sa kabila nito ay maaaring mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal. Paano kaya ito nawawala? Unang dahilan ay kung siya ay sasailalim sa proseso ng naturalisasyon sa ibang bansa Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod: 1.) ang panunumpa ng katapatan sa SaligangBatas ng ibang bansa; 2.) tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan, at 3.) nawala na ang bisa ng naturalisasyon. #AralingPanlipunan10 #IkaapatnaMarkahan #Pagkamamamayan