ARALIN “Ang Aso at Ang Leon” 1.2 (Pabula ng Maranao) Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Posibilidad Magkasabay nating pag-aralan ang isa pa sa mga akdang pampanitikan ng Maranao, ang Pabula. Pinamagatan itong “Ang Aso at ang Leon”. Nagpapakita ito ng hindi matatawarang karanasan at makahulugang kaisipan ng matatanda. Gayundin, maipaliliwanag mo kung mahalaga ba ang paggamit ng mga ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad. Balikan Ating balikan ang inyong natutunan sa unang linggong aralin. Kopyahin ang tanong at ibigay ang tamang sagot. Gawin ito sa sagutang papel. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang sagot ng tamang gamit ng mga salitang nagbibigay patunay. A. totoo B. sadya C. talaga D. tunay E. sapagkat F. kahit 1. Si Jun ________ ang nagnanais na malulok sa pwesto sa pagka Mayor. 2. Ang alahas na binigay niya ay ________ na diamante. 3. Pawang __________ lamang ang kanyang sinabi sa mga pulis. 4. ___________nilang winalang-bahala ang kautusan ng gobyerno. 5. Nagtitiis pa din siya __________ na nasasaktan na ito. 6. Nakakuha siya nang mababang marka _________ siya ay hindi nagbasa ng libro. 1 Mga Tala para sa Guro Ang bawat gawain sa panimula at katapusan ng bawat bahagi ay iyong sasagutin sa loob ng isang oras. Mayroon lamang apat na oras ang nakalaan sa asignaturang ito sa buong linggo. Basahing mabuti ang panuto at paraan ng pagbibigay ng puntos upang kayo ay magabayan. Huwag pumunta sa ibang gawain kung hindi mo natapos ang kasalukuyang gawain. Maraming salamat. Tuklasin Sa sumusunod na gawain, tutuklasin natin kung may alam ka na kung bakit hayop na nagsasalita at kumikilos na parang tao ang karaniwang ginagamit na tauhan sa pabula. GAWAIN 1. PAGHAHAMBING Suriin ang kasunod na mga larawan. Isulat kung anong pag-uugali ng tao ang maihahambing sa mga ito. Isulat sa sagutang papel. ______________ ______________ ______________ 2 _______________ Suriin Pagbasa sa paksang pinamagatang “Ang Aso at ang Leon” Pabula ng Maranao. “Ang Aso at ang Leon” (Pabula ng Maranao) Isang araw, naligaw ang isang matandang aso habang hinahabol ang kuneho. Mayamaya ay napansin niya buhat sa malayo papalapit ang sa isang leon kaniya na na tumatakbo may tinging nagugutom. “Palagay ko’y lalapain ako ng nilalang na ito,” sabi ng aso sa sarili. Pabula(Fables)Archives-Wikakids Nakakita ang matandang aso ng mga butong nakakalat malapit sa kaniya. Umayos siya na animo’y kakainin ang mga ito nang nakatalikod sa paparating na leon. Nang dadambahin na ng leon, sumigaw ang matandang aso, “isang napakasarap na leon! Mayroon pa kayang iba rito? Nang marinig ng batang leon ang sigaw ng matandang aso ay bigla itong tumigil, at mabilis na nagtago sa puno. “Marahil ay mabagsik ang matandang asong iyon at marami nang napatay,” bulong niya sa sarili. Ang ardilya (squirrel) naman na kanina pa pala nanonood sa malapit na punongkahoy ay alam ang pandarayang ginawa ng aso at nag-isip na gamitin ang kaniyang nalalaman para sa kaniyang sariling proteksiyon mula sa leon. “Siguro naman ay makukuha ko ang loob ng leon,” nakangiting sabi nito sa sarili. Nang makausap ang leon, ipinaliwanag ng ardilya ang nangyari at gumawa ng kasunduan. “Baka pinagtatawanan ka ng asong iyon ngayon,” pangising tinuran ng ardilya. Napoot ang leon dahil sa pagkakalinlang sa kaniya at nagwika, “sumakay ka sa likod ko at nang makita mo ang mangyayari sa manlilinlang na iyon!” Natiktikan ng matandang aso ang pagdating ng leon na may nakasakay na ardilya sa likod. Sa halip na tumakbo, naupo siya at nagkunwaring hindi pa niya sila nakikita. Nang malapit na ang dalawa at alam niyang siya’y maririnig, ang matandang aso ay nagsabi, “nasaan ang ardilyang iyan? Inutusan ko siya, isang oras na ang nakakaraan na dalhin sa akin ang isa pang leon!” Biglang kinabahan ang leon at bumaling sa ardilya. “Akala ko ba’y kakampi kita?” 3 “Nilinlang mo lang pala ako at nais mo akong ipakain sa asong iyan?” Akala ng leon ay talaga ngang inutusan ng matandang aso ang ardilya upang siya ay dalhin sa harap nito. Lingid sa kaniyang kaalaman, sa laki niya ay kaya niyang patayin at lapain ang matandang aso. Kumaripas ng takbo ang leon, at ni hindi na nagawang lumingon. Ang ardilya ay naiwan. Hinarap siya ng matandang aso at galit na nagwika, “akala mo siguro ay mapapatay mo ako sa pamamagitan ng leong iyon!” Matanda na ako at marami ng karanasan. Hindi ninyo ako mapaglalalangan. Nanginginig na humingi ng tawad ang ardilya. GAWAIN 2: PAG –UNAWA SA BINASA Panuto : Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa patlang ang mga sagot. 1. Ilarawan ang mga tauhan sa binasang pabula . Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel. Ardilya Leon Matandang Aso 2. Anong mahalagang kaisipan ang nakapaloob sa sinabi ng matandang aso sa artilya na “matanda na ako at maraming karanasan”? ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ____________________________________ 3. Ano ang naging pananaw at saloobin mo sa naging kilos, galaw, o pananalita ng mga tauhan sa akda?Karapat-dapat o di karapat-dapat ba ang paggamit ng hayop bilang tauhan sa Pabula? Pangatuwiranan? ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ __________________________________ Gawain 3: KATAUHAN SA TAUHAN Magsaliksik ng larawan sa internet na higit na kakatawan sa tatlong tauhan sa pabulang nabasa sa itaas. Ipaskil ang larawan sa grapikong pantulong sa ibaba at saka ilarawan ang bawat isa sa pamamagitan ng kanilang katangian at ugnayan sa isa’t isa. 4 LEON ARDILYA MATANDANG ASO Sagutin mo ang mga sumusunod na pamprosesong tanong. 1. Ano ang ugnayan ni matandang aso kina Ardilya at Leon? 2. Anong katangian ng mga tauhan ang naibigan mo sa pabula? Bakit? 3. Anong aspekto ng kulturang Maranao ang itinampok sa pabula? Ipaliwanag. MGA EKSPRESYONG NAGPAPAHAYAG NG POSIBILIDAD Ang mga salitang posible, maaari, puwede, marahil, siguro, baka, sa palagay ko at ibang kauri nito ay mga ekspresiyong nagpapahayag ng posibilidad. Maaaring magkatotoo subalit hindi pa matiyak o masiguro. Ginagamit ito sa pagsasabi ng mga bagay na maaaring mangyari. 5 Halimbawa: 1. Posibleng manatili ka sa trabaho kung pagbubutihin mo 2. Maaari kang yumaman kapag pinagbuti mo ang iyong negosyo. 3. Puwede kang maging presidente ng kumpanya kapag pinanatili mo ang iyong kasipagan. 4. Marahil ay nagsisisi din siya sa kaniyang ginawa. 5. Siguro ay hindi na malilimutan kailanman ng mga tao ang matitinding kalamidad na tumama sa ating bansa. 6. Baka wala nang punong abutan ang susunod na henerasyon kung hindi natin iingatan ang kalikasan. KARAGDAGANG KAALAMAN O IMPORMASYON… Ang puppet show ay isang uri ng pagtatanghal sa entablado sa pamamagitan ng pagpapagalaw sa mga bagay na waring may buhay. Maaaring gamitan ng puppet na pinagagalaw at pinagsasalita ng mga aktor na tinatawag na puppeteer na sadyang nakatago mula sa paningin ng mga manonood. Narito ang iba’t ibang uri ng puppet. 1. Stick Puppet. Pinagagalaw ang kamay sa pamamagitan ng nakadugtong na patpat o alambreng matigas Clip art on office Online . 2. Shadow Puppet. Ang puppet sa likod ng telon na ang nakikita ay anino lamang. Clip art on office Online 3. Puppet Pangkamay (hand puppet). Ito ay maaaring yari sa papel o tela. Clip art on office Online GAWAIN 4. I-SEND MO SA MESSENGER Isang tanggap na kaugalian sa Islam na maaaring magkaroon ng higit isa isang legal na maybahay ang isang lalaking Muslim. Hindi ito kinikilalang 6 pangangaliwa, subalit isang responsibilidad. Isang mainit naman na paksa sa kasalukuyan ang pakikipagrelasyon nang higit sa isa sa parehong pagkakataon. Kadalasan itong tampok sa mga teleserye at pelikula. Sa gawaing ito, ibabahagi mo ang iyong opinyon ukol sa nasabing paksa sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong sa ibaba na gamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad. Isend ang iyong sagot sa messenger upang mabasa ito ng iyong guro. TANONG: Ano ang iyong opinyon sa pagkakaroon ng higit sa isang karelasyon sa kasalukuyan? Bakit? Clip art on Office Online Pagyamanin Gawain 5: PAGSUSURI NG TRAILER NG PELIKULA Panooring mabuti ang trailer ng pelikulang Bagong Buwan sa link na ito http://www.youtube.com/watch?v=v0Gj84B47kM. Bigyang-pansin ang mga kaganapan, diyalago, tagpuan at mga kaugaliang itinampok. Sagutin ang mga pamprosesong tanong matapos panoorin ang video clip. Sagutin mo ang mga sumusunod na pamprosesong tanong. 1. Ano ang ibig sabihin ng pahayag ng pangunahing tauhan na “Hindi lahat ng ipinaglalaban natin ay makukuha sa armas at dahas”? ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ 7 2. Ipaliwanag ang pahayag na ito: “Ipagpatuloy natin ang laban sa paraang mapayapa at kung kinakailangan ay sa paraan ng digmaan.” ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ 3. Ano ang ipinahiwatig ng pangunahing tauhan nang sinabi niyang “Layunin ko ang makatulong sa aking kapwa tao, Kristiyano man o Muslim”? ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ 4. Mayroong bahagi ng trailer kung saan ipinakikita na nagdarasal ang isang pamilyang Muslim at dalawang Kristiyano. Paano mo maiuugnay ang pananampalataya ng dalawang pangkat ng tao sa napanood na trailer? ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ 5. Anong impresyon ang nabuo sa iyong isipan ukol sa mga kaganapan sa Mindanao batay sa napanood mong video clip? Bakit? ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ Gawain 6: TAPATAN NG MGA HAYOP Natunghayan mo sa ikatlong gawain ang isang trailer ng pelikulang nagpapakita ng epekto ng hidwaan at digmaan sa Mindanao. Kaugnay nito, suriing mabuti ang pares ng mga hayop sa ibaba. Tukuyin kung aling pares ng mga hayop ang maaaring magkasundo o magkalamangan. Sa mga patlang sa ibabaw ng bawat pares na larawan, ilagay ang simbolong = kung sa palagay mo ay magkakasundo ang dalawang hayop; > naman kung malalamangan ng hayop sa unang larawan ang hayop sa pangalawang larawan; at < kung sa palagay mo ay malalamangan ng hayop sa ikalawang larawan ang hayop sa unang larawan. 1._____________ 2._______________ Clip art on office Online 8 Clip art on Office Online 3. ___________________ 4. __________________ Sagutin mo ang mga sumusunod na pamprosesong tanong. 1. Ano ang iyong naging batayan sa pagkilala kung aling pares ang maaaring magkasundo o magkakalamangan? Ipaliwanag. 2. Paano malalamangan ng isang hayop ang isa pang hayop sa mga pares ng larawan? 3. Paano mo nakikita ang lamangan sa lipunan sa kasalukuyan? Bakit? 4. Paano mo nakikita ang pagkakasundo sa lipunan sa kasalukuyan? Bakit? 9 Isaisip ALAM MO BA NA…. Ang Pabula na nagmula sa salitang Griyegong muzos na ang ibig sabihin ay myth o “mito” ay nagsimula sa tradisyong pasalita at nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon hanggang sa kolektahin ng mga pantas at sa huli ay binigyan ng ilang pagbabago ng mga tagapagkwento ng naayon sa kultura o kapaligirang kanilang ginagalawan.Ang ilan sa naunang kilalang koleksiyon o kalipunan ng pabula ay nagmula sa mga kaugalian ng mga bansa sa Silangan. Ang iba pang kolesiyon ay nagmula naman sa mga Griyego at Romano kung saan masasalamin sa mga paksa nito ang mga elementong panrelihiyon. Noon ay hindi naman hayop ang ginagamit na tauhan sa pabula kundi mga tao. Ang nagsimula sa paggamit ng mga hayop bilangsa mga tauhan pabulaSiya ay si Aesop. Siya na ang itinuturing na bilang mga tauhan pabula ay sisaAesop. ang itinuturing ama ng pabula, ama ngnabuhay pabula, at nabuhay at pinaniniwalaang sa pinaniniwalaang pagitan ng 620-564 BC sa pagitan Greece.ng Isa620-564 siyang BC sa Greece. Isa siyang alipin na nagtataglay ng dahil mga kapansanan alipin na nagtataglay ng mga kapansanan subalit pinalaya sa angking subalit pinalaya dahil sa angking husaypaggalang sa pagkukuwento. Bilang husay sa pagkukuwento. Bilang simbolo ng kaniyang at pagtanaw ng ng kaniyang ng paggalang pagtanaw ng utang na loob sa utang na loobsimbolo sa kabutihang-loob kaniyangatamo ay sinimulan niyang gamitin kabutihang-loob sinimulan niyang ang ang mga hayop bilang tauhanng sakaniyang kaniyangamo mgaay pabula upang huwaggamitin mapulaan ang mga tao.mga hayop bilang tauhan sa kaniyang mga pabula upang huwag mapulaan ang mgaang tao.pabula upang itago ang katauhan at pagKaraniwang ginagamit ginagamit angmasabi pabula upang ang Laging uugali ng mga taoKaraniwang sa lipunan na hindi nang itago hayagan. at pabula. paguugali ng mga tao sa lipunan na hindi masabi nang nagwawakas katauhan sa aral ang hayagan. Laging nagwawakas sa sa araliba’t angibang pabula. Ang mga Pabula ay lumaganap na rin bansa kabilang ang mga Pabula ay lumaganap na rinpasadumating iba’t ibangang bansa ating bansa. NagingAng laganap ito maging nang bago mga kabilang ang ating bansa.Naging magingatnang pa mananakop. Nagamit din ng ating mga ninunolaganap ang mgaitokwento aral bago na taglay dumating ang mga Nagamit ng ating mga ninunosa ng mga pabula sa pagtuturo ng mananakop. kagandahang-asal at din mabuting pamumuhay ang mganakwento at aral naSa taglay mga pabula sa ng pagtuturo ng mga tao lalung-lalo sa kabataan. mgangtauhang hayop mga pabula at mabuting sang mga tao lalung-lalo masasalaminkagandahang-asal ang mga katangiang taglay ngpamumuhay mga tao tulad magiging malupit, na sa kabataan. Sa mga tauhang ng mga pabula makasarili, mayabang, tuso, madaya at iba pa.hayop Itinuturo rin ng mga pabula ang ang katangiang taglay ng mga tao tulad tama, mabuti,masasalamin makatarungan at mga makataong pag-uugali at pakikitungo sa ng kapwa. magiging malupit,makasarili,mayabang,tuso,madaya at iba pa. Itinuturo rin ng mga pabula10 ang tama,mabuti, makatarungan at makataong pag-uugali at pakikitungo sa kapwa. Isagawa GAWAIN 7: PAGBUO NG CHARACTER PROFILE : Ang epektibong paghabi ng mga tauhan sa pabula man o sa iba pang uri ng akda ay isa sa pinakahahalagang bagay na dapat isaalangalang ng manunulat. Kailangang maging makatotohanan ang mga tauhan at makaangkop sa mga ito ang mambabasa upang higit niyang mapahalagahan ang binasa. Punan ang patlang sa bawat kahon o gumamit ng isang malinis na papel sa pagbuo ng halimbawa ng character profile para sa isang mabisang tauhan ng pabula. URI NG HAYOP: ____________________________________________________________ Paalala : Mahalaga ang pagpili ng tamang hayop upang epektibong maiparating sa mambabasa ang mensahe ng pabula. Halimbawa, ang aso sa pabulang binasa mo ay hindi maaring palitan ng pusa sapagkat hindi naman kasinlambing ng aso ang pusa. PANGALAN : ______________________________________________________ Bigyan ng angkop na pangalan ang iyong tauhan. Tiyaking angkop ito sa katauhang gagampanan. ANg isang malaki, matapang,at kinakatakutang leon halimbawa ay hindi na kapani-paniwalang matapang kapag pinangalanang “Tingting”. ËDAD : ______________________________________________________________ Kung hindi mo matukoy ang ensaktong edad ng iyong tauhan ay maaari kang magbigay ng tantiya sa edad nito, ITSURA : ____________________________________________________________ Magbigay nang maikling paglalarawan sa itsura ng iyong tauhan. MAGAGANDANG KATANGIAN : ________________________________________ Magtala ng tatlong magagandang katangian ng inyong tauhan. MGA KAHINAAN O KAPINTASAN : ___________________________________________________ 11 Maging sa tunay na buhay ay mayroon ding mga kahinaan o kapintasan ang isang nilalang. Ano- ano ang taglay na kahinaan o kapintasan ng iyong tauhan. MAIKLING TALAMBUHAY : _____________________________________________________________ Sumulat ng maikling paglalarawan sa buhay ng iyong tauhan. Paano ang kanyang pamilya? Ano ang gawain niya? Sino-sino ang kaibigan niya? Saan siya nakatira? RUBRIK SA PAGBUO NG CHARACTER PROFILE MGA PAMANTAYAN 4 3 2 1 Ang mga inilahad na mga katangian ay angkop para sa isang pabula. Makatotohanan at makabubuo ng isang tauhang bilog ang mga katangiang nakalahad. Nakagamit nang maayos na mga salita at pangungusap sa paglalahad. Nakakompleto o natapos ang isang malinis na character profile. KABUUANG PUNTOS Tayahin Panuto : Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipilian.Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa papel. Mahalaga ang katapatan sa pagsagot. 1. Sino ang tumatakbong papalapit sa aso na may tinging nagugutom? A. Leon B. Ardilya C. Pusa D. Kaibigan 2. Sino ang narinig ng leon na sumigaw? A. Ardilya B. Aso C. Pusa 12 D. Kaibigan 3. “Marahil mabagsik ang matandang asong iyon ay marami nang napatay”. Anong damdadamin ang ipinapahayag? A. nababahala B. nasisiyahan C. natatakot D. nag-aalala 4. “Nilinlang mo lang pala ako at nais mo akong ipakain sa asong iyan”. Sino ang nagwika nito? A. Ardilya B. Leon C. Pusa D. Kaibigan 5. Manlilinlang: manloloko ; Napoot : ______________ A. nagalit C. naligaw ng landas B. laging nagugutom D. hindi pinakain 6. Gutumin: laging nagugutom ; Ginutom : ________________ A. nagalit C. hindi pinakain B. nasisiyahan D. hindi pinakain 7. Alin sa pagpipilian sa bilang #5 ang kahulugan ng napariwara? A. D B. C C. B D. A 8. Masasalamin: makikita ; Muzos : ________________ A. grupo o pangkat 9. Pantas: dalubhasa A. mapanlinlang B. myth o mito C. tuso D. pantas ; Tuso : ______________ B. pinamunuan C. paniniwala D. persepsiyon 10. Ang mga tao ay may iba’t ibang persepsiyon sa buhay. Ano ang ibig sabihin sa salitang may salungguhit? A. mapanlinlang B. paniniwala C. pinamumunuan D. tuso Panuto: Bilugan ang salita o ekspresyong nagsasaad ng posibilidad sa bawat bilang. 1. Maaari kayang maglaho ang lahi ng mga hayop na nanganganib nang maubos tulad ng leon? 2. May posibilidad sigurong makatulong ang mga mamamayan para maisalba ang mga hayop na ito? 3. Sa tingin mo, posible kayang maparusahan ang mga taong nagmamaltrato ng mga hayop? 4. Baka mahirapan iyan dahil wala namang palaging nakabantay sa ating kagubatan. 5. Siguro dapat maging mas mabigat ang parusang ibibigay sa mga lalabag sa batas. 13 PANUTO: Suriin ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang tse ( ̷) kung ito ay nagpapahayag ng posibilidad, ekis (x) naman kung hindi. _____16. Umuulan ng malakas, marahil ay may bagyo. _____17. Dahil sa pagbabago ng klima, maraming sakahan ang hindi na pakikinabangan. _____18. Maaari bang humingi ng tulong? _____19. Posibleng yumaman ang taong may lakas ng loob na magtayo ng negosyo. _____20. Siguro ay parating na ang aking hinihintay na padala. _____21. Tumunog na ang bell, sa palagay ko ay mag-uuwian na ang mga magaaral. _____22. Baka malimutan mo ang iyong dalang bag, iwan mo na muna sa kuwarto. _____23. Tumakbo siyang parang kuneho. _____24. Di na naman siya dumating sa oras, siguradong huli na naman siya. _____25. Puwede nang makatanggap ng pensiyon ang mga nagsipagretiro na. 26-30. Ipaliwang: “Matanda na ako at marami ng karanasan.Hindi ninyo ako mapaglalamangan” ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ____________________________________ Magaling! Natapos mo ang lahat na mga gawain para sa lingo na ito. Sana ay may marami kang natutunan sa ating aralin. Karagdagang Gawain GAWAIN 8: MAGAGAWA NATIN: Minsan, may mga taong nakagagawa ng hindi mabuti tulad ng panlalamang makuha lamang ang isang bagay na gusto. Bumuo ng isang islogang nananawagan sa ibang tao, lalo na sa kabataang tulad mo upang 14 makaiwas sa mga negatibong epekto ng panlalamang/panlilinlang. Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel. Susi sa Pagwawasto BALIKAN 1. talaga 2. tunay 3. totoo 4. sadya 5. kahit 6. spagkat Sanggunian “Panitikang Rehiyunal (Kagamitan ng Mag-aaral ) https://Bitmoji.com http://www.youtube.com/watch?v=v0Gj84B47kM Wikakids.com https://brainly.ph Inihanda ni: JELLA E. ROSOLADA SST-1 Mga Kasamahang Guro sa Filipino 7 Brigida A. Badlon Ma. Claire M. Fudalan Mindacita D. Bancat Genellie I. Calipes Rowena C. Salutan Telephone Numbers (038) 412-3451, 412-2947, 501-5944 , 235-6176 15