Uploaded by Jan Bernabe Sabado

PAGLALAGOM

advertisement
PAGLALAGOM
PAGLALAGOM NA SINOPSIS
ANO ANG PAGLALAGOM?
Ang paglalagom ay ang
pinasimple at pinaikling
bersiyon ng isang sulatin o
akda.
Ang Paglalagom na Sinopsis
Ang sinopsis o buod ay isang uri ng
lagom na kalimitang ginagamit sa mga
akdang nasa tekstong naratibo tulad ng
kuwento,
salaysay,
nobela,
dula,
parabula, talumpati, at iba pang anyo
ng panitikan.
Ang Paglalagom na Sinopsis
Layunin nitong maisulat ang
pangunahing kaisipang taglay ng
akda kaya’t mahalagang matukoy
ang sagot sa sumusunod: Sino?
Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano?
Mga Dapat Tandan sa Pagsulat ng
Sinopsis
1. Banggitin ang pamagat, may-akda, at
pinanggalingan ng akda upang maipaunawa sa
mambabasa na ang kaisipang iyong inilalahad ay
hindi galing sa iyo kundi buod lamang ng akdang
binasa kaya iwasang magbigay ng iyong sariling
pananaw tungkol sa akda at maging obhektibo sa
pagsulat nito
Mga Dapat Tandan sa Pagsulat ng
Sinopsis
2. Gumamit ng ikatlong
panauhan sa pagsulat
3. Isulat batay sa tono ng
pagkakasulat ng orihinal na sipi nito.
Kung malungkot ang damdaming
naghahari, dapat maramdamin din
ito sa buod na gagawin
4. Isama ang mga
pangunahing tauhan,
kanilang mga gampanin at
suliraning kinakaharap.
5. Maaaring buuin ang buod ng isang
talata, maging ng ilang pangungusap
lamang. Kung higit sa isang talata,
gumamit ng angkop na mga pangugnay sa paghabi ng mga pangyayari
sa ibinubuod.
gumagamit ng at at saka para sa dalawang salita o
kaisipan na magkasinghalaga
gumagamit ng ngunit, subalit, at samantala para sa
mga magkasalungat
gumagamit ng dahil sa, sanhi ng,
sapagkat, at palibhasa para mangatwiran
gumagamit ng sa wakas at sa lahat ng ito para
magpahiwatig ng pagtatapos
6. Tiyaking wasto ang
gramatika, pagbaybay, at
mga bantas na ginamit sa
pagsulat
7. Huwag kalimutang isulat
ang sangguniang ginamit
kung saan hinango ang
orihinal na sipi ng akda.
Halimbawa:
Ang Alamat ng Ko So Thah
ni : Joaquin Sy
May isang bundok sa Tsina na pinangalanang Bundok ng Pao Kai. Naninirahan sa
paanan niyon si HAI SENG at kanyang asawa at kapatid. Bagamat mahirap,may
paggalang at pagmamahal sila sa isa’t isa kung kaya’t kuntento at masaya silang
namumuhay.Ngunit heto’t dumating ang matinding tagtuyot hindi lamang sa
bukirin kundi pati sa karagatan. “Wari’y bigla ring naglaho ang isda sa dagat!”
Dahil sa pagaalala sa kanilang kahihinatnan, matatag ang pagpapasya ni Hai
Seng na humanap ng ikabubuhay sa ibayong dagat. Sumakay siya bangkang
may layag.Humayo siya habang hinahatid ng tanaw ang maghipag. Narating
niya ang isang napakalayong pulo ngunit tila mailap ang kapalaran. Ilang taon na
siyang namalagi roon kahit nangungulila sa asawa at kapatid.
Nasasabik at naiinip ang maghipag sa tagal ng panahong hindi bumalik si Hai Seng.
Umakyat sila sa tuktok ng bundok para maghintay . Araw-araw nila itong gagawin.Sa
bawat akyat nila, may dala silang mga batong isinasalansan nila pataas para lalo
nilang matanaw ang kalawakan ng karagatan pero wala pa rin ang hinihintay.
,kayat sumulat ng liham ang asawa sa pamamagitan ng dugong dumaloy sa
kinagat na daliri. 18 Ikinabit ang liham sa isang ginawang saranggola at ipinailanlang
ito sa kalawakan upang tangayin ng hangin. Sa ibayong dagat, nakita ng Hai Seng
ang saranggola habang nangungulila itong nakatanaw sa dalampasigan. Nagpasya
itong umuwi sakay ng bangkang may layag na gawa ng mga kasamahan sa
pulo.Laking tuwa niya nang matanaw ang tuktok ng bundok at makita ang asawa at
hipag. Nagkawayan sila ngunit biglang sinalpok ng malaking alon ang kanyang
sinasakyan at tinangay siya ng alon. Nakita ito ng maghipag. Agad silang bumaba
ng bundok at tinangka siyang sagipin ngunit pati sila’y nilamon ng mabagsik na
karagatan.Nalungkot ang buong nayon. Dahil dito , nagtayo sila ng pagoda sa
salansan ng mga bato sa tuktok ng bundok. Tinatawag nila ito ngayong Pagoda ng
Maghipag o Ko So Thah.
Download