Uploaded by TheHost. Jokes

Ang-Buhay-ng-Isang-Bayani

advertisement
Ang Buhay ng Isang Bayani
Minsan, ang isang tao nabubuhay ng isang maayos at masunurin na pamumuhay pero
may mga mga pagkakataon na may isang tao na lumalabag sa mga pamantayan at nagpapakita
kung anong kaya ng isang indibidwal kung mag eeffort talaga sila sa mga bagay na gusto nilang
gawin. Isang tao na nagpakita nito ay nagngangalang Jose Rizal, isang kilalang makasaysayang
pigura at bayan isa Pilipinas. Makikita sa dokumentaryo na pinangalanan “Ang Buhay ng Isang
Bayani” na nagpapakita ng buhay ng ating Pambansang Bayani at nagsisimula kung saan siya
pinanganak at ang buhay nya nung bata pa siya. Si Jose Rizal ay ipinanganak noong Hunyo 19,
1861, sa lalawigan ng Laguna, sa bayan ng Calamba mula sa isang ginang na nagngangalang
Teodora P. Alonzo at isang ginoo na nagngangalang Francisco Mercado Rizal. Nung bata pa siya
si Jose ay isang simpleng batang lalaki na may kaalaman, kasanayan, at talento na walang
katulad sa kanya sa taon na yun. Sa tulong ng nanay niya sa pagbasa at pagsulat at yung punda
ng tatay nya sa edukasyon ni Jose, patuloy niyang hinahasa ang kanyang mga talent at mga
kaalaman niya sa mundo ngunit patuloy rin siyang lumago nang may paggalang sa iba sa
kanyang paligid. Kahit matalino si Jose madals rin siyang pinapalo at dinisiplina sa eskwelahan
at di lang yan ang mga masasamang nangyari, nakulong rin ang nanay ni Jose dahil sa blackmail
at pandaraya. Kahit nangyari yan tuloy parin ang pagaaral ni Jose at pagsikap nya at nung
nagging 14 si Rizal nag sa Ateneo Municipal nanakatirik noon sa Intramuros at dito naranasan ni
Rizal ang tagumpay, pait at pagibig ng isang estudyante sa pag aaral. Noong nalaya si Donya
Teodora nakapagtapos na si Jose sa kursong secondarya at noong siya ay nagging 15
nakatanggap si Jose ng Diploma sa Bachelor En Artes at limang medalya. Nagenroll pa si Jose sa
Unibersidad ng Santo Tomas sa kursong Pilosopiya dahil sa kanyang ama na nagdududa sa
kanyang katalinuhan at nung nagaaral si Jose ng medesina nalam nya na ang nanay nya ay
nabubulag na naging isang motibasyon nya. Sa paglipas ng mga taon marami narin na
nakaranasan ni Jose katulad ng unang kasintahan nya kay Segunda Katigbak at mga kaibigan na
nakilala nya nung nagaaral at nagsusulat pa siya. Nakilala rin ni Rizal ang isang Australian
Scholar na si Ferdinand Blumentritt nung simulang nag susulat siya ng mga sikat na sulat nya
katulad ng Noli Me Tangere at iba pa. Ginamit talaga ni Jose yung talino para sa Pilipinas upang
ipagtanggol at ipakita sa mga tao ang ilang mga pangyayari na nagaganap sa Pilipinas. Sa
pamamagitan ng kanyang mga akda ay ipinagtanggol niya ang ating mga karapatan bilang
Pilipino at bilang isang bansa laban sa mga kastila at itinuturo rin niya ang mga iba’t ibang
problema sa loob ng ating bansa. Gamit ang kanyang panulat at papel, ginawa niya ang hindi
kayang gawin ng mga espada, baril, at sandata, at iyon ay ang pagsama-sama ng mga kababyan
bilang isang bansa.
Download