KONTEMPORARYO = bago, napapanahon, kasalukuyan ISYU = pangyayari, suliranin, o paksa na napag-uusapan KONTEMPORARYONG ISYU = tumutukoy sa anumang pangayayari, paksa, tema, opinion, o ideya na may kaugnayan sa kasalukuyang panahon. Saklaw nito ang lipunan at kultura at may tuwirang ugnayan sa interes at gawi ng mga mamamayan. Maaaring ito’y naganap o umiral sa nakalipas na panahon ngunit nananatiling litaw ang epekto nito sa kasalukuyan. Ito ay pinag-uusapan at nagdudulot ng malawakang epekto na maaaring positibo o negatibo sa buhay ng mga tao sa lipunan. Panlipunan at Pampolitikal Pangkapaligiran Pangkalakalan Pangkalusugan Panlipunan at Pampolitikal Pangkalakalan LOKAL o PANDAIGDIG Pangkapaligiran Pangkalusugan 1. Paano nga ba nagsimula ang isyu? Sino ang naaapektuhan sa isyung ito? 2. Bakit mahalaga ang isyung ito? 3. Saan nanggaling ang isyu? Ano ang pinanggalingan (sources) ng isyu? Makatotohanan at mapagkakatiwalaan ba ang paglalahad ng pinanggalingan ng isyu? 4. Anong aspekto ng lipunan ang nais bigyang pansin sa isyu? Ito ba ay tumutukoy sa mga isyung panlipunan, pangkapaligiran, ekonomiko, pampolitika, o pangkalusugan? 5. Paano maiuugnay ang isyu sa iba pang aspektong panlipunan? 6. Matapos mong suriin ang isyu, Ano ang iyong naramdaman? 7. Paano nakakaapekto ang isyu sa iyong komunidad, bansa at pandaigdigan? Paano ka tutugon sa mga hamong panlipunan? Ang lipunan ay pangkat ng mga tao kung saan ibinabahagi ang kultura sa isang teritoryo. “Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan”. Ito ay nabubuo dahil sa pagaagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunangyaman upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Sa tunggalian na ito, nagiging makapangyarihan ang pangkat na kumokontrol sa produksyon. Bunga nito, nagkakaroon ng magkakaiba at hindi pantay na antas ng tao sa lipunan na nakabatay sa yaman at kapangyarihan.” KARL MARX EMILE DURKHEIM Ang lipunan ay patuloy na kumikilos at nagbabago. Ito ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ang lipunan ay binubuo ng magkakaiba subalit magkakaugnay na pangkat at institusyon. Ang maayos na lipunan ay makakamit kung ang bawat pangkat at institusyon ay gagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin.” CHARLES COOLEY “Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin”. Nauunawaan at nakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan. Makakamit ang kaayusang panlipunan sa pamamagitan ng maayos na interaksiyon ng mga mamamayan.” organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan. Kabilang rito ang pamilya, paaralan (pangedukasyon), pamahalaan, at pang-ekonomiya ANU-ANO ANG MGA NAGIGING ISYU PAGDATING SA BAHAGI NA ITO NG LIPUNAN? pinagsama-samang bilang ng tao na mayroong pagkakatulad na katangian at naniniwala na ang kanilang ugnayan at pagkakatulad ay mahalaga sa lipunan Primary Group -ito ay mayroong maliit na bilang lamang at may matinding bigkis ng pagsasama sa bawat isa. Secondary Group -ito ay may malaking bilang na ang bawat kasapi ay pinagsasama-sama upang mas mabigyan ng pansin ang layunin at mithiin kaysa sa pansariling emosyon. tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal sa isang pangkat, organisasyon, o lipunan Karapatan, obligasyon, at mga inaasahan ng lipunan na kaakibat ng posisyon ng indibiduwal tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga mamamayan sa isang lipunan Ito ay binubuo ng mga materyal na bagay na nilikha o ginagamit ng tao. Ang mga bagay na ito ay may kahulugan at mahalaga sa pag-unawa ng kultura ng isang lipunan. Ito ay binubuo ng mga kaiispan at ideya. Ito ay bahagi ng pangaraw-araw na pamumuhay ng tao at sistemang panlipunan. Paniniwala (Beliefs) Tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo. Pagpapahalaga (Values) Ito ay isang pamantayan na kumikilala kung ang katanggap-tangap sa isang lipunan. Norms Ito ay tumutukoy sa mga batas at inaasahan na pamantayan para sa mga asal, kilos, o gawi ng tao sa isang lipunan. URI Folkways Mores Simbolo (Symbols) Ito ay ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit dito. maituturing na pribadong isyu na nareresolba mismo sa pribadong pamamaraan Nagiging mulat sa mga nangyayari sa lipunang kinabibilangan at napagtatanto na ang isa ay may tungkulin na gampanan sa bawat isyu na kinakaharap Napapaunlad ang iyong kakayahang mag-isip ng mga hakbangin, kakayahang magplano, at magsagawa ng mga programang makalulutas sa mga suliranin. Nasusuri ang mga mabuti at di-mabuting epekto ng mga nagaganap sa loob at labas ng bansa Nahahasa ang kakayahang magpahayag ng opinyon na may sapat datos o ebidensya at hindi basta-basta nagbibigay ng mga pekeng balita Napahahalagahan natin ang mga ambag ng bawat mamamayan sa paglutas sa bawat isyu o hamon