TITLE CARD KAREEN C. QUIMAT TEACHER III– TITAY CENTRAL ELEM. SCHOOL METADATA CARD PAMANTAYAN SA PAGKATUTO Nabibigyang halaga ang mga kontribusyon ng mga natatanging Pilipinong nakipaglaban para sa kalayaan AP6PMK-Ih-11 Ang kagamitang ito ay naglalayong matulungan ang mga mag-aaral na mas lubusang makilala at mabigyang pansin ang mga bayani ng ating lahi na nakipaglaban sa ating bansa sa panahon ng mga KAREEN C. QUIMAT Teacher III– Titay Central Elem. School WHAT HAPPENED CARD Suriin ang larawan sa ibaba Ano ang kaganapang ipinapakita sa larawan? Sa iyong palagay, bakit nakikipaglaban ang mga Pilipino sa mga dayuhan? Ilang Pilipino kaya ang nagbuwis ng buhay para sa ating kalayaan? WHAT HAPPENED CARD Bago natin talakayin ang mga nanatanging Pilipinong nakipaglaban para sa ating kalayaan, subukang sagutin ang pagsasanay. PAUNANG PAGTATAYA SINO AKO? ( HULAAN GAME ) _______________ 1. Ako ang pinakabatang heneral na lumaban sa himagsikan laban sa mga Espanyol at Ameikano. _______________ 2. Itinatag ko ang “ Republikang Tagalog” sa bulubunduking Siera Madre at ang kahuli-hulihang heneral na sumuko sa mga Amerikano. _______________ 3. Taguri sa akin ay Tandang Sora at Ina ng Katipunan, ako ang pinakamatandang kasapi ng Katipunan. _______________ 4. Nakipaglaban ako para sa ating kalayaan at naihalal ako bilang pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas. _______________ 5. Itinalaga ako bilang Commander-in-Chief sa panahon ng pamumuno ni Aguinaldo, isa ako sa pinakamahusay na heneral noon. WHAT HAPPENED CARD Bago natin talakayin ang mga nanatanging Pilipinong nakipaglaban para sa ating kalayaan, subukang sagutin ang pagsasanay. SINO AKO? ( HULAAN GAME ) ________________ 6. Kilala ako bilang Utak ng Himagsikan, tumulong ako sa himagsikan sa kabila ng aking kapansanan. ________________ 7. Lumaban ako sa digmaang Pilipino– Amerikano at ako ang pinunong heneral ng Batangas. ________________ 8. Ipinaglaban ko ang ating bayan laban sa mga Amerikano, namuno ako sa pakikidigma sa labanan sa Balangiga, Samar kung saan natalo ang mga Amerikano. ________________ 9. Ako ang natatanging babaing sumumpang kasapi ng Katipunan, naghiwa ng bisig at lumagda sa katipunan gamit ang aking dugo. ________________ 10. Ipinatapon ako ng mga Amerikano sa Guam ng tumanggi akong manumpa sa kanilang bandila. WHAT DO YOU NEED TO KNOW CARD Marami ka bang nasagot ng tama sa ating pagsasanay? Para madagdagan ang iyong kaalaman, talakayin natin ang buhay ng mga natatanging Pilipinong lumaban para sa ating bansa. Handa ka na ba? WHAT DO YOU NEED TO KNOW CARD Hi , ako si teacher Kareen. Nandito ako para tulungan kayong kilalanin ang mga bayani ng ating lahi sa panahon ng pakikipaglaban natin sa mga Amerikano upang makamit natin ang ating kalayaan. Marami tayong mga kalahing nakipalaban ngunit ang iba sa kanila ay maaring inyo ng nakalimutan. Tutulungan ko kayong maalala sila. Kilalanin natin sila. Ki- WHAT DO YOU NEED TO KNOW CARD Siya si Hen. Emilio Aguinaldo. Lumaban siya sa himagsikan laban sa Espanyol at mga Amerikano. Siya rin ay naihalal bilang pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas. Ipinahayag ni Emilio Aguinaldo ang kasarinlan ng bansa sa kanyang bahay sa Kawit, Cavite noong ika-12 ng Hunyo, 1898. Kilalanin natin sila. WHAT DO YOU NEED TO KNOW CARD Siya naman si Macario Sakay. Ipinagpa- tuloy niya ang paglaban sa mga Amerikano kahit nahuli na si Hen. Aguinaldo. Binansagan siyang tulisan ng mga Amerikano.Itinatag niya ang “ Republika ng Tagalog sa bulubundukin ng Sierra Madre. Tinawag na tulisan ng mga Amerikano si Sakay. Pinatay si Heneral Macario Sakay sa harap ng maraming tao sa pamamagitan ng pagbibigti noong Setyembre 13, 1907.Siya rin ang kinikilalang isa sa mga nagtatag ng Nacionalista Party noong 1907 na ipinaglaban ang kalayaan ng Pilipinas sa Amerikano sa legal na paraan. Kilalanin natin sila. WHAT DO YOU NEED TO KNOW CARD Si Hen. Gregorio del Pilar ay 24 taong gulang lamang ng siya ay lumaban bilang heneral. Siya ang pinakabata sa lahat. Siya ang naging pinunong heneral ng Batangas. Ipinagtanggol niya ang Pasong Tirad, kasama ang 60 kawal upang hadlangan ang mga tumutugis kay Aguinaldo. Tinagurian siyang “Bayani ng Pasong Tirad. Kilalanin natin sila. WHAT DO YOU NEED TO KNOW CARD Tinaguriang Tandang sora si Melchora Aquino dahil sa 84 taong gulang na siya ng sumanib sa Katipunan. Kinupkop at kinalinga niya ang mga sugatang Katipunero. Tinagurian din siyang “Ina ng Katipunan”. Hinuli siya at ipinatapon sa Marianas sa panahon ng mga Espanyol. Bumalik sa Pilipinas noong Pebrero 26, 1903. Inalok ng mga amerikano ng pension ngunit tinanggihan niya Kilalanin natin sila. WHAT DO YOU NEED TO KNOW CARD Siya si Hen. Antonio Luna. Nagsimula siyang lumaban sa himagsikan laban sa Espanya. naging Commander-in-Chief sa panahon ng pamumuno ni Aguinaldo. Isa siya sa pinakamuhusay na heneral noon. Namuno rin siya sa pakikidigma sa mga Amerikano ngunit pinatay siya ng mga sundalong kaalyado ni Aguinaldo noong Hunyo 5, 1899. Kilalanin natin sila. WHAT DO YOU NEED TO KNOW CARD Kilala bilang “ Utak ng Himagsikan” si Apolinario Mabini. Lumaban siya sa himagsikan sa kabila ng kanyang kapansanan. Si Apolinario ay isang lumpo kaya binansagan din siyang “ Dakilang Lumpo”. Ipinatapon ng mga Amerikano sa Guam si Mabini dahil ayaw nitong manumpa at kilalanin ang mga Amerikano. Kilalanin natin sila. WHAT DO YOU NEED TO KNOW CARD Si Hen. Miguel Malvar ay lumaban sa himagsikan laban sa Espanya at mga Amerikano. Siya ang namuno sa labanan sa Batangas. Siya ang pinakahuling heneral na Pilipinong lumaban sa digmaan noong Abril 1902. Sa kanyang pagsuko opisyal na ibinalita ng noo'y Pangulo ng Estados Unidos na si Theodore Roosevelt na tapos na ang digmaan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika noong Hulyo 4, 1902 . Kilalanin natin sila. WHAT DO YOU NEED TO KNOW CARD Pinuno ng hukbong nakipagdigma laban sa mga Amerikano sa Timog Luzon si Hen. Vicente Lukban. Pinamahalaan niya ang Samar at Leyte noong unang Republika ng Pilipinas. Siya rina nag namuno sa pakikidigma laban sa mga Amerikano sa Balangiga, Samar kung saa natalo nila ang mga Amerikano. Kilalanin natin sila. WHAT DO YOU NEED TO KNOW CARD Si Trinidad Tecson ay 40 taong gulang ng sumapi sa Katipunan. Siya ang nag-iisang babaing sumupa, naghiwa ng kanyang bisig at lumagda sa sariling dugo.Naging Commissary of War siya noong maitatag ang Republika ng Malolos. Pinarangalan din siya ni Aguinaldo bilang Ina ng Biak-na-Bato. Kinilala rin siya ng mga Amerikano bilang Ina ng Red Cross sa Pilipinas. Kilalanin natin sila. WHAT DO YOU NEED TO KNOW CARD Lumaban sa himagsikan laban sa Espanyol at Amerikano si Artemio Ricarte. Noong 1900, sinubukan niyang pasukin ang Maynila ngunit nahuli siya ng mga Amerikano at ikinulong sa Bilibid ng anim na buwan. Ipinatapon siya sa Guam nang tumanggi itong sumumpa ng katapatan sa mga Amerikano. WHAT HAVE YOU LEARNED CARD Ayos! Natapos mo narin ang ating aralin. Marami ka bang natutunan? Mas lalo nating paunlarin ang iyong mga natutunan sa pamamagitan sa pagsagot sa mga susunod na mga Gawain. WHAT HAVE YOU LEARNED CARD GAWAIN A Panuto: Kilalanin ang nasa larawan. Isulat ang sagot sa patlang na nasa ibaba ng larawan. __________________________ , _______________________________, _______________________________, ________________________________, ______________________________ WHAT HAVE YOU LEARNED CARD GAWAIN B Panuto: Pagtambalin ang pangalan ng bayaning nasa Hanay A at ang mga impormasyong nasa Hanay B. 1. Melchora Aquino 2. Trinidad Tecson 3. Apolinario Mabini A. Pinakabatang heneral at tinaguriang Bayani ng Pasong Tirad B. Nagtatag ng Republika ng Tagalog C. Namuno sa labanan sa Balangiga, Samar D. Naging Commander-in-Chief sa panahon ni Aguinaldo 4. Gregorio Del Pilar E. Pinakahuling heneral na Pilipinong lumaban sa mga Amerikano 5. Emilio Aguinaldo F. Naging Commissary of War sa Malolos at pinaranagalang Ina ng Red Cross 6. Macario Sakay 7. Vicente Lukban G. Pinakamatandang kasapi ng Katipunan at tinaguriang Ina ng Katipunan 8. Artemio Ricarte H. Binansagang Utak ng Himagsikan at Dakilang Lumpo 9. Miguel Malvar I. Pangulo ng Unang Repulika ng Pilipinas at nagpahayag ng kasarinlan 10. Juan Luna J. Pinatapon sa Guam dahil ayaw kilalanin ang kapangyarihan ng mga Amerikano WHAT HAVE YOU LEARNED CARD GAWAIN C Panuto: Basahin ang mga pahayag at tukuyin kung ito ay tama o mali. __________ 1. Ipinahayag ni Hen. Emilio Aguinaldo ang kasarinlan ng bansa sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898. __________ 2. Si Melchora Aquino ay 84 taong gulang na noong siya ay sumapi sa Katipunan. __________ 3. Pinatay ng mga Amerikano si Macario Sakay sa pamamagitan ng Lethal Injection. __________ 4. Kasama ni Hen. Gregorio del Pilar ang 60 kawal sa pagharang sa mga tumutugis kay Aguinaldo. __________ 5. Natalo ng mga sundalong Pilipino sa pamumuno ni Hen. Lukban ang mga Amerikano sa Samar. WHAT HAVE YOU LEARNED CARD Sa wakas natapos mo na ang mga gawain. OOPS!!! Kapit ka lang, may isa pa akong ipapagawa sa iyo. Wag kang mag-alala huli na ito. WHAT HAVE YOU LEARNED CARD GAWAIN D Panghuling Pagtataya Panuto: Sagutin ang mga tanong. ( Dalawang puntos bawat tanong ) 1. Paano nakatulong ang mga kababaihan sa paglaban sa mga mananakop? 2. Paano nakipaglaban sa mga Amerikano ang mga katutubong Pilipino upang makamit ang minimithing kalayaan? 3. Sino sa mga natatanging Pilipinong lumaban sa mga Amerikano ang lubos mong hinahangaan? Bakit? 4. Sa iyong palagay, ano ang buhay natin gayon kung hindi nakipaglaban ang ating mga katutubo para sa ating kalayaan? 5. Gumawa ng isang slogan bilang pagbibigay pugay sa kabayanihang ipinakita ng ating mga katutubo. Sa bahaging ito, maaring tatawagin ng guro ang mag-aaral upang may oras silang makapagbahagian ng kuru-kuro REFERENCE CARD Kayamanan 6 Batayang at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan PP.70-72 www.slideshare,com ANSWER CARD MGA KASAGUTAN Paunang Pagsusulit Gawain A Gawain B Gawain C 1. Gregorio del Pilar 1. Melchora Aquino 1. g 1.Tama 2. Macario Sakay 2. Artemio Ricarte 2. f 2. Tama 3. Melchora Aquino 3. Antonio Luna 3. h 3. Mali 4. Emilio Aguinaldo 4. Macario Sakay 4. A 4. tama 5. Antonio Luna 5. Trinidad Tecson 5. I 5. Tama 6. Apolinario Mabini 6. B 7. Miguel Malvar 7. C 8. Vicente Lukban 8. J 9. Trinidad Tecson 9. E 10.. Artemio Ricarte 10.d A Ako po si teacher Kareen nagsasabing maraming salamat! Sana ay may natutunan ka sa ating aralin. HANGGANG SA MULI……... Lahat po ng larawan ay hiram mula sa google.