KINDERGARTEN CLASS HOME SCHEDULE Ating alamin ang skedyul na ating dapat sundin sa klase. Meeting Time 1: Ito ang oras na ginagawa natin ang mga routinary Activities o Gawain na araw araw ginagawa tulad ng: Panalangin, Pambansang awit, Panunumpa, Ehersisyo,Araw, Buwan, Petsa, Taon at Panahon. Work Period 1: Sa oras na ito lahat ng itinakdang gawain ay kailangang gawin. Meeting Time 2: Ito ang oras upang pagusapan ang mga mahahalagang dapat matutunan ng bata sa itinakdang araw. Supervised Recess: Sa oras na ito pwedeng kumain ang mga bata pero kailangan gabayan ng tama tulad ng pagkain ng masusustansya at pagkain ng mag isa. Quiet Time: Ito ang itinakdang oras upang makapagpahinga ang mga bata mula sa naunang mga gawain. Story Time: Ito ang oras ng pagkukwento upang malinang ang kaisipan at matutunan ang mga aral ng buhay. Gabayan gamit ang mga iba’t-ibang uri ng tanong. Work Period 2: Ito ang oras upang gawin ang mga karagdagang Gawain na itinakda sa araw ito. Indoor/Outdoor Activity: Ito ang oras kung saan pwedeng paglaruin o maging partner sa paggawa ng gawaing bahay ang mga bata subalit tiyaking may natutunan. Meeting Time 3: Ito ang oras upang ipaligpit ang mga gamit ng bata at ipasambit ang mga natutunan sa araw na ito.