Lit 1 Ang Panitikan sa Panahon ng Republika (1946-1986) A. Kaligirang Pangkasaysayan o o o o Sumigla agad ang panitikang Pilipino pagkatapos na bumagsak ang kapangyarihan ng mga Hapon sa Asya. Marami ang nasabik sa pagsulat maging ito man ay sa Tagalog o Ingles. Nabuksang muli ang mga palimbagan ng mga pahayagan at mga magasin. Nagkaroon ng mga pangganyak o pang-akit sa mga manunulat na magsisulat tulad ng: Palanca Memorial Award in Pilipino and English Literature Republic Cultural Award Gawad ni Balagtas Award Taunang Gawad ng Surian ng Wikang Pambansa o Talaang Ginto Lumawak ang kaalaman ng sining ng pagsulat ng maraming manunulat na Pilipino dahil sa pagbabasa nila ng mga akdang Amerikano, Ingles at iba pang bansa. Dalawang uri ng mga mambabasa: o intelektwal na mambabasa – mga nagbabasa upang madagdagan ang kaalaman at karaniwang nagbabasa ng Ingles o karaniwang mambabasa o masa – nagbabasa upang maglibang at kadalasan ay mga babasahing Pilipino ang binabasa Mga Samahang Pampanitikan na Itinatag TANIW – Taliba ng Inang Wika KADIPAN – Kapisanan ng Diwa at Panitik KAMPI – Kapisanan ng mga Mandudulang Pilipino Panitik ng mga Kababaihang Manunulat Samahang Balagtas PANITIKAN – ito ay samahang pampanitikan sa iba’t ibang pamantasan at kolehiyo Mga Samahang Pampanitikan sa Ingles o o o o o o o Philippine Writer’s Association o PETA – Philippine Educational Theater Association o Barangay Writer’s Guild o Arena Theater o Dramatic Philippines Ang pansin ng mga manunulat na Tagalog ay nalipat sa pagsusulat ng mga aklat pampaaralan sa Pilipino. Nagsulat sila ng mga aklat na pambalarila at pampanitikan, kasama ang mga tula, sanaysay at maikling kuwento. Ang mga akda ng mga dakilang manunulat noong unang panahon ay nabuhay na muli sapagkat ang mga ito’y isinama sa mga babasahing pampanahon ng mga bagong manunulat. B. Katangian ng Panitikan sa Panahong ito ang naging paksa ng mga akda sa panahong ito ay tungkol sa kalupitan ng mga Hapones, kahirapan ng pamumuhay noon, pamahalaang Hapon, at kabayanihan ng mga gerilya. Sa panahon ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand E. Marcos, idineklara nya ang Batas Militar. Ito ang nagpasimula ng pagpapakilala ng Pangulo sa tunguhin ng kanyang pamahalaan na pagkakamit ng bansa ng kaunlaran sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang Bagong Lipunan, kayat maraming mga kathang nalathala na nauukol sa pagtataguyod ng mga layunin ng bagong lipunan. May mga lathalain ding naglalarawan ng tunay na nadarama ng marami sa Pilipino nang panahong iyon. Ang mga nasabing akda ay nagpapahiwatig ng mapanghimagsik na damdaming namamayani at pagtutol sa nadaramang pagsupil sa ilang karapatang pantao katulad ng kalayaan sa pagpapahayag at pamamahayag. Palihim o pailalim na nalathala ang mga naturang akda. Sa panahon ng Batas-Militar ay ipinagbawal ang mga di-opisyal na diskurso, ang bawat sambit ay dapat naaayon sa diskurso ng nakakapangyayari. Nagkaroon ng paglilinis(sensura) ng mga palabas, brodkast at limbag na midya. Nilikha ang mga pangkulturang institusyon, organisasyon, programa at iba pang may kinalaman sa paglalatag ng pundasyon ng Bagong Lipunan: o Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) o National Music Competition for Young Artists (NAMCYA) o Phil. Youth Orchestra o Philharmonic Orchestra o Philippine Society for Music Education o Popular Music Foundation of the Philippines Mga ipinatayong gusali na naging tahanan ng kulturang Pilipino o Folk Arts Theater o Cultural Center of the Philippines o Philippine International Convention Center C. Iba’t ibang Genre ng Akdang Pampanitikan sa Panahong Ito ` TULA – ito ay nangangailangan ng masusing pagpili ng mga salita, bilang ng mga pantig at tugmang mga salita upang ipadama ang isang damdamin o kaisipang manunulat. o Mga manunulat ng tula sa panahong ito: Alejandro Abadilla – “Ako ang Daigdig” 1955, dahil sa kagandahan ng tulang ito ay pinagkalooban siya ng Surian ng Wikang Pambansa ng Diploma ng Karangalan bilang Pangunahing Makata ng taong 1957. Jose Villa Panganiban – “Mga Butil ng Perlas” 1960, binubuo ng 70 tula na handog nya sa kanyang asawa para sa kanilang ika-25 taong anibersaryo n pagiisang dibdib. Aniceto Silvestre – “Filipinas” nanalo ng unang gantimpala sa paligsahan ng Surian ng Wikang Pambansa noong 1946. Kinilala siya bilang Pambansang Makata ng maipanalo nya ang dalawa nyang tulang “Ako’y Lahing Kayumanggi” at “Mutya ng Silangan” na nagkamit ng una at pangalawang Teo Baylen – “Tinig ng Darating” kanyang tulang tinipon sa loob ng 30 taon at pinagkalooban ng Republic Cultural Award noong 1963. Amado V. Hernandez – “Isang Dipang Langit” humalili kay Jose Corazon de Jesus bilang pangunahing makata sa Tagalog. Siya ay nagkamit ng Republic Cultural Award. Ang tulang ito ay nagtataglay ng diwang mapanghimagsik na kanyang sinulat sa loob ng bartolina ng Muntinlupa noong Abril 22, 1952. Nabilanggo sya dahil sa bintang na isa syang komunista dahil sa pagtatanggol nya sa mga dukha at manggagawa. Bienvenido A. Ramos – “Maynila” nagkamit ng Unang Karangalan sa Taunang Timpalak ng Talaang Ginto noong 1963, sa tulang ito ipinakita ng makata ang dalawang mukha ng lungsod ng Maynila: ang pangit at magandang mukha nito. Ngunit higit na binigyang diin ng makata ang pangit na mukha ng lungsod dahil sa likod ng lahat ng kariktan at kasaganaan nito ay naroon ang lahat ng uri ng kasamaan, karahasan, katiwalian at pagkukunwari. Iba pang manunulat ng tula sa panahong ito: o Cirio Panganiban – “Salamisim” 1955 o Jose Corazon de Jesus – “Talaang Ginto” 1958 o o o Manuel Car. Santiago – “Buhay at Iba pang mga Tula” 1959 Teodoro Gener – “Ang Sining ng Tula” 1958, “Pag-ibig,” “Guro,” Benigno Ramos – “Ang Bahay ng Diyos,” “Ang Kayumanggi,” “Bayani” atbp. Ang makabagong tula ni Jose Villa Panganiban - “Tanaga at Pantun” 1963, ito ay makabagong tulang walang sukat at tugma. MGA BAGONG TANAGA Katahimikan Kaisahan Tahimik na tahimik Bato ma’y niyayanig Ng lihim na paswit Alingawngaw ng galit. Kung di magkakaiba ay di magkakaisa at nagkakaisa muna Bago pa magkaiba. Sa pamumuno ni Alejandro Abadilla, ang mga batang manunulat ay nangaghimagsik sa mga tuntunin ng tulang makaluma. Dahil sa paniniwalang ang tula ay hindi nararapat mabalot ng mga tuntunin, sila ay nangagsisulat ng malaya at pinarisan ang sistema ng pagsulat ng mga Hapones at ng iba pang makabago at makapangyarihang bansang gaya ng Amerika. Ang kanilang mga tula ay maiikli at mabibisa. Tanagabadilla (Unang Aklat) Tanagabadilla (Ika-2 Aklat) Pasintabi Ang Ako Tabi, tabi, Nuno Mga kalangitan Ako’y paraanin ay nilunggati mo, Mga bigwasi biro’y ngunit walang hanggan Mumunting pasaring. Ang ako sa iyo. Maikling Kuwento o anyo ng panitikan na naglalayong magsalaysay ng isang mahalaga at nangingibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan sa mga mambabasa Dalawang Uri ng Maikling Kuwento sa Panahong Ito: o Uring Komersyal – nagtataglay ng mababaw na mga pangyayaring inilalarawan at halatang sinulat ng madalian upang maihabol sa paglilimbag at mabayaran agad. o Uring Pampanitikan – nagtataglay ng maayos na balangkas ng mga pangyayari, may tiyak na tunguhin ng mga pangyayari at ang bawat tauhan ay may mahalagang papel na ginagampanan sa ikabubuo ng kuwento. Pagkatapos ng digmaan, nagpatuloy ang mga manunulat ng maikling kuwento sa pagsulat at nagkaroon ng pagbabago sa paksa at istilo dahil nagsisunod sila sa mga pamamaraan ng ng mga banyagang manunulat katulad ng mga Amerikano, Aleman, at Ingles. PANITIKAN- samahang itinatag upang mapasigla ang mga manunulat na kinabibilangan nila: o Teodoro Agoncillo Liwayway Arceo o Clodualdo del Mundo Macario Pineda o Genoveva Edroza-Matute Antonio Rosales o Alejandro Abadilla Pedro Dandan o Jesus Arceo Genoveva Edroza-Matute – makalimang ulit na nagkamit ng gantimpalang Palanca. Ang mga kuwentong nagsipagtamo ng mga “Gantimpang Palanca o 1950 -1951- “Kuwento ni Mabuti” ni Genoveva Edroza o 1951 -1952- “Kahiwagaan” ni Pablo N. Bautista o 1952 -1953- “Kapangyarihan” ni Buenaventura S. Medina Jr. o 1953 – 1954- “Sa Kamatayan Lamang” ni Teodoro Agoncillo o 1954 – 1955- “Paglalayag sa Puso ng Isang Bata “ ni Genoveva E. Matute o 1955- 1956- (walang nagkamit ng unang gantimpala) Ikalawang Gantimpala – “Lupa, Ulan at Supling” ni Macario del Rosar 1956- 1957- “Sugat ng Digma” Ni Pedro S. Dandan 1957 -1958- “Ang Mangingisda” Ni Ponciano P.B. Pineda 1958 – 1959- “Dayuhan” Ni Buenaventura Medina Jr. 1959 – 1960- “Luntiang Bukid” Ni Edgardo B. Reyes 1960 – 1961- “Parusa” Ni Genoveva E. Matute 1961 – 1962- “Banyaga” Ni Liwayway Arceo 1962 – 1963- “Himaymay” Ni Buenaventura Medina Jr. 1963 – 1964- “Mga Aso sa Lagarian” ni Dominador B. Mirasol 1964 – 1965- “Landas sa Bahagdan” ni Benjamin Pascua 1965 – 1966- “Bilanggo” Ni Wilfredo Virtusio 1966 – 1967- “Ang Kamatayan ni Tiyo Samuel” ni Efren Reyes Abueg 1967 – 1968- “Anay” ni Epifanio San Juan Jr. 1968 – 1969- “Huwag, Huwag Mong Kukwentuhan ang Batang si Weng Fung” ni Ricardo Lee o 1969 – 1970- “Servando Magdamag” Ni Ricardo Lee o 1970 – 1971- “Ipis sa Guhong Templo” ni Edgar Maranana o 1971 – 1972- “Si Loleng Marya Kapra, Mga Araw at Gabi at ang BukangLiwayway Ni Wilfrido Pa. Virtusio o o o o o o o o o o o o o Ang Sanaysay o Ang pangalang “sanaysay” ay likha ni Alejandro G. Abadilla. o “Ito ay pagsasalaysay ng isang sanay o nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.” o Ayon naman kay Matute, ito ay nagsimula sa panahon ng Lumang Tipan tulad g Ecclesiastes at ang kabanata ukol sa pag-ibig sa Unang Sulat ni San Pablo sa mga taga-Corinto. 1940 – Ang “Salawikaing Tagalog” ni Jacinto Suban at ang “Saan, Kabataang Pilipino” ni Pablo Glorioso ay nanalo sa Commonwealth Literary Awards. Mga nanalo sa unang taon ng patimpalak ng sanaysay sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature: o Unang Gantimpala – “Mga Talinhaga sa Panahon ng Krisis” ni Virgilio S. Almario o Ikalawang Gantimpala – “Ang Kaisipang Pilipino Batay sa Sining Biswal” ni Alice Guillermo o Ikatlong Gantimpala – “Sa Ibabaw ng Kapirasong Lupa” ni Anselmo Roque Dula o Umunlad ang dulang Tagalog pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dramatic Philippines – nagpalabas ng “Kuwentong Kutsero” at “Martir sa Golgota” na pinapalabas nila hanggang 1960. Mga Samahang Pandulaan sa Pilipino sa mga Pamantasan: o U.P. Mobile Theater – nagpalabas ng mga dula ni Wilfrido Ma. Guerrero o Tambuli Playhouse – nagtanghal ng “Pamana” o Arena Theater – nagtanghal din ng mga dulang Tagalog sa pamumuno ni Severino Montano Mga manunulat ng dula na nanalo: o Dionisio Salazar – “Julio 4, 1944,” “Sinag sa Karimlan,” “BukangLiwayway at Iba Pang mga Dula” o Purita at Fidel Sicam – “Pitong Taon” o Rolando Bartolome – “Kamatayan ng mga Simulain” o Gregorio A. Moral Jr. – “May Iba Pang Daigdig” at “Nakalipad ang Ibon” o Benjamin Pascual – “Huling Kahilingan” o Amado V. Hernandez – “Muntinglupa” at “Magkabilang Mukha ng Isang ,Bagol”(mga Unang Gantimpala) -“Hagdan sa Bahaghari” at “Ang mga Kagalang-galang” (mga Ikalawang Gantimpala) o Rogelio R. Sikat – “Moses, Moses” (unang gantimpala) o Edgardo M. Reyes – “Mga Yagit” (unang gantimpala) Pagkatapos ng digmaan, dumagsang muli ang mga pelikuang Pilipino. Maraming artista ang nakilala tulad nina Gloria Romero, Ric Rodrigo, Juancho Gutierrez, Susan Roces, Amalia Fuentes. (dekada 50). FAMAS – nagtaguyod ng patimpalak sa pelikula. Ang mga pelikulang ipinalabas noong panahon ng Bagong Lipunan hanggang 1979 ang mga pelikulang walang seks na paksa subalit tinangkilik dahil sa kakaibang kayarian ng mga ito. o “Maynila...Sa mga Kuko ng Liwanag” sinulat ni Edgardo Reyes sa direksyon ni Lino Brocka sa pangunguna ni Bembol Roco. o “Minsa’y Isang Gamu-gamo” na pinagbidahan ni Nora Aunor o “Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon” na pinagbidahan nina Christopher de Leon at Gloria Diaz o “Insiang” na piangunahan ni Hilda Koronel o “Aguila” na pinangunahan nina Fernando Poe Jr., Jay ILagan at Christopher De Leon Nobela o Nagmula sa salitang Latin na “Novelus” at itinuturing na supling o kaugnay ng kasaysayan (Servando de los Angeles, 1974). o ito ay di naiiba sa maikling katha sa bahagi, balangkas, sangkap at elemento. Ang ikinaiba lamang nito sa iba pang akdang pampanitikan ay ang paglalahad nito ng maraming kawing-kawing na mga pangyayari na ginagawang masalimuot at hinahati hati sa iba’t ibang kabanata. o Nang lumaya ang bansa sa kamay ng mga Hapon, muling nabuhayan ng loob na sumulat ang mga nobelista at naging paksa ng mga nobela ang tungkol sa pagibig. Cirio G. Almario – “Sa Kuko ng Kasalanan” Mateo Cruz Cornelio – “Hanggang Pier” (1946) Teofilo Sauco – “Ang Makiring Maynila” (1946) Liwayway Arceo at Hernando Ocampo – “Nasaan ang Ligaya” (1947) Macario Pineda – “Langit ng Isang Pag-ibig” Maximo Agustin – “May Landas ang Kaligayahan” (1948) Lazaro Francisco – “Sugat ng Alaala” (1949) o Dekada 50 naman ay pagpapakilala ng puwersang pulitikal at ang paksa ng mga nobela ay may kin alaman sa mga suliraning panlipunan. Lazaro Francisco – “Maganda pa ang Daigdig” (1955) Alejandro Abadilla at Alejandro Kapulong – “Pagkamulat ni Magdalena” Andres Cristobal – “Ang Tundo Man ay May Langit Din” (1959) Amado V. Hernandez – “Mga Ibong Mandaragit” (1959) o Sa panahon naman ng dekada 60, ang mga nobela ay naging insrtrumento ng mga manunulat upang ipakilala ang mga problemang panlipunan na kinaharap ng nakakaraming mamamayan. Lumitaw ang mga walang takot na nobela na naghahayag ng sa bulok na sistema ng pamahalaan. Inilantad ng mga nobelista ang nakaririmarim na mga realidad ng lipunan. Ang kanilang mga akda ay gumising sa maraming mamamayan at nagpaligalig sa mga namumuno na may ginagawang katiwalian sa pamahalaan. Marami sa mga nobelista ang hinuli at ikinulong dahil dito. Lazaro Francisco – “Daluyong” (1962) Amado V. Hernandez – “Luha ng Buwaya” (1962) Dominador Mirasol – “Apoy sa Madaling Araw” (1964) “Mga Halik sa Alikabok” (1968) Edgardo M. Reyes – “Sa Kagubatan ng Lungsod” (1964) “Sa Mga Kuko ng Liwanag” (1967) Efren R. Abueg – “Dugo sa Kayumangging Lupa” (1965) “Habagat sa Lupa” ( 1966) “Dilim sa Umaga” (1968) Liwayway Arceo – “Ipaglaban Mo Ako” (1965) “Liza” (1966) “Nagbabagang Paraiso” (1967) o Sa dekada 70 naman, lantaran ang pagtuligsa ng mga taong bayan sa mga kabulukang nagaganap sa ating lipunan. Ginamit nila ang mga nobela upang ipahayag ang maigting nilang pamumuna sa kasalukuyang kalagayan ng bansa. Celso Al. Carunungan – “Mga Buwaya sa Lipunan” at “Satanas sa Lupa” (1971) Jose Mercedes – “Madilim ang Langit sa Bayan Ko” (1970) Fausto Galauran at Gervacio Santiago – “Mangluhod sa Katihan” (1971) o Nang maibaba ang Batas Militar noong 1972, marami sa mga matatapang na akda ang ipinagbawal na maailabas. Subalit marami pa rin ang nalathala sa Liwayway. Liwayway Arceo – “Canal de la Reina” Clodualdo del Mundo at Gervacio Santiago – “Ito ang Rebolusyon at Judas Iscariote” Dominador Mirasol – Ginto ang Kayumangging Lupa” PAGTATALAKAY SA MGA PILING AKDA o TULA Maynila Ni Bienvenido A. Ramos sa pagkakaluhod, ang iyong bangketa ay napapaluhod sa iyong eskolta kay ririkit ng ilaw sa iyong libingan ng mga bulaklak na nangatawa habang nilalagas ng hayok na pita! nagpapaubaya ang kandungang-lagim, sa kawalang-muwang na nangaglalasing; may tanging gayuma ang iyong pagtawa isang libo’t isang hiwaga sa dilim Ang isinisilang at inililibing! ang nagmamadaling sala mong maharot ay dumadapurak sa banal mong loob; sa iyong simbaha’y buwitreng naglisaw ang abalang nasang kahit nakaluhod ay nangagpiging sa bangkay ng Diyos! nang-aanyaya kang bagong paraiso, may ngiting salubong sa singki at dayo; kung mayakap ka na saka mapupuna na ang kariktan mong akala’y kung sino May ikinukubling maruming estero! o MAIKLING KUWENTO Kwento ni Mabuti Ni Genoveva D. Edroza Hindi ko na sya nakikita ngayon. Nguni, sinasabi nilang naroroon pa siya sa dating pinagtuturuan, sa luma at walang pintang paaralang una kong kinakitaan sa kanya. Sa isa sa mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat hakbang, doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero, naroon pa siya’t nagtuturo ng mga kaalamang pang-aklat – at bumubuhay ng isang karunungang sa kanya ko lamang natutuhan. Lagi ko siyang iuugnay sa kariktan ng buhay. Saanman may kagandahan; sa isang tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko sya at ako’y lumiligaya. Nguni, walang anumang maganda sa kanyang anyo...at sa kanyang buhay... Siya ay isa sa mga pinakakaraniwang guro noon. Walang sinumang nag-uukol sa kanya ng pansin. Mula sa kanyang pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng pananagutan sa paaralan, walang masasabing anumang di-pangkaraniwan sa kanya. Siya’y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya’y nakatalikod. Ang salitang iyon ang bukambibig nya. Iyon ang simula ng halos lahat ng kanyang pagsasalita. Iyon ang pumapalit sa mga salitang hindi nya maalala kung minsan, at nagiging pamuno sa mga sandal ng pagaalaganin. Sa isang paraang hindi malirip, iyon ay naging salaminan ng uri ng paniniwala nya sa buhay. “Mabuti,” ang sasabihin nya, “...ngayo’y magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti nama’t umabot tayo sa bahaging ito...Mabuti...mabuti...!” Hindi ako kailanman ako magtatapat sa kanya ng anuman kung di lamang nahuli nya akong minsang lumuluha; nang hapong iyo’y iniluha ng bata kong puso ang isang pambata ring suliranin. Noo’y magtatakipsilim na at maliban sa pabugsu-bugsong hiyawan ng mga nagsisipanood sa pagsasanay ng mga manlalaro ng paaralan, ang buong paligid ay tahimik na. Sa isang tagong sulok ng silid-aklatan, pinilit kong lutasin ang aking suliranin sa pagluha. Doon nya ako natagpuan. “Mabuti’t may tao pala rito,” wika niyang itinago ang pag-aagam-agam sa tinig. “Tila may suliranin ka...mabuti sana kung makatutulong ako.” Ibig kong tumakas sa kanya at huwag ng bumalik pa kailanman. Sa bata kong isipan ay ibinilang kong kahihiyan at kaabaan ang pagkikita pa naming muli sa sa hinaharap, pagkikitang magbabalik sa gunita ng hapong iyon. Nguni, hindi ako nakakilos sa sinabi niya pagkatapos. Napatda ako at napaupong bigla sa katapat na luklukan. “Hindi ko alam na may tao rito...naparito ako upang umiyak din.” Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig. Nakababa ang kanyang paningin sa aking kandungan. Maya-maya pa’y nakita ko ang bahagyang ngiti sa kanyang labi. Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na lamang ang tinig ko sa pagtatapat ng suliraning sa palagay ko noo’y siya ng pinakamabigat. Nakinig siya sa akin, at ngayon, sa paglingon ko sa pangyayaring iyo’y nagtataka ako kung paanong napigil niya nag paghalakhak sa gayong kamusmos na bagay. Nguni, siya’y nakinig nang buong pagkaunawa, at alam kong ang pagmamalasakit niya’y tunay na matapat. Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang panulukang naghihiwalay sa ami’y natatanaw na nang bigla akong makaalala. “Syanga pala, Ma’am,kayo? Kayo nga pala? Ano ho iyong ipinunta ninyo sa sulok na iyon na...iniiyakan ko?” Tumawa siya ng marahan at inulit ang mga salitang iyon: “ang sulok na iyon na...iniiyakan natin...nating dalawa.” Nawala ang marahang halakhak sa kanyang tinig; “sana’y masasabi ko sa iyo, nguni...ang suliranin ko’y hindi para sa mga bata pang gaya mo. Mabuti sana’y hind imaging iyo ang ganoong uri ng suliranin...kailanman. Ang ibig kong sabihi’y...maging higit na mabuti sana sa iyo ang...Buhay.” Si Mabuti’y naging isang bagong nilkha sa akin mula ng nang araw na iyon. Sa pagsasalita niya mula sa hapag, pagtatanong, sumasagot, sa pagngiti niya ng mababagal at mahihiyain niyang mga ngiti sa amin, sa paglalim ng kunot sa noo niya sa kanyang mga pagkayamot, naringi kong muli ang mga yabag na palapit sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Ang sulok na iyon na...”iniiyakan natin,” ang sinabi niya nang hapong iyon. At habang tumataginting sa silid naming ang kanyang tinig sa pagtuturo’y hinuhulaan ko ang dahilan o mga dahilan ng pagtutungo niya sa sulok na iyon sa silid-aklatan. Hinuhulaan ko kung nagtutungo pa siya roon, sa sulok na iyong...aming dalawa. At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula akong magmasid, maghintay ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang mga sinasabi. Nguni, sa twina, kasayahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya sa aming silid-aralan. Pinuno nya ng maririkit na guni-guni ang aming isipan at ng mga kaaya-ayang tunog ang aming pandinig at natutuhan naming unti-unti ang kagandahan ang Buhay. Bawat aralin namin sa Panitikan ay naging isang pantighaw sa kauhawan namin sa kagandahan. At ako’y humanda. Wala iyon doon kangina, ang masasabi ko sa sarili pagkatapos na ay maipadama niya sa amin ang kagandahan ng Buhay sa aming aralin. At hindi naging akin ang pagtuklas na ito sa kariktan kundi pagkatapos na lamang ng pangyayaring iyon sa silid-aklatan. Ang pananalig niya sa kalooban ng Maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat na, isa sa pinakamatitibay na aking nakilala. Nakasasaling ng damdamin. Marahil ang pananalig niyang iyon ang nagpakita sa kanya ng kagandahan sa mga bagay na karaniwan lamang sa amin. Iyon marahil ang nagpataginting sa kanyang tinig sa pagbibigay-kahulugan sa mga bagay na para sa ami’y walang kabuluhan. Hindi sya bumanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili sa buong panahon ng pagaaral namin sa kanya. Ngunit bumanggit siya tungkol sa kanyang anak na babae, sa tangi niyang anak...nang paulit-ulit. Hindi rin siya bumanggit sa amin kailanman tungkol sa ama ng batang iyon. Nguni dalawa sa mga kamag-aral naming ang nakababatid na siya’y hindi balo. Walang pag-aalinlangang ang lahat ng maririkit niyang pangarap ay nakapaligid sa batang iyon. Isinalaysay niya sa amin ang mga katabilan niyon, ang palaki nang palaking mga pangarap niyon, ang nabubuong layunin niyon sa buhay. Minsan, tila hindi namamalayang nakapagpahayag ang aming guro ng isang pangamba; ang pagkatakot niya baka hindi siya umabot sa matatayog na pangarap ng kanyang anak. Maliban sa iilan-ilan sa aming pangkat ang paulit-ulit niyang pagbanggit sa kanyang anak ay isa lamang sa mga bagay na “pinagtiisang” pakinggan sapagkat walang paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawat pagbanggit na iyo’y nagkaroon ng bagong kahulugan sapagka’t noon pa ma’y nabubuo na sa aking isipan ang isang hinala. Sa kanyang mga pagsasalaysay ay nalaman naming ang tungkol sa kaarawan ng kanyang anak, ang bagong kasuutan niyong may malaking lasong pula sa baywang, ang mga kaibigan niyong mga bata rin, ang kanilang mga handog. Ang anak niya’y anim na taong gulang na. Sa susunod na taon ay magsisimula sa iyong mag-aral. Ang ibig ng guro nami’y maging manggagamot ang kanyang anak – at isang mabuting manggagamot. Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang ang isa sa mga batang lalaki sa aking likuran ay bumulong: “Gaya ng kanyang ama!” Narinig ng aming guro ang sinabing iyon ng batang lalaki. At siya’y nagsalita. “Oo, gaya nga ng kanyang ama,” ang wika niya. Ngunit, tumakas ang dugo sa kanyang mukha habang sumisilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi. Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase tungkol sa ama ng batang maykaarawan. Natiyak ko noong may isang bagay ngang nalisya sa buhay niya. Nalisya nang ganoon na lamang. At habang nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang dipa lamang ang layo sa kanya, kumirot sa puso ko ang pagnanasang lumapit sa kanya, tanganan ang kanyang mga kamay gaya ng ginawa niya ng hapong iyon sa sulok ng silid-aklatan, at hilinging magbukas ng dibdib sa akin. Marahil, makakagaan sa kanyang damdamin kung may mapagtatapatan siyang isang tao man lamang. Ngunit ito ang sumupil sa pagnanasa kong yaon: ang mga kamag-aral kong nakikinig nang walang anumang malasakit sa kanyang sinabing, “Oo, gaya nga ng kanyang ama,” habang tumatakas ang dugo sa kanyang mukha. Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko na malilimutan kailanman. Tiningnan niya akong buong tapang na pinipigil ang panginginig ng mga labi at sinabi ang ganito; “Mabuti...mabuti! Gaya ng sasabihin nitong si Fe – iyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan. Mabuti, at ngayon, magsisimula tayo sa ating aralin...” Natiyak ko noon, gaya ng pagkakaiyak ko ngayon, na hindi akin ang pangungusap na iyon, ni sa aking mga pagsasalita, ni sa aking mga pagsusulat. Nguni, samantalang nakatitig siya sa akin ng umagang iyon, habang sinasabi niya ang pangungusap na iyon, nadama kong siya at ako ay iisa. At kami ay bahagi ng mga nilalang na sapagkat nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ay nakakikilala ng mga lihim na kaligayahan... At minsan pa, ng umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang dating kulay sa kanyang mukha, muli niyang ipinamalas sa amin ang natatagong kagandahan sa aralin naming sa Panitikan: ang kariktan ng katapangan, ang kariktan ng pagpapatuloy anuman ang kulay ng Buhay. At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat ng mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyong marahil ay magiging isang manggagamot din balang araw, ay namatay may ilang araw lamang ngayon ang nakalilipas. Namatay at naburol ng dalawang araw at dalawang gabi sa isang bahay na hindi siyang tinitirahan ni Mabuti at ng kanyang anak. At nauunawaan ko ang lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyon ay naunawaan ko ang lahat... o DULA Ito Pala Ang Inyo Ni F.B.S Ito ay isang napakaikling dulang iisahing yugto na itinanghal sa NTC Gym noong Enero 31,1953 ng mga guro ng National Teachers College. Sa paraang nakakatawa, inilarawan ni F.B.S. ang tipikal na buhay nayon sa ilang bahagi ng ating bansa, lalung-lao na noong panahong isinulat ang dulang ito na kaiba sa buhay-lungsod. Moses, Moses Ni Rogelio Sikat Ito ay naglalarawan ng realidad sa ating kasalukuyang lipunan. Inilantad dito ng mayakda ang umiiral na tagilid na katarungan sa ating bansa. Ang hustisya ay para lamang sa malalakas, sa makapangyarihan, sa mga pulitiko, at sa mgs mayayaman. Walang puwang ang hustisya para sa mahihirap at mahihina. Dahil dito, napipilitan ang mga api na ilagay ang batas sa kanilang mga kamay. o NOBELA Luha ng Buwaya Ni Amado V. Hernandez Ang nobelang ito ay tumatalakay sa mga suliraning panlipunan na naglalarawan ng panghuhuthot ng maylupa sa mga dukhang kasama, ang pakana sa halaga ng palay na sumisira sa lahat, at ang malaking agwat ng mga mayayaman at ng mga manggagawa sa lupa sa mga lalawigan. Ang paksang ito ay malinaw na naipakita ng awtor sa tunggaliang namagitan sa mga kaawa-awang magsasaka at ng mag-asawang Don Severo at Donya Leona. Ipinakilala rito ang nakaririmarim na pag-uugali ng mga mapagsamantalang masasalapi na sumunggab sa mga kaawa-awang biktimang nahuhulog sa kanilang bitag. Pakpakawan Berde Ni Lorenzo C. Tabin Ito’y isang nobelang Ilocano na tumatalakay tungkol sa magkapitbahay na abot hanggang langit ang galit nila sa isa’t isa. Lagi silang nagbabangayan tuwing nagkikita. Laging bukambibig ng dalawa ang mga katagang “pakpakawan berde.” Naging tampulan sila ng tukso ng kanilang mga kaibigan. Pilit din silang pinagtatambal ng kanilang mga kaibigan. o SANAYSAY Amerikanisasyon ng Isang Pilipino Ni Ponciano B.P. Pineda Sa sanaysay na ito, maingat na inilarawan ng may-akda ang nagdudumilat na katotohanan tungkol sa mahigpit na impluwensiya ng mga Amerikano sa ating bansa, maging ito’y sa larangang pulitikal, ekonomiko at edukasyon. Pinatutunayan ng may-akda na hanggang sa kasalukuyan, ang pagpapahalaga sa sa anumang bagay na dayuhan o ang tinatawag na “Colonial Mentality” ay patuloy na pinapahalagahan ng ng mga Pilipino at nagiging sagabal sa pagtatamo natin ng ganap na kalayaan. PANITIKANG PILIPINO SA INGLES o 2 Dahilan ng Mabilis na Pag-unlad ng Panitikang Pilipino sa Ingles Pagkakaroon ng bagong sistema ng edukasyon sa bansa Pagkakaalis ng lupon ng sensura Mga Bagong makata: o NICK JOAQUIN Ipinalagay na isang higante sa panulat Ang kanyang panulat ay malinaw, masining at malambing Ang kanyang aklat ng mga tula at kuwento na may pamagat na “Prose and Poems” ay nagtataglay ng 19 na tula. Halimbawa ng kanyang mahahabang tula: “The 14 Stations of the Cross,” “Jose Rizal’s Valedictory Poem” o DOMINADOR I.ILIO Ang kanyang tula ay malayang taludturan Sinulat nya ang “Evening Star” na isang elehiya para sa naging pangulong Manuel A. Roxas at ito ay ang pinakamahusay na elehiyang nasulat ng isang Pilipino. o NINA ESTRADA Makata ng pag-ibig at may nalimbag na 56 na soneto o ANDRES CRISTOBAL CRUZ Makata at kuwentista Ang kalipunan ng kanyang mga tula ay may pamagat na “Estero Poems” o RICARDO DEMETILLO Isa sa pinakamahusay na makata pagkatapos ng digmaan Ang kanyang mga tula ay “No Certain Weather” na nagtataglay ng kanyang mga soneto. “Daedalus and Other Poems” ay katipunan ng kanyang mga huling tula “La Via” ay katipunan ng ilang tulang nagsasaad ng ispiritwal na paglalakbay ng tao sa lupa “Barter in Panay” isang epikong nagsasaad ng pagdating dito ng labing isang datung taga-Borneo na bumili ng Panay o o o o o o o “Authentic Voice of Poetry” ay nagtataglay ng konsepto ng makatang kagandahan ng kanyang panunuri sa makabagong panulat. GODOFREDO BURCE BUNAO Isang makata ng mga soneto, makatang mapagsulat ng haiku at kasama sa pamatnugutan ng Women’s Magazine CARLOS H. ANGELES Nagkamit ng Republic Cultural Award noong 1964 dahil sa tulang “A Star of Jewels” Kasama sa “Anim na Magagaling na Makatang Pilipino” na sinulat ni Leonard Gasper EMMANUEL TORRES Propesor sa Ateneo de Manila University, makata, kritiko Ilan sa mahuhusay nyang tula ang “The Heart s in Bethlehem Tonight,” “Carabao’s in Blue and Green” at marami pang iba... BIENVENIDO SANTOS Kinilala sa aklat ng kanyang mga tulang “The Wounded Stag” na nagtataglay ng 54 na tula. OSCAR DE ZUNIGA Kasama sa pamatnugutan ng Manila Chronicle noon at ang paksa ng kanyang mga tula ay tungkol sa pag-ibig at sa mga babae. Isa syang modernista. Ang katipunan ng kanyang mga tula ay pinamagatang “Love Song and Other Poems FIDEL DE CASTRO Isang makatang higit na kilala sa Amerika kaysa sa Pilipinas Karamihan sa kanyang mga tula ay nalathala sa Atlantic Monthly at sa Chelsea AMADOR DAGUIO Isang kuwentista at makata at nagturo ng Ingles sa UE. Ang katipunan ng kanyang mga tulang nalathala dito at sa ibang bansa ay ang “The Flaming Lyre” na binubuo ng 56 na tula tungkol sa iba’t ibang paksa Sya ang nagsalin sa “Aliguyon” sa Ingles. o SEVERINO MONTANO Sya ang nagtatag ng Arena Theater at sya rin ang naging director nito. Ang kanyang dulang “The Ladies and the Senator” ay isang komedyang mapanudyo tungkol sa mga Pilipinong mapanitsit sa Amerika at tungkol sa isang senador na mahilig sa paglalakbay, dito’y sinisiraan ang mga babaeng pilipinang mahihilig manitsit. Ang “Sabina” naman ay isang trahedya tungkol sa isang dalagang taganayong nagtiwala sa isang Amerikanong may asawa pala. Sa sama ng loob ng matuklasan ang katotohanan ay nagpatiwakal. Ang “The Love of Leonor Rivera” ay isang dulang tatlong yugto at naitanghal na ng 50 ulit sa mga malalaking lungsod at bayan sa Pilipinas. o CARLOS P. ROMULO Hindi lamang mamamahayag kundi isa pang guro, diplomatiko, manunulat, mananalumpati, heneral sa hukbo at miyembro ng Batasang Pambansa. “Isaw the Fall of the Philippines” “My brother Americans” atbp. Ang huli nyang sinulat ay “IWalked with Heroes” na isang talambuhay na pansarili o LEON MA. GUERRERO Ang kanyang isinulat na talambuhay ni Rizal ay nagkamit ng gantimpalang iginawad ng Rizal Centennial Commission at pinamagatan nya itong “The First Filipino” o SALVADOR P. LAUREL Ang pinakamahusay nyang aklat ay “Literature and Society” na nagkamit ng Commonwealth Award. Ito ay kalipunan ng mga sanaysay na nalathala noong 1941. Tinatalakay sa sanaysay na ito kung ano ang dapat na maging paksain at kahalagahang panlipunan ng mga akdang pampanitikan. Ayon sa sanaysay, ang manunulat ay bahagi ng lipunang kanyang ginagalawan, kayat tungkulin nyang tumulong sa paghubog ng isang kaaya-ayang kapaligiran at kalagayan para sa lipunang ito. o GODOFREDO RIVERA Ang “Little Things”ay katipunan ng kanyang mahigit sa isang daang sanaysay na tungkol sa buhay-Pilipino at ang kanilang mga ugali at gawi. SANGGUNIAN Ramos, M. S., et.al, Panitikang Pilipino, Pangalawang Edisyon, pp. 185-195, 207-215. Sauco, C, P., et.al, Panitikan ng Pilipinas, Panrehiyon,pp. 185-198. Ulit, P. G., et.al, Pagpapahalaga sa Panitikan ng Pilipinas, pp. 107-110, 194-198, 207-214, 314334, 364-370, 408-411. www.slideshare.net/mobile/marygrace/conmigo/panahon-ng-bagong-lipunan. http://www.slideshare.net/yamish29/panitikan-sa-panahon-ng-bagong-lipunan?next_slideshow=1 Inihanda nina: Rowena Agarpao Angelica Aguedan Cherry Mae Ancheta Inihanda para kay: Dr. Lilybeth Agno