Uploaded by Joshua Canlas

Filipino 7 (1)

advertisement
7
Filipino
Unang Markahan – Modyul 1:
Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng
Mindanao
i
FILIPINO – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan–Modyul1: Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
KAGAWARAN NG EDUKASYON
REHIYON VII
DIBISYON NG TAGBILARAN
Bumuo sa Pagsusuri ng Modyul
SDS:
JOSEPH ERWIN A. LAGURA PhD
ASDS: MARCELO K. PALISPIS EdD JD
TAGASURI: MARIA SANDRA ISABEL S. FORTICH
GENELLIE I. CALIPES
CID CHIEF: JOHN ARIEL A. LAGURA PhD
DIVISION LRMDS: NEOLITA S. SARABIA EdD
INIHANDA NI: JELLA E. ROSOLADA
REHIYON: VII
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII
Dibisyon ng Tagbilaran
Office Address: Rajah Sikatuna St. Dampas Dist. Tagbilaran City, Bohol
Telefax: (038) 427-2506; (038)544-2147
Email Address: tagbilarancity.division@deped.gov.ph
1
7
FILIPINO
Unang Markahan – Modyul 1:
Mg Akdang Pampanitikan: Salamin
ng Mindanao
2
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri upang gabayan
ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay
at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang
pan-21
siglo
habang
isinasaalang-alang
ang
kanilang
mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang magaaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
3
Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
ukol sa Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat
mong matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na
ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala
sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay
sa
aralin.
Layunin
nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
4
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong
pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa
huling bahagi ng modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Sanggunian
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1.
Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
5
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim
sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
6
Alamin
Sa Modyul na ito ay mababasa ang ilang akdang pampanitikan ng
Mindanao tulad ng kuwentong-bayan, pabula, epiko, maikling
kuwento at dula. Gayundin, lilinangin ang mga aralin tungkol sa iba’t ibang
gramatika tulad ng Mga Pahayag at Salita na Nagbibigay-Patunay, Mga
Ekspresiyong Nagpapahayag ng Posibilidad, Mga Salitang Ginagamitan sa
Pagtukoy ng Sanhi at Bunga ng Pangyayari sa Pagpapasiya , Mga Retorika na Pangugnay at Mga Pangungusap na Walang Paksa. Ang mga aralin sa Modyul na ito ay
tutugon sa mga pangangailangan ng mag-aaral na maunawaan ang kasaysayan, at
kulturang kakikitaan ng pag-uugali at pamumuhay ng mga tagaMindanao sa tulong
ng pag-aaral ng kanilang panitikan.
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas ng mag-aaral ang
kaniyang pagunawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao.
Ang modyul na ito ay binubuo ng mga sumusunod na paksa:
Aralin 1 Panitikan :
Nakalbo ang Datu (Kwentong-Bayan ng Maranao)
Gramatika : Mga Pahayag at salita na nagbibigay patunay
Aralin 2 Panitikan :
Ang Aso at ang Leon ( Pabula ng Maranao )
Gramatika : Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng posibilidad
Aralin 3 Panitikan :
Prinsipe Bantugan ( Epiko ng Maranao )
Gramatika : Mga Pang-ugnay na ginagamit sa pantukoy ng sanhi at
bunga ng pangyayari sa pagpapasya.
Aralin 4 Panitikan : Reynang Matapat ( Maikling Kwento mula sa Cotabato
Gramatika : Mga Retorikal na Pang-ugnay
Aralin 5 Panitikan : Datu Matu ( Dulang Mula sa Sulu at Lanao )
Gramatika : Mga Pangungusap na Walang Paksa
7
Sa pagtatapos ng mga paksa, ang mga mga-aaral ay inaasahang:
1. Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na
pinagmulan ng kwentong-bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng
mga tauhan.( F7PN1a-b1 )
2. Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga
patunay. ( F7WG-1a-b-1)
Subukin
Ang bahaging ito ay isang pasulit upang malaman natin ang inyong
kahandaan sa ating paksa. Kailangang masagot mo ito bago tayo magsimula sa
ating aralin.
Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga
pagpipilian. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa papel. Mahalaga ang
katapatan sa pagsagot.
1. Ano ang kahulugan ng dugong-bughaw?
A. mayaman
C. may kaya sa buhay
B. nakaririwasa
D. maharlika
2. “Sa unang putok pa lang ay tumimbuwang na ang kanyang ina”
Ano ang kahulugan ng salitang “tumimbuwang”?
A.
tinamaan at namatay
C. bumaliktad at lumagapak
B.
nabuwal dahil sa putok
D. natumbang patihaya
3. Naniniwala ang mga Muslim na ang sanggol ay ipinanganak na walang
kasalanan kaya di- kailangang binyagan upang ito ay maalis. Ganoon pa man,
mayroon silang ilang seremonya na kahalintulad ng binyag na tinatawag na Pagislam?
A.
Pagbibinyag ng Muslim
B.
Relihiyong itinaguyod ni Mohamed
C.
Ritwal na ginagawa sa bagong kasal
D.
Paghingi ng patnubay bago makidigma
4. Anong kulturang Muslim ang makikita sa Pag-islam?
A. pag-uugali
C. paniniwala
8
B. tradsiyon
D. pananampalataya
5. Alin sa sumusunod ang kasingkahulugan ng salitang matanda kapag
dinagdagan ng Panlaping – in(matanda+in)
A.
matalas ang memorya
C. ulyanin
B.
madaling makalimot
D. mahirap makaalala
Para sa tanaong bilang 6 & 7
May sultan sa isang pulo na kilala hindi lamang sa pagiging dugong bughaw
niya, kundi dahil din sa kaniyang mga katangian. Siya si Sultan Gutang na mayaman,
matapang, magandang lalaki at may matipunong pangangatawan.
6. Mula sa binasa, ano ang maaaring maging bunga o epekto sa mga tao ng mga
katangiang taglay ng Sultan?
A. paggalang
B. paghanga
C. pagkatuwa
D. pagmamalaki
7. Alin sa mga sumusunod na akda ang hindi maituturing na kwentong-bayan?
A. Si Juan Tamad at ang mga Palayok
B. Si Pilandok at ang Batingaw
C. Indarapatra at Sulayman
D. Kwento ng Ulan at Araw
8. Lahat ay katangian ng pabula, maliban sa isa, Alin dito?
A. kapupulutan ng aral
B. ang tauhan ay mga hayop
C. mga pangyayaring di makatotohanan
D. tungkol sa pinagmulan ng isang bagay
9. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang pinuno?
A. magandang kumilos
C. mahusay mamuno at magdesisyon
B. may matinong pangangatawan
D. mapagkawanggawa
10. Ano ang akdang may supernatural na katangian ang mga tauhan?
A. sanaysay
C. anekdota
B. epiko
D. pabula
11. Ano ang tawag ngayon sa Kutang-Bato na nasa Mindanao?
A. Cotabato
B. Catanauan
C. Catanduanes
D. Corregidor
12. Sino ang tinaguriang Ama ng Pabula?
9
A. Herodutos
C. Aesop
B. Socratas
D. Aristotle
13. Ano ang nangingibabaw na katangian ng pangunahing tauhan sa epiko?
A. matapang
B. nakahihigit ang lakas sa karaniwang tao
C. bantog
D. may mabuting loob
14. Anong uri ng pangungusap ang “Aray”?
A. walang paksa
C. tambalan
B. payak
D. paturol
15. _________, ikaw ang naging kabuuan ng aking pagkabata. Ano ang maaaring
ipuno sa patlang upang ito ay mapatotohanan.
A.
Talagang
C. Sa totoo lang
B.
Tunay na
D. Sa tingin ko
16. Ang sumusunod ay halimbawa ng pangungusap na walang paksa maliban sa
isa. Alin ito?
A. Maginaw ngayon!
B. Alas dose na.
C. Lumilindol
D. Maliligo sila bukas.
17. Kung nais mong makasulat ng isang tekstong naglalarawan sa kultura ng iyong
bayan, anong uri ng teksto ang iyong isusulat?
A.
Nanganagtwiran
B.
Naglalarawan
C. naglalahad
D. nagsasalaysay
18. Anong uri ng pagtatanghal na ginagamitan ng mga tauhang gawa sa manika?
A. role playing
C. reader’s theater
B. puppet show
D. informance
19. Alin sa mga sumusunod ang salitang hindi hiram?
A. Rajah
C. Datu
B. Assalamu Allaikum
D. Pinuno
20. Ano ang karaniwang wakas ng pabula?
A. nagbibigay-aral
C. iniwan sa mambabasa ang pagwawakas
B. nagtatanong
D. nangangaral
10
ARALIN
“Nakalbo ang Datu”
1
(Kwentong Bayan ng Maranao)
Mga Pahayag at salita na Nagbibigay
Patunay
Pinakamalaking tribo ang mga Muslim sa Mindanao ang
Maranao. Ang salitang Maranao ay nangangahulugang “tao
ng lawa”sapagkat karaniwan silang nakatira sa lawa ng
Lanao. Ang Aralin 1.1 ay tungkol sa isang kwentong-bayan ng
Maranao na naglalayong maunawaan ang mga paniniwala at katangian nila.
Balikan
Ating balikan ang inyong mga dating kaalaman tungkol sa
Panitikan. Kopyahin ang tanong at ibigay ang tamang sagot. Gawin ito sa
sagutang papel.
1. Ang pangalawang pinakamalaking pulo sa Pilipinas.
__________________________________
2. Bago nabuo ang ARMM, ang Mindanao ay nahahati sa apat na rehiyon.
Ano ang apat na rehiyong ito?
_________________, ________________, _______________, _________________
3. Ano-anong mineral ang matatagpuan sa Mindanao? Magbigay ng lima.
_________________,______________, _________________, _________________,
____________________.
4. Ano-anong produktong agrikultura na matatagpuan sa Mindanao?
Magbigay ng lima.
________________, _______________, ________________, _______________,
______________.
5. Ano ang ibig sabihin ng ARMM?
____________________________________________________.
11
Mga Tala para sa Guro
Ang bawat gawain sa panimula at katapusan ng bawat bahagi ay
iyong sasagutin sa loob ng isang oras. Mayroon lamang apat na oras ang
nakalaan sa asignaturang ito sa buong linggo. Basahing mabuti ang panuto at
paraan ng pagbibigay ng puntos upang kayo ay magabayan. Huwag pumunta
sa ibang gawain kung hindi mo natapos ang kasalukuyang gawain. Maraming
salamat.
Tuklasin
Sisimulan mo na ang iyong paglalakbay sa pangalawa sa
pinakamalaking pulo ng Pilipinas, ang Mindanao. Papalawakin at pagyamanin ng
Modyul na ito ang iyong kaalaman at kakayahan tungkol sa panitikan at kultura ng
ilang lugar sa taga-Mindanao.
GAWAIN 1. KWHL CHART
Kikilatisin mo sa gawaing ito ang iyong pansariling kaalaman tungkol sa kaugalian
ng mga mamamayan sa Mindanao. Punan ng impormasyon ang bahaging K, W at
H lamang.
K
W
H
L
Anong pag-
Anong pag-
Paano ko
Ano ang mga
uugali ng mga
uugali ng mga
malalaman o
nalaman o
mamamayan sa
mamamayan sa
mapatutunayan
natutuhan ko
Mindanao ang
Mindanao ang
ang pag-uugali ng
ukol sa pag-
aking alam?
gusto kong
mga mamamayan
uugali ng mga
malaman o
sa Mindanao?
mamamayan sa
patunayan?
Mindanao?
1.
1.
1.
2.
2.
2.
3.
3.
3.
12
Suriin
Pagbasa sa paksa na pinamagatang “Nakalbo ang Datu”KwentongBayan ng Maranao.
“Nakalbo ang Datu”
(Kwentong-Bayan ng Maranao)
May isang datu na tumandang binata dahil
sa paglilingkod sa kaniyang mga nasasakupan.
Sadyang lagi siyang abala sa pamamahala ng
kanilang pook kaya nalimutan na niya ang magasawa.
Dahil
dito,
pinayuhan
na
siya
ng
https//www.marvicrm.co
matatandang tagapayo na mag-asawa na upang
mm
magkaroon
siya
ng
anak
na
magiging
tagapagmana niya. Napilitang mamili ang datu ng makakasama niya habambuhay.
Totoong naging pihikan ang datu dahil sa dami ng magagandang dilag sa
pinamumunuang pamayanan. Ngunit dahil sa tulong ng matiyagang pagpapayo
ng matatandang bumubuo ng konseho, natuto ring umibig ang datu. Ngunit
hindi lamang iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang dalagang tunay na
magaganda at mababait pa. Dahil sadyang wala siyang itulak-kabigin kung sino sa
dalawa ang higit niyang mahal, pinakasalan niya ang dalawang dalaga.
Isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin. Siya ay batangbata at
totoong napakalambing. Kahit na matanda na ang datu, mahal ni Hasmin ang
asawa. Mahal na mahal din siya ng datu kaya ipinagkaloob nito sa kaniya ang bawat
hilingin niya. Dahil sa pagmamahal sa matandang datu, nag-isip si Hasmin ng
paraan upang magmukhang bata ang asawa.
“Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu. Sa ganitong paraan,
magmumukhang kasinggulang ko lamang siya.” Ganoon nga ang ginawa ni
Hasmin. Tuwing mamamahinga ang datu, binubunutan ni Hasmin ng puting buhok
ang asawa. Dahil dito, madaling nakakatulog ang datu at napakahimbing pa.
Sadyang mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa. Tunay na maganda
at mabait din si Farida ngunit kasintanda siya ng datu. Tuwangtuwa si Farida kapag
nakikita ang mga puting buhok ng datu. Tuwing tanghali, sinusuklayan niya ito.
Kapag tulog na ang datu, palihim niyang binubunot ang itim na buhok ng asawa.
13
Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa ay kuntento na sa
kaniyang buhay ang datu. Tunay na naging maligayang-maligaya siya, at
pinagsisihan niya kung bakit hindi kaagad siya nag-asawa. Ngunit gayon na lamang
ang kaniyang pagkabigla nang minsang manalamin siya, Hindi niya nakilala ang
kaniyang sarili. Kalbo! Kalbo, ako! sigaw ng datu. Nakalbo ang datu dahil sa
pagmamahal nina Hasmin at Farida.
Hinango : Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento
(Legends and other Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp.80-81.
GAWAIN 2: KATANGIAN NG TAUHAN
Ilarawan ang pangunahing tauhan sa kuwentong bayan na nabasa sa
pamamagitan ng paglalagay ng mga salitang naglalarawan sa mga kahong
nakapalibot sa pangalan ng tauhan ng kuwentong bayang Nakalbo ang Datu.
DATU
Sagutin mo ang mga sumusunod na pamprosesong tanong.
1. Ano ang suliranin ng Datu?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________
2. Bakit naging suliranin niya ito?
14
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________
3. Paano natutong umibig ang Datu?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________
4. Paano pinatunayan nina Hasmin at Farida ang kanilang pagmamahal sa Datu?
Hasmin
Farida
5. Ano ang naging bunga ng pagmamahal ng dalawang asawa ng datu?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________
Gawain 3 : KUWENTONG-BAYAN NG BAYAN KO
Magsaliksik ng dalawang kuwentong bayan mula sa sarili mong bayan o
lalawigan. Ilahad ang pamagat nito, maikling salaysay ng buod, kulturang itinampok
at mahalagang aral na maaaring matamo.
PAMAGAT
BUOD
KULTURANG
MAHALAGANG
ITINAMPOK
ARAL
15
MGA PAHAYAG AT SALITA NA NAGBIBIGAY PATUNAY
Ang talagang, sadyang, totoong, tunay nga,at iba pang kauri nito ay mga
pahayag/salitang nagbibigay ng patunay. Karaniwang ang mga ito ay sinasamahan
ng ebidensiya o batayan. Maaaring gamitin ang mga katagang gaya, kahit pa,
sapagkat, kasi, dahil at iba pa.
Mga halimbawa:
1. Tunay ngang nakalulungkot ang mag-isa gaya ng naranasan ni Ina nang ang
kaniyang mga anak ay umalis na sa kaniyang piling.
2. Talagang nakababahala ang lagay ni Ina kahit pa makalabas siya ng ospital
ngayon sapagkat matanda na siya.
3. Sadyang hindi maipinta ang lungkot sa mukha ni Ina sapagkat tila nakalimutan
na siya ng kaniyang mga anak.
4. Totoong dapat nating pahalagahan ang ating magulang dahil sila ang
nagbigay-buhay sa atin.
Sa pagbibigay ng patunay, karaniwang pinaikli na lamang ang sagot.
Pinatutunayan na lamang ang pahayag, kaya hindi na inuulit ang sinasabi ng
kausap.
Gawain 4: MGA PATUNAY
Suriin ang mga hinalaw na pahayag sa kuwentong Nakalbo ang Datu.
Tukuyin sa mga ito ang pangunahing kaisipan o binibigyang-linaw at saka ang mga
bahagi ng pahayag na nagpapatunay. Ipaliwanag ang ugnayan ng pangunahing
kaisipan at ang patunay nito.
PAHAYAG
Kaisipang
Pahayag na
binibigyang-linaw
Nagpapatunay
Paliwanag sa
Ugnayan
Siya ay batang-bata
at totoong
napakalambing
Tunay na maganda
at mabait din si
Farida ngunit
kasintanda siya ng
datu
16
Pagyamanin
GAWAIN 5. PAKIKIPANAYAM
Kapanayamin ang iyong mga magulang o matatanda tungkol sa
paniniwala at kaugalian ng mga tao sa inyong lugar. Pagkatapos ay sumulat ng
talatang nagsasalaysay tungkol dito. Gumamit ng mga pahayag /salita na
nagbibigay-patunay. Isulat ito sa inyong sagutang papel.
1.
2.
3.
4.
5.
GAWAIN 5. LIMANG KAUTUSAN
Bumuo ng iyong sariling limang (5) kautusan na nagpapakita ng
pagmamahal sa iyong kultura. Ginagamitan ito ng mga pahayag/salitang
nagpapatunay. Gamitin ang www.prezi.com upang ilahad ang iyong mga
mungkahi. Ipadala sa e-mail address ng iyong guro ang link nabuo mong
presentasyon.
Alituntunin sa paggamit ng Prezi
1.
I-type sa URL box ang http://prezi.com/your/ saka pindutin ang Enter sa
keyboard.
2.
I-klik ang icon na Create.
3.
Piliin naman sa pamamagitan ng pag-klik sa “Sign up” upang makaregister.
17
4.
Sa ilalim ng pagpipiliang opsyon sa pagbuo ng account, matatagpuan ang
icon na Students & Teachers. Sa ilalim nito i-klik ang Educational licenses para sa
libreng paggamit
5.
Piliin ang Edu Enjoy at i-klik ang Continue.
6.
I-type sa kahon ang iyong e-mail address saka i-klik ang Verify.
7.
Tingnan ang iyong e-mail para sa Verification Message saka i-klik ang
verification link.
8.
I-type ang iyong pangalan at apelyido at ang piniliing password. I-klik ang
Agree saka ang Sign up.
9.
Bilang pagsimula sa pagbuo ng presentasyon, i-klik ang New Prezi.
10. Pumili ng template tapos i-klik ang Use Template.
11. Maaari ka nang magsimula sa pagbuo ng iyong presentasyon. Maaaring
gamitin ang mga inaalok na opsyon upang higit na makabuo ng mabuting
produkto.
12. I-klik ang Save pagkatos ng pagbuo.
13. I-klik ang Download as PDF.
14. Palitan ng Prezi_kwentong-bayan_ApelyidoPangalan ang pamagat ng file.
Sagutin mo ang mga sumusunod na pamprosesong tanong.
1. Paano mo nakikitang magdudulot ng mabuting epekto ang mga kautusang
iyong iminumungkahi?
2. Paano sinasalamin ng iyong Limang Kautusan ang pangangailangan nito sa
lipunan?
18
3. Sino-sino ang dapat na maging aktibo sa pagpapatupad ng iyong Limang
Kautusan? Bakit?
Isaisip
ALAM MO BA NA….
Ang kuwentong-bayan ay mga salaysay na likhang-isip
lamang. Lumaganap at nagpasalin-salin ang mga ito sa iba't ibang
henerasyon
sa
pamamagitan
ng
pasalindila
(paraan
na
pagkukuwentong pasalita). Isa sa mahalagang elemento ng
kuwentong-bayan
ang
tauhan.
Sila
ang
gumaganap
ng
mahahalagang karakter.
May dalawang uri ang tauhan: Ang tauhang lapad (flat
character), na hindi nagbabago ang katauhan mula simula hanggang
sa magwakas ang kuwento at ang tauhang bilog (round character)
naman na nagbabago ang katauhan mula sa simula hanggang sa
wakas ng kuwento. Nauuri rin ang tauhan sa katangiang protagonista
at antagonista. Ang protagonista ang pangunahing tauhan sa isang
akda. Sa kaniya nakasentro ang mga pangyayari. Antagonista naman
ang
lumilikha
ng
hakbang
upang
hindi
magtagumpay
ang
pangunahing tauhan.
Isagawa
Gawain 6: LATHALAING TRAVELOGUE
Bumuo ka na ng isang lathalaing travelogue ukol sa isa sa mga
bayan sa Mindanao, bilang isang tunguhang panturismo. Layunin
mong hikayatin ang iyong mga kababayan na pumasyal sa Mindanao
sa samu’t saring dahilan. Upang higit na maging malikhain ang iyong bubuuing
19
travelogue, magsanib ng mga hinalaw bahagi ng tekstong pampanitikan (tula,
alamat, kuwentong bayan at iba pa) mula sa Mindanao.
RUBRIK SA PAGMAMARKA
PAMANTAYAN
KATANGIAN (4 PUNTOS )
MASAKLAW NA
Sapat ang sakop na mga
NILALAMAN
impormasyong (pangkasaysayan,
4
3
2
1
kultural, pang-ekonomiya at
panturismo) inilalahad kaugnay ng
itinatampok na rehiyon sa Mindanao
bilang tunguhing panturismo
PAGKAMALIKHAIN
Orihinal ang pagkakasulat sa teksto
dahil gumamit ng iba’t ibang
matatalinghaga at malikhaing
pagpapahayag, mapang-akit ang
panimula’t wakas, at nagsanib ng mga
tekstong hinalaw mula sa mga
panitikan ng itinatampok na rehiyon.
KAPAKI-
Praktikal para sa Mindanao ang inilahad
PAKINABANG NA
na agendang panturismo sa
AGENDA
itinatampok na rehiyon
MABISANG
Malinaw ang ginawang paglalahad at
PAGPAPAHAYAG
paglalarawan sa iba’t ibang
impormasyon kaugnay ng itinatampok.
May kaisahan ang daloy ng mga
pahayag sa kabuuan ng teksto.
GAMIT ANG WIKA
Mahusay ang pagkakasulat dahil
sinusunod ang mga alintuntuning
panggramatika (baybay, bantas, gamit
ng salita, pangungusap) sa lahat ng
pagkakataon.
20
Isulat ang travelogue sa inilaang kahon.
Tayahin
Panuto : Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa
mga pagpipilian.Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa papel. Mahalaga ang
katapatan sa pagsagot.
1. Bakit tumandang binata ang datu?
A.dahil walang napiling pakakasalan
B. dahil sa paglilingkod sa mga nasasakupan
C.walang nagkakagusto
D. wala lang
2. Sino ang nagpayo sa datu na mag-asawa na?
A.matatandang tagapayo
B. kapwa datu
C. kaibigan
D. pamilya
3. Siya ay batang-bata at totoong napakalambing, Sino siya?
A. Hasmin
B. Farida
C. Sarida
D. Farrida
4. Sino sa dalawang asawa ng datu na palihim niyang binubunot ang itim na
buhok?
A. Hasmin
B. Farida
C. Sarida
D. Farrida
C. Sarida
D. Farrida
5. Isa sa asawa ng datu na kasintanda niya?
A. Hasmin
B. Farida
6. Ito ay mga salaysay na likhang- isip lamang. Ano ito?
A. Tauhang lapad
B. tauhang bilog
C. Kwentong-Bayan
D. Antagonista
21
7. Ano ang pinakamahalagang elemento ng kwentong-bayan?
A. Tauhan
B. Aral
C. May-akda
D. Wala sa nabanggit
8. Tumutukoy sa katauhan na hindi nagbabago mula sa simula hanggang sa
magwakas ang kuwento.
A. Tauhang lapad
C. Kwentong-Bayan
B. Tauhang bilog
D. Protagonista
9. Tumutukoy sa katauhan na nagbabago mula sa simula hanggang sa wakas
ng kwento.
A. Tauhang lapad
C. Tauhang bilog
B. Antagonista
D. Protagonista
10. Ang kwentong-bayan ay lumaganap at nagpasalin-salin sa iba’t ibang
henerasyon. Ano ang kahulugan ng salitang sinasalungguitan?
A.Likhang-isip
C. Pasalindila
B. Nagpalipat-lipat
D. Impormasyon
Panuto : Punan ang patlang ng tamang salitang nagbibigay patunay. Isulat sa
sagutang papel.
A. Sapagkat
B. Tunay
C. Talaga
D. Sadyang
E. Totoo
11. Ang Pag-ibig kapag ay naramdaman ninuman __________ mapapakanta.
12. ________ ngang nakababahala ang naganap na pagsabog sa isang mall.
13. ________ ang laki ng pagbabago ng kapaligiran sa pagpapalit ng pinuno ng
pamahalaan.
14. ________ dapat na ipagmalaki ang kabayanihang ipinakikita ng bawat OFW.
15. Hindi ako kumain sa restaurant _____________mahal ang pagkain doon.
16-20. Ano ang pagkakaiba ng tauhang lapad sa tauhang bilog?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________
21-25. Paano mo pahahalagahan ang kultura o tradisyong binanggit sa kwentong
“Nakalbo ang Datu?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________
Magaling! Natapos mo ang lahat na mga gawain para sa linggong
ito. Sana ay may marami kang natutunan sa ating aralin.
22
Karagdagang Gawain
Gawain 7: JOURNAL WRITING
Gamitin ang iyong online journal sa http://www.my-diary.org/ at sumulat ng isang
sanaysay na naghahayag ng ugnayang pagmamahal sa loob ng iyong pamilya.
Suriin kung paano ninyo pinanatili ang pagmamahal at kung ano-anong
suliraning kaugnay ng pagmamahal ang inyong kinaharap. Paano ninyo hinarap
ang mga ito? Ipadala sa e-mail ng iyong guro ang link ng iyong dyornal.
Sanggunian
“Panitikang Rehiyunal (Kagamitan ng Mag-aaral )
https://Bitmoji.com
filipinoforfilipinos.blogspot.com
http://www.my-diary.org/
https://brainly.ph
www.prezi.com
Brainly.ph/question/630933
Mga Guro sa Filipino 7
Jella E. Rosolada
Mindacita D. Bancat
Rowena C. Salutan
Brigida A. Badlon
Ma. Claire M. Fudalan
Genellie I. Calipes
Telephone Numbers (038) 412-3451, 412-2947, 501-5944, 235-6176
23
Muslim Mindanao
5. Autonomous Region in
cacao, abaka.
mais, kape, kopra,
suha, saging, pinya,
4. durian, mangosteen,
limestone
silver, gold, coal &
3. iron, nickel, copper,
2. Rehiyon 9,10,11,12
1. Mindanao
BALIKAN
20. A
17. Lahat ng
7. B
10.B
16. D
6. D
19. D
15. C
5. B
9. C
14. A
4. B/C
18. B
13. B
3. A
8. D
12. C
2. D
nabanggit
11. A
1. D
SUBUKIN
Susi sa Pagwawasto
Download