Kabataan: Ang Panimula ng Pagkakaisa Isa ang Pilipinas sa mga bansang laganap ang paggamit ng droga gayundin ang terorismo. Ang pagkalat ng mga ito ay isang malaking dagok sa ating lipunan hindi lamang dahil maraming buhay ang nawawasak at napipinsala kindi pati na rin ang kinabukasan ng mga kabataan. Karamihan sa mga kabataan ang naapektuhan at naiimpluwensiyahan ng mga isyung ito. Sila nag nagiging biktima dahil sa mga taong nakapaligid sa kanila na pilit himukin sila na gumawa ng masama. Droga ang dahilan sa pagkawala ng buhay ng iilan. Droga rin ang dahilan ng pagkasira ng sarili at pamilya. Ngayon naman, droga ang magiging sanhi ng pagkagulo ng komunidad dahil nagbubunga ito ng kaliwat kanang krimen tulad ng pagnanakaw, panloloko ng kapwa at pagpaslang ng mga inosenteng buhay. Dahil tila wala na sa katinuan ang mga nalulong sa bisyong ito, wala nang sinisino ang mga ito at maging mga mahal sa buhay ay ginagawan na ng kasamaan. Marami rin ang kinakalaban ang gobyerno at pilit na gumagagwa ng mga bagay upang mapabagsak ang pamahaalaan. Ang mga ito ay kabataan na ang gumagawa sa panahon ngayon. Sila na ang nagiging kriminal dulot ng kanilang pagiging biktima. Sila na ang may alam sa paggamit ng droga at pagiging sangkot sa terorismo dulot ng kanilang pagiging inosente sa mga bagay-bagay. Sa kanila nito, hindi pa rin natin maipagkakaila ang katotohanan na ang mga kabataan ang syang magiging pag-asa ng bayan. Paano nga ba natin matutulungan ang mga kabataan na mailayo sa impluwensiya ng droga at terorismo upang maipakita na sila pa rin ang pag-asa ng bayan? Karamihan sa mga kabataan ngayon ay hindi mabubuhay kung wala ang gadgets at social media. Ito na ang kanilang itinuturing na tubig at hangin sa arawaraw. Mula paggising hanggang pagtulog ay ito ang kanilang tangan. Maari itong maging daan upang mapalaganap ang mga tamang impormasyon tungkol sa mga masasamang dulot ng droga at terorismo kaya at dapat iwasan. Ang lahat ay pwedeng magpost sa kanilang mga social media accounts na makaka-engganyo sa mga tao lalo na sa mga kabataan na huwag basta- batang magtitiwal sa mga tao sa kanilang paligid. Paraan din ito upang magkaroon sila ng kaalaman at kamalayan sa mga bagay na makakasama at makasisira sa kanilang sarili, buhay at kinabukasan. Isa sa pinakaimportanteng atensyon na kinakailangan ng mga kabataan ay mula sa magulang. Sila ang nagsisilbing gabay sa paglalakbay ng mga anak. Ngunit paano sial aalalay sa bawat paglakad ng anak kung mismong sila ay walang oras para damayan at Samahan ito papunta sa tamang landas. Ang mga magulang natin ay madalas nasa trabaho o maraming pinagkakaabalahan kung kayat nakakalimutan na nitong bigyan ng panahon na makasama ang pamilya at mga anak. Dahil dito, mas napipilitan ang mga anak ng atensyon mula sa ibang tao na bigla nalang pinagkakatiwalaan dahil akala nito, ito ang makatutulong sa kanila. Sa kabila nito, naniniwala kami na marami pa rin ang mga magulang na handang suportahan at gabayan sa lahat ng oras. Sana ang pamilya ang magiging pundasyon upang hindi agad maimpluwensyahan ng masama ang mga kabataan. Sana sa pamilya rin magsisimula ang kanilang kamalayan tungkol sa isyu ng droga at terorismo. Ngunit paano nila ito magagawa kung mismong mga magulang ay walang alam sa mga bagay na ito? Maaaring mabigyan sila ng mga programa upang may alam sila at maibahagi ito sa mga anak at pamilya nila. Marami man ang mga kabataan ngayon ang sangkot sa iba’t ibang krimen, hindi pa rin naman nawawala ang mga kabataang may layon para sa ikabubuti ng lahat at ng lipunan. Sila ay maaaring manghikayat sa kanilang kapwa kabataan na alamin ang magiging epekto sa kanilang buhay ng droga at terorismo. Sila ang magpupukaw sa natutulog na isipan ng ibang kabataan na dapat gawin ang tama at huwag basta-bastang magtitiwala kaninuman. Maaari rin ang mga sangguniang kabataan officials ng bawat barangay ay magkaroon ng programa at mga aktibidad na makakatulong sa mga kabataan na maging aktibo sa paglahok sa iba’t ibang bagay na kung saan pagkakaabalahan nila upang hindi na maimpluwensyahan ng masama. Mas mainam ito upang makatulong sa kalikasan, pamilya at lipunan. Ayon sa ating tema na Kabataan Tayo Mismo: Pwersa ng Pagkakaisa at Bagong Pag-asa, ano man ang kinakaharap at kinasasangkutan ng mga kabataan ngayon, sila man ang nagmumukhang may sala sa kabila ng kanilang pagiging biktima sa pamamagitan ng pagkakaisa, makakamit pa rin ang pag-asa na masusugpo ang mga suliraning ito. Ipapakita naming mga kabataan na lumihis man ang iba ng landas, kami mismong mga kabataan ang tutulong sa kanila na bumalik sa daan na magbibigay ng magandang paglalakbay. Ako ang sumasalamin sa kabataan na nais ang kapayapaan at pagbabago. Ako ang magiging ilaw ng mga naglalakad sa kadiliman. Ako rin ang magiging ehemplo ng mga kabataang nasa modernong henerasyon. Talamak man ang droga at terorismo ngayon, naninindigan pa rin kaming mga kabataan na kami ang magiging pag-asa ng bayan. Kami ang mangunguna sa bawat programa at proyekto ng ating gobyerno na para sa ikabubuti ng lahat lalo na ng mga kabataan dahil kami ay pumapanig sa pamahalaan hind sa lumalaban sa pamahalaan. Sana lahat ay magkaisa kabilang na ang mga magulang sa layuning ito. Halika na kabataan, ako,ikaw, tayo ang magiging boses at mukha ng bagong pag-asa. Sama-sama nating puksain ang droga at terorismo. Sama-sama rin nating isabuhay na tayo ang susi sa pagbabago ng bansang ito. Isinulat ni: Jingky G. Pacificar, District of Batan