Uploaded by GEM MERCADO

Silabus ng Kurso

advertisement
K:
Silabus ng Kurso
PANITIKANG FILIPINO
Pangalawang Semestre, A.Y. 2011-2012
Nobyembre 2011-Marso 2012
KOWD NG KURSO:
FIL 102
BILANG NG YUNIT:
3
ISKEDYUL AT SILID-ARALAN: Lunes, 7:00-10:00/10:00-1:00, 101
WEBSITE NG KLASE:
http://tfvc2010.blogspot.com
PROPESOR:
Raquel, Marlon B.
(02) 553-9187 (Opisina)/raquel.marlon@yahoo.com (Email)/ Opisina ng Pakultad
ORAS NG KONSULTASYON:
Miyerkules/Huwebes, 2:00-4:00
DESKRIPSIYON NG KURSO:
Bibigyang pokus sa kursong ito ang iba’t ibang uri ng panitikang Filipino – mga panitikang
pabigkas na tradisyon at mga panitikang pasulat na tradisyon. Kabilang sa mga panitikang pabigkas na tradisyon ay ang mga kantahingbayan, tula, mga tugma, at mga unang kuwento tulad ng alamat at pabula. Pag-aaralan din ang bawat genre ng pasulat na tradisyon
tulad ng nobela, dula, maikling kuwento at sanaysay. Pag-aaralan din ang mga talambuhay ng mga manunulat sa panitikang Filipino at
ang iba’t ibang panitikang panrehiyon ng Philipinas.
LAYUNIN NG KURSO:
Pagkatapos ng semestre, inaasahan na ang mga estudyante ay:
1. Mauunawaan ang halaga ng panitikang Filipino sa buhay ng bawat Pilipino;
2. Mauunawaan ang iba’t ibang uri ng panitikang Filipino sa pabigkas na tradisyon at sa pasulat na tradisyon; at
3. Maipapagmalaki ang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng masusing pag-aaral sa mga talambuhay at mga sinulat ng mga manunulat.
MGA PANGANGAILANGAN NG KURSO:
Dalawang grado ang ibinibigay ng Kolehiyo sa isang semestre: una ay ang grado para sa midterm at ang pangalawa ay ang grado para
sa final ayon sa Artikulo X, Seksyon B ng Student Handbook. Ang Final Grade ay 40% mula sa Prelim hanggang sa Midterm Period at
60% naman mula sa Pre-final hanggang sa Final Period.
Pangangailangan sa Midterm Period (40%):
30%
Portfolio ng mga Manunulat sa Panitikang Filipino – Walang pagsusulit na ibibigay sa prelim period. Bagkus, magsusumite kayo ng mga
talambuhay ng mga manunulat ng iba’t ibang uri ng panitikang Filipino. Lalakipan ninyo ng kani-kanilang mga sinulat ang bawat taong
isasama ninyo sa portfolio ng hindi bababa sa dalawang (2) piraso. Halimbawa, kung isasama ninyo ang talambuhay ni Andres
Bonifacio, lakipan ninyo ito ng dalawang sanaysay na naisulat niya. Iproseso ang mga gawa nila sa Microsoft Word. Pagkatapos, ipasa
sa aking email ang soft copy at ipasa din ang hard copy nito. Ipasa ninyo ito sa ika-19 (Lunes) ng Disyembre 2011, ala-una
(1:00pm) ng hapon.
30%
Midterm na Pagsusulit – Ang midterm na pagsusulit ay gaganapin sa ika-16 (Lunes) ng Enero 2012. Lahat ng napag-aralan mula sa
simula ay isasama sa pagsusulit. Iba’t ibang uri ng pagsusulit ang ibibigay tulad ng multiple choice questions (MCQs), matching type,
enumeration, sanaysay, at iba pa.
15%
Maiikling Pagsusulit – Ilang maiikling pagsusulit ang ibibigay sa loob ng semestre. Ang unang maikling pagsusulit ay patungkol sa
kabuuan ng silabus na ito. May ilang pagsusulit na sasabihin sa klase; ang iba naman ay biglaan at walang anunsyong ibibigay.
15%
Takdang Aralin – Dalawang (2) takdang aralin ang kailangang ipasa sa midterm period. Ang unang takdang aralin ay kailangang maipasa
ng hindi lalagpas sa ika-5 ng Disyembre (Lunes) 2011 hanggang sa ika-11:59 ng gabi at ang pangalawa naman ay sa ika-9 ng
Enero (Lunes) 2011 hanggang sa ika-11:59 ng gabi. Hindi kayo maaaring magpasa ng mga kasagutan paglagpas ng mga itinakdang
oras. Ang mga kasagutan na ipinasa sa aking email at at sa mga maling links ng website ay hindi tatanggapin.
10%
Partisipasyon sa Klase – Ang pagtisipasyon ninyo sa loob ng klase ay mahalaga tungo sa mabisa at kapaki-pakinabang na pagkula ng
kaalam sa mga paksang pinag-aaralan.
Mga Pangangailangan sa Final Period (60%):
30%
Portfolio ng Iba’t Ibang Uri ng Panitikan – Ang proyektong ito ay gagawin ng pangkatan. Bawat pangkat ay may 5-7 miyembro. Pipili
ang bawat grupo ng isang uri ng panitikan o genre ng teksto na nakasulat sa ibaba at susulat kayo ng orihinal na komposisyon.
Maikling Kuwento = 3 piraso (Hindi bababa sa 500 na mga salita bawat isa.)
Nobela = 2 piraso (Hindi bababa sa 800 na mga salita bawat isa.)
Tula = 10 piraso (Hindi bababa sa 150 na mga salita bawat isa.)
Dula = 2 piraso (Hindi bababa sa 800 na mga salita bawat isa.)
Sanaysay = 5 piraso (Hindi bababa sa 300 na mga salita bawat isa.)
Pabigkas na Tradisyong Patula at Tuluyan = 5 (Hindi bababa sa 300 na mga salita bawat isa.)
Ipasa ang hard copy maging ang soft copy ng inyong portfolio sa email ko. Ang itinakdang pasahan ay sa ika-12 ng Marso (Lunes)
2012, ala-una (1:00) ng hapon.
30%
Panghuling Pagsusulit – Ang panghuling pagsusullit ay binubuo ng iba’t ibang uri ng mga katanungan. Ang iskedyul ng eksaminasyon ay
sa ika-19 (Lunes) ng Marso 2012.
15%
Maiikling Pagsusulit – Ilang maiikling pagsusulit ang ibibigay sa loob ng semestre. Ang unang maikling pagsusulit ay patungkol sa
kabuuan ng silabus na ito. May ilang pagsusulit na sasabihin sa klase; ang iba naman ay biglaan at walang anunsyong ibibigay.
15%
Takdang Aralin – Dalawang (2) takdang aralin ang kailangang ipasa sa midterm period. Ang unang takdang aralin ay kailangang maipasa
ng hindi lalagpas sa ika-13 ng Pebrero (Lunes) 2012 hanggang sa ika-11:59 ng gabi at ang pangalawa naman ay sa ika-12 ng
Marso (Lunes) 2012 hanggang sa ika-11:59 ng gabi. Hindi kayo maaaring magpasa ng mga kasagutan paglagpas ng mga itinakdang
oras. Ang mga kasagutan na ipinasa sa aking email at at sa mga maling links ng website ay hindi tatanggapin.
10%
Partisipasyon sa Klase – Ang pagtisipasyon ninyo sa loob ng klase ay mahalaga tungo sa mabisa at kapaki-pakinabang na pagkula ng
kaalam sa mga paksang pinag-aaralan.
MGA POLISIYA SA LOOB NG SILID-ARALAN:
1. Kung sakaling hindi kayo makakuha ng mga pagsusulit, hindi ninyo ito maaaring kunin sa anumang kadahilanan maliban na lamang
kung may malubhang karamdaman o namatayan ng isang miyembro ng pamilya. Hindi saklaw ang panghuling pagsusulit sa polisiyang
ito. Maaari kayong kumuha ng espesyal na pagsusulit para sa panghuling pagsusulit isang linggo matapos ang opisyal na iskedyul ng
pagkuha nito ng libre.
2. Kung wala kayo sa loob ng klase habang kinukuha ko ang atendans niyo, mamarkahan ko kayo ng ‘LUMIBAN.’
3. Siguraduhin ninyo na alam ninyo ang paggamit ng kompyuter at internet sapagkat lahat ng mga asignatura at mga sulatin ay ipapasa
sa email at sa website ng klase.
4. Maaari ninyong dalhin ang inyong mga snacks sa loob ng silid-aralan. Maging responsible: huwag itapo ang basura kuing saan-saan.
5. Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng cellphone at iba pang gadgets habang nagkaklase.
OUTLINE NG KURSO:
Nobyembre 14
Pagpapakilala ng Kurso at Oryentasyon
Nobyembre 21
INTRODUKSYON
Ang Kahulugan ng Panitikan
Ang Uri ng Panitikan
Ang Anyo ng Panitikan
Ang Panitikang Filipino: Mga Problema at Solusyon
Talambuhay ng mga Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan
Francesco Arcellana
Bienvenido Lumbera
Virgilio S. Almario
Alejandro R. Roces
Lazaro Francisco
Carlos P. Romulo
N.V.M. Gonzales
Edith L. Tiempo
Amado V. Hernandez
Rolando S. Tinio
Nick Joaquin
Jose Garcia Villa
F. Sionel Jose
Nobyembre 28/
Disyembre 5
ANG PANITIKANG FILIPINO SA PABIGKAS NA TRADISYON I
Ang Pasalindilang Panitikan
Ang Pabigkas na Tradisyong Patula at Inaawit
Ang mga Kantahing-Bayan
Ayon sa Pagkakalahad
Nagsasalaysay
Ang Balada
Ang Epiko
Di-Gaanong Nagsasalaysay
Awit Pampatulog sa Bata
Awit sa Paggawa
Awit sa Pag-ibig at Panliligaw
Awit sa Pagkasal
Awit sa Pakikidigma
Awit-Panrelihiyon
Awit sa Lansangan
Awit sa Patay o Pagdadalamhati
Disyembre 12/19
ANG PANITIKANG FILIPINO SA PABIGKAS NA TRADISYON II
Ang Pabigkas na Tradisyong Patula at Di-Inaawit
Ang Kasabihan
Sabi-sabi
Bugtong
Sawikain
Salawikain
Bulong
Tanaga
Ambahan
Ang Pabigkas na Tradisyong Patula, Inaawit, at Isinasayaw
Ang Katutubong Dula
Ang Pabigkas na Tradisyon sa Tuluyan
Mito o Mulamat
Kuwentong Katatawanan
Alamat
Kuwentong Kababalaghan
Pabula
Palaisipan
Parabola
KAPALIWANAGAN SA MGA KATHANG NILALAMAN NG ANTOLOHIYA AT KALIGIRAN NG BAWAT GENRE
Sa Tula
Sa Maikling Kuwento
Sa Nobela
Sa Dula
Sa Sanaysay
Enero 16
MIDTERM NA PAGSUSULIT
Enero 23/30
ANG PANITIKANG FILIPINO SA PASULAT NA TRADISYON I
Tula
Panahon ng Kastila
May Bagyo Ma’t May Rilim – Di Kilalang Awtor
Salita kay Hudas ni Gaspar de Belen
Isang Tula sa Bayan ni Marcelo H. Del Pilar
Katapusang Hibik ng Pilipinas ni Andres Bonifacio
Panahon ng Amerikano
Kalansay ni Lope K. Santos
Ang Pamana ni Jose Corazon de Jesus
Panahon ng Hapon
Tren ni Manuel Principe Bautista
Alay – Di Kilalang Awtor
Panahon ng Bagong Republika
Isang Dipang Langit ni Amado V. Hernandez
Ang Burgis sa Kanyang Almusal ni Rolando Tinio
Kalookan: Balada ng Duguang Tinig ni Ruth
Elyna Mabanglo
A Private Scar ni Sendong Makabali
Pebrero 6/13
II
Nobela
Pebrero 20/27
ANG PANITIKANG FILIPINO SA PASULAT NA TRADISYON
Maiikling Kuwento
Walang Panginoon ni Deogracias Rosario
Suyuan sa Tubigan ni Macario Pineda
Naiibang Yungib ni Brigido Alba
Usok sa Mapupusok na Araw
Ano ang laman ng Lupa? Ni Rodie Marte metin
ANG PANITIKANG FILIPINO SA PASULAT NA TRADISYON III
Dula
Ang Huling Hapunan – Di Kilalang Awtor
Tibag ni Carlos V. Guttierez
Sanaysay
Kaiingat Kayo ni Marcelo H. Del Pilar
Katipunang Marahas ng mga Anak ng Bayan ni Andres Bonifacio
Ang Ningning at Liwanag ni Emilio Jacinto
PANITIKANG PANREHIYON
Panitikan ng mga Kapampangan
Panitikang Sebwano
Panitikang Waray
Panitikang Ilokano
Panitikang Bikolano
Iba Pang Panitikang Panrehiyon
Marso 12
Paglalagom/Synthesis
Marso 19
PANGHULING PAGSUSULIT
SANGGUNIAN:
Arrogante, Joey A (1991). Mapanuring Pag-aaral ng Panitikang Filipino. Lungsod ng Mandaluyong: National Book Store
Arrogante, Jose A., et al (2008) Panitikang Filipino: Antolohiya, Binagong Edisyon. Lungsod ng Mandaluyong: National Book Store
Santiago, Erlinda M., et. al (2007). Panitikang Filipino: Kasaysayan at Pag-unlad, Pang-Kolehiyo. Lungsod ng Mandaluyong: National Book
Store
Sauco, Consolacion et al (2002). Panitikan ng Pilipinas-Panrehiyon. Lungsod ng Maynila: Katha Publishing Co.
Download