BATAYANG KASANAYAN SA PANANALIKSIK 1. Pangangalap ng Impormasyon o Sanggunian 2. Pagpili ng Batis ng Impormasyon o Sanggunian 3. Pagtatala ng Impormasyon o Datos 4. Pagpili at Paglimita ng Paksa 5. Pagbabalangkas 6. Pagbuo ng Konseptong papel 1. PANGANGALAP NG IMPORMASYON O SANGGUNIAN • Akmang uri ng impormasyon • Sapat na dami ng impormasyon 2. PAGPILI NG BATIS NG IMPORMASYON O SANGGUNIAN • Hanguang Primarya Ito ang pinagmumulan ng raw data • Hanguang Sekondarya Ito ay mga ulat pampananaliksik na gumagamit ng mga datos mula sa mga hanguang primarya upang malutas ang mga suliraning pampananaliksik. • Hanguang Tersyarya Kinapapalooban ito ng mga aklat at artikulo na lumalagom at nag-uulat tungkol sa mga naunang hanguan para sa pangkalahatang mambabasa. SENYALES O INDIKEYTOR NG RELAYABILITI AYON KINA BOOTH,ET AL • Ang hanguan ba ay inilathala ng reputableng tagalimbag? • Ang aklat o artikulo ba ay peer-reviewed? • Ang awtor ba ay isang reputableng iskolar? • Kung ang hanguan ay matatagpuan online lamang,inisponsoran ba iyon ng isang reputableng organisasyon? SENYALES O INDIKEYTOR NG RELAYABILITI AYON KINA BOOTH,ET AL • Ang hanguan ba ay napapanahon? • Kung ang hanguan ay aklat ( maging artikulo), mayroon ba iyong bibliyograpiya? • Kung ang hanguan ay isang website, kakikitaan ba iyon ng mga bibliyograpikal na datos? • Kung ang hanguan ay isang website, naging maingat ba ang pagtalakay sa paksa? SENYALES O INDIKEYTOR NG RELAYABILITI AYON KINA BOOTH,ET AL • Ang hanguan ba ay positibong nirebyu ng ibang mananaliksik o iskolar? • Ang hanguan ba ay madalas na binabanggit o sina –cite ng iba? 3.PAGTATALA NG DATOS O IMPORMASYON • TUWIRANG SIPI Pinakamadaling pagtatala dahil walang ibang gagawin kung hindi kopyahin ang ideya mula sa sanggunian. • BUOD Sinopsis….isang uri ng pinaikling bersyon ng isang panulat 3.PAGTATALA NG DATOS O IMPORMASYON • PRESI Mula sa salitang Franses na ang ibig sabihin ay PRUNED o CUT DOWN STATEMENT. Ito ay isang tiyak na paglalahad ng mga mahahalagang ideya gamit ang sariling salita ng nagbabasa.Parehong mood o tono at punto de bista ng orihinal na akda. MUNGKAHI SA PAGGAWA NG PRESI 1. Basahing mabuti ang akda upang matukoy ang sentral na ideya at maipaghiwalay ang mga mahahalagang ideya at mga detalyeng maaari nang isatabi. 2. Basahin nang ilang ulit ang akda upang masundan ang ayos ng paglalahad at matukoy ang mga ideyang binibigyang-diin sa akda. Isulat ang mga salita at pariralang naglalaman ng mahahalagang ideya. MUNGKAHI SA PAGGAWA NG PRESI 3. Isulat ang presi ayon sa mga talang ginawa. Gamitin ang sariling salita sa halip na ang mga salita ng mayakda. 4. Ihambing ang iyong presi sa orihinal na akda. Nilalaman ba nito ang mga mahahalagang ideya nang malinaw at eksakto HAWIG • Ito ay tinatawag na PARAPHRASE • Ito ay isang hustong paglalahad ng mga ideyang gamit ang higit na payak na salita ng nagbabasa. • Sa pamamagitan ng hawig,nagagawang higit na maunawaan ang mga akdang teknikal o anomang akdang mahirap intindihin. • Ito ay nagpapayaman ng talasalitaan at pagbuo ng mga pangungusap. SALIN • Ito ay pagsasalin ng wika sa iba pang wika. • Ang isang mabuting salin ay nagpapanatili ng orihinal na ibig sabihin ng akda. • Basahin muna ang buong akda bago isalin upang maiwasan ang maling salin. • Hangga’t maaari, walang idinadagdag o ibinabawas sa isang salin. SINTESIS • Ito ay pagsusuma ng mga mahahalagang paksang tinalakay sa isang akda. • Madalas itong inilalagay sa bandang huli ng isang akda upang mabuhol ang mga pangunahing puntong pinatutunayan sa isang akda. • Maaari rin itong matagpuan sa pagtatapos ng mga pangunahing paksang tinatalakay bilang pagbibigay-diin at pagpapahalaga sa paksa bago sumulong sa susunod na tatalakayin. PAGPILI AT PAGLIMITA NG PAKSA Mga Maaaring Paghanguan ng Paksang Pampananaliksik 1. Sarili 2. Dyaryo at Magasin 3. Radyo,TV at Cable TV 4. Mga Awtoridad,Kaibigan at Guro 5. Internet 6. Aklatan DAPAT ISA-ALANG –ALANG SA PAGPILI NG PAKSANG PAMPANANALIKSIK • Kasapatan ng Datos • Limitasyon ng Panahon • Kakayahang Pinansyal • Kabuluhan ng Paksa • Interes ng mananaliksik BATAYAN SA PAGLILIMITA NG PAKSA 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. Panahon Edad Kasarian Perspektib Lugar Propesyon o Grupong kinabibilangan Partikular na Halimbawa o Kaso Kumbinasyon ng dalawa o higit pang batayan PAGBABALANGKAS • Ito ay pagbuo ng sitematikong paghahanay ng mga ideya upang malinaw ang kanilang ugnayan. • Nakagagabay sa pag-aayos ng ideya mula sa pinakamalawak hanggang pinakatiyak na ideyang bahagi ng isinasagawang pagsisiyasat. • Nakalilikha nang masinop na paghahanay at pag-uugnay ng mga datos na magiging batayan sa pagbuo ng obserbasyon at konklusyon. PAGBUO NG KONSEPTONG PAPEL • Dito nakasaad ang pangkalahatang balak sa isasagawang pananaliksik • Nakalahad din dito ang pangkalahatang larangan ng paksaing nais talakayin, ang rasyonal ng papel ,layunin,pamamaraan o metodolohiya na nais isagawa at panimulang sarbey ng sanggunian at kaugnay na pagaaral. PANGUNAHING BAHAGI NG KONSEPTONG PAPEL • Tiyak na Paksa • Rasyonal • Layunin • Panimulang Haka • Sarbey ng mga Sanggunian • Metodolohiya o Pamamaraan