Uploaded by Ian Rhadel Raganas

kumunikasyon-week-12 (1)

advertisement
CHRISTIAN SAMARITAN HEALTH SERVICES AND TECHNICAL SCHOOL, INC.
15 de Septembre St. Balingasag Misamis Oriental
Pangalan:
Petsa:
Marka:
Asignatura: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Paksa: WIKA, WIKANG PAMBANSA, WIKANG PANTURO, WIKANG OPISYAL
Layunin: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay;
1.
Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan (F11PS-Ib-86); At
2.
Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP-Ic-30).
Sanggunian: Dayag, Alma et. Al., Pinagyamang Pluma 11 (Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 927
Quezon Ave., Quezon City: Phoenix Publishing House, INC., 2016.
Pagpapahalaga: Ang wika ang nagsisilbing espesyal na disensyo ng pakikipagkapuwa-tao.
I.
1-2 linngo
Mga Mahalagang Kaisipan:

ANG WIKA
Isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon ang wika. Mula sa pinagsama-samang makabuluhang tunog,
simbolo, at tuntunin ay nabubuo ang salitang nakapagpapahayag ng kahulugan o kaisipan. Ito ay behikulong ginagamit
sa pakikipag-usap at pagpaparating ng mensahe sa isa’t isa. Nagkakaintindihan tayo, nakapagbibigayan tayo ng ating
mga pananaw o ideya, opinyon, kautusan, tuntunin, impormasyon, gayundin ng mga mensaheng tumatagos sa puso at
isipan ng ibang tao, pasalita man o pasulat gamit ang wika.
Ang salitang Latin na ligua ay nangangahulugang “dila” at “wika” o “lengguwahe.” Ito ang pinagmulan ng salitang
Pranses na langue na nangangahulugang ding dila at wika. Kalaunan ito’y nagging language na siya na ring ginamit na
katumbas ng salitang lengguwahe sa wikang Ingles. Sa maraming wika sa buong mundo, ang mga salitang wika at dila
ay may halos magkaparehong kahulugan. Ito ay marahil ay sa dahilang ang dila ay konektado sa pasalitang pagbigkas
dahil ang iba’t ibang tunog ay nalilikha sa pamamagitan ng iba’t ibang posisyon ng dila. Kaya naman, ang wika may
tradisyonal at popular na pagpapakahulugang sistema ng arbitraryong vocal-symbol o mga sinasalitang tunog na
ginagamit ng mga miyembro ng isang pamayanan sa kanilang pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan sa isa’t isa.
Marami ding dalubhasa sa wika ang nagbigay ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa wika tulad ng mga mababasa sa
ibaba:
Ayon kina Paz, Hernandez, at Peneyra (2003:1), ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari
ang anumang manimithi o pangangailangan natin. Ito ay behikulo ng ating ekspresyon at komunikasyon na epektibong
nagagamit. Ginagamit ng tao ang wika sa kanyang pag-iisip, sa kanyang pakikipag-ugnayan, at pakikipag-usap sa ibang
tao, at maging sa pakikipag-usap sa sarili.
Ayon kay Henry Allan Gleason, Jr., isang lingguwista at propesor emeritus sa University of Toronto, ang wika
ay masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa pamaraang arbitraryo upang magamit ng mga taong
nabibilang sa isang kultura.
Binigyang pagpapakahulugan ng Cambridge Dictionary ang wika sa ganitong paraan: ito ay isang sistema ng
komunikasyong nagtataglay ng mga tunog, salita, at gramatikang ginagamit sa pakikipagtalastasan ng mga mamamayan
sa isang bayan o sa iba’t ibang uri ng gawain.
Samantala, ang siyentipikong si Charles Darwin ay naniniwalang ang wika ay isang sining tulad ng paggawa ng
serbes o pagbe-bake ng cake, o ng pagsusulat. Hindi rin daw ito tunay na likas sapagkat ang bawat wika ay kailangan
munang pag-aralan bago matutuhan.
Madalas, hindi na natin gaanong nabibigyang-pansin o hindi gaanong napag-iisipan ang kahulugan ng wika sapagkat
tila ba likas o natural na sa atin ang pagkatuto at paggamit ng wika sa ating pagpapahayag mula pa pagkabata
hanggang sa kasalukuyan. Subalit marahil iyo nang napagtanto na nag wika ay hindi lang basta tunog na nalilikha ng
tao, bagkus ito’y isang napakahalagang instrument ng komunikasyon.

Ang Wikang Pambansa
Sa kabilang dako, ano naman ang wikang Filipino?
Maraming nag-aakala na Tagalog din ito. Maging sa ibang bansa, Tagalog din ang opisyal at pambansang wika na
kinikilala at itinuturo ng mga lingguwista at ginagamit sa mga programa sa wika.
Kaya mahalagang malinawan, maunawaan at maliwanagan ang depenisyon ng wikang Filipino. Ang komisyon sa
Wikang Filipino ( KWF ) Board of Commissioners ay nagpalabas ng Resolusyon Blg. 92-1 na naglalahad ng Batayang
Deskripyon ng Filipino. Isinulat ito sa Ingles at isinalin sa Filipino
Ito ang katutubong wika, pasalita at pasulat sa Metro Manila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang
sentrong urban sa arkpelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnokong grupo. Katulad ng alinmang
wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa mga proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga paghiram sa mga wika ng
Pilipinas at mga di katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang baryedad ng wika para sa iba’t ibang sitwasyong
sosyal at para sa mga paksa ng talakayan at matalisik na pagpapahayag.
Sinusugan naman ito sa Resolusyon Blg. 96-1: Amending the working Definition of Filipino as stated in
Resolusyon 92-1
Ang Filipino ay isang katutuong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wikang komuiakasyon ng mga
etnikong grupo, katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso bf paglinang sa pamamagitan
ng panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di Katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para
sa iba-ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na may iba’t iabng sanligang sosyan at para sa mga paksa ng talakayan
at iskolarling pagpapahayag.

Wikang Opisyal at WIkang Panturo
Ayon kay Virgilio Almario (2014: 12) ang wikang opisyal ay ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal
na talastasan ng pamahalaan. Ibig sabihin, ito ang wikang maaaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalo na
sa anyong nakasulat, sa loob at sa labas sa alinmang sangay o ahensiya ng gobyerno. Ang wikang panturo naman ang
opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga
eskuwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid-aralan.
Ano-ano ang mga wikang ginagamit bilang panturo sa loob ng inyong silid-aralan? Nakatutulong ba ang mga ito
upang higit mong maunawaan ang iyong mga aralin at aktibong makibahagi sa mga Gawain at talakayan?
Ayon sa itinatadhana ng ating Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 7, mababasa ang sumusunod:
“Ukol sa layuning komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang
itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at
magsisilbing pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic.”
Sa pangkalahatan nga ay Filipino at English ang mga opisyal na wika at wikang panturo sa mga paaralan. Sa pagpasok
ng K-12 Curriculum; ang Mother Tongue o unang wika ng mga mag-aaral ay nagging opisyal na wikang panturo mula
Kindergarten hanggang Grade 3 sa mga paaralang pampubliko at pribado man. Tinatawag itong Mother Tongue-Based
Multi-Lingual Education (MTB-MLE).
Ayon kay DepEd Secretary Brother Armin Luistro, FSC, “ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa mga
unang baiting ng pag-aaral ay makatutulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay
rin sa kanilang kamalayang sosyo-kultural.”
Pinatunayan ng mga isinagawang pag-aaral na local at internasyonal na ang paggamit ng wikang kinagisnan sa mga
unang taon ng pag-aaral ay nakalilinang sa mga mag-aaral na mas mabilis matuto at umangkop sa pag-aaral ng
pangalawang wika (Filipino) at maging ng ikatlong wika (Ingles).
Noong mga unang taon ng pagpapatupad ng K to 12 ay itinadhana ng DepEd ang labindalawang local o panrehiyon na
wika at diyalekto para magamit sa MTB-MLE. Subalit sa taong 2013 ay nadagdagan pa ito ng pito kaya’t sa
kasalukuyan ay labinsiyam na wika at diyalekto na ang ginagamit tulad ng sumusunod: Tagalog, Kapampangan,
Pangasinense, Iloko, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray, Tausug, Maguindanaoan, Meranao, Chavacano, Ybanag,
Ivatan, Sambal, Aklanon, Kinaray-a, Yakan, at Surigaonon. Ang mga wika at diyalektong ito ay ginagamit sa dalawang
paraan: (1) Bilang hiwalay na asignatura at (2) bilang wikang panturo.
Ang wikang Filipino at Ingles ay gagamitin at ituturo pa rin sa mga paaralan. Ang magiging pokus sa kindergarten at
unang baiting ay katatasan sa pasalitang pagpapahayag. Sa ikalawa hanggang ikaanim na baiting ay bibigyang-diin ang
iba’t ibang component ng wika tulad ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat.
II.
Mga Gawain ng Pagkatuto:
Panuto: Iugnay ang mga natutuhang konseptong pangwika sa iyong sariling kaalaman, pananaw, at mga
karanasan sa pamamagitan ng pagsasagawa sa sumusunod:
1.
Sa mga binasang tala ay nabatid mo ang masalimuot at mahabang proseso ng paghahanap ng wikang
magiging batayan ng ating wikang pambansa. Nang mapili wikang Tagalog ay maraming nagging hadlang at
maraming taon ang lumipas bago ito napagtibay. Baon ang kaisapang ito, sa paanong paraan mo maipakikita
ang iyong pagpapahalaga at pagmamalaki sa ating wikang pambansang Filipino? Maglahad ng Limang
paraang sadyang magagawa mo at kaya ring gawin ng kabataang tulad mo.

____________________________________________________________
____________________________________________________________

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

_____________________________________________________________
____________________________________________________________
2.
Mula sa mga paraang isinulat mo sa bilang 1 ay natukoy mo ang mga nararapat gawin ng mga Pilipino upang
maipakita ang kanilang pagmamalaki, pagpapahalaga, at pagmamahal sa ating wikang pambansa. Ayon kay Dr. Jose
Rizal:
“Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda.”
Gamitin mo ngayon ang iyong kaalaman sa modernong teknolohiya. Bumuo ka ng isang makabuluhang Facebook
SLOGAN na hihikayat sa iba lalo na sa mga kapwa mo kabataan upang gamitin, ipagmalaki, at mahalin ang ating wikang
pambansa. Maaari mo itong lagyan ng naaangkop o kaugnay na larawan upang higit na makakuha sa atensiyon ng iyong
Facebook friends.
Tandaan: Banggitin ang aking Facebook name (______) sa iyong Facebook post na ginawa.
Download