Uploaded by Jay-ar Valenzuela

KOMFIL week 1

advertisement
KONTEKSTWALISADONG
KOMUNIKASYON SA
FILIPINO
“ANG PAGTATAGUYOD NG
WIKANG PAMBANSA SA MAS
MATAAS NA ANTAS NG
EDUKASYON AT LAGPAS PA”
PUKAW-KAMALAYAN
PANUTO: PILIIN LAMANG ANG TAMANG SAGOT SA BAWAT KATANUNGAN.
1. ALIN SA MGA SUMUSUNOD ANG TAMANG SALIN NG SALITANG INGLES NA IMAGE?
A.
IMAHE
B. IMAHEN
C. IMEYDZ
D. IMEYJ
2. ANG MGA SUMUSUNOD AY HALIMBAWA NG SALITANG SIYOKOY MALIBAN SA:
A.
IMAHE
B. RESPONSABILIDAD
C. KOMENTO
D. SAKIN
3. PAANO ANG PARAAN NG PAGBIGKAS NG MGA TITIK SA BAGONG “ALFABETONG FILIPINO”?
A.
PA-ABAKADA
B. BIGKAS-INGLES
C. BIGKAS-ESPANYOL
D. PA-TITIK
4. ILAN ANG KASALUKUYANG BILANG NG BAGONG ALFABETO AYON SA ORTOGRAPIYA?
a.
26
B. 27
C. 28
D. 29
5. NASA ANONG KAYARIAN NG PAGPAPANTIG ANG SALITANG “SPORTS”?
A. KPKK
B. KKPK
C. KKPKK
D. KKPKKK
TAGALOG
PILIPINO
FILIPINO
PAGTALAKAY HINGGIL SA BATAS PANGWIKA.
•
SALIGANG BATAS NG BIYAK NA BATO (1896)- KAUNA-UANAHANG REPUBLIKA NA
NAITATAG SA PILIPINAS AT ANG WIKANG TAGALOG ANG MAGIGING OPISYAL NA WIKA NG
PILIPINAS
• SALIGANG BATAS NG 1935- ARTIKULO XIII, SEKSYON 3: 1935 ANG SALIGANG BATAS
PAMBANSANG ASEMBLEA AY GAGAWA NG MGA HAKBANG TUNGO SA PAGPAPAUNLAD AT
PAGPAPATIBAY NG ISANG WIKANG PAMBANSA NA BATAY SA ISA SA MGA UMIIRAL NA
KATUTUBONG WIKA. HANGGANG HINDI NAGTATADHANA NG IBA ANG BATAS, INGLES AT
KASTILA AY PATULOY NA GAGAMITING OPISYAL.
• ITINATAG ANG SURIAN NG WIKANG PAMBANSA “NA MAG-AARAL NG MGA DIYALEKTO SA
PANGKALAHATAN PARA SA LAYUNING MAGPAUNLAD AT MAGPATIBAY NG ISANG
PAMBANSANG WIKANG BATAY SA ISA SA MGA UMIIRAL NA WIKA” (BATAS KOMONWELT
BLG. 184). ANG PAGPILI NG ISANG PAMBANSANG WIKA AY IBINATAY SA “PAGKAUNLAD NG
ESTRUKTURA, MEKANISMO, AT PANITIKAN NA PAWANG TINATANGGAP AT GINAGAMIT NG
MALAKING BILANG NG MGA FILIPINO.” SA MADALING SALITA, TAGALOG ANG NAPILI.
• NOONG 13 DISYEMBRE 1937, PINAGTIBAY ANG TAGALOG “BILANG BATAYAN NG WIKANG
PAMBANSA NG PILIPINAS”(KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG.134). NGUNIT NAGKABISA
LAMANG ANG NASABING KAUTUSAN PAGKARAAN NG DALAWANG TAON, AT GANAP NA
NASILAYAN NOONG 1940
• ·ABRIL 1, 1940 - KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 263 - PAGPAPAHINTULOT NG
PANGULO NG PILIPINAS SA PAGPAPALIMBAG NG TAGALOG ENGLISH VOCABULARY AT ANG
BALARILA NG WIKANG PAMBANSA.
PAGTALAKAY SA MGA BATAS SA PAGTUTURO NG WIKANG
FILIPINO
• KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 74 -MOTHER TONGUE BASED MULTILINGUAL
EDUCATION -ANG ITUTURO SA PRESCHOOL-IKATLONG BAITANG. SA KAUTUSANG ITO
NAKAPALOOB NA ANG UNANG WIKA ANG GAGAMITING WIKANG PANTURO.
(HTTP://WWW.DEPED.GOV.PH/2009/07/14/DO-74-S-2009-INSTITUTIONALIZING-MOTHERTONGUE-BASED-MULTILINGUAL-EDUCATION-MLE/)
• MEMORANDUM NG CHED BLG. 20, SERYE 2013- SA PAGLABAS NG CHED MEMORANDUM ORDER
NO. 20, SERIES OF 2013, BINABALANGKAS ANG BAGONG GENERAL EDUCATION CURRICULUM NA
NAGSANTABI SA PAGTURO NG FILIPINO BILANG REQUIRED SUBJECT SA KOLEHIYO. SANHI NITO,
NAGKAISA ANG MGA GURO NG WIKA AT MANUNULAT NG SALIKSIK AT PANITIKANG FILIPINO
NAMANINDIGANLABAN SA POLISIYA.
(HTTPS://UPD.EDU.PH/~UPDINFO/JUN14/ARTICLES/BANTAY%20WIKANG%20FILIPINO.PDF)
• MEMORANDUM NG CHED BLG. 57, SERYE 2017 – PAGPAPANATILI NG ASIGNATURANG FILIPINO SA
KOLEHIYO BILANG BAHAGI NG NEW GENERAL EDUCATION CURRICULUM NA IPATUTUPAD SA
TAONG 2018.
• (HTTP://NEWSINFO.INQUIRER.NET/907311/CHED-TO-KEEP-FILIPINO-IN-CURRICULUM)
SALIGANG-BATAS NG 1987
ARTIKULO XIV
SEKSYON 6. ANG WIKANG PAMBANSA NG PILIPINAS AY FILIPINO. SAMANTALANG NILILINANG,
ITO AY DAPAT PAYABUNGIN AT PAGYAMANIN PA SALIG SA MGA UMIIRAL NA WIKA SA PILIPINAS
AT SA IBA PANG MGA WIKA. ALINSUNOD SA MGA TADHANA NG BATAS AT SANG AYON SA
NARARAPAT NA MAAARING IPASYA NG KONGRESO, DAPAT MAGSAGAWA NG HAKBANGIN
ANG PAMAHALAAN UPANG IBUNSOD AT PUSPUSANG ITAGUYOD AG PAGGAMIT NG FILIPINO
BILANG MIDYUM NG OPISYAL NA KOMUNIKASYON AT BILANG WIKA NG PAGTUTURO NG
SISTEMANG PANG EDUKASYON.
ANG PAMBANSANG
WIKA NG PILIPINAS
AY “FILIPINO”
DITO AY BINIGYANG PANGALAN ANG
PAMBANSANG WIKA BILANG FILIPINO.
HINDI NA TAGALOG AT PILIPINO NA KAPWA
DATING PANGALAN KUNDI PINALITAN NA
ITO NG BAGONG PANGALAN; FILIPINO.
SAMANTALANG
NILILINANG
NAGING LISENSYA NG IBA’T IBANG ISKOLAR
SA WIKANG FILIPINO ANG KATAGANG ITO
NG KONSTITUSYON UPANG SILA AY
BUMUO NG IBA’T IBANG PATAKARAN SA
PAGBIGKAS AT PAGSULAT LALO NA SA
PAGGAMIT NG ISPELING SA FILIPINO DAHIL
SA PROBISYONG ITO NA ANG WIKA AY
NILILINANG
• NAGING TAHASAN ANG PAGGAMIT NG “FILIPINAS”
PASA SA BANSANG PILIPINAS, GAYUNDIN GINAGAMIT
ANG MGA LETRANG C, F, J, N (ENYE), Q, V, X, Z SANGAYON SA KANI-KANILANG PANLASA NG ISPELING AT
IDINADAHILAN NA ANG WIKANG PAMBANSA AY
HINDI PA GANAP DAHIL SA ITO AY “NILILINANG” KAYA
MALAYA RAW ANG SINOMAN NA GAWIN KUNG
Tama ba
ANONG ANG SA PALAGAY NILA AY NARARAPAT.
ito?
• KOMISYON SA WIKANG FILIPINO- ANG TANGING
AHENSYA NA SIYANG BINIGYAN NG KARAPATAN NG
SALIGANG BATAS NA MAGSAGAWA NG MGA PAGAARAL AT PANUNTUNAN SA PAGGAMIT NG WIKANG
PAMBANSA.
Magiging masalimuot mabagal ang takbo at
paglinang sa Wikang Filipino kung masyadong
maraming panuntunan na maaring
pagbatayan mula sa iba’t ibang eksperto.
ITO AY DAPAT
PAYABUNGIN AT
PAGYAMANIN PA SALIG
SA UMIIRAL NA WIKA
SA PILIPINAS
PAYAYABUNGIN AT PAGYAYAMANIN ANG
PAMBANSANG WIKA HINDI LAMANG BATAY
SA WIKANG TAGALOG O PILIPINO.
• MARAMING PURISTANG TAGALOG ANG GALIT NA
GALIT SA MGA MAG-AARAL NA NAGSASALITAQ
NANG GANITO: “MAM, MAY KWIZ PO BA TAYO
MAMAYA?” LUBHA RAW NASISIRA ANG ATING WIKA
DAHIL ANG DAPAT DAW AY “ MAM, MAY MAIKLING
PAGSUSULIT PO BA TAYO MAMAYA?”
Hindi masama ang maging
mapagmahal sa wika, ngunit hindi rin
masama na ang wika ay paunlarin sa
pamamagitan ng paggamit ng mga
salitang umiiral sa ating bansa.
• HINDI LINGID SA KAALAMAN NG NAKARARAMI NA
NATURAL NA DUMADALOY SA BIBIG NG MGA MAGAARAL ANG SALITANG KWIZ (QUIZ) KAYSA MAIKLING
PAGSUSULIT, O KAYA’Y ABSENT SA HALIP NA LIBAN,
RESITEYSYON SA HALIP NA PAGSAGOT.
DAPAT MO ITONG
TANDAAN!
NAPAGYAYAMAN AT NAPAPAYABONG ANG
WIKA SA PAMAMAGITAN NG PANGHIHIRAM
NG MGA SALITA.
• TINUTUKOY DIN NAMN NG KONSTITUSYON NA ANG
WIKA AY DAPAT NA PAGYAMANIN AT PAYABUNGIN
SALIG SA UMIIRAL NA WIKA SA PILIPINAS.
Wikang Tagalog, Ilokano, Pampango, Ibanag,
Ivatan, Pangasinan, Bikol, Waray, Hilagaynon,
Ingles, o Kastila na hayagang makikita ang
pag-iral at paggamit sa bansa.
AT IBA PANG MGA
WIKA
MARAMING WIKA SA DAIGDIG ANG
MAAARING MAGAMIT SA PILIPINAS DALA
NG TEKNOLOHIYA.
HINDI ISINASARA NG PROBISYON NG 1987
KONSTITUSYON ANG MAAARING
MAIAMBAG NG IBANG WIKA SA DAIGDIG
SA PAGPAPAYABONG AT PAGPAPAYAMAN
NG WIKANG PAMBANSA.
traysikel, kompyuter,
keyk, boksing, alkohol,
masinggan, armalayt,
istambay, iskul, iskedyul,
pulis, boksing, rises,
bilding, groseri,
anderpas, haywey,
gradweyt, korni, pisbol
• HUNYO 19,1940 – PAGPAPASIMULA NG PAGTUTURO SA MGA PAARALANG PAMPUBLIKO
AT PRIBADO ANG WIKANG PAMBANSA
• AGOSTO13,1959 JOSEROMERO
• NAGPALABAS NG KAUTUSAN ANG KALIHIM NG TANGGAPAN NG EDUKASYON
NOONG 13 AGOSTO 1959, NA TAWAGING “PILIPINO” ANG “WIKANG PAMBANSA.” (
KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 7)
•
SALIGANG BATAS NG 1987 ARTIKULO XIV SEKSIYON 6: ANG WIKANG PAMBANSA NG
PILIPINAS AY FILIPINO. SAMANTALANG NILILINANG, ITO AY DAPAT PAYABUNGIN AT PAGYAMANIN
PA SALIG SA UMIIRAL NA MGA WIKA NG PILIPINAS AT SA IBA PANG MGA WIKA. ALINSUNOD SA
MGA TADHANA NG BATAS AT SANG-AYON SA NARARAPAT NA MAAARING IPASYA NG
KONGRESO, DAPAT MAGSAGAWA NG MGA HAKBANGIN ANG PAMAHALAAN UPANG IBUNSOD AT
PUSPUSANG ITAGUYOD ANG PAGGAMIT NG FILIPINO BILANG MIDYUM NG OPISYAL NA
KOMUNIKASYON AT BILANG WIKA NG PAGTUTURO SA SISTEMANG PANG-EDUKASYON
WIKA
AYON KAY HENRY GLEASON, “ANG WIKA
AY MASISTEMANG BALANGKAS NG
SINASALITANG TUNOG NA PINILI AT
ISINAAYOS SA PARAANG ARBITRARYO
UPANG MAGAMIT NG MGA TAONG
KABILANG SA IISANG KULTURA.
• 1. MASISTEMANG BALANGKAS
PONEMA- MALIIT NA YUNIT NG TUNOG
PONOLOHIYAMORPEMA-MALIIT NA YUNIT NG SALITA
MORPOLOHIYASINTAKS- PROSESO NG PAGBUO NG PANGUNGUSAP
SEMANTIKA- PAGPAPAKAHULUHAN
• DENOTASYON- LITERAL NA PAGPAPAKAHULUGAN
• KONOTASYON- MALALIM NA PAGPAPAKAHULUGAN
PONEMA
AEIOU
BDGHKL
M N NG P R
STWY
MORPEMA
BATA
LARO
PERA
KRUS
SINTAKS
SEMANTIKA
2. SINASALITANG
TUNOG
• MAKABULUHAN ANG WIKA SAPAGKAT ITO AY
NAGTATAGLAY NG TUNOG. SUBALIT HINDI LAHAT NG
TUNOG AY WIKA SAPAGKAT HINDI LAHAT NG TUNOG
AY MAY KAHULUGAN. SA TAO, ANG
PINAKAMAKABULUHANG TUNOG AY MAY KAHULUGAN.
SA TAO, ANG PINAKAMAKABULUHANG TUNOG NA
NILIKHA NATIN AY ANG TUNOG NA SALITA. ITO RIN ANG
KASANGKAPAN NG KOMUNIKASYON SA HALOS LAHAT
NG PAGKAKATAON. TANGING SINASALITANG TUNOG
LAMANG NA NAGMUMULA SA TAO ANG MAITUTURING
NA WIKA. NILIKHA ITO NG ATING APARATO SA
PAGSASALITA NA NAGMUMULA SA HANGING
NANGGAGALING SA BAGA NG NAGDARAAN SA
PUMAPALAG NA BAGAY NA SIYANG LUMILIKHA NG
TUNOG (ARTIKULADOR) AT MINOMODIPIKA NG ILONG
AT BIBIG (RESONADOR)
ANG WIKA AY
PINIPILI AT
ISINASAAYOS.
• MAHALAGA SA ISANG NAKIKIPAGTALASTASAN NA
PILIING MABUTI AT ISAAYOS ANG MGA SALITANG
GAGAMITIN UPANG MAKAPAGBIGAY ITO NG
MALINAW NA MENSAHE SA KAUSAP. SA LAHAT NG
PAGKAKATAON, PINIPILI NATIN ANG WIKANG
ATING GAGAMITIN.
ANG WIKA AY
ARBITRARYO.
ANG ISANG TAONG WALANG
KAUGNAYAN SA KOMUNIDAD AY HINDI
MATUTUTONG MAGSALITA KUNG
PAPAANONG ANG MGA NANINIRAHAN SA
KOMUNIDAD NA IYON AY NAGSASALITA
SAPAGKAT ANG ESENSYA NG WIKA AY
PANLIPUNAN.
• ANG PAGIGING "ARBITRARY" NG WIKA AY MAARI
RING MAIAYON SA KONBENSYUNAL NA
PAGPAPAKAHULUGAN NG SALITANG GINAGAMIT.
WALANG KAUGNAYAN ANG SALITANG GINAGAMIT
SA IPINAKAKAHULUGAN NITO. ISANG HALIMBAWA AY
ANG SALITANG "ASO" SA INGLES ANG GAMITING
SALITA AY "DOG", SA ILOKANO, ITO AY "ASO", SA
PANGASINAN ITO AY "ASO" MAAARING PAREHO ANG
MGA SALITANG GINAMIT DAHIL ANG MGA
GUMAGAMIT NG WIKA AY NAPAGKAYARIANG ITO
ANG GAMITING SALIT
•
TEORYA NG WIKA
1. TEORYANG BOW-WOW
 ISANG TEORYANG GINAGAYAANG MGA TUNOG NA NILILIKHA NG MGA HAYOP GAYA NG
TAHOL NG ASO, TILAOK NG MANOK, ATBP.; AT NG MGA TUNOG NG KALIKASAN KAYA NG IHIP
NG HANGIN, PATAK NG ULAN, ATBP.
•
2. TEORYANG DING-DONG
 ITINUTUKOY NITO ANG MGA SARILING TUNOG NG LAHAT NG BAGAY SA KAPALIGIRAN TULAD NG
TSUG-TSUG NG TREN O TIK-TAK NG ORASAN.
•
3. TEORYANG POOH-POOH
 TINUTUKOY NITO SA MGA PAGGAMIT NG BIBIG, NA KUNG SAAN NILILIKHA ANG MGA TUNOG NA
GALING SA DALA NG EMOSYON TULAD NGA SAYA, LUNGKOT, GALIT, ATBP.
•

4. TEORYANG TA-RA-RA BOOM DE AY
ANG TEORYANG ITO AY NAGSASABI NA ANG WIKA NG TAO AY GALING SA MGA TUNOG NA
NILIKHA SA MGA RITWAL NA NAGBABAGU-BAGO AT BINIGYAN NG IBANG KAHULUGAN
KATULAT NG PAGSAYAW, PAGTATANIM, ATBP.
5. TEORYANGTA-TA-

SINASABING ANG TEORYANG ITO AY NAKAPOKUS LAMANG SA PAGGALAW NG KAMAY O
KUMPAS NG KAMAY. ANG TEORYANG ITO AY NANGANGAHULUGANG PAALAM.
6. TEORYANG YO-HE-YO

SA TUWING GUMAGAMIT ANG TAO NG PISIKAL NA NA LAKAS AY NAKASAMBIT ITO NG MGA
KATAGA NA SIYANG TINATAYANG PINAGMULAN NG WIKA
7. TEORYA NG TORE NG BABEL
 ITO AY MULA SA BIBLIA SA GENESIS 11: 1-8 NA NAGSASABII NA ANG BUONG LUPA AY IISANG
WIKA AT IISANG MGA SALITA.
Download