Week 3-5 Content Standard Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay napapahalagahan ang pagkakaroon ng disiplina at kooperasyon sa pagitan ng mga mamamayan at pamahalaan sa panahon ng kalamidad. Topic (MELC) SA HARAP NG MGA KALAMIDAD Assessment (Performance Standard) Magmasid sa inyong barangay o kumunidad. Alamin ang mga gawain ng mga tao rito na nakapagpapalala o makalulutas ng suliranin sa kalamidad. Gumawa ng video blog o slide presentation tungkol dito. CORE VALUES: Makakalikasan, Pagiging Responsable PAGES IN THE BOOK: New book (25-56) CHAPTER HIGHLIGHTS: A. Important Terms: Kalamidad- Itinuturing na mga pangyayaring nagdudulot ng malaking pinsala sa kapaligiran, ari-arian, kalusugan, at buhay ng mga tao sa lipunan. Ozone layer-isang bahagi ng ating atmospera na daanan ng mga ultraviolet rays ng araw. Chlorofluorocarbons-tumutukoy sa mga kemikal na binubuo ng carbon, hydrogen, chlorine, at fluorine. Ang CFC ay madalas na ginagamit bilang materyal na ginagamit sa refrigerants, air-con at aerosols. Geohazard map- isang uri ng mapa na ginagamit ng lokal at maging ng nasyunal na pamahalaan sa pagtukoy ng mga lugar na malaki ang posibilidad na tamaan ng sakuna o kalamidad B. Essential Questions: 1. Anu-anong mga kalamidad ang nararanasan ng ating bansa? 2. Bakit kailangan nating malaman ang kahalagahan ng tamang paghahanda sa pagharap ng kalamidad? 3. Paano ka makaiiwas sa masamang epekto ng mga kalamidad? 4. Bilang responsableng mamamayan, ano ang iyong maitutulong sa iyong kapwa at inyong komunidad sa panahon ng kalamidad? C. Graphic Organizer Mga Uri ng Kalamidad na Nararanasan sa Ating Bansa Paghahanda sa Kalamidad Likha ng Kalikasan Mga Epekto ng mga Kalamidad sa Ating Bansa Mga Ahensiya ng Pamahalaan na Nagtutulungan para sa Kaligtasan ng mga Mamamayan Mga Gawain at Desisyon ng Tao na may Kaugnayan sa Pagkakaroon ngmga Kalamidad