Republic of the Philippines Department of Education Region III SCHOOLS DIVISION OF AURORA CALABUANAN NATIONAL HIGH SCHOOL School ID: 300678 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-10 DIAGNOSTIC TEST Pangalan: ____________________________________________ Petsa: ____________ Baitang at Pangkat: ______________________ Panuto: Basahin at unawaing Mabuti ang bawat aytem. Isulat ang pinakatamang sagot sa iyong kuwaderno. 1. Ang gawaing pagtatalik bago ang kasal ay isyung may kinalaman sa a. Pang-aabusong seksuwal c. Pornograpiya b. Pre-marital sex d. Prostitusyon 2. Ito ay mga mahahalay na paglalarawan (babasahin, larawan o palabas) na may layuning pukawin ang seksuwal na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa a. Pang-aabusong seksuwal c. Pornograpiya b. Pre-marital sex d. Prostitusyon 3. Ito ay isang Gawain na kung saan ito ay isinasagawa ng isang nakatatanda na siyang pumupwersa sa isang nakababata upang gawin ang isang gawaing seksuwal. a. Pang-aabusong seksuwal c. Pornograpiya b. Pre-marital sex d. Prostitusyon 4. Ito ay itinuturing na pinakamatandang propesyon o gawain na kung saan ito ay pagbibigay ng panandaliang-aliw kapalit ng pera. a. Pang-aabusong seksuwal c. Pornograpiya b. Pre-marital sex d. Prostitusyon 5. Kung mahal mo ako, papayag kang makipagtalik sa akin!”, ang pahayag ay tumutukoy sa ___________ a. Pang-aabusong seksuwal c. Pornograpiya b. Pre-marital sex d. Prostitusyon 6. Dahil sa ____________, ang tao ay maaaring mag-iba ng asal. Ang mga seksuwal na damdamin na ipinagkaloob ng Diyos sa tao, na maganda at mabuti, ay nagiging makamundo at mapagnasa. a. Pang-aabusong seksuwal c. Pornograpiya b. Pre-marital sex d. Prostitusyon 7. Ang ________________ ay maaaring paglalaro sa maseselang bahagi ng sariling katawan o katawan ng iba, paggamit ng ibang bahagi ng katawan para sa seksuwal na Gawain o sexual harassment. a. Pang-aabusong seksuwal c. Pornograpiya b. Pre-marital sex d. Prostitusyon 8. Ang _______________ ay kaloob sa ating Diyos. Ito ay Mabuti at magdadala sa bawat isa sa atin sa layuning makamit at madama ang tunay na pagmamahal na siya naming dahilan kung bakit nilalang tayo ng Diyos. a. Seksuwalidad c. Pagkatao b. Kasarian d. Pagpapakatao 9. Ayon sa mga pag-aaral, karamihan sa mga taong nasasangkot sa ganitong Gawain ay iyong nakararanas ng hirap, hindi nakapag-aral, at walang muwang kung kaya’t madali silang makontrol. a. Pang-aabusong seksuwal c. Pornograpiya b. Pre-marital sex d. Prostitusyon 10. Ang pang-seksuwal na kakayahang kaloob ng Diyos sa tao ay tumutugon sa mga layuning a. Magkaroon ng anak at magkaisa b. Magkaisa at maipahayag ang pagnanasa c. Makadama ng kasiyahan at magkaroon ng anak d. Magkaroon ng trabaho sa makadama ng kasiyahan 11. Kailan masasabing ang paggamit ng seksuwalidad ng tao ay masama? a. Kapag ang paggamit ay nagdadala ng kasiyahan b. Kapag ang paggamit nito ay nauuwi sa sa pang-aabuso c. Kapag ang paggamit ay hindi nagdadala sa tunay na layunin ng seksuwalidad d. Kapag ang paggamit ay nagdadala sa sa tao upang maging isang pakay o kasangkapan 12. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tumutukoy sa mga isyung seksuwal? a. Si Jessica ay araw-araw na hinihipuan ng kaniyang amain sa maseselang bahagi ng kaniyang katawan b. Niyaya ni Noli ang matagal na niyang kasintahang si Malyn na magpakasal sapagkat gusto na nilang magtatag ng pamilya c. Dala ng kabataan at bugso ng damdamin, nagbunga ang isang gabing pagkalimot sa sarili ni Daisy at ng kaniyang boyfriend na si Ariel d. Maganda ang hubog ng katawan ni Ann kaya nagpasiya siyang magpaguhit nang nakahubad 13. Alin sa mga sumusunod ang tamang pananaw sa pakikipagtalik? a. Ang pakikipagtalik ay isang karapatang makaranas ng kasiyahan b. Ang pakikipagtalik ay kailangan ng tao upang maging malusog at mabuhay c. Ang pakikipagtalik ay tama kapag parehong may pagsang-ayon ang gagawa nito d. Ang pakikipagtalik ay ang pagsasakatawan ng pagmamahal na ipinapahayag ng mag-asawa sa bawat isa 14. Ang mga sumusunod na pahayag tungkol sa paggalang sa dignidad at seksuwalidad ng tao ay hindi tama maliban sa isa: a. Ang pakikipagtalik ay normal para sa mga kabataang nagmamahalan b. Ang pang-aabusong seksuwal ay taliwas sa tunay na esensiya ng seksuwalidad. c. Ang pagbebenta ng sarili ay tama kung may mabigat na pangangailangan sa pera d. Ang pagtatalik ng magkasintahan ay kailangan upang makaranas ng kasiyahan 15. Nag-iisa sa bahay si Arlyn at dumating ang kaniyang kasintahang si Jonel. Pinatuloy niya ito at sila’y nag-usap. Habang tumatagal ay nag-iba ang tema ng kanilang usapan. Naging agresibo si Jonel at sinimulan nitong halikan si Arlyn. Sabi pa ni Jonel, “tayo lang naman ang nandito.” Kung ikaw si Arlyn, ano ang iyong gagawin? a. Magagalit kay Jonel at ito ay paalisin sa kanilang bahay b. Magpapakipot muna pero sasang-ayon din sa kagustuhan ni Jonel c. Kakausapin si Jonel at sasabihing panagutan kung anuman ang mangyari sa kanila d. Kakausapin si Jonel nang mahinahon at ipapaliwanag kung ano ang tama 16. Ang mga sumusunod ay mga Gawain na lumalabag sa Karapatan sa pag-aari. Ang ilan sa mga ito ay ang Karapatan sa pagpaparami, pagpapakalat, pagbabahagi, at panggagaya upang makabuo ng bagong likha, maliban sa isa: a. Intellectual piracy c. Theft b. Copyright Infringement d. Whistleblowing 17. Ito ay isyu na may kaugnayan sa sa pananagutan sa pagpapahayag ng katotohanan at katapatan sa mga datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng isang akda, programa, himig, at iba pa ngunit hindi kinilala ang pinagmulan bagkus, nabuo lamang dahil sa illegal na pangongopya. a. Theft c. Plagiarism b. Whistleblowing d. Intellectual piracy 18. Ito ay isang akto o hayagang kilos ng pagsisiwalat mula sa tao na karaniwan ay empleyado ng gobyerno o pribadong organisasyon/korporasyon. a. Theft c. Plagiarism b. Whistleblowing d. Intellectual piracy 19. Ito ay nilikha upang pagtakpan ang pagkakamali at maging malinis ang imahe sa mata ng iba. a. Matapat c. Kasinungalingan b. Mapanuri d. Katatagan 20. Ito ay pag-angkin ng tao sa tunay na pangyayari o kuwentong kaniyang nalalaman at hindi kailanman maaaring ihayag sa maraming pagkakataon nang walang pahintulot ng taong may alam dito. a. Liham c. Interes b. Reputasyon d. Lihim 21. Ito ay ang maingat na paggamit ng mga salita sa pagpapaliwanag na kung saan ay walang ibinibigay na tiyak na impormasyon sa nakikinig kung may katotohanan nga ito. a. Mental preservation c. Mental Awareness b. Mental reservation d. Mental Health 22. Sa prinsipyong ito, ang pagsasabi ng totoo ay hindi lamang pagpapahayag nang ayon sa nasa isip, ito rin ay maipahayag sa mas malalim na pag-iisip, pananalita, at pagkilos bilang isang taong nagpapahalaga sa katotohanan. a. Prinsipyo ng Confidentiality c. Prinsipyo ng Fair Use b. Prinsipyo ng Double effect d. Prinsipyo ng Intellectual Honesty 23. Sa patakaran nito sa ilalim ng Copyright Law, ang mga awtor ay maaaring magtakda ng paggamit sa gawa ng ibang kapuwa awtor kahit hindi pa humingi ng pahintulot dito a. Prinsipyo ng Confidentiality c. Prinsipyo ng Fair Use b. Prinsipyo ng Double effect d. Prinsipyo ng Intellectual Honesty 24. Ito ay isang uri ng pagnanakaw o pagkuha nang walang pakundangan kundi lubusang pag-angkin sa pag-aari nang iba na walang paggalang sa karapatang nakapaloob dito. a. Intellectual piracy c. Theft b. Copyright Infringement d. Whistleblowing 25. Ayon sa isang whistleblower, “Hindi naman sa gusto ko, pero kailangan eh. Ayaw ng pamilya ko, at ayaw ko na rin sana. Pero itutuloy ko na rin.” Paano pinaninindigan ng whistleblower ang kaniyang pakikibaka para sa katotohanan? a. Mula sa suporta ng mga nagtitiwala sa kaniya b. Mula sa dikta ng kaniyang konsensiya c. Mula sa kaniyang tungkulin at obligasyon sa pamilya at sa bayan d. Mula sa di-makatotohanang akusasyon sa kaniya 26. Ito ang mga dahilan ng isang tao kung bakit mas nahihikayat na gawin ang ang pagnanakaw sa gawa ng iba maliban sa: a. Mababang presyo b. Anonymity c. Madaling transaksiyon d. hindi sistematiko 27. Ipinagkalat ni Ben na magnanakaw ng bigas ang kaniyang kapitbahay kahit hindi naman ito ang kumuha, ito ay halimbawa ng: a. Jocose Lie b. Officious Lie c. Pernicious Lie d. Lahat ng nabanggit 28. Ito ay ang mga isyung kaugnay ng paggawa na sumasalungat sa mga prinsipyong mapanagutang paglilingkod maliban sa: a. Paggamit ng Kagamitan c. Magkasalungat na interes b. Paggamit ng Oras sa Trabaho d. Wala sa nabanggit 29. Ang sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng pagsang-ayon sa prinsipyo ng matalinong paggamit ng social media. a. Ang mga post lamang na totoo at galing sa mga mapagkakatiwalaang source lamang ang sine-share ni Amy sa kaniyang FB account upang makaiwas sa fake news. b. Hindi naniniwala si Myla sa mga nasa mga social media account hangga’t hindi napatutunayan na ito ay totoo. c. Laging inilalagay ni Zebby ang “credit to the owner” kapag siya ay nagpo-post ng mga larawan sa social media na hindi kaniya. d. Lahat ng nabanggit 30. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumatalakay sa kahalagahan ng paggalang sa katotohanan? a. Ang katotohanan ang nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at layunin niya sa buhay. b. Ito ay ang kalagayan o kondisyon ng pagiging totoo. c. Ang pagpapahalaga sa katotohanan ay may mga kaakibat na mga pananagutan. d. Lahat ng nabanggit Inihanda ni: Binigyang Pansin: MIRA FLOR M. MERCADO EsP- Coordinator EDUARDO P. DUCHA EPS-Science OIC-Principal