QUARTER 1 WEEK 3 Aralin 3 Bukas ang Isip ko, Mag-aaral Ako! AAno ang mga pamantayan sa pakikinig? Ano ang mangyayari kapag hindi tayo marunong makinig sa hinaing ng iba ? Alamat ng Keyboard Noong unang panahon sa mga mundo ng letra at numero, naghahari ang grupo ng mga numero. Sila ang nagpapatupad ng mga batas, namumuno upang mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Sabi ng grupo ng mga letra, “dapat tayo naman ang mamuno sa ating bayan!, upang magkaroon ng pagbabago at mas mapa-unlad natin ang ating bayan! Lagi na tayong alipin dito!” Dahil dito, naglunsad ng pag-aaklas ang mga grupo ng mga Letra laban sa pamumuno ng mga numero,” Nagkaroon ng digmaan at nagkasira-sira ang pamumuhay nila. Dahil sa ginawang ito ng mga grupo ng Letra nagalit ang Inang Diwata, maayos naman daw ang pamumuhay nila noon hanggang sa magkaroon ng di pagkakaunawaan. Pilit na pinag-aayos ng Inang Diwata ang dalawang grupo, ngunit ayaw pa rin nilang mag-ayos. Sa galit ng mga Inang Diwata, sinumpa niya ang mga numero at letra na maging keyboard sa ibang dimension. Sa makabagong panahon at henerasyon ngayon ang keyboard ay ginagamit sa paaralan, establisyemento at marami pang iba. Sagutin ang mga sumusunod na tanong: 1. Ano ang pamagat ng alamat? 2.Sino ang dalawang grupong nabanggit sa kwento? 3.Bakit naglunsad ng pag-aaklas ang grupo ng mga Letra? 4. Bakit nagalit ang Inang Diwata? 5. Ano ang kinalabasan ng di pagkakaunawaan ng dalawang grupo? Gawain 1 Panuto: Pumalakpak ng tatlo kung tamang saloobin sa pag-aaral ang ipinahihiwatig at tatlong padyak kung hindi. 1.Makinig na mabuti kapag may nagsasalita. 2. Aktibong makilahok sa mga talakayan at pangkatang gawain. 3. Makipagtalo sa kagrupo kapag hindi na sunod ang gusto. 4. Pakinggan ang opinion o ideya ng mga kasama. 5. Makipagsabayan sa pagsasalita ng guro. Gawain 2 Bumuo ng tatlong pangkat. Bawat pangkat ay bubunot ng kanilang gagawin na tulad ng sumusunod: Unang Pangkat- Pagsasagawa ng pamantayan sa pakikinig sapamamagitan ng rap. Ikalawang Pangkat-Ipakita ang tamang gawi sa pakikilahok sa pangkatang gawain sa pamamagitan ng dula-dulaan. Ikatlong Pangkat-Pagpapakita o pagsasagawa ng tamang pakikipagtalakayan at pagtatanong sa pamamagitan ng pagbabalita. Mula sa mga nakaraang gawain, pagnilayan kung ano ang tumimo sa inyong mga puso. Isulat ito sa inyong reflection booklet. Gamitin ang sumusunod na tanong bilang gabay: 1. Naipakita ko na ba ang kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral? 2. Kung hindi, ano ang aking nararamdaman? 3. Kaya ko ba itong isagawa ngayon? 4. Paano ko ito dapat isagawa? Tandaan Natin Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin. Maipapakita ng isang mag-aaral ang kanyang kawilihin at positibong saloobin sa pag-aaral sa pamamagitan ng pakikinig sa talakayan, pakiki-isa sa mga gawaing pampaaralan, at kusang loob na pagpasok sa paaralan. Sa tulong ng mga nabanggit na katangian mas magiging masaya at kanais-nais ang mga mangyayari sa paaralan. Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila hinahasa ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga layunin nito. Bilang mag-aaral paano mo maipapakita ang kawilihan sa positibong pag-aaral? Subukin ang sumusunod na pangungusap. Lagyan ng bituin ang iyong pinaniniwalaang sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Mga Sitwasyon 1. Nakikinig kaba sa oras ng talakayan o kaya ay pagnagsasalita ang guro? 2. Tumutulong kaba na matapos ang nakalaang gawain sa inyong grupo? 3. Gumagamit kaba ng magagalang na salita tuwing ikaw ay nagtatanong sa iyong guro? 4. Dapat bang magpakita ng kawilihan sa pagaaral? 5. Magbigay ng opinion o ideya tuwing pangkatang Gawain? Oo Hindi