Uploaded by paullinga06

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at

advertisement
Pag-aari ng Pamahalaan
HINDI IPINAGBIBILI
Senior High School
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Unang Kuwarter – Modyul 3
Mga Barayti ng Wika
https://tinycards.duolingo.com/decks/2zG8bNmS/diskurso-at-komunikasyon
Kagawarang ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
Komunikasyon at Pananaliksik Tungo sa Wika at Kulturang Pilipino
Alternative Delivery Mode
Unang Kuwarter – Modyul: Mga Barayti ng Wika
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Allain Del B. Pascua
Mga Bumubuo ng Modyul para mga Mag-aaral
Manunulat:Piolen C. Petalver, Maria Concepcion A. Macalaguing,
Dulce Amor S. Loquias, Celena J. Cabato
Tagasuri ng Nilalaman:Dolores A.Tacbas
Tagasuri ng Lengguwahe:Desiree E. Mesias
Tagasuri: Sheryl A. Resgonia
Tagabalibasa:Desiree E. Mesias
Mga Tagaguhit:Mary Jane P. Fabre, Ulysses C. Balasabas
Naglayout: Mary Jane P. Fabre
Mga Tagapamahala:
Pangulo:
Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Panrehiyong Direktor
Pangalawang Pangulo: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Pangalawang Panrehiyong Direktor
Jonathan S. dela Peña, PhD, CESO V
Tagapamanihala
Rowena H. Para-on, PhD
Pangalawang Tagapamanihala
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Miyembro:
Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS; Bienvenido U. Tagolimot, Jr., PhD, EPS-ADM;
Erlinda G. Dael, PhD, CID Chief; Sally S. Aguilar Ph.D., EPS Filipino, In-charge;
Celieto B. Magsayo, LRMS Manager; Loucile L. Paclar, Librarian II;
Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Misamis Oriental
Office Address:
Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000
Telephone Nos:
(088) 881-3094 | Text: 0917-8992245
E-mail Address:
misamis.oriental@deped.gov.ph
Commented [sr1]: Pakisalin mo sa wikang Filipino ang mga
salitang nasa wikang Ingles
11
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Unang Kuwarter – Modyul 3
Mga Barayti ng Wika
Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga
edukador mula sa mga publikong paaralan. Hinihikayat naming ang mga
guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng inyong mga
puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
Kagawaran ng
Edukasyon
Republika ng Pilipinas
TALAAN
NG NILALAMAN
TALAAN NG NILALAMAN
Pahina
Panimulang Ideya
-------------------------------------------------
1
Nilalaman ng Modyul
-------------------------------------------------
1
Mga Layunin
-------------------------------------------------
1
Pangkalahatang Panuto
-------------------------------------------------
2
Panimulang Pagtataya
-------------------------------------------------
4
Aralin
-------------------------------------------------
5
Mga Gawain
-------------------------------------------------
6
Paglalahat
-------------------------------------------------
12
Huling Pagtataya
-------------------------------------------------
13
Sanggunian
------------------------------------------------
15
ALAMIN
Panimulang Ideya
Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo at marami kang makukuhang
kaalaman sa bawat aralin. Kaya pagsikapan mong mabuti na masagot ang mga
gawaing inihanda sa bawat yugto ng pagkatuto. Tiyak na magugustuhan mo ang
mga barayti ng wika.
Alam mo bang mahalaga ang ginagampanang papel ng wika sa buhay ng
tao? Ngunit dahil lagi na natin itong ginagamit, hindi natin gaanong naoobserbahan
ang tungkulin nito.Natural na lamang sa atin ito tulad ng ating paghinga at paglakad.
Sa araling ito, ang iyong kaalaman atpagkamalikhain ay hihimukin. Ang
dating kaalaman ay maiuugnay mo rin dito. Pati na rin ang karanasang pansarili ay
maari mong pagkunan ng iyong mga kasagutan.
Tutulungan kang muli ng mga inihandang gawain. Alam kong makakaya
mong sagutin ito. Kaya mo’ to! Hand ka na ba?Simulan mo na.
MODYUL 3
Mga Barayti ng Wika
Markahan: Unang
Linggo: 3rd
Araw: Apat (4) na araw
Oras: Apat (4) na oras
Pangkalahatang Ideya
Sa modyul na ito, tatalakayin ang mga barayti ng wika na ginagamit sa
komunikasyon. Ang mga kasanayang matututunan dito ay makatutulong nang
malaki upang ihanda ka sa mga gawaing may kinalaman sa pagkakaroon ng
mabungang interaksyon.
1
Nilalaman ng Modyul
Mahalagang matutunan mo bilang mag-aaral ang mga barayti ng wika.
Makatutulong ito sa iyo upang madagdagan ang iyong karanasan, kaalaman, at
kamulatan sa mga kaalamang pandaigdig nang sa gayo’y mapakinabangan ito ng
iyong komunidad at lipunan
Mga Layunin
Sa modyul na ito, gagabayan ka sa mga barayti ng wikang ginagamit sa
lipunan. Inaasahang sa katapusan ng araling ito ay matatamo mo ang sumsusunod
na kasanayang pampagkatuto:
a. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at
iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika F11EP – Ic – 30
b. Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa
lipunan (Ayon kay M. A. K. Halliday) F11PT – Ic – 86
PANGKALAHATANG PANUTO
Ang disenyo ng Modyul ay para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto
ay binubuo ng yugto ng pagkatuto, tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng
maikling pagsasanay kaugnay sa paksa sa bawat aralin at sa kasanayang
pampagkatuto na dapat malinang. Matutunghayan naman sa bahaging suriin ang
mga konseptong pangwika. Makikita naman sa bahaging pagyamanin ang mga
mahahalagang kaisipan na napapaloob sa konseptong pangwika na lilinangin sa
aralin.Tinatasa sa isagawa na bahagi kung natamo ba ang mga kasanayang
pampagkatuto sa bawat aralin at kung sapat na ang mga kaalamang natutunan ng
mga mag-aaral. Kabilang dito ang ilang gawaing magpapaigtingsa mga natutunan sa
araling tinalakay.Malaki ang maitutulong sa iyo ng modyul na ito. Higit na maayos at
kapaki-pakinabang ang pag-aaral kung susundin mo ang mga panuto o tuntunin sa
paggamit sa aralin.
1. Sagutin mo nang maayos ang panimulang pagtataya na susukat sa iyong
dating kaalaman.
2. Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang
mali huwag kang mag-alala. Tutulungan kang linawin ito habang sinusuri mo ang
paksa na nakapaloob dito.
3. Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga
kaugnay nagawain. Mababasa mo kung paano ito gagawin.
4. Sagutin mo ang pangwakas napagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka
kahusay at kung paano mo inunawa ang bawat aralin?” kunin mong muli sa iyong
guro ang susi ng pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto.
5. Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag
masira. Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel o notbuk.
2
MGA BARAYTI NG WIKA
“Wikang Filipino at iba pang Wika sa Rehiyon: Wika ng Bayan Para sa
Kapayapaan”–Panitikang Bayan-
Nindot
Mataid
Beautiful
Maganda
Napintas
Gwapa
https://www.google.com/search?q=variety+of+language+clip+art&tbm=isch&ved=2ahUKEwi11Iywr7vpAhWCHaYKHfYlCWAQ2 cCegQIABAA&oq=variety+of+language+clip+art&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCCk6AggAOgQIABBDOgYIABAIEB46BAgAEBg6BAgAEB5Q1pbHBliTmMgGYNCfyAZ oAHAAeASAAfMEiAH5N5IBDTAuMjMuMTAuMi4wLjGYAQCgAQGqA
Qtnd3Mtd2l6LWltZ7ABEA&sclient=img&ei=TG3BXrX-GIK7mAX2y6SABg&bih=730&biw=1517#imgrc=82vbS -3ZX0KbuM&imgdii=2e4wdLtZG7pIeM
3
SUBUKIN
PANIMULANG PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem.Isulat
lamang ang titk o letra ng mapipili mong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.
1. Kilalang-kilala ng madlang tagapanood ang paraan ng pagsasalita ni Noli De
Castro lalo na kapag sinasabi niya ang pamoso niyang linyang “Magandang
Gabi, Bayan!”
a. Etnolek
b. Dayalek
c. Sosyolek
d. Idyolek
2. Nagtatagalog din ang mga taga- Morong, Rizal pero may punto silang kakaiba
sa Tagalog ng mga taga- Metro Manila.
a. Dayalek
b. Sosyolek
c. Idyolek
d. Etnolek
3. Marami ang gumagaya sa paraan ng pagsasalita ng Kris Aquino lalo na ang
malutong niyang “Ah, ha, ha! Okey! Darla! Halika!”
a. Sosyolek
b. Idyolek
c. Etnolek
d. Dayalek
4. Nagtagpo ang mga unang nakipagkalakalang Tsino at mga katutubo sa
Binondo bago pa man dumating ang mga Espanyol. Dahil parehong walang
alam sa wikain ng isa’t isa, bumuo sila ng wikang walang sinusunod na
estruktura at hindi pag-aari ng sinuman sa kanila.
a. Idyolek
b. Etnolek
c. Pidgin
d. Creole
5. Ang ilan sa mga Tsinong nakipagkalakalan sa ating mga ninuno ay
nagpakasal sa mga dalagang taga-Binondo. Ang wikang kanilang binuo na
maituturing na hindi pag-aari ninuman ay siyang naging unang wika ng mga
naging anak nila.
a. Creole
b. Pidgin
c. Dayalek
d. Sosyolek
6. Maririnig sa usapan nina Lauro a.k.a. “Laura” at ng kaibigan niya si Danilo
a.k.a. “Dana” ang mga salitang charot, bigalou at iba pa.
a. Register
b. Idyolek
c. Etnolek
d. Sosyolek
7. Habang nakasakay sa bus si Norie ay narinig niyang nag-uusap ang
dalawang babae sa unahan. Narinig niya sa usapan ang mga salitang lesson
plan, quiz, essay, at grading sheets. Mula rito’y alam niyang mga guro ang
mga nakaupo sa harap niya.
a. Coño
b. Jejemon
c. Sosyolek
d. Register
8. Habang naghahanda ng report o ulat ang magkaibigang Rio at Len ay
maharot at nakatatawa ang ginagamit nilang mga salita subalit nang
maihanda ang mga kagamitan at magsimula silang mag-ulat sa harap ng
4
klase at ng guro ay biglang nag-iba at naging pormal angb paraan nila ng
pagsasalita.
a. Sosyolek
b. Etnolek
c. Register
d. Idyolek
9. Natutunan ni Joven ang salitang vakkul mula sa mga Ivatan nang mamasyal
siya sa Batanes. Saanman siya mapunta ngayon, kapag narinig niya ang
salitang vakkul ay alam niyang ang salitang ito ng mga Ivatan ay tumutukoy
sa gamit nilang pananggalang sa init at ulan.
a. Dayalek
b. Etnolek
c. Sosyolek
d. Idyolek
10. “Handa na ba kayo?” ito ang pamosong linyang binibigkas ni Korina Sanchez
sa kanyang programang Rated K.
a. Idyolek
b. Register
c. Pidgin
d. Creole
5
ARALIN 3
Heterogenous at Homogenous na Wika
Barayti ng Wika
Nakapaloob sa araling ito ang tungkol sa barayti ng wika at iba pa.
YUGTO NG PAGKATUTO
A. TUKLASIN
https://www.google.com/search?q=variety+of+language+clip+art&tbm=isch&ved=2ahUKEwi11Iywr7vpAhWCHaYKHfYlCWAQ2 cCegQIABAA&oq=variety+of+language+clip+art&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCCk6AggAOgQIABBDOgYIABAIEB46BAgAEBg6BAgAEB5Q1pbHBliTmMgGYNCfyAZ oAHAAeASAAfMEiAH5N5IBDTAuMjMuMTAuMi4wLjGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ7A
BEA&sclient=img&ei=TG3BXrX-GIK7mAX2y6SABg&bih=730&biw=1517#imgrc=CBlgzuX3ioIGoM
6
Sa araling ito, matutunghayan ang pagkakaroon ng barayti ng wika dahil sa
pakikipag-ugnayan ng tao sa kapwa tao mula sa ibang lugar na may naiibang
kaugalian at wika. Kaya sa araling ito susubukin ang iyong kakayahan at kaalaman
sa wikang may pagkakaiba sa orihinal o istandard na pinagmulan nito.
Gawain 1
Unawain ang pahayag. Linggo ng umaga habang ika’y papunta ng simbahan,
maraming tao kang nakasalubong at nakausap. Paano mo sila kakausapin at
babatiin? Isulat sa patlang ang sasabihin.
Ano ang sasabihin mo sa isa sa mga guro mo?_________.
Ano ang sasabihin mo sa kaibigan mong bakla?_________.
Ano ang sasabihin mo sa kaibigan mong probinsyano? __________.
https://depositphotos.com/227450448/stock-illustration-girl-friends-have-a-hug.html
1. Ano ang napansin ninyo sa inyong naging kasagutan? Naging pareho ba ang
paraan ng iyong pagbati para sa tatlong taong iyong nakasalubong?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
7
2. Bakit kahit magkakapareho ang sitwasyon ay magkakaiba ang naging paraan mo
ng pagbati o pakikipag-usap sa mga taong nabanggit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
B. SURIIN
ANG HETEROGENEOUS AT HOMOGENEOUS NA WIKA
Ang pagiging homogenous o heterogenous ng isang wika ay tumutukoy sa
pagkakaroon ng iisang porma o estandard na anyo nito o kaya tumutukoy
sapagkakaroon ng iisang porma o kaya ay pagkakaroon ng iba't ibang porma o
barayti
Heterogeneous Na Wika
Ang heterogeneous ay isang pang-uri na salita. Mula sa salitang heterous
(magkaiba) at genos (uri/lahi) nabuo ang heterogeneous.Dahil sa pagkakaiba ng
mga indibidwal at grupo ng tao, ayon sa lipunan na kanyang ginagalawan, antas ng
pamumuhay, edad, lebel ng edukasyon na natamasa at interes sa buhay, nagkaroon
ng ibat-ibang barayti ang ating wika. Una ay ang permanenteng barayti kung saan
ay nakasama dito ang mga idyolek at dayalektong uri ng wika.
Halimbawa:Tagalog ang pangunahing wika ng Timog katagalugan ngunit bawat
lugar dito ay may ibat-ibang katangian ng wika mayroong Tagalog Batangas,
Tagalog Laguna, Tagalog Quezon.
Ang Homogeneos na Wika
Ang Homogeneous ay pagkakatulad ng mga salita, ngunit dahil sa paraan ng
pagbabaybay at intonasyon o aksent sa pagbibigkas ito ay nagkakaroon ng ibang
kahulugan.
Halimbawa: Ang panghihiram natin ng mga salitang dayuhan at pagbibigay ng
sariling kahulugan dito. Halimbawa nito ay kung paanong ang salitang "gimmick" na
nasa wikang Ingles ay may kahulugang "pakulo o paraan ng pagpukaw ng
atensyon." Habang ngayon nagkaroon ito ng kahulugan na "pamamasyal kasama ng
mga kaibigan."
https://brainly.ph/question/679230#readmore
8
Gawain 2
Gumawa ng facebook wallsa iyong hiwalay na sagutang papel o notbuk. Magpaskil
ng pagkakaiba nghomogenous o heterogenousna wika sa iyongfacebook
wall. Lagyan rin ng sariling halimbawa katulad sa modelo sa diskusyon sa
itaas na bahagi.(Nagagamit ang kaalaman samodernong teknolohiya (facebook, google, at iba pa)
sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika
F11EP – Ic – 30
C. PAGYAMANIN
Barayti ng Wika
Ang wika ay midyum ng pakikipagtalastasan. Ginagamit ito upang
epektibong makapagpahayag ng damdamin at kaisipan. Kakambal ng wika ang
kulturang pinagmulan nito, kung kaya mahalaga rin ang papel na ginagampanan ng
wika sa pagpapalaganap at pagpapayabong ng kulturang pinanggalingan nito.
Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula
sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan..Gumagamit ang
mga tao ng isang wikang katulad ng sa iba pang lugar subalit naiiba angpunto o
tono, may magkaibang katawagan para sa iisang kahulugan, iba ang gamit na
salitapara sa isang bagay, o magkakaiba ang pagbuo ng pangungusap na siyang
nagpapaiba sa dayalek ng lugar.Kahit na iisa ang wika ay may natatanging paraan
ng pagsasalita ang bawat isa.Lumulutang ang mga katangian at kakanyahang
natatangi ng taong nagsasalita. Ang sumusunod ay halimbawa ng barayti ng wika.
9
IDYOLEK
Walang dalawang taong nagsasalita ng isang wika ang bumibigkas nito
nangmagkaparehong- magkapareho.Itinuturing din itong inbidibwal na dayalek ng
isang tao na makikita sa punto at paraan ng kanyang pagsasalita, vokabulari at iba
pang aspektong pangwika.Hal:Magandang gabi, bayan" ni Kabayan Noli de Castro
SOSYOLEK
Nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal ng mga
taonggumagamit ng wika.
Kapansin-pansin kung paano makikitang
nagkakapangkat-pangkat angmga tao batay sa ilang katangian.Ayon kay
Rubrico(2009), ang sosyolek ang pinakamahusay na palatandaan ngistratipikasyon
ng isang lipunan, na siyang nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika ngmga
tao na nakapaloob dito batay sa kanilang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na
kanilangkinabibilangan. Para matanggap ang isang tao sa isang grupong sosyal,
kailangan niyangmatutunan ang sosyolek na ito.Hal:Gay Linggo - "Hay naku ka gurl,
nakakajines ka"
ETNOLEK
Barayti ng wika mula sa mga etnolongguwistikong grupo.Ang salitang etnolek
ay nagmula sa mga salitang etniko at dialek.Taglay nito ang mga salitang nagiging
bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.Halimbawa: Vakuul =
tumutukoy sa gamit ng mga Ivatan na pantakip sa ulo sa init man o saulan Bulanon=
full moon Ang paggamit ng mga Ibaloy ng SH sa simula, gitna at dulo ng salitatulad
ng shuwa(dalawa) sadshak (kaligayahan), pershen (hawak).Hal:Panghihiram ng
salita - Ang paghiram natin ng salitang credit card mula sa mga banyaga
PIDGIN
Ang pidgin ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na ‘nobody’s
native language’ o katutubong wikang di pag-aari ninuman.Nangyayari ito kapag
may dalawang taong nagtatangkang mag-usap subalit pareho silang may
magkaibang unang wika kaya’t di magkaintindihan dahil hindi nila alam ang wika ng
isa’t isa.
Hal: Chinese Filipino“Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt”. (Suki, bumili ka na ng
paninda ko. Bibigyan kita ng diskawnt.)
CREOLE
Ang wikang nagmula sa pidgin ay nagiging likas na wika o unang wika na ng
batangisinilang sa komunidad ng pidgin. Nagamit na ito ng mahabang panahon,
kaya’t nabuo ito hangggang sa magkaroon ng pattern o mga tuntuning sinusunod na
ng karamihan. Ito ngayonang creole, ang wikang nagmula sa isang pidgin at naging
unang wika sa isang lugar.Hal:Buenas dias. (Chavacano) (magandang umaga.)
10
- Sipi mula kay A. Dayag, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino:Phoenix,Inc ,2016 p.45-51
https://www.storyboardthat.com/hi/storyboards/22aa0162/barayti-ng-wika
11
Gawain 3
Sa araling ito, makabubuting pahalagahan natin ang tungkol sa barayti ng wika.
Pahalagahan ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong. Isulat ang sagot sa
hiwalay na sagutang papel o notbuk.
1. Tungkol saan ang ilustrasyon?
2. Paano ginagamit ang mga salita sa ilustrasyon? May panghihiram ba ng mga
salita o wala?
3. Ano-ano ang barayti ng wikang ginagamit?
D. ISAGAWA
Gawain 4
Bilang mag-aaral, pumili ng tatlong asignatura, at magtala ng mga salitang nasa
ilalim ng bawat isa. Suriin kung anong barayti ng wika ang ginamit?
Ipaliwanag ang sagot sa hiwalay nasagutang papel o notbuk.
Asignatura 1
Asignatura 2
12
Asignatura 3
Mahalaga ang pag-aaral ng barayti ng wika sa atin, dahil dito
nagkakaroon ng pagkakaunawaan at pagkakaisa ang lahat ng tao.
Kung wala ito mawawalan ng saysay ang lahat ng ating sinasabi.
Mahalagang pag-aralan ang iba't ibang barayti ng wika upang:
1. Maintindihan natin ang ating kapwa. Balik- tanaw sa
atingkasaysayan at mga pamumuhay ng mga tao noong unang
panahon.
2. Ito ang sumisimbolo ng pakakakilanlan ng isang indibidwal.
3. Mas naipapahayag ng isang tao ang kanyang emosyon at
damdamin kapag mayroon siyang gustong sabihin
4. Mas napapaliwanag ng isang tao ang gusto niyang ihayag kung
gagamitin niya ang kanyang sariling dayalekto kumpara sa kung
gagamit siya ng wikang Ingles kung siya ay purong Pilipino.☺
13
TAYAHIN
HULING PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem.Isulat
lamang ang titk o letra ng mapipili mong sagot sa patlang bago ang
bawat bilang.
1. Kilalang-kilala ng madlang tagapanood ang paraan ng pagsasalita ni Noli De
Castro lalo na kapag sinasabi niya ang pamoso niyang linyang “Magandang
Gabi, Bayan!”
a. Etnolek
b. Dayalek
c. Sosyolek
d. Idyolek
2. Nagtatagalog din ang mga taga- Morong, Rizal pero may punto silang kakaiba
sa Tagalog ng mga taga- Metro Manila.
a. Dayalek
b. Sosyolek
c. Idyolek
d. Etnolek
3. Marami ang gumagaya sa paraan ng pagsasalita ng Kris Aquino lalo na ang
malutong niyang “Ah, ha, ha! Okey! Darla! Halika!”
a.Sosyolek
b. Idyolek
c. Etnolek
d. Dayalek
4. Nagtagpo ang mga unang nakipagkalakalang Tsino at mga katutubo sa
Binondo bago pa man dumating ang mga Espanyol. Dahil parehong walang
alam sa wikain ng isa’t isa, bumuo sila ng wikang walang sinusunod na
estruktura at hindi pag-aari ng sinuman sa kanila.
a.Idyolek
b. Etnolek
c. Pidgin
d. Creole
5. Ang ilan sa mga Tsinong nakipagkalakalan sa ating mga ninuno ay
nagpakasal sa mga dalagang taga-Binondo. Ang wikang kanilang binuo na
maituturing na hindi pag-aari ninuman ay siyang naging unang wika ng mga
naging anak nila.
a. Creole
b. Pidgin
c. Dayalek
d. Sosyolek
6. Maririnig sa usapan nina Lauro a.k.a. “Laura” at ng kaibigan niya si Danilo
a.k.a. “Dana” ang mga salitang charot, bigalou at iba pa.
a. Register
b. Idyolek
c. Etnolek
d. Sosyolek
7. Habang nakasakay sa bus si Norie ay narinig niyang nag-uusap ang
dalawang babae sa unahan. Narinig niya sa usapan ang mga salitang lesson
plan, quiz, essay, at grading sheets. Mula rito’y alam niyang mga guro ang
mga nakaupo sa harap niya.
a. Coño
b. Jejemon
c. Sosyolek
d. Register
14
8. Habang nakahanda ng report o ulat ang magkaibigang Rio at Len ay maharot
at nakatatawa ang ginagamit nilang mga salita subalit nang maihanda ang
mga kagamitan at magsimula silang mag-ulat sa harap ng klase at ng guro ay
biglang nag-iba at naging pormal na paraan nila ng pagsasalita.
a. Sosyolek
b. Etnolek
c. Register
d. Idyolek
9. Natutuhan ni Joven ang salitang vakkul mula sa mga Ivatan nang mamasyal
siya sa Batanes. Saanman siya mapunta ngayon, kapag narinig niya ang
salitang vakkul ay alam niyang ang salitang ito ng mga Ivatan ay tumutukoy
sa gamit nilang pananggalang sa init at ulan.
a.Dayalek
b. Etnolek
c. Sosyolek
d. Idyolek
10. “Handa na ba kayo?” ito ang pamosong linyang binibigkas ni Korina Sanchez
sa kanyang programang Rated K.
a.Idyolek
b. Register
c. Pidgin
d. Creole
15
SUSI NG PAGWAWASTO
Subukin at Tayahin
1.D
2.A
3.B
4.C
5.A
6. D
7.D
8.C
9.B
10. A
Gawain 1
GURO: Magandang umaga po Bb. Reyes.
Kaibigang BAKLA: beautilicious day! Wit kalorkey itey bakla.
Probinsyano: Pare magandang umaga sa iyo.
Gawain 2
Facebook wall-Ang guro ang magbibigay ng iskor depende sa sagot ng magaaral
Gawain 3
1.barayti ng wikang ginamit sa loob ng klasrum
2. pagpapakilala sa sarili, pagpapaliwanag-may panghihiram ng wika
3. Sosyolek, Pidgin
Gawain 4
Ang guro ang magbibigay ng iskor depende sa sagot ng mag-aaral
16
SANGGUNIAN
A. Aklat
Almario, Virgilio S. (Ed.). Poetikang Tagalog:Mga unang pagsusuri sa sining
ng pagtulang Tagalog .Lungsod ng Quezon: UP Diliman. 1996
Bernales, Rolando, Atienza, Glecy, Talegon, Vivencio Jr., at Rovira, Stanley.
Kritikal na pagbasa at lohikal na pagsulat tungo sa pananaliksik. Valenzuela
City: Mutya Publishing House Inc. 2006
Bernales, Rolando A. Bukal 3: Pagbasa.San Mateo, Rizal:Vicente Publishing House,
Inc.
Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 927 Quezon Avenue, Quezon
City: Phoenix Publishing House, 2016.
Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group, Inc. 2016
Nuncio, Rhoderick V. et.al. SIDHAYA 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Cand E Publishing, Inc. 2016
Tumangan, Alcomister P., Bernales, Rolando A., Dante C. & Mangonon, Isabela A.
Sining ng pakikipagtalastasa:Pandalubhasaan.Valenzuela City: Mutya
Publishing House Inc. 2000.
Webster’s new colligiate dictionary. Springfield, A: G and G Merriam. 1961
The personal promise pocketbook. Makati:Alliance Publishers, Inc. 1987
De Jesus, Armado F. Institutional research capability and performance at the
University of Santo Tomas: Proposed model for managing research in
private HEIs. Di-nalathalang disertasyon, UST. 2000.
Grospe, Alas A. Isang pagsusuri ng mga pamaraang ginamit ni Rolando Tinio sa
pagsasalin ng mga idyoma sa mga dula ni Shakespeare. Di-nalathalang
tisis, UP Diliman. 1999
17
Maddux, K., March. True stories of the interest patrol. Net Guide Magazine, 88-98.
1997
Nolasco, Ma. Ricardo. Hunyo. Ang panglinggwistiks na pagsasalin sa
wikang pambansa. Lagda, 12-20. 1998
B. Websites
Burgess, Patricia. 1995. A guide for research paper: APA style.
http://webster.commet.edu/apa/apa_intro.htm#content2
Comments and criticisms on Gabriel Garcia Marquez’s Love in the Time of Cholera.
http://Gabrielgarciamarquez.edu.ph
http://atin-americanliterature.edu.ph
https://www.freepik.com/free-vector/research-background-design_1028140.htm
http://floredelresus.blogspot.com/2017/08/gamit-ng-wika-sa-lipunan_11.html
18
Download