Department of Education Republic of the Philippines Region III DIVISION OF GAPAN CITY Don Simeon Street, San Vicente, Gapan City Filipino 10 Ikatlong Markahan – Modyul 1: Mitolohiya ng Kenya Self-Learning Module Filipino-Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 1: Mitolohiya ng Kenya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Pampaaralang Pansangay ng Lungsod Gapan Tagapamanihala: Alberto P. Saludez, PhD Pangalawang Tagapamanihala: Josie C. Palioc, PhD Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Bernadeth D. Magat Editor: Dulce M. Esteban Tagasuri ng Nilalaman: Marie Ann C. Ligsay, PhD, Kenneth C. Salvador, Jocelyn M. Mateo Tagasuri ng Wika: Marie Ann C. Ligsay, PhD, Everlyn S. Pascual, Jocelyn S. Pablo Tagasuri ng Disenyo at Balangkas: Glehn Mark A. Jarlego Tagaguhit at Tagalapat: Bernadeth D. Magat Tagapamahala: Salome P. Manuel, PhD Alexander F. Angeles, PhD Rubilita L. San Pedro Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III – Pampaaralang Pansangay ng Lungsod Gapan Office Address: Don Simeon St. San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija Telefax: (044)-486-7910 E-mail Address: gapan.city@deped.gov.ph Alamin Ang modyul na ito ay inihanda upang matulungan kang unawain ang unang aralin sa Filipino Baitang 10 at upang malinang ang iyong kasanayan hinggil sa mga pamantayan sa araling ito. Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng Africa at Persia (F10PN-IIIa-76); 2. nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa suliranin ng akda, kilos at gawi ng tauhan, desisyon ng tauhan (F10PB-IIIa-80); 3. nabibigyang-puna ang napanood na video clip (F10PD-IIIa-74); 4. napangangatuwiranan ang sariling reaksiyon tungkol sa akdang binasa sa pamamagitan ng spoken word poetry (F10PS-IIIa-78); at 5. nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika (F10WG-IIIa-71). Subukin Bago ka magtungo sa araling inihanda ko para sa sesyong ito, halina’t subukin ang iyong kaalaman tungkol sa araling ating tatalakayin. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag o katanungan. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa hiwalay na papel. 1. Ito ay tumutukoy sa pamamahala ng kalalakihan sa bansang Kenya. A. Aristocratic C. Matrilinear B. Egalitarian D. Patrilinear 2. Siya ay malakas, mataas tulad ng higante, at nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar. A. Ahmad C. Sarah B. Liongo D. Toby 1 3. Ito ay akdang pampanitikang tumutukoy sa kuwento o salaysay hinggil sa pinagmulan ng sansinukuban, kalipunan ng iba’t ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa, kuwento ng tao at ng mga mahiwagang nilikha. A. alamat C. mito/mitolohiya B. epiko D. parabula 4. Nang magutom ang bata ay nagsimula itong umiyak nang malakas. Hindi niya ito mapatigil; ibinaba niya ito at hinayaang umiyak nang umiyak kahit ayaw niya itong gawin dahil anak niya ang bata. Batay sa mga pahayag na ito, si Sarah ay maaaring ilarawan bilang isang inang _____________. A. masipag C. maunawain B. matiisin D. pabaya sa anak 5. Ito ay tumutukoy sa paglilipat sa pinagsalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin. A. pagkiklino C. pagsasaling-wika B. pagpapakahulugan D. pagsusuring-wika 6. Nagsanay nang mabuti si Liongo sa paghawak ng busog at palaso at kinalaunan ay nanalo siya sa paligsahan sa pagpana. Ito pala’y pakana ng hari upang siya ay madakip at muli na naman siyang nakatakas. Ang mga pahayag na ito ay nagpapatunay na si Liongo ay ____________. A. paulit-ulit na nakulong B. madaling magtiwala sa kaniyang kapuwa C. magaling tumakas tuwing siya’y madarakip D. malakas ang pakiramdam sa nangyayari sa paligid 7. Nang sumunod na mga araw ay may nakitang patay na nakahandusay sa mainit na palayan, isang batang lalaking alipin. Nakita siya ng tagapagbantay at nilatigo siya; bumagsak ang bata. Anong kalagayang panlipunan sa Africa ang masasalamin sa mga pahayag na ito? A. Malulupit ang tagapagbantay sa mga palayan. B. Maraming mayamang may-ari ng lupa sa bansa. C. Nagaganap sa lipunan ng Africa ang pang-aalipin. D. Marahas silang magparusa sa mga may kasalanan. 2 8. Nang lumaon, si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaking nagtraydor at pumatay sa kaniya. Ang pahayag na ito ay nagpapatunay na ________. A. nalaman ng anak ni Liongo ang sikreto niya B. ang anak ni Liongo ang nakapatay sa kaniya C. walang galang sa magulang ang anak ni Liongo D. sa agawan ng kapangyarihan, walang kinikilala kahit kadugo 9. Piliin ang pangyayaring nagpapakita ng katangian ng mitolohiya bilang akdang pampanitikan. A. Nang magutom ang bata ay nagsimula itong umiyak nang umiyak. B. Nagtatrabaho siya sa palayan mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito. C. Ang nagbabantay sa kanila ay nakasakay sa likod ng kabayo at itinuturo ang mga aliping mabagal magtrabaho. D. Si Sarah at ang kaniyang anak ay lumilipad sa bakuran, sa mga kahoy, sa mga nagtataasang puno nang hindi sila nakikita maging ng tagapagbantay. 10. Ang sumusunod ay mga pamantayan o gabay sa pagsasaling-wika maliban sa isa. A. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin. B. Isaisip na ang isasalin ay diwa ng isasalin at hindi salita. C. Manirahan sa bansang pinagmulan ng wikang isasalin o pagsasalinan. D. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal. Pagkatapos mong sagutin ang paunang pagtataya, batid kong may sariling hinuha ka na tungkol sa araling ating tatalakayin. Kaya’t ipagpatuloy mo lamang ang pagbasa at pagkatuto sa bawat bahagi ng modyul na ito. 3 Aralin 1 Mitolohiya ng Kenya Ang Ikatlong Markahan sa Filipino Baitang 10 ay nakatuon sa mga panitikan ng Africa at Persia/Iran at mga kasanayang pangkomunikatibong makatutulong upang maisagawa mo nang maayos ang mga gawaing nakapaloob sa bawat aralin. Binibigyang-pansin sa unang aralin ang panitikan ng bansang Kenya na nagpapamalas ng kulturang taglay nito at maaaring kapulutan ng mahahalagang aral sa buhay at lipunan. Matututuhan mo rin ang ilang pamantayan at gabay sa pagsasaling-wika bilang aralin sa gramatika. Balikan Batid kong marami kang natutuhan sa nakalipas na ikalawang markahan kaya balikan mo muna ang huling araling ating tinalakay. Ano na nga uli ang ating nakaraang paksa? Tama! Ito ay tungkol sa maikling kuwentong pinamagatang, “Aginaldo ng mga Mago”. Panuto: Bilang patunay na naunawaan mo ang nakaraang aralin, bigyan mo ng maikling sagot at paliwanag ang tanong sa loob ng puso na siyang pinakamahalagang aral mula sa maikling kuwento. Gawin ito sa hiwalay na papel. Anong mahalagang bagay ang mayroon ka na handa mong isakripisyo para sa kaligayahan ng taong mahal mo? Ipaliwanag ang iyong sagot. 4 Tuklasin Bago tayo tuluyang dumako sa ating aralin, nais ko munang bigyan ka ng ilang gawain upang magkaroon ka ng paunang kaalaman tungkol dito. Kaya naman, ipakita mo ang iyong angking kahusayan sa bahaging ito. Simulan mo na! Daigdig ng Mahika (Spoken Word Poetry) Ni Bernadeth D. Magat Sa kasalukuyang mundong ating ginagalawan, Kabi-kabila ang pagsubok at suliranin saan man, Mga suliraning tila walang katapusan, Oo, masasabi kong tila walang katapusan, Pangamba sa lumalaganap na virus ay nananatiling nariyan At ikaw at ako? Ikaw at ako ay hindi ligtas sa kapahamakan Sa maniwala ka man o hindi, lahat tayo’y pag-iingat ang kailangan. Minsan, oo, minsan kaibigan, sa aking pag-iisa at kalungkutan, Naisip kong bakit kaya nasadlak tayo sa ganitong kahirapan? Wala na ba talagang lunas ang mga sakit ng lipunan? Na sunod-sunod na nagpapahirap sa ating kalooban? Minsa’y naglakbay ang aking diwa at isipan, Naglakbay ako panandalian, kaibigan, Sa mga pahina ng librong tangan, Sa isang lugar kung saan may kapahingahan Kung saan katahimikan at kagalinga’y aking nasumpungan Naging payapa ako, humalakhak, at naligayahan. Sa aking paglalakbay, aking naranasan Mamuhay nang malayo sa lahat ng pangamba at alitan Sa isang daigdig na puno ng mahika at pagmamalasakitan Na ligid ng misteryo’t kagandahan Pinamamahalaan ng mga diyos at diyosang tigib ng pag-iibigan Oo, tama ka sa narinig mo kaibigan, Mga diyos at diyosang nagtatanggol sa tanan At sa mga mortal ay may mabuting ugnayan Kaya’t saan mang dako ay may kapayapaan. 5 Bakit hindi na lang tayo manirahan, Sa kakaibang daigdig na aking natunghayan, Sa binasang mitolohiyang puno ng pakikipagsapalaran? Na sa tuwing may sulirani’y may magagamit na kapangyarihan At sa isang iglap, oo sa isang iglap, ang lahat ay magbabalik sa kaayusan. Doo’y naroon si Bathalang mabuti kaninoman, Sa tulong niya, sa isang kumpas ng kamay niya, Lahat ng ating pasakit ay matutuldukan At ikaw at ako, Tayong lahat ay mabubuhay nang maligaya magpakailanman. Gawain 1. Pag-unawa sa Binasa Panuto: Sagutin ang bawat katanungan tungkol sa binasang tula. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel. 1. Tungkol saan ang binasang tula? 2. Ano ang suliraning tinalakay ng may-akda sa tula? Makatotohanan ba ang naisip niyang solusyon sa suliraning ito? Bakit? 3. Paano inilarawan ng may-akda ang lugar at mga tauhan sa kaniyang nabasang mitolohiya? 4. Sa nabasa mong mitolohiya sa nakaraang mga aralin, natagpuan mo rin ba ang daigdig na kakaiba tulad ng nabanggit sa tula? Ilarawan. 5. Paano naiiba ang mitolohiya sa iba pang akdang pampanitikan batay sa nilalaman ng tula? 6 Gawain 2. Paglinang ng Talasalitaan Panuto: Punan ng letra ang bawat kahon sa crossword puzzle upang mabuo ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. Gawing gabay ang ibinigay na mga letra pahaba at pahalang. Gawin ito sa hiwalay na papel. 1.N W A 2.P 3.K T 2.M H G L N L PAHALANG 1. Bigla siyang nakahulagpos sa tanikala nang hindi nakikita ng bantay. 2. Nang siya’y madakip, ikinulong siya sa bilangguan at mahigpit na pinabantayan. 3. Nagsanay siyang mabuti sa paghawak ng busog at palaso at kinalaunan ay nanalo siya sa paligsahan sa pagpana. PABABA 1. Nang lumaon, si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaking nagtraydor at pumatay sa kaniya. 2. Ito pala’y pakana ng hari upang siya ay madakip at muli na naman siyang nakatakas. Gawain 3. Pagsasaling-wika Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na salin ng salitang nakaitalisado sa bawat bilang. Isulat ang tamang sagot sa hiwalay na papel. Ikinalungkot ng (1) majority (karamihan, mayorya, nakatatanda) ang pagkalat ng COVID-19 sa halos lahat ng bansa sa mundo. Nagbago ang mga (2) daily (araw-araw, pang-araw-araw, pangkasalukuyan) na gawain ng mga tao at napilitang manatili na lamang sa mga (3) home (bahay, lugar, tahanan) upang makaiwas sa virus. Naging sapilitan din ang (4) wearing (nakahahapo, nakapapagod, pagsusuot) ng face mask at face shield upang 7 (5) protect (mailigtas, mapanatili, mapangalagaan) ang mga sarili. Ipinatupad din ang physical distancing at pagbabawal sa maramihang (6) gathering (pagkakaisa, pagpupulong, pagtitipon) bilang bahagi ng health protocol ng (7) government (administrasyon, awtoridad, pamahalaan) kontra COVID-19. Ang larangan ng edukasyon ay nagkaroon ng tinatawag na Bagong Normal na pag-aaral na nagpairal ng online at modular distance learning kung saan ipinagpatuloy pa rin ang pag-aaral kahit nasa kanikanilang bahay lamang ang mga (8) learner (bata, estudyante, mag-aaral). Ilang buwan na ang lumipas, subalit nananatili pa ring (9) threat (babala, banta, takot) sa kalusugan ang nasabing virus. (10) Hoping (Nagdarasal, Nangangarap, Umaasa) na lamang ang lahat na darating ang araw na mapupuksa rin ito sa awa at tulong ng Poong Maykapal. Suriin Sa bahaging ito ng aralin ay mababasa mo ang isang mitolohiya mula sa bansang Kenya na pinamagatang, “Liongo” at ang “Maaaring Lumipad ang Tao”, isang mitolohiyang nagmula naman sa bansang Nigeria. Basahin at unawain mo itong mabuti upang magkaroon ka ng kaalaman tungkol sa kultura ng bansang pinagmulan ng mga ito. Matutunghayan mo rin ang araling panggramatika tungkol sa pagsasaling-wika na may layuning matulungan kang magkaroon ng kasanayan sa pagsasalin ng mga salita, ideya, at kaisipan mula sa isang wika patungo sa isa pang wika. 8 I. Panitikan Liongo Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles Isinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang nasa baybayingdagat ng Kenya. Siya ang nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar. Malakas at mataas din siya tulad ng isang higante, na hindi nasusugatan ng ano mang mga armas. Ngunit kung siya’y tatamaan ng karayom sa kaniyang pusod ay mamamatay siya. Tanging si Liongo at ang kaniyang inang si Mbwasho ang nakaaalam nito. Hari siya ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta, at Shangha sa Faza o isla ng Pate. Nagtagumpay siya sa pananakop ng trono ng Pate na unang napunta sa kaniyang pinsang si Haring Ahmad (Hemedi) na kinilalang kaunaunahang namuno sa Islam. Ang pagbabago ay naging mabilis mula sa Matrilinear na pamamahala ng kababaihan tungo sa Patrilinear na pamamahala ng kalalakihan sa pagsasalin ng trono. Nais ni Haring Ahmad na mawala si Liongo kaya ikinadena at ikinulong siya nito. Nakaisip si Liongo ng isang pagpupuri. Habang ang parirala (Refrain) nito ay inaawit ng mga nasa labas ng bilangguan, bigla siyang nakahulagpos sa tanikala nang hindi nakikita ng bantay. Nang makita ito ng mga tao, tumigil sila sa pagawit. Tumakas siya at nanirahan sa Watwa kasama ang mga taong naninirahan sa kagubatan. Nagsanay siyang mabuti sa paghawak ng busog at palaso at kinalaunan ay nanalo siya sa paligsahan sa pagpana. Ito pala’y pakana ng hari upang siya ay madakip at muli na naman siyang nakatakas. Kakaunti lang ang nakaalam tungkol sa matagumpay na pagwawagi ni Liongo sa digmaan laban sa mga Gala (Wagala). Kaya naibigay ng hari ang kaniyang anak na dalaga upang ang bayaning si Liongo ay mapabilang sa kaniyang pamilya. Nang lumaon, si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaking nagtraydor at pumatay sa kaniya. 9 B. Maaaring Lumipad ang Tao Isinalaysay ni Virginia Hamilton Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles Mapanonood ang video clip sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=cDLokCmEBCE Sinasabing iniingatan ng mga taong nakalilipad ang kanilang kapangyarihan kahit na inaalis nila ang kanilang pakpak. Inililihim nila ang kanilang kapangyarihan sa lupain ng mga alipin. Sila ay nagbalatkayong mga tao mula sa Africa na may maiitim na balat. Hindi na nila maaaring ipaalam sa kanila kung sino ang nakalilipad at ang hindi. May matandang lalaking nagngangalang Toby, mataas ang kaniyang tindig. Samantalang ang batang babae na dating may pakpak ay si Sarah. Makikitang may batang nakatali sa kaniyang likod. Nanginginig siya kung mabigat ang mga gawain. Sa ganitong pangyayari, sisigawan siya ng tagapagbantay ng lupain. Nagtatrabaho siya sa palayan mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito. Tinatawag nilang panginoon ang may-ari nito. Inihalintulad daw siya sa kumpol ng putik, uling na kumikinang sa matigas na batong nakasalansan na hindi matanggal. Ang nagbabantay sa kanila ay nakasakay sa likod ng kabayo at itinuturo ang mga aliping mabagal magtrabaho. Hinahampas ng latigo ang mga mabagal sa gawain upang maging mabilis ang kanilang paggawa. Ang matandang naroroon na si Toby ang tumulong kina Sarah. “Aalis ako nang mabilis,” sabi niya pagdaka. Si Sarah ay naghuhukay at nag-aayos ng pilapil sa palayan, habang ang bata ay tulog sa kaniyang likod. Nang magutom ang bata ay nagsimula itong umiyak nang malakas. Hindi niya ito mapatigil, ibinaba niya ito at hinayaang umiyak nang umiyak maski ayaw niya itong gawin dahil anak niya ang bata. “Patahimikin mo iyan,” sabi ng tagapagbantay sabay turo sa bata. Hinawakan niya sa balikat si Sarah hanggang sa mapaluhod ito. Hinampas niya ang bata ng latigo. Samantala, si Sarah ay bumagsak naman sa lupa. Hindi makatayo nang tuwid si Sarah. Napakahina niya, nasusunog na ng araw ang kaniyang mukha. Ang bata ay umiyak nang umiyak. “Kaawaan mo kami, kaawaan mo kami.” Malungkot si Sarah dahil sa nangyari, naghihimutok siya at napaupo na lamang sa pilapil. 10 “Tumayo ka, ikaw, maitim na bata,” hiyaw ng tagapagbantay, itinuro si Sarah at muli na namang hinampas ng latigo sa hita at ang sako niyang damit ay naging basahan. Ang dugo sa kaniyang sugat ay humalo sa putik, ‘di siya makatayo. Nandoon si Toby, ngunit kahit isa ay walang makatulong sa kaniya. “Ngayon na, bago pa mahuli ang lahat.” “Sige anak, ngayon na ang panahon,” sagot ni Toby “Humayo ka, kung alam mo kung paano ka makaaalis.” “Kum… yali, Kumbuba tambe,” at ang mga salita na may kapangyarihan ang kanilang mabilis na nasambit nang pabulong at pabuntonghininga. Tumaas ang isang paa ni Sarah sa hangin. Noong una ay ’di maayos ang kaniyang paglipad na hawak-hawak nang mahigpit ang kaniyang anak. Naramdaman niya ang mahika, ang misteryo ng salita ng Africa, sinabi niya na malaya na siya tulad ng isang ibon, na animo’y balahibong umiilanlang sa hangin. Ang bantay ay nagronda habang humihiyaw, sumisigaw. Samantalang si Sarah at ang kaniyang anak ay lumilipad sa bakuran, sa mga kahoy, sa mga nagtataasang puno na hindi sila nakikita maging ng tagapagbantay. Lumilipad siyang tulad ng isang agila hanggang sa unti-unti na silang makita ng mga taong nasa ibaba. Walang sinoman ang makapagsalita tungkol dito, hindi makapaniwala, subalit nakita nila ito. Nang sumunod na mga araw ay may nakitang patay na nakahandusay sa mainit na palayan, isang batang lalaking alipin. Nakita siya ng tagapagbantay at nilatigo siya, bumagsak ang bata. Pinuntahan siya ni Toby at sinabi nito ang salita ng lumang Africa na minsan lang niyang narinig kaya hindi niya agad maintindihan. Nakalimutan ng bata ang narinig niya. Nagtungo si Toby at muling naibulong sa bata, nakuha niya ang tamang salita. Nagpagulong-gulong siya sa hangin. Pansamantala siyang nakalipad at siya ay idinuyan sa mainit na simoy ng hangin at muli siyang nakalipad. Iba-iba pa ang bumagsak dahil sa init, naroon lagi si Toby. Umiiyak siya sa nakikita niyang bumabagsak at nandiyan siya upang iabot ang kaniyang kamay “kumkumka yali, kum… tambe!” Pabulong niyang sabi at muli na naman silang nakalipad at pumailanlang sa hangin. Ang isang lumilipad ay maitim at may makislap na tungkod habang sila ay nasa taas ng ulo ng tagapagbantay. Dumako sila sa pilapil, sa palayan, sa bakuran, at sa batis na dinadaluyan ng tubig. “Bihagin ang matanda,” sabi ng tagapagbantay. 11 “Narinig ko siyang sinabi ang mahiwagang salita, bihagin siya.” Samantala, may isang tumatawag. Nakuha na ng tagapagbantay ang kaniyang latigo upang itali si Toby. Kinuha niya ang kaniyang baril upang patayin ang negrong si Toby. Natawa lang si Toby, lumingon siya at ang sabi “heeee, heee! Hindi ninyo kilala kung sino ako. Hindi rin ninyo alam kung sino pa ang ibang tulad naming nasa palayan.” At muli niyang naibulong ang mahiwagang salita bilang pangako sa angkan ng mga itim, sinabi niya ito sa lahat ng mga kalahi nilang nasa palayan sa ilalim ng malupit na latigo. “Buba… Yali... Buba... tambe…” May napakalakas na sigawan at hiyawan, ang baluktot na likod ay naunat, matatanda at batang mga alipin ay nakalipad na magkakahawakkamay. Nagsasalita habang nakabilog na animo singsing. Umaawit pero hindi sila magkakahalo. Hindi pala sila umaawit; sila ay lumilipad sa hangin, langkay-langkay na animo mga ibong tumatakip sa asul na kalangitan, maiitim na anino. Hindi na mahalaga kung sila ay nakalilipad nang napakataas. Tanaw nila ang plantasyon, ang taniman, paalis sa lupain ng mga alipin. Lumilipad sila patungo sa kanilang kalayaan. Kasabay nilang lumilipad si Toby at sila ay iniingatan nito. Hindi siya umiiyak, hindi siya tumatawa, siya ay tagagabay. Nakita niya sa taniman ang mga katutubong alipin na naghihintay kung sila ay makalilipad na tulad nila. “Isama ninyo kami sa paglipad,” kanilang wika, pero sila’y natatakot sumigaw. Hindi na nila nahintay na sila ay maturuang lumipad. Naghintay ng pagkakataon na makatakbo, “paalam” ang sabi ng matandang tumatawag na si Toby, “Kausapin mo sila, ulilang kaluluwa!” At siya ay lumipad at naglaho. Sinabi ng tagapagbantay sa kanilang panginoon ang kanilang nasaksihan. “Ito ay isang kasinungalingan, gawa lamang ng liwanag.” Subalit ang tagapagbantay ay hindi nagsalita sapagkat alam niya ang totoo. Ang mga aliping hindi nakalipad ay nagpatuloy sa pagkukuwento sa kanilang mga anak. Ang pangyayaring ito ay hindi nila malilimutan. Naalala nila noong sila ay malaya at nakaupo sa paligid ng kanilang lupang tinubuan. At sinabi nila ito sa mga bata, ang tungkol sa mga taong hindi nakalilipad hanggang ngayon. -Mula sa Elements of Literature nina Holt et. Al. 2008. Texas, USA 12 Ano ang mito/mitolohiya? Ang mito/mitolohiya ay kuwento o salaysay hinggil sa pinagmulan ng sansinukuban, kalipunan ng iba’t ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa, kuwento ng tao at ng mga mahiwagang nilikha. Ito ay isang natatanging kuwentong kadalasang tumatalakay sa kultura, sa mga diyos o bathala, at ang kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao. Sa pamamagitan ng mitolohiya ay nabibigyan ng kalinawan ang mga kababalaghang pangyayari at ang mga nakatatakot na puwersa sa daigdig tulad ng pagbabago ng panahon, apoy, kidlat, pagkagutom, pagbaha, at kamatayan. Mga elemento ng mitolohiya: 1. Tauhan-mga diyos at diyosa na may taglay na kakaibang kapangyarihan. 2. Tagpuan-may kaugnayan sa kulturang kinabibilangan at sinauna ang panahon. 3. Banghay-maaaring tumalakay sa sumusunod: a. maraming kapana-panabik na aksiyon at tunggalian b. maaaring tumalakay sa pagkakalikha ng mundo at mga natural na pangyayari c. nakatuon sa mga suliranin at kung paano ito malulutas d. ipinakikita ang ugnayan ng tao at ng mga diyos at diyosa e. tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo, pagbabago ng panahon, at interaksiyong nagaganap sa araw, buwan, at daigdig 4. Tema-maaaring nakatuon sa sumusunod: a. pagpapaliwanag sa natural na pangyayari b. pinagmulan ng buhay sa daigdig c. pag-uugali ng tao d. mga paniniwalang panrelihiyon e. katangian at kahinaan ng tauhan f. mga aral sa buhay Mula sa Elements of Literature, (Anderson et al. 1993) at Enjoying Literature, (Ferrera et al. 1991) 13 Ano ang Spoken Word Poetry? Isa sa mga kulturang popular na umiiral ngayon sa mga kabataan ay ang spoken word poetry. Ang spoken word poetry ay ang pagsasaad ng kuwento sa pamamagitan ng tula. Ito ay isang anyo ng tula kung saan ang may-akda ay naglalahad ng tula sa mga tao sa pamamagitan ng pagsasalaysay. Kung ihahambing sa isang tradisyunal na tula, mas malikhain at mapaghamong gawin ang spoken word poetry. Isa ito sa nauusong uri ng oral art sa mga kabataan na ginagamitan ng word play at intonasyon upang maipahayag ang kanilang saloobin. Matagal nang ginagamit ang spoken word poetry hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo at ngayon ay bumabalik na naman ito dahil na rin sa mga taong nakauugnay sa paksa ng tagapagsalita. Isa si Juan Miguel Severo sa mga kilalang spoken word poetry artist sa Pilipinas. Ang spoken word poetry ay hindi basta-bastang pagsasalita sa harap ng mga manonood. Ginagamitan ito ng word play, tono ng boses na nakaakma sa paksa at minsan ay may background music. Ito ay tula kung saan ikaw ang bida, ikaw ang mga nakaranas at may mga “hugot” kung saan mo isusumbat ang lahat-lahat ng mga nagawa mo o kaya ay nararamdaman mo para sa isang tao at kung ano-ano pa. Ang spoken word poetry ay sumikat sa pamamagitan ng pagpapakalat nito sa social media networking sites. Kadalasan itong tinatangkilik ng mga kabataan dahil na rin sa mga paksang nakapaloob sa mga tulang ito. Mula sa pagpapakahulugan nito, ang spoken word poetry ay isang uri ng makabagong tulang may malaya at walang sinusunod na istruktura sa pagsusulat nito. Naging bahagi na ito ng kultura ng mga kabataan ngayon. Mula sa https://www.coursehero.com/file/63780272/PANANALIKSIK-SA-SPOKENPOETRYdoc/ II. Gramatika at Retorika: Pagsasaling-Wika Ang pagsasaling-wika ay ang paglilipat sa pinagsalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin. Ang isinasalin ay ang diwa ng talata at hindi ang bawat salitang bumubuo rito. (Santiago, 2003) Mga katangiang dapat taglayin ng isang tagapagsalin 1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot. Nakukuha niya ang kahulugan ng kaniyang isinasalin o siya’y mahusay na. Nauunawaan niya ang maliliit na himaymay ng kahulugan at halagang pandamdaming taglay ng mga salitang gagamitin. 14 2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Ang kaalaman sa gramatika ng dalawang wika sa pagsasalin ay kailangang-kailangan ng tagapagsalin sa pagsusuri ng diwang nais ipabatid ng awtor, gayon din sa wastong paggamit ng mga salita, wastong pagkakabuo, at pagkakasunod-sunod. 3. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag. Ang kakayahang magsalita sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin at kaalaman sa gramatika ay hindi sapat para makapagsalin. Kaya kung ang lahat ng salin ay patas, nagiging higit na mahusay na tagapagsalin ang manunulat. 4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. Marapat na ang tagapagsalin ay may higit na kaalaman sa paksa sapagkat siya ay higit na nakaaalam at nakauunawa sa mga konseptong nakapaloob dito. 5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin. Walang higit na mabisa kaysa ibang wika. Ang lahat ng wika ay may sariling bisa at kakayahan bilang kasangkapan sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino at ng ibang bansa. Mga Pamantayan at Gabay sa Pagsasaling-wika Basahing mabuti ang buong tekstong isasalin at unawain ang kabuuang diwa nito. Tandaang mahalaga para sa tagapagsalin na magkaroon ng malawak na kaalaman sa wikang isasalin at sa wikang pagsasalinan. Mahalaga rin ang kakayahang magsulat nang maayos at maging pamilyar sa mga estilo. Narito ang ilang gabay o pamantayan sa pagsasaling-wika. 1. Isagawa ang unang pagsasalin. Isaisip na ang isasalin ay diwa ng isasalin at hindi salita. 2. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin. Tandaang ang pagdaragdag, pagbabawas, pagpapalit o pagbabago sa orihinal na diwa ng isasalin nang walang napakalaking dahilan ay isang paglabag sa tungkulin ng tagapagsalin. 3. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal. Ayusin ang bahaging hindi malinaw at nagbibigay ng kalituhan. Bigyang-pansin din ang aspektong panggramatika ng dalawang wikang kasama sa pagsasalin. Kung gagamit ng diksyonaryo ay isaalang-alang ang iba’t ibang kahulugan ng isang salita. Kakailanganin ng isang mag-aaral ang pagsasanay upang makuha ang kahulugang angkop sa konteksto ng pangungusap. 15 Pagyamanin Magaling! Nakatutuwa ang ipinamamalas mong tiyaga sa pagbabasa, pag-unawa, at pagsusuri sa ating aralin sa sesyong ito. Batid kong marami ka nang natutuhan sa mga naunang bahagi ng modyul na ito. Ipagpatuloy mo lamang ang iyong ipinakikitang kahusayan sa ating pagtalakay sa aralin. Gawain 1. Pag-unawa sa Akda A. Panuto: Suriin ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang mitolohiyang pinamagatang, “Liongo” batay sa suliranin ng akda, kilos at gawi ng tauhan, at desisyon ng tauhan gamit ang flow chart. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel. LIONGO 1. Ano ang suliraning kinaharap ng pangunahing tauhan sa akda? Sagot:__________________________________________ _ 2. Ilarawan ang naging kilos at gawi ni Liongo. Sagot:_________________________________________ _ 3. Ano ang naging desisyon ni Liongo? Makatuwiran ba ito? Bakit? Sagot:______________________________ _____________ 4. Anong mensahe ang nais ipabatid ng akda sa mambabasa? Sagot:______________________________ _____________ 16 B. Panuto: Bigyang-puna ang napanood na video clip tungkol sa mitolohiyang pinamagatang, “Maaaring Lumipad ang Tao” sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kaisipang nakapaloob dito. Itala ito sa tsart at lagyan ng tsek (√) ang kolum kung ito ay makatotohanan o ‘di makatotohanan. Ipaliwanag ang iyong sagot sa huling kolum. Gawin ito sa hiwalay na papel. Kaisipan Makatotohanan ‘Di Makatotohanan Paliwanag Gawain 2. Pagkakatulad at Pagkakaiba Panuto: Paghambingin ang dalawang mitolohiyang tinalakay sa pamamagitan ng pagpupuno ng mahahalagang elemento ng bawat isa sa bawat kolum. Pagkatapos, ipaliwanag sa isang makabuluhang pangungusap ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga ito. Gayahin ang pormat at gawin ito sa hiwalay na papel. Elemento ng Mitolohiya Liongo (Mitolohiyang binasa) Maaaring Lumipad ang Tao (Mitolohiyang pinanood) A. Tauhan B. Tagpuan C. Tema D. Banghay Paliwanag tungkol sa pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang mitolohiya. __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________. 17 Gawain 3: Pagsasaling-wika A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Gamit ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika, isulat ang pinakaangkop na salin nito sa wikang hinihingi sa katapat na kolum. Isulat ang tamang sagot sa hiwalay na papel. Pangungusap Salin sa wikang Ingles 1. Sila ay nagbalatkayong mga tao mula sa Africa na may maiitim na balat. 2. Nagtatrabaho siya sa palayan mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito. 3. Samantalang si Sarah at ang kaniyang anak ay lumilipad sa bakuran, sa mga kahoy, sa mga nagtataasang puno na hindi sila nakikita maging ng tagapagbantay. B. Panuto: Sumulat ng isang saknong na tulang binubuo ng apat na taludtod sa wikang Ingles. Isalin ito sa wikang Filipino. Gawin ito sa hiwalay na papel. Tula Salin sa wikang Filipino Isaisip Binabati kita sa kahusayang ipinamalas mo sa mga nakaraang gawain at pagsasanay! Batid kong marami ka nang natutuhan sa araling ating tinalakay at kayang-kaya mo rin ang mga susunod pang gawaing hahasa sa iyong kaalaman at kasanayan. Ipagpatuloy mo lamang ang kagalingang iyong ipinakikita. 18 Panuto: Dugtungan ng angkop na kaisipan ang mga patlang upang mabuo ang diwa ng mga pangungusap batay sa iyong natutuhan sa araling ating tinalakay. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel. 1. Natutuhan ko mula sa araling tinalakay na ang mitolohiya ay isang akdang pampanitikan na ___________________________________________ ____________________________________________________________________ at nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad nito batay sa mga elementong tulad ng _______________________________________________. 2. Nagkaroon din ako ng kaalaman sa pagbibigay ng sariling reaksiyon tungkol sa isang isyu o akdang binasa gamit ang spoken word poetry na naging popular sa mga kabataan dahil ___________________________ ____________________________________________________________________. 3. Sa pagsasaling-wika, mahalagang isaalang-alang ang mga gabay o pamantayan tulad ng _______________________________________________ ____________________________________________________________________. Isagawa Sa bahaging ito ay isasalin mo na ang natutuhang kaalaman at kasanayan sa sarili mong buhay. Panuto: Isalin sa wikang Filipino ang kasabihan sa wikang Ingles na, “Sometimes, it’s the smallest decisions that can change your life forever” na siyang pangunahing mensaheng nais ipabatid ng binasang akdang pinamagatang, “Liongo”. Magbigay ng sariling reaksiyon at pangatuwiranan ito sa pamamagitan ng pagsulat ng iskrip ng isang makabagong anyo ng pagtula, ang spoken word poetry. Gawing gabay ang isinasaad sa GRASPS sa ibaba. Gawin ito sa hiwalay na papel. Goal (Layunin) Nakasusulat ng iskrip ng spoken word poetry tungkol sa sariling reaksiyon sa kasabihan sa wikang Ingles na, “Sometimes, it’s the smallest decisions that can change your life forever” na isasalin sa wikang Filipino na siyang mensaheng natutuhan sa binasang akda. 19 Role (Gampanin) Ikaw ang napili bilang lider ng mga kabataan sa inyong lugar para sa kampanyang, “Kabataan, Pag-asa Ka Sa Kinabukasan”. Audience (Manonood) Mga kabataan sa inyong lugar Situation (Sitwasyon) Bilang lider ng mga kabataan, ikaw ay naatasang magbigay ng mahalagang payo at paalala tungkol sa paggawa ng mahahalagang desisyon sa buhay upang matulungan ang mga kabataan sa inyong lugar na pagisipang mabuti ang mga desisyong dapat nilang gawin upang hindi sila maligaw ng landas. Product (Produkto) Isang iskrip ng spoken word poetry tungkol sa sariling reaksiyon sa kasabihan sa wikang Ingles na, “Sometimes, it’s the smallest decisions that can change your life forever” na bibigkasin sa isang programa para sa mga kabataan. Standard (Pamantayan) Rubrik sa Pagtataya ng Iskrip (Spoken Word Poetry) Mga Kraytirya Tema at Nilalaman Estruktura o Pagkakabuo ng Tula 5 puntos Ang buong tula ay nagpapakita ng matinding ekspresyon tungkol sa tema. Ang mga ideya ay magkakaugnay at ito’y orihinal na ginawa. Lahat ng mga linya ay maayos na pinili at may pagkakatugmaO rganisado ang pagkakagawa at nakadadala sa damdamin. Lebel ng Pagsasagawa 4 na puntos 3 puntos 1 puntos Ang buong tula ay nagpapakita ng ekspresyon tungkol sa tema. May pagkakaugnay ang mga ideya sa tula. Ang buong tula ay pangkaraniwan at nagpapakita ng kaunting repleksyon sa tema. Ang tula ay may malabong tema. Ang mga ideya ay kulang at bahagyang konektado lamang. Halos lahat ng mga linya ay maayos na pinili at may pagkakatugma. Organisado ang pagkakagawa. Halos lahat ng linya ay hindi magkakatugma. Hindi organisado ang pagkakagawa Hindi organisado ang pagpili ng mga salita at ito ay walang tugma. 20 Tayahin Ngayon naman ay ipamamalas mo ang iyong natutuhan sa araling pampanitikan at panggramatika na ating tinalakay. Inaasahan kong masasagot mo nang wasto ang bawat katanungan. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag at tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa hiwalay na papel. 1. Ang nagbabantay sa kanila ay nakasakay sa likod ng kabayo at itinuturo ang mga aliping mabagal magtrabaho. Hinahampas ng latigo ang mga mabagal sa gawain upang maging mabilis ang kanilang paggawa. Anong damdamin ang nangibabaw sa iyo sa mga pahayag na ito? A. pagkaawa C. pagkainis B. pagkagalit D. pagkatuwa 2. Mula sa Matrilinear ay mabilis na nagbago ang pamamahala at pagsasalin ng trono patungo sa Patrilinear. Dahil dito, ang trono ng Pate sa Kenya ay pinamahalaan ng ______________. A. kababaihan B. kalalakihan C. dugong maharlika D. matatanda sa lipunan 3. Ito ang katangian ni Liongo na nagpapatunay na siya ay tauhan sa isang akdang mitolohiya. A. sikat na makata B. mahusay pumana C. matipuno ang katawan D. mataas tulad ng higante 4. Piliin ang pinakaangkop na salin ng kasabihan sa Ingles na, “Health is wealth”. A. Ang malusog ay mayaman. B. Ang kalusugan ay kayamanan. C. Daig ng malusog ang mayaman. D. Mas mahalaga ang yaman kaysa kalusugan. 21 5. Piliin ang pahayag na hindi naglalarawan sa mitolohiya bilang akdang pampanitikan. A. Tumatalakay sa kultura at sa mga diyos o bathala. B. Kuwento ng mga tao at ng mga mahiwagang nilikha. C. Nagsasaad ng saloobin o pananaw ng may-akda tungkol sa mga bagay-bagay. D. Tradisyunal na salaysay na isinilang mula sa sinapupunan ng kultura ng tradisyong oral. 6. Ang sumusunod ay mga pangyayari sa akdang tinalakay na nagpapatunay na ito ay halimbawa ng mitolohiya maliban sa isa. A. Hindi siya nasusugatan ng ano mang armas. B. Malakas at mataas din siya tulad ng isang higante. C. Kung siya’y tatamaan ng karayom sa kaniyang pusod ay mamamatay siya. D. Si Liongo ang nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar. 7. Malakas at mataas din siya tulad ng isang higante, na hindi nasusugatan ng ano mang mga armas. Ngunit kung siya’y tatamaan ng karayom sa kaniyang pusod ay mamamatay siya. Anong kaisipan ang nilalaman ng mga pahayag na ito? A. Nasa pusod ang kahinaan ni Liongo. B. Karayom lamang ang makapapatay kay Liongo. C. Si Liongo ay may kakayahang mabuhay magpakailanman. D. Lahat ng nilalang, gaano man ang taglay na lakas at kapangyarihan, ay may sariling kahinaan. 8. Sa binasang mitolohiya, paano nakatakas si Liongo sa kulungan? A. Pinatawad na siya ni Haring Ahmad. B. Nalinlang niya ang bantay sa bilangguan. C. Tinulungan siya ng mga tao sa labas ng kulungan. D. Nakawala siya sa tanikala nang hindi nakikita ng bantay habang inaawit ang isang pagpupuri. 22 9. Kakaunti lang ang nakaalam tungkol sa matagumpay na pagwawagi ni Liongo sa digmaan laban sa mga Gala (Wagala). Kaya naibigay ng hari ang kaniyang anak na dalaga upang ang bayaning si Liongo ay mapabilang sa kaniyang pamilya. Anong kultura ng bansang Kenya ang masasalamin sa mga pangungusap na ito? A. Pantay-pantay ang katayuan ng mga tao sa lipunan ng Kenya. B. Binibigyang-parangal sa Kenya ang mga taong sikat sa lipunan. C. Tanging ang ama lamang ang may karapatang mamili ng mapapangasawa ng kaniyang anak. D. Malaki ang pagpapahalaga ng lipunan sa Kenya sa mga bayaning may angking lakas at kapangyarihan. 10. Piliin ang pinakaangkop na salin ng salawikain sa Filipino na, “Kung ano ang itinanim ay siya rin ang aanihin”. A. What you sow is what you reap. B. Plant today and you will harvest later. C. If you plant a seed, it will grow to a tree. D. If you plant a tomato, you will harvest a tomato. Binabati kita sa iyong ipinamalas na pagtitiyaga at kahusayan sa pagsagot sa lahat ng gawaing inihanda ko para sa iyo. Sa pamamagitan ng mga ito, batid kong marami kang nalinang na kaalaman at kasanayang magagamit mo sa mga susunod pang yugto ng iyong pag-aaral. 23 Karagdagang Gawain Upang higit pang mapalawak ang iyong kaalaman tungkol sa araling ating tinalakay, ipakita mo ang angking galing sa pagsasagawa ng huling gawain para sa modyul na ito. Panuto: Basahin ang mitolohiyang Pilipinong pinamagatang, “Si Malakas at Si Maganda”. Ihambing ito sa dalawang mitolohiyang tinalakay sa aralin sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga elementong taglay nito. Gamitin ang kasunod na pormat at gawin ito sa hiwalay na papel. Elementong Taglay Si Malakas at Si Maganda 1. Tauhan 2. Tagpuan 3. Tema 4. Banghay Pagkakatulad at pagkakaiba sa dalawang mitolohiyang tinalakay sa aralin. ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________. 24 Subukin 25 Tuklasin Pagyamanin Nakadepende sa mag-aaral kung ano ang magiging reaksyon niya sa mahalagang mensaheng nais ipabatid ng tinalakay na akda na gagawin niya sa pamamagitan ng spoken word poetry. Nakadepende sa magaaral kung ano-anong mahahalagang kaalaman ang kaniyang natutuhan mula sa araling tinalakay. Tayahin Isagawa Isaisip Gawain 1. Nakadepende sa pag-unawa ng mag-aaral sa akda. Gawain 2. Nakadepende sa pagsusuri ng mag-aaral sa dalawang mitolohiyang kaniyang binasa at pinanood. Gawain 3. Pagsasaling-wika A. 1. power 4. sky 2. magic 5. keeper 3. slave B. 1. Manatili sa tahanan upang maligtas ang buhay. 2. Laging magsuot ng face mask upang mapangalagaan ang iyong sarili. 3. Manalangin sa Panginoon para sa mabuting kalusugan at kaligtasan. Gawain 2. Pahalang 1. nakawala 2. mahuli 3. katagalan Pababa 1. nagtaksil 2. plano Gawain 3. Pagsasaling-wika 1. karamihan 2. pang-araw-araw 3. tahanan 4. pagsusuot 5. mapangalagaan 6. pagtitipon 7. pamahalaan 8. mag-aaral 9. banta 10. Umaasa 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. D B C B C B C D D C Gawain 1. Nakadepende sa pag-unawa ng mag-aaral sa akda. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. B B D B C D D D D A Susi sa Pagwawasto Sanggunian Ambat, Vilma C. et al. 2015. Filipino 10, Panitikang Pandaigdig, Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: Vibal Group, Inc. Enero, Jenelin. 2019. “Pananaliksik sa Spoken Poetry” https://www.coursehero.com/file/63780272/PANANALIKSIKSA-SPOKEN-POETRYdoc/. December 28, 2020 Magno, Angelica G. 2018. “Maaaring Lumipad ang https://www.youtube.com/watch?v=cDLokCmEBCE. December 26, 2020 26 Tao”.