Uploaded by Mangalus, Andrei

Konseptong-Papel-Andrei Mangalus

advertisement
MANGALUS ANDREI M.
12- THE EXECUTIVES|PAGBASA AT PAGSUSURI
Mga Epekto ng Bagong Sistema ng Edukasyon sa Aspekto ng Kalusugan, Kaugalian at
Akademikong Larang ng mga Mag-aaral ng Grade 12 sa San Isidro National High School
Rationale
Sa kasalukuyang panahon ng panuruan, maraming mga mag-aaral ang iniinda ang kanilang
kalagayang pang-edukasyon. Marami sa mga ito ang nahihirapan at nabibigatang lubha sa kanilang
pag-aaral marahil ito'y dulot na rin ng pandemya. Ngunit ayon na rin sa Kagawaran ng Edukasyon,
hindi pwedeng mahinto o matigil ang edukasyon sa Pilipinas dahil ito'y mahuhuli sa kalagayang
pang-edukasyon sa buong mundo. Kaya naman, ang naturang kagawaran ay naglunsad ng isang
bagong sistema ng edukasyon na kung saan ang pag-aaral ay magpapatuloy sa bagong normal na
pormat ng edukasyon sa kabila ng pandemya. Ang mga bagong alon ng edukasyon na ito ay
kinapapalooban ng 1.)Face to Face Learning, 2.)Blended Learning na kombinasyon ng face to face
at online distance learning o modular distance learning sa mga lugar na hindi NAKA-ECQ o GCQ,
3.)Home Schooling, at 4.)Modular Distance Learning naman ang kinapapalooban ng online
distance learning, modular distance learning at TV/Radio-Based Instruction sa mga lugar na
NAKA-ECQ o GCQ. Sa bagong sistemang ito, marami ang naging mabuti at positibong epekto
nito sa kalagayang pang-edukasyon subalit hindi rin natin maikakaila ang mga negatibong
epektong hatid nito sa edukasyon higit lalo sa mga mag-aaral.
Matutunghayan sa papel na ito, ang kung anong mga negatibong epekto ang nakaaapekto
sa pangangatawan at kaugalian ng mga mag-aaral ng ika-labingdalawang baitang ng ABM strand
sa mataas na paaralan ng San Isidro sa San Luis, Pampanga dulot ng bagong sistema ng edukasyon.
Marahil ang mga bagay na ito ay nangyayari dahil na rin sa mga pagbabagong nagaganap sa
mundo. Ang pagbabagong dinulot ng pandemya sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay siya ring
naging dahilan ng pagpapalit-anyo ng pag-uugali at pangangatawan ng mga mag-aaral.
Layunin
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang mga dahilan at mga negatibong
epekto ng bagong normal na edukasyon sa mga mag-aaral. Hangad nito na malaman at gayon ding
maibsan ang mga suliraning kinakaharap ng mag-aaral sa kanilang kaugalian at pangangatawan.
Hinahangad din nitong masagot ang ilan sa mga katanungan sa aspekto ng kaugalian, kalusugan
1
MANGALUS ANDREI M.
12- THE EXECUTIVES|PAGBASA AT PAGSUSURI
at maging sa aspekto ng akademikong larang. Naias mahanapan ng kasagutan kung paano nga ba
nakakaapekto ang bagong sistemang ito sa kalusugan at kaugalian ng mga mag-aaral, bakit nga ba
nagkaroon ng negatibong epekto ang bagong sistema sa pag-aaral at ano nga ba ang mga
negatibong epekto nito sa mga mag-aaral sa larangang akademik. Sa pag-alam ng mga kadahilanan
at negatibong epekto ng bagong sistema ng edukasyon, layunin din ng pananaliksik na ito na
magkaroon ng implikasyon, solusyon at estratehiya na maaring makatulong sa mga mag-aaral na
maibsan ang lahat ng mga negatibong epektong kanilang naranasan sa bagong normal na
edukasyon.
Metodolohiya
Sa pagkalap ng datos, magpapamigay ng mga survey questionnaires ang mananaliksik sa
mga mag-aaral tungkol sa kanilang nararanasan sa bagong sistema ng edukasyon. Para sa mas
malinaw at konkretong kasagutan, magsasagawa rin ng mga panayam o interview sa mga
estudyanteng nakaranas ng mga pagbabagong pisikal at emosyonal upang mabatid kung anong
mga negatibong epekto ng bagong sistema at upang malapatan na rin ng agarang solusyon. Para
sa pagsama-sama ng mga resulta, gagamit ang pananaliksik na ito ng tinatawag na measure of
frequency method upang malaman ang kung kung anong epekto ang mas nararanasan ng
nakararami para mabigyan ng agarang aksyon.
Inaasahang Output
Ang panimulang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang mga dahilan o
negatibong epekto ng bagong sistema ng edukasyon sa mga mag-aaral upang magkaroon ito ng
aksyon at agarang solusyon tungkol sa kung paano matutulungan ang sistema at ang magaaral.Mga hakbang tulad ng pagkakaroon ng mga programa tungkol sa kung paano maiiwasan at
malulutasan ang mga suliraning kinakaharap at gayon ding pamimigay ng mga fliers at
infographics para sa karagdagang pagbibigay kaalaman sa mga epekto ng bagong Sistema sa mga
mag-aaral. Ito ay hakbang upang magkaroon ng mga datos at impormasyong kakailangan sa
paghanap ng solusyon sa pagresolba nito. Inaasahan rin sa papel na ito na ang mga datos at
impormasyong makukuha ay siyang ipapakita at ilalathala.
2
Download