Uploaded by John Claud Hilario

Filipino Language & Culture Summative Test

advertisement
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VI – Western Visayas
Schools Division Office of Kabankalan City
PINAGUINPINAN NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL
Pinaguinpinan, Kabankalan City, Negros Occidental
Summative Test
Komunikasyon sa Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino (Tek-Voc) 11
Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem.Isulat
lamang ang titik o letra ng mapipili mong sagot sa hiwalay na isang buong papel.
1. Ginagamit ang Wikang Filipino upang magkaintindihan ang mga Pilipinong may
iba’t ibang Unang wikang kinagisnan. Ang Filipino rito ay ginagamit bilang______.
a. Wikang Pambansa
b. Wikang Opisyal
c. Lingua Franca
d. Wikang Panturo
2. Kung ang wika ay ginagamit bilang wika sa mga transaksyon at/o komunikasyon
sa gobyerno, pasulat man o pasalita, gamit ito bilang____.
a. Lingua franca
b. Wikang Pambansa
c. Wikang Opisyal
d. Wikang Panturo
3. Ano ang ating wikang Pambansa?
a. Ingles
b. Ilocano
c. Tagalog
d. Filipino
4. Ang tawag sa wikang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na Edukasyon ay?
a. Wikang Panturo
b. Wikang Pambansa
c. Wikang Opisyal
d. Wikang Pandaigdig
5. Ano ang pagkakaiba ng Monolingguwalismo and Monolingguwal?
a. Pareho lang sila
b. Ang Monolingguwalismo ay para sa bansa at ang Monolingguwal ay para sa tao
c. Ang Monolingguwal ay para sa bata at ang Monolingguwalismo ay para sa
matanda
d. Wala sa nabanggit
6. Kapag si Jose nagsasalita ng Ingles at Tagalog, siya ba ay isang Monolingguwal?
a. Oo
b. Hindi
c. Pareho lang
d. Tama
7. Ano ang Bilingguwalismo?
a. Ito ay ang tawag sa paggamit ng maraming lenggwahe o wika
b. Ito ay ang tawag sa paggamit ng dalawang uri ng lenggwahe o wika
c. Ito ay ang tawag sa paggamit ng wika
d. Ito ay ang tawag sa wika
8. Ano ang Bilingguwal?
a. Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng dalawang wika o dayalekto
b. Ang tawag sa taong may kakayahang magsalita
c. Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng wika o dayalekto
d. Ang tawag sa dalawang wika o dayalekto
9. Ang isang tao ay masasabi nating bilingguwal kung may kakayahan itong gumamit
ng dalawang wika o dayalekto nang may _________?
a. kaalaman
b. katatasan
c. kahusayan
d. kababawan
10. Ano ang Multilingguwalismo?
a. Kakayahang makapagsalita ng higit sa isang wika
b. Kakayahang makapagsalita ng isang wika
c. Kakayahan ng isang indibidwal na gumamit ng dalawang wika
d. Kakayahang makapagsalita ng higit sa dalawang wika
11. Sinong bayani nating mga Pilipino ang may kakayahang magsalita ng iba't ibang
lengguwahe?
a. Emilio Aguinaldo
b. Apolinario Mabini
c. Andres Bonifacio
d. Dr. Jose Rizal
12. Ano ang salin sa wikang Filipino ng "what an extravagant dress you're wearing!"?
a. "O kay gara ng iyong kasuotan!"
b. "O kay ganda ng iyong kasuotan!"
c. "O kay galing ng iyong kasuotan!"
d. "O kay grande ng iyong kasuotan!
13. Kilalang-kilala ng madlang tagapanood ang paraan ng pagsasalita ni Noli De
Castro lalo na kapag sinasabi niya ang pamoso niyang linyang “Magandang Gabi,
Bayan!”
a. Etnolek
b. Dayalek
c. Sosyolek
d. Idyolek
14. Nagtatagalog din ang mga taga- Morong, Rizal pero may punto silang kakaiba sa
Tagalog ng mga taga- Metro Manila.
a. Dayalek
b. Sosyolek
c. Idyolek
d. Etnolek
15. Marami ang gumagaya sa paraan ng pagsasalita ng Kris Aquino lalo na ang
malutong niyang “Ah, ha, ha! Okey! Darla! Halika!”
a.Sosyolek
b. Idyolek
c. Etnolek
d. Dayalek
16. Nagtagpo ang mga unang nakipagkalakalang Tsino at mga katutubo sa Binondo
bago pa man dumating ang mga Espanyol. Dahil parehong walang alam sa wikain
ng isa’t isa, bumuo sila ng wikang walang sinusunod na estruktura at hindi pagaari ng sinuman sa kanila.
a. Idyolek
b. Etnolek
c. Pidgin
d. Creole
17. Ang ilan sa mga Tsinong nakipagkalakalan sa ating mga ninuno ay nagpakasal sa
mga dalagang taga-Binondo. Ang wikang kanilang binuo na maituturing na hindi
pag-aari ninuman ay siyang naging unang wika ng mga naging anak nila.
a. Creole
b. Pidgin
c. Dayalek
d. Sosyolek
18. Maririnig sa usapan nina Lauro a.k.a. “Laura” at ng kaibigan niya si Danilo a.k.a.
“Dana” ang mga salitang charot, bigalou at iba pa.
a. Register
b. Idyolek
c. Etnolek
d. Sosyolek
19. Habang nakasakay sa bus si Norie ay narinig niyang nag-uusap ang dalawang
babae sa unahan. Narinig niya sa usapan ang mga salitang lesson plan, quiz,
essay, at grading sheets. Mula rito’y alam niyang mga guro ang mga nakaupo sa
harap niya.
a. Coño
b. Jejemon
c. Sosyolek
d. Register
20. Habang nakahanda ng report o ulat ang magkaibigang Rio at Len ay maharot at
nakatatawa ang ginagamit nilang mga salita subalit nang maihanda ang mga
kagamitan at magsimula silang mag-ulat sa harap ng klase at ng guro ay biglang
nag-iba at naging pormal na paraan nila ng pagsasalita.
a. Sosyolek
b. Etnolek
c. Register
d. Idyolek
21. Natutuhan ni Domeng ang salitang vakkul mula sa mga Ivatan nang mamasyal
siya sa Batanes. Saanman siya mapunta ngayon, kapag narinig niya ang salitang
vakkul ay alam niyang ang salitang ito ng mga Ivatan ay tumutukoy sa gamit
nilang pananggalang sa init at ulan.
a. Dayalek
b. Etnolek
c. Sosyolek
d. Idyolek
22. “Handa na ba kayo?” ito ang pamosong linyang binibigkas ni Korina Sanchez sa
kanyang programang Rated K.
a. Idyolek
b. Register
c. Pidgin
d. Creole
23. Litong-lito si Ariel sa dami ng kanyang takdang-gawain kaya naisipan na lamang
niyang pumunta sa Silid-aklatan upang magsaliksik.
a. Instrumental
c. Imahinatibo
b. Heuristik
d. Regulatori
24. Naging maayos ang pag-uusap ng Pilipinas at China na humantong sa
pagkakaroon ng kasunduan upang malutas ang sigalot sa pinag-aagawang
teritoryo ng dalawang bansa sa West Philippine Sea.
a. Personal
b. Imahinatibo
c. Regulatori
d. Heuristik
25. Simula nang maglagay ng mga babala ang MMDA sa mga kalsada nabawasan
ang mga aksidenteng dulot ng hindi pagtawid sa tamang daanan.
a. Interaksyonal
b. Instrumental
c. Personal
d. Regulatori
26. Marami ang dumalo sa panayam ni Pangulong Duterte tungkol sa kaniyang
layuning masugpo ang kriminalidad sa bansa kamakailan lamang.
a. Heuristik
b. Impormatib
c. Imahinatibo
d. Instrumental
27. Nahirapan si Felix sa pagbabagong nangyayari sa kanyang buhay kaya naman
nagsimula siyang magsulat ng mga saloobin niya sa kanyang talaarawan.
a. Interaksyonal
b. Heuristik
c. Personal
d. Regulatori
28. Masayang nagbabatian at nagkukumustahan ang mga tao sa pagdiriwang ng
Dinagsa Festival sa Cadiz.
a. Impormatibo
c. Instrumental
b. Interaksyonal
d. Imahinatibo
29. Bagaman unang subok ni Mika na magluto ng cake naging masarap ang
kinalabasan ng kanyang luto dahil matamang sinunod niya ang pamaraan ng
pagluto nito.
a. Personal
c. Imahinatibo
b. Heuristik
d. Regulatori
30. Marami na sa mga kabataan ngayon ang nanonood at nakikinig ngMakabagong
Tula dahil sa mga matatalinhaga at masining na pagpapahayag.
a. Imahinatibo
b. Interaksyonal
c. Regulatori
d. Instrumental
31. Nanood kami kagabi ng pag-uulat sa telebisyon tungkol sa paparating na bagyo
sa ating bansa.
a. Heuristik
b. Impormatibo
c. Personal
d. Instrumental
32. Nahumaling si Nathaniel sa nakita niyang patalastas na may tagline na "Walapa
ring tatalo sa Alaska!" kaya bumili siya nito.
a. Imahinatibo
c. Instrumental
b. Regulatori
d. Interaksyonal
33. Ano ang panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang
pangalan sa unahan?
a. Anapora
b. Katapora
c. Kohesyong gramatikal
d. Pananggi
34. Ano ang panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang
pangalan sa hulihan?
a. Kohesyong gramatikal
b. Anapora
c. Pamanahon
d. Katapora
35. Instrumento na ginagamit sa pakikipagtalastasan upang magkaunawaan ang
bawat isa.
a. Wika
b. Text message
c. Social media
d. Sign language
36. Magpapadala ka ng liham sa iyong magulang sa probinsya, anong wika ang iyong
gagamitin?
a. Lingua Franca
b. Wikang Filipino
c. Wikang Ingles
d.Unang Wika
37. May lalaking lumapit sa iyo at itinanong kung saan matatagpuan ang estasyon ng
pulis. Ito ay isang uri ng?
a. Interaksiyon
b. Personal
c. Heuristiko
d. Regulatori
38. Sa panahong ito ipinaturo ang Nihonggo at inalis ang Ingles.
a. Rebolusyunaryo
b. Hapon
c. Amerikano
d. Pagsasarili
39. Si pangulong___________ ang nagpatupad ng Proklamasyon Blg. 186 na
nagsususog sa Proklamasyon Blg.12 ng 1954, na naglilipat sa panahon ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taun-taon simula sa ika-13
hanggang ika-19 ng Agosto.
a. Corazon C. Aquino
b. Manuel L. Quezon
c. Ferdinand E. Marcos
d. Ramon Magsaysay
40. Ito ay nagmula sa dalawang (2) salitang sanay at pagsasalaysay, na isang
piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista (pananaw) ng may
katha pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, pang-araw-araw
na pangyayari, ala- ala ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao.
a. Talumpati
b. Sanaysay
c. Maikling Kuwento
d. Dula
41. Ito ay uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa at
nangangailangan ng masusing pag-aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa
naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng
pagkakasunud-sunod upang lubos na maunawaan ng bumabasa ang mga salita’y
umaakma sa piniling isyu at kadalasang may mga terminong ginagamit na
kaugnay ng tungkol sa asignaturang ginawan ng Pananaliksik.
a. Pormal
b. Di-pormal
c. Sanaysay na Naglalarawan
d. Sanaysay na Nagkukuwento
42. Bahagi ng sanaysay na pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat
ito ang unang titingnan ng mga mambabasa at dapat nakapupukaw ng atensyon
a. Panimula
b. Katawan
c. Wakas
d. Konklusyon
43. Ang _________ ay isang mabisang pangangalap ng opinyon at katwiran ng ibang
tao na nabibilang sa isang pangkat.
a. Pagsasarbey
b. Interbyu
c. Sounding-out-friends
d. Brainstorming
44. Pakikipanayam o pagtatanong sa mga taong Malaki ang karanasan at awtoridad
sa paksang gustong isulat.
a. Pagtatanong
b. Pagsulat ng dyornal
c. Sounding-out-friends
d. Interbyu
45. Ito ay isang paraan ng pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng
pagmamasid sa mga bagay-bagay, tao o pangkat, at pangyayari.
a. Obserbasyon
b. Brainstorming
c. Pag-eeksperimento
d. Pagtatanong
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang
tsek (/) kung nagpapahayag ito ng katotohanan. ekis (x) naman kung hindi.
46. Ang Tagalog na batayan ng wikang pambansa, ayon sa pag-aaral na ginawa noong
1934 ni Otto Dempwolff ay kabilang sa Indonesian subgroup ng Austronesian.
47. Walang isang wikang pinaiiral noon sapagkat sa halip na ituro ang wikang Espanyol,
ang mga paring dayuhan ang nag-aaral ng mga katutubong wika.
48. Sa huling dantaon ng pananakop ng mga Espanyol, nagkaroon na ng
pagtatangkang itaguyod ang Tagalog bilang wikang pambansa.
49. Ang Kilusang Propaganda ay nagsimula ng paggamit ng Taglog sa mga
pahayagang isinulat nila.
50. Buhat noong magkaroon ng Kapulungang Pansaligang Batas noong 1934, naging
maliwanag ang landas sa hangaring magkaroon ng wikang pambansa.
Download