Senior High School Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Unang Kuwarter – Modyul 1 Mga Konseptong Pangwika https://tinycards.duolingo.com/decks/2zG8bNmS/diskurso-at-komunikasyon Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas Komunikasyon at Pananaliksik Tungo sa Wika at Kulturang Pilipino Alternative Delivery Mode Unang Kwarter – Modyul: Mga Konseptong Pangwika Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim:Alain Del B. Pascua Mga Bumubuo ng Modyul para mga Mag-aaral Manunulat: Piolen C. Petalver, Maria Concepcion A. Macalaguing, Dulce Amor S. Loquias, Celena J. Cabato Tagasuri ng Nilalaman : Dolores A.Tacbas Tagasuri ng Lengguwahe : Desiree E. Mesias Tagasuri: Luzviminda B. Binolhay Tagabalibasa: Desiree E. Mesias Mga Tagaguhit: Mary Jane P. Fabre, Ulysses C. Balasabas Nag-lay-out: Mary Jane P. Fabre Mga Tagapamahala: Pangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III Panrehiyong Direktorr Pangalawang Pangulo: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V Pangalawang Panrehiyong Direktor Jonathan S. dela Peña, PhD, CESO V Tagapamanihala Rowena H. Para-on, PhD Pangalawang Tagapamanihala Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD Members: Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS; Bienvenido U. Tagolimot, Jr., PhD, EPS-ADM; Erlinda G. Dael, PhD, CID Chief; Sally S. Aguilar EPS (Filipino) In-charge; Celieto B. Magsayo, LRMS Manager; Loucile L. Paclar, Librarian II; Kim Eric G. Lubguban, PDO II Inilimbag sa Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Misamis Oriental Office Address: Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000 Telephone Nos: (088) 881-3094 | Text: 0917-8992245 E-mail Address: misamis.oriental@deped.gov.ph 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Unang Kwarter – Modyul 1 Mga Konseptong Pangwika Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukadormula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat naming ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag- email ng inyongmga puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas TALAAN NG NILALAMAN Pahina Panimulang Ideya ------------------------------------------------- 1 Nilalaman ng Modyul ------------------------------------------------- 1 Mga Layunin ------------------------------------------------- 1 Pangkalahatang Panuto ------------------------------------------------- 2 Panimulang Pagtataya ------------------------------------------------- 4 Aralin ------------------------------------------------- 5 Mga Gawain ------------------------------------------------- 6 Paglalahat ------------------------------------------------- 12 Huling Pagtataya ------------------------------------------------- 13 Sanggunian ------------------------------------------------ 15 ALAMIN Panimulang Ideya Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo at marami kang makukuhang kaalaman sa bawat aralin. Kaya pagsikapan mong mabuti na masagot ang mga gawaing inihahanda sa bawat yugto ng pagkatuto. Tiyak na magugustuhan mo ang mga konseptong pangwika. Alam mo bang mahalaga ang ginagampanang papel ng wika sa buhay ng tao? Ngunit dahil lagi na natin itong ginagamit, hindi natin gaanong naoobserbahan ang tungkulin nito.Natural na lamang sa atin ito tulad ng ating paghinga at paglakad. Sa araling ito, ang iyong kaalaman sa pagkamalikhain ay hihimukin. Ang dating kaalaman ay maiuugnay mo rin dito. Pati na rin ang karanasang pansarili ay maari mong pagkunan ng iyong mga kasagutan. Tutulungan kang muli ng mga inihandang gawain. Alam kong makakaya mong sagutin ito. Kaya mo to! Handa ka na ba? Simulan mo na. MODYUL 1 Mga Konseptong Pangwika Markahan: Unang Linggo: 1st Araw: Apat (4) na araw Oras: Apat (4) na oras Pangkalahatang Ideya Sa modyul na ito, tatalakayin ang kahalagahan ng wika bilang instrumento ng komunikasyon. Ang mga kasanayang matutuhan dito ay makatutulong nang malaki upang ihanda ka sa mga gawaing may kinalaman sa pagkakaroon ng mabungang interaksyon. Nilalaman ng Modyul Mahalagang matutunan mo bilang mag-aaral ang mga konseptong pangwika. Makatutulong ito sa iyo upang madagdagan ang iyong karanasan, kaalaman, at kamulatan sa mga kaalamang pandaigdig nang sa gayo’y mapakinabangan ito ng iyong komunidad at lipunan. 1 Mga Layunin Sa modyul na ito, inaasahang sa katapusan ng araling ito ay matatamo mo ang sumusunod na kasanayang pampagkatuto: a. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, at mga panayam F11PN – Ia – 86; b. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika nakapag-uugnay-ugnay ng mga ideya gamit ang makatwirang lohika . F11PT – Ia – 85. Sa huli, nilalayon ng kabanatang ito na masuri ang kalikasan at gamit ng wika. PANGKALAHATANG PANUTO Ang disenyo ng Modyul para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto ay binubuo ng yugto ng pagkatuto, tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng maikling pagsasanay kaugnay sa paksa sa bawat aralin at sa kasanayang pampagkatuto na dapat malinang. Matutunghayan naman sa bahaging suriin ang mga konseptong pangwika. Makikita naman sa bahaging pagyamanin ang mga mahahalagang kaisipan na napapaloob sa konseptong pangwika na lilinangin sa aralin.Tinatasa sa isagawa na bahagi kung natamo ba ang mga kasanayang pampagkatuto sa bawat aralin at kung sapat na ang mga kaalamang natutunan ng mga mag-aaral. Kabilang dito ang ilang gawaing magpapaigting sa mga natutunan sa araling tinalakay. Malaki ang maitutulong sa iyo ng modyul na ito. Higit na maayos at kapaki-pakinabang ang pag-aaral kung susundin mo ang mga panuto o tuntunin sa paggamit sa aralin. 1. Sagutin mo nang maayos ang panimulang pagtataya na susukat sa iyong dating kaalaman. 2. Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang mali huwag kang mag-alala. Tutulungan kang linawin ito habang sinusuri mo ang paksa na nakapaloob dito. 3. Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga kaugnay na gawain. Mababasa mo kung paano ito gagawin. 4. Sagutin mo ang pangwakas na pagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka kahusay at kung paano mo inunawa ang bawat aralin?” kunin mong muli sa iyong guro ang susi ng pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto. 5. Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag masira. Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel o notbuk. 2 MGA KONSEPTONG PANGWIKA “Ang wika’y mahalagang instrumento ng komunikasyon ito’y makatutulong sa pagkakaroon ng mabungang interaskyon” –Anonymous- https://www.freepik.com/premium-vector/young-friendly-woman-logopedist-is-articulating-her-logopedic-treatment-session_5748202.htm#query=concept%20of%20language&position=30 3 SUBUKIN PANIMULANG PAGTATAYA Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem.Isulat lamang ang titik o letra ng mapipili mong sagot sa hiwalay na papel o notbuk. ______ 1. Ginagamit ang Wikang Filipino upang magkaintindihan ang mga Pilipinong may iba’t ibang Unang wikang kinagisnan. Ang Filipino rito ay ginagamit bilang______. a. Wikang Pambansa b. Wikang Opisyal c. Lingua Franca d. Wikang Panturo ______ 2. Kung ang wika ay ginagamit bilang wika sa mga transaksyon at/o komunikasyon sa gobyerno, pasulat man o pasalita,gamit ito bilang _____. a. Lingua franca b. Wikang Pambansa c. Wikang Opisyal d. Wikang Panturo ______ 3. Ayon sa kanya, ang wika ay isang sistema ng mga tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. a. Paz Hernandez b. Henry Allan Gleason,Jr. c. Charles Darwin d. Lope K. Santos _______4.Ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. a. Filipino b. Ilokano c. Bisaya d.Waray _______5.Ayon kay ________, ang wika ay sistema ng tunog o sagisag na ginagamit ng mga tao sa komunikasyon. a. Sapiro b. Hemphill c. Gleason d. Hutch _______6. Ipinapahayag sa Sek.7 artikulo bilang ______ ng Saligang batas ng 1987 na ang Wikang Opisyal sa Pilipinas ay Filipino hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas,gagamitin din ang Wikang Ingles. a. XV b. XII c. XIV d.XVI _______7.Ano ang ating wikang Pambansa? a. Ingles c. Tagalog 4 b. Ilocano d. Filipino _______8. Ayon kay _________, ang wika ay isang makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at kaparaanang lumikha ng tunog. a. Gleason b. Sapiro c. Quezon d. Hemphill _______9. Anong wikang ginagamit bilang wikang panturo sa mga paaralang Pangsekundarya? a. Tagalog at Bisaya b. Maranao at Bisaya c. Ingles at Filipino d. Ingles at Kastila _______10. Ang tawag sa wikang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. a. Wikang Panturo c. Wikang Pambansa b. Wikang Opisyal d.Wikang Pandaigdig 5 ARALIN 1 Ang Wika Nakapaloob sa araling ito ang tungkol sa mga konsepto ng wika. YUGTO NG PAGKATUTO Sa puntong ito, subuking sagutin ang mga sumusunod na katanungan bilang paghahanda sa gawaing may kinalaman sa mga konseptong pangwika. A. TUKLASIN https://www.google.com/search?q=wika+sinasalita++clip+art&tbm=isch&ved=2ahUKEwibroXjornpAhXRA6YKHR8wBaQQ2cCegQIABAA&oq=wika+sinasalita++clip+art&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCABQ25ULWLy3C2CZugtoAHAAeACAAakBiAGEDZIBBDAuMTKYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZw&sclient=img&ei=plPAXpvDBtGHmAWf4JSgCg&bih=676&biw=1517#imgrc=s5x Nq3ayz9tGXM 6 Gawain 1 Panuto: Sa pamamagitan ng graphic organizer sa ibaba magbigay ng sariling pagpapakahulugan ng salitang akasulat sa loob ng bilohaba. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel o notbuk. WIKA B. SURIIN Tunghayan ang Round Table Discussion ng ilang mag-aaral tungkol sa paksang mga konseptong pangwika: Wika, Wikang Pambansa, Wikang Panturo, Wikang Opisyal. Sa pangunguna ng kanilang lider na si Angelo Carrtte, pinag-uusapan nila ang paksang tatalakayin ng kanilang pangkat, ang tungkol sa mga konseptong pangwika. Kasama sa pangkat sina Maxine, Stephanie, Nathalie, Angela at Messiah. Angelo Carrtte: Handa na ba kayo sa tatalakayin natin para sa klase bukas? Maxine: Ako ang mauuna. Wika ang napunta sa akin. Gaya ng napagkasunduan natin, gagawan ng handouts ang tatalakayin kaya’t kumuha na kayo ng tig-iisa para masabayan ninyo ako. Ayon kay Hutch (1991), ang wika ay sisitema ng tunog o sagisag na ginagamit ng tao sa komunikasyon. Ang pagsasalita ng tao ay tinutukoy na sistema ng tunog. Binubuo ng sagisag ang isang wika. Sa nabanggit na depinisyon, tinutukoy rin na ang wika ay para sa tao. Bagaman ang mga hayop ay mayroon ding paraan ng komunikasyon, hindi maituturing na wika ang mga ito. Samakatuwid, ang wikang tinutukoy sa pagtatalakay ay ginagamit ng tao sa pakikipag- ugnayan sa kanyang kapwa tao. 7 Ipinahayag ni Otanes (1990), na ang wika ay isang napakasalimuot na kasangkapan sa pakikipagtalastasan. At ang paglinang sa wika ay nakapokus sa kapakinabang na idudulot sa mag-aaral na matutunan ang wika upang makapaghanapbuhay,makapamuhay sa kanilang kapwa, at mapahalagahan nang lubusan ang kagandahang buhay sa kanyang ginagalawan. Angelo Carrtte: Mahusay, talagang malawak ang naging pananaliksik ni Maxine. Si Stephanie naman, wika rin itinakda sa iyo, di ba? Stephanie: Tama ka. Narito naman ang iba pang kahulugan ng wika. Isinaayos ko ito sa pamamagitan ng isang tsart. Gleason (1961) Ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitaryo na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura Sapiro (Sapiro sa Ruzol 2014:15) Ang wika ay isang lakas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin,at hangarin sa pamamagitan ng isang kusang-loob na kaparaanang lumikha ng tunog. Hemphill (Hemphil sa Ruzol 2014:15) Ang wika ay isang masistemang kabuuan ng mga sagisag na sinsalita o binibigkas na pinagkaisahan o kinaugalian ng isang pangkat ng mga tao,at sa pamamagitan nito’y nagkakaugnay,nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga tao. Angelo Carrtte: Wow! hindi nagpatalo si Stephanie. Pakinggan naman natin si Angela sa pagtatalakay niya. Angela: Ang gamit ng wikang panturo ay magtamo ng mataas na antas ng edukasyon. Wikang Panturo Ang wikang pambansa na itinadhana ng batas ay gagamitin bilang Wikang Panturo.Gagamitin ito upang makatulong sa pagtatamo ng mataas na antas ng edukasyon. Mahalaga ang mabilis na pag-unawa sa tulong ng wikang panturo upang makaagapay sa akademikong pag-unlad. Magiging makahulugan ang pagkatuto gamit ang wikang panturo. Gaya ng isinasaad sa Probisyong Pangwika ng Artikulo XIV seksyon 6 ng Saligang-batas ng 1987, kaugnay ng wikang panturo na: Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nilinang,ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at ibang pang mga wika. Dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ilunsad at puspusang itaguyod ang Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng panturo sa sistemang pang-edukasyon. Angelo Carrtte: Napakakomprehensibo ng talakay mo, Angela. Sige,si Messiah naman ang pakinggan natin para sa huling konseptong pangwika. Ang Wikang Opisyal. Messiah: Okey, ako naman. 8 Wikang Opisyal Tinatawag na Wikang Opisyal ang prinsipal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa pamahalaan, sa politika,sa komersiyo at industriya. Ipinahayag naman sa Artikulo XIV seksyon 7 ng Saligang-batas ng 1987 na: “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang Wikang Opisyal sa Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinadhana ang batas, Ingles.” Tinatanggap din ang Ingles na isa sa wikang opisyal maliban sa Filipino. Maaari itong gamitin sa pakikipagkomunikasyon at edukasyon. Hangga’t walang batas na nagbabawal gamitin ang Ingles sa nasabing sitwasyon, kaagapay ito ng Filipino bilang Wikang Opisyal. Angelo Carrtte: Nakatutuwa naman at talagang handing-handa na tayo para sa talakayan bukas, Maidaragdag na, dahil sa ang mga wika ay buhay, patuloy na umiinog ito sa mga pagbabago. Maging kahulugan o depinisyon lumalawak din at nagbabago. Sige, bukas na natin alamin.Tayo na. Umuwi na tayo at maghanda para bukas. Lahat: Tama ka, para maging maayos ang pagtatalakay natin bukas. - Sipi mula kay M Jocson, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino:Vibal,Inc ,2016 p.4-6 Gawain 2 Panuto: Tukuyin at ipaliwanag ang kahulugan ng konseptong pangwika mula kina: Sapiro,Hemphill, Hutch at Otanes. Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel o notbuk. (Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika nakapag-uugnay-ugnay ng mga ideya gamit ang makatwirang lohika .F11PT – Ia – 85.) Hal: Gleason - ang wika ay "masistemang balangkas" ang bawat wika ay may tuntunin o Sistemang sinusunod sa paggamit ng wika. Isang tiyak na halimbawa ay ang pagbubuo ng pangungusap. Sa bawat gramatika ng isang wika ay may Sistema tama o angkop na pagbabalangkas o pagbubuo ng pangungusap. Dalubhasa sa pag-aaral ng wika Sariling Paliwanag 1. Sapiro 2. Hemphill 9 3. Hutch 4. Otanes C. PAGYAMANIN Sa araling ito, makabubuting pahalagahan natin ang pagsisikap ng KWF na bumuo ng Ortograpiyang Filipino. Sa pamamagitan nito, mahuhutok maging may alam at maingat kayo bilang mag-aaral hinggil sa mga katangian ng mga salitang taal, hiram, balbal, jargon, siyentipiko, bagong-likha, at iba pa. Basahin ang Dekalogo ng Wikang Filipino. Isinusulat ang nasabing dekalogo ni Jose Ladera Santos. Ang kanyang inspirasyon ay ang mga bayani at tanyag ng mga pinuno na nakatuon sa pagmamahal sa lahi, sa bansa, at sa Diyos. Dekalogo ng Wikang Filipino (ni Jose Ladera Santos) I. Ang wika ay dakilang biyaya ng Maykapal sa sangkatauhan.Bawat bansa ay binigyan ng Diyos ng kani-kaniyang wika sa pagkakakilanlan. II. Ang Pilipinas ay mayroong 176 na katutubong wika bukod pa sa panghihiram sa mga banyagang wika. III. Ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino. Si Pangulong Manuel Luis Quezon ang Ama ng Wikang Pambansa. Ang wikang Filipino ay katuparan ng pangarap na wikang panlahat. IV Ang wikang pambansa ay pinayayabong,pinagyayaman at pinatatag ng lahat ng wikang ginagamit sa Pilipinas. V. Ang wika ay puso at kaluluwa ng bansa para sa ganap sa pagkakakilanlan. Nakapaloob ito sa Pambansang Awit, Panunumpa sa Watawat at sa lahat ng sagisag ng kalayaan at kasarinlan. 10 VI. Tungkulin ng bawat Pilipino na pag-aralan,gamitin, Pangalagaan , palaganapin,mahalin at igalang ang Wikang Pambansa kasabay ang gayon ding pagmamalasakit sa lahat ng katutubong wika at mga wikang ginagamit sa Pilipinas. VII. Ang pagmamahal at paggalang sa wika ay katapat ng pagmamahal at paggalang sa sarili.Tumitiyak ito upang igalang din ang kapwa.Taglay ng lahat ng katutubong wika at mga wikang ginagamit sa Pilipinas VIII. Malayang gumamit at pagyamanin ang iba pang wikang gustong matutuhan. Sa pagkatuto ng iba ay lalo pang dapat pakamahalin ang mga kinagisnang wika. Ano mang wikang hindi katutubo sa Pilipinas ay wikang hiram. Hindi matatanggap bilang pagkakakilanlan at hindi maaangkin ang sariling atin. IX. Bawat Pilipino ay nag-iisip, nangangarap at nanaginip Sa wikang Filipino o wikang kinagisnan. X. Ang bawat pagsasalita at pagsusulat gamit ng wika ay pagdiriwang at pasasalamat sa Maykapal sa pagkakaloob ng wika bilang biyaya sa sangkatauhan. - Sipi mula kay M Jocson, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino:Vibal,Inc ,2016 p.14-15 Gawain 3 Pagsusuri: Gumawa ng talahanayan sa inyong notbuk kagaya ng modelo sa ibaba. Sa unang kolum, isulat ang limang (5) konseptong pangwikang inyong natutunan mula sa modyul na ito. Sa ikalawang kolum naman, isulat ang kaukulang bilang ng Dekalogo kung saan nakapaloob ang konseptong ito at sa ikatlong kolum, magbigay ng maikling paliwanag. (Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, at mga panayam F11PN – Ia – 86) 11 KONSEPTONG PANGWIKA Hal: Tinatawag na Wikang Opisyal ang prinsipal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa pamahalaan, sa politika, sa komersiyo at industriya. Ipinahayag naman sa Artikulo XIV seksyon 7 ng Saligang-batas ng 1987 na: “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang Wikang Opisyal sa Pilipinas ay Filipino BILANG NG DEKALOGO PALIWANAG III Filipino ang opisyal na wika ng bansang Pilipinas upang ang lahat ay magkakaintindihan. 1. 2. 3. 4. 5. D. ISAGAWA Gawain 4 Natutuwa ako na natapos mo na nang maayos ang mga gawain sa tatlong yugto ng pagkatuto. Ngayon, inaasahan ko na may sapat ka ng kaalaman upang sagutin ang mga tanong na ibibigay ko sa iyo sa gawain 4. Panuto: Gumawa ng hugis puso at kahon sa inyong notbuk kagaya ng modelo sa ibaba Sagutin ang hinihingi sa bawat hugis base sa kabuuang talakayan sa modyul na ito. 12 Ang Nilalaman ng Aking Puso Ukol sa Kahulugan ng Wika Mga dapat kong pahalagahan sa mga konseptong pangwika (Maaari ring sabihing paano mapahahalagahan ang mga konseptong pangwikang natutunan) 1. 2. 3. 4. 5. Ayon sa aklat ni Magdalena O. Jocson sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino na ang pagtukoy sa kahulugan ng mga konseptong pangwika,kailangan ang literal na kahulugan nito na maaring kunin sa diksyunaryo o iba pang babasahing pangwika.Maaari rin ito sa pamamagitan ng panayam sa mga taong eksperto sa larangan ito.Higit sa lahat ang karanasan ng mga taong gumagamit ng wika o nagpapahalaga rito na gamit sa aktuwal na buhay sa araw-araw na pakikisalimuha sa iba’t ibang tao,ay maaaring batayan din sa pagtukoy sa kahulugan ng mga konseptong pangwika.Sa araling ito natutunghayan ang kahulugan ng ilang konseptong pangwika(wika,wikang pambansa,wikang panturo,at wikang opisyal). Mayroon iba’t ibang kahulugan ng wika mula sa mga dalubwika tulad ng: Wika ay binubuo ng tunog at sagisag na ginagamit ng mga tao sa pakikipagkomunikasyon upang magkaunawaan. Wikang Pambansa naman ay pinagtibay ng pambansang pamahalaan at ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnaya sa mamamayan. Wikang panturo ang ginagamit upang magtamo ng mataas na antas ng edukasyon. Tinatawag naman na wikang opisyal ang principal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa pamahalaan at sa politika,sa komersiyo at industriya .☺ 13 TAYAHIN HULING PAGTATAYA Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem.Isulat lamang ang titik o letra ng mapipili mong sagot sa hiwalay na papel o notbuk. ______ 1. Ginagamit ang Wikang Filipino upang magkaintindihan ang mga Pilipinong may iba’t ibang Unang wikang kinagisnan. Ang Filipino rito ay ginagamit bilang______. a. Wikang Pambansa b. Wikang Opisyal c. Lingua Franca d.Wikang Panturo ______ 2. Kung ang wika ay ginagamit bilang wika sa mga transaksyon at/o komunikasyon sa gobyerno, pasulat man o pasalita, gamit ito bilang____. a. Lingua franca b. Wikang Pambansa c. Wikang Opisyal d. Wikang Panturo ______ 3. Ayon sa kanya, ang wika ay isang sistema ng mga tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. a. Paz Hernandez b. Henry Allan Gleason,Jr. c. Charles Darwin d. Lope K. Santos _______4.Ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. a. Filipino b. Ilokano c. Bisaya d.Waray _______5.Ayon kay ________, ang wika ay sistema ng tunog o sagisag na ginagamit ng mga tao sa komunikasyon. a. Sapiro b. Hemphill c. Gleason d. Hutch _______6. Ipinapahayag sa Sek.7 artikulo bilang ______ ng Saligang batas ng 1987 na ang Wikang Opisyal sa Pilipinas ay Filipino hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas,gagamitin din ang Wikang Ingles. a. XV b. XII c. XIV d.XVI _______7.Ano ang ating wikang Pambansa? a. Ingles c. Tagalog 14 b. Ilocano d. Filipino _______8. Ayon kay _________, ang wika ay isang makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at kaparaanang lumikha ng tunog. a. Gleason b. Sapiro c. Quezon d. Hemphill _______9. Anong wikang ginagamit bilang wikang panturo sa mga paaralang Pangsekundarya? a. Tagalog at Bisaya b. Maranao at Bisaya c. Ingles at Filipino d. Ingles at Kastila _______10. Ang tawag sa wikang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. a. Wikang Panturo c. Wikang Pambansa b. Wikang Opisyal d.Wikang Pandaigdig SUSI NG PAGWAWASTO Gawain 3 Iwawasto ng guro ang paliwanag ng bata Gawain 1 Gawain 2 instrumento Gleason –Ang wika ay may masistemang tunog… tunog komunikasyon salita 15 Subukin at tayahin 1. A 2. B 3. B 4. A 5. C 6. C 7. D 8. B 9. C 10. A Gawain 4 .A Pampelikula, Panradyo,Pantelebisyon Gawain 4 .B Ang wika ay mga simbolong salita ng mga. kaisipan at saloobin.Ito ay isang behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya o palagay sa tulong ng mga salita na maaaring pasalita o pasulat TALASANGGUNIAN SANGGUNIAN A. Mga Aklat Almario, Virgilio S. (Ed.). Poetikang Tagalog: Mga unang pagsusuri sa sining ng pagtulang Tagalog .Lungsod ng Quezon: UP Diliman. 1996. Bernales, Rolando, Atienza, Glecy, Talegon, Vivencio Jr., at Rovira, Stanley. Kritikal na pagbasa at lohikal na pagsulat tungo sa pananaliksik.Valenzuela City: Mutya Publishing House Inc. 2006. Bernales, Rolando A. Bukal 3: Pagbasa.San Mateo, Rizal: Vicente Publishing House, Inc. 2006. Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 927 Quezon Avenue, Quezon City: Phoenix Publishing House, 2016. Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group, Inc. 2016 Nuncio, Rhoderick V. et.al. SIDHAYA 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Cand E Publishing, Inc. 2016 Tumangan, Alcomister P., Bernales, Rolando A., Dante C. & Mangonon, Isabela A.Sining ng pakikipagtalastasa: Pandalubhasaan.Valenzuela City: Mutya Publishing House Inc. 2000. Webster’s new colligiate dictionary. Springfield, A: G and G Merriam 1961. The personal promise pocketbook. Makati: Alliance Publishers, Inc. 1987. De Jesus, Armado F. Institutional research capability and performance at the University of Santo Tomas: Proposed model for managing research in private HEIs. Di-nalathalang disertasyon, UST. 2000. Grospe, Alas A. Isang pagsusuri ng mga pamaraang ginamit ni Rolando Tinio sa pagsasalin ng mga idyoma sa mga dula ni Shakespeare. Di-nalathalang tisis, UP Diliman. 1999 Maddux, K. March. True stories of the interest patrol. Net Guide Magazine, 8898. 1997 Nolasco, Ma. Ricardo. Ang panglinggwistiks na pagsasalin sa wikang pambansa. Lagda, 12-20. 1998. 16 B. Websites Burgess, Patricia. 1995. A guide for research paper: APA style. http://webster.commet.edu/apa/apa_intro.htm#content2 Comments and criticisms on Gabriel Garcia Marquez’s Love in the Time of Cholera. http://Gabrielgarciamarquez.edu.ph http://atin-americanliterature.edu.ph https://www.freepik.com/free-vector/research-background-design_1028140.htm http://floredelresus.blogspot.com/2017/08/gamit-ng-wika-sa-lipunan_11.html 17