Uploaded by John Claud Hilario

Komunikasyon11-Q1-Mod1 KonseptongPangwika-1 version 3 (1)

advertisement
Senior High School
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Unang Kuwarter – Modyul 1
Mga Konseptong Pangwika
https://tinycards.duolingo.com/decks/2zG8bNmS/diskurso-at-komunikasyon
Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
Komunikasyon at Pananaliksik Tungo sa Wika at Kulturang Pilipino
Alternative Delivery Mode
Unang Kwarter – Modyul: Mga Konseptong Pangwika
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim:Alain Del B. Pascua
Mga Bumubuo ng Modyul para mga Mag-aaral
Manunulat: Piolen C. Petalver, Maria Concepcion A. Macalaguing,
Dulce Amor S. Loquias, Celena J. Cabato
Tagasuri ng Nilalaman : Dolores A.Tacbas
Tagasuri ng Lengguwahe : Desiree E. Mesias
Tagasuri: Luzviminda B. Binolhay
Tagabalibasa: Desiree E. Mesias
Mga Tagaguhit: Mary Jane P. Fabre, Ulysses C. Balasabas
Nag-lay-out: Mary Jane P. Fabre
Mga Tagapamahala:
Pangulo:
Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Panrehiyong Direktorr
Pangalawang Pangulo: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Pangalawang Panrehiyong Direktor
Jonathan S. dela Peña, PhD, CESO V
Tagapamanihala
Rowena H. Para-on, PhD
Pangalawang Tagapamanihala
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Members:
Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS; Bienvenido U. Tagolimot, Jr., PhD, EPS-ADM;
Erlinda G. Dael, PhD, CID Chief; Sally S. Aguilar EPS (Filipino) In-charge; Celieto B.
Magsayo, LRMS Manager; Loucile L. Paclar, Librarian II;
Kim Eric G. Lubguban, PDO II
Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Misamis Oriental
Office Address:
Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000
Telephone Nos:
(088) 881-3094 | Text: 0917-8992245
E-mail Address:
misamis.oriental@deped.gov.ph
11
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Unang Kwarter – Modyul 1
Mga Konseptong Pangwika
Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga
edukadormula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan.
Hinihikayat naming ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na
mag- email ng inyongmga puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
action@deped.gov.ph.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
TALAAN NG NILALAMAN
Pahina
Panimulang Ideya
-------------------------------------------------
1
Nilalaman ng Modyul
-------------------------------------------------
1
Mga Layunin
-------------------------------------------------
1
Pangkalahatang Panuto
-------------------------------------------------
2
Panimulang Pagtataya
-------------------------------------------------
4
Aralin
-------------------------------------------------
5
Mga Gawain
-------------------------------------------------
6
Paglalahat
-------------------------------------------------
12
Huling Pagtataya
-------------------------------------------------
13
Sanggunian
------------------------------------------------
15
ALAMIN
Panimulang Ideya
Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo at marami kang makukuhang
kaalaman sa bawat aralin. Kaya pagsikapan mong mabuti na masagot ang mga
gawaing inihahanda sa bawat yugto ng pagkatuto. Tiyak na magugustuhan mo ang
mga konseptong pangwika.
Alam mo bang mahalaga ang ginagampanang papel ng wika sa buhay ng
tao? Ngunit dahil lagi na natin itong ginagamit, hindi natin gaanong naoobserbahan
ang tungkulin nito.Natural na lamang sa atin ito tulad ng ating paghinga at paglakad.
Sa araling ito, ang iyong kaalaman sa pagkamalikhain ay hihimukin. Ang
dating kaalaman ay maiuugnay mo rin dito. Pati na rin ang karanasang pansarili ay
maari mong pagkunan ng iyong mga kasagutan.
Tutulungan kang muli ng mga inihandang gawain. Alam kong makakaya mong
sagutin ito. Kaya mo to! Handa ka na ba? Simulan mo na.
MODYUL 1
Mga Konseptong Pangwika
Markahan: Unang
Linggo: 1st
Araw: Apat (4) na araw
Oras: Apat (4) na oras
Pangkalahatang Ideya
Sa modyul na ito, tatalakayin ang kahalagahan ng wika bilang instrumento ng
komunikasyon. Ang mga kasanayang matutuhan dito ay makatutulong nang malaki
upang ihanda ka sa mga gawaing may kinalaman sa pagkakaroon ng mabungang
interaksyon.
Nilalaman ng Modyul
Mahalagang matutunan mo bilang mag-aaral ang mga konseptong pangwika.
Makatutulong ito sa iyo upang madagdagan ang iyong karanasan, kaalaman, at
kamulatan sa mga kaalamang pandaigdig nang sa gayo’y mapakinabangan ito ng
iyong komunidad at lipunan.
1
Mga Layunin
Sa modyul na ito, inaasahang sa katapusan ng araling ito ay matatamo mo ang
sumusunod na kasanayang pampagkatuto:
a. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang
sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, at mga panayam
F11PN – Ia – 86;
b. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika
nakapag-uugnay-ugnay ng mga ideya gamit ang makatwirang lohika .
F11PT – Ia – 85. Sa huli, nilalayon ng kabanatang ito na masuri ang
kalikasan at gamit ng wika.
PANGKALAHATANG PANUTO
Ang disenyo ng Modyul para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto ay
binubuo ng yugto ng pagkatuto, tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng maikling
pagsasanay kaugnay sa paksa sa bawat aralin at sa kasanayang pampagkatuto na
dapat malinang. Matutunghayan naman sa bahaging suriin ang mga konseptong
pangwika. Makikita naman sa bahaging pagyamanin ang mga mahahalagang
kaisipan na napapaloob sa konseptong pangwika na lilinangin sa aralin.Tinatasa sa
isagawa na bahagi kung natamo ba ang mga kasanayang pampagkatuto sa bawat
aralin at kung sapat na ang mga kaalamang natutunan ng mga mag-aaral. Kabilang
dito ang ilang gawaing magpapaigting sa mga natutunan sa araling tinalakay. Malaki
ang maitutulong sa iyo ng modyul na ito. Higit na maayos at kapaki-pakinabang ang
pag-aaral kung susundin mo ang mga panuto o tuntunin sa paggamit sa aralin.
1. Sagutin mo nang maayos ang panimulang pagtataya na susukat sa iyong
dating kaalaman.
2. Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang mali
huwag kang mag-alala. Tutulungan kang linawin ito habang sinusuri mo ang paksa na
nakapaloob dito.
3. Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga
kaugnay na gawain. Mababasa mo kung paano ito gagawin.
4. Sagutin mo ang pangwakas na pagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka
kahusay at kung paano mo inunawa ang bawat aralin?” kunin mong muli sa iyong guro
ang susi ng pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto.
5. Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag
masira. Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel o notbuk.
2
MGA KONSEPTONG PANGWIKA
“Ang wika’y mahalagang instrumento ng komunikasyon ito’y makatutulong
sa pagkakaroon ng mabungang interaskyon”
–Anonymous-
https://www.freepik.com/premium-vector/young-friendly-woman-logopedist-is-articulating-her-logopedic-treatment-session_5748202.htm#query=concept%20of%20language&position=30
3
SUBUKIN
PANIMULANG PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem.Isulat
lamang ang titik o letra ng mapipili mong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.
______ 1. Ginagamit ang Wikang Filipino upang magkaintindihan ang mga Pilipinong
may iba’t ibang Unang wikang kinagisnan. Ang Filipino rito ay ginagamit
bilang______.
a. Wikang Pambansa
b. Wikang Opisyal
c. Lingua Franca
d. Wikang Panturo
______ 2. Kung ang wika ay ginagamit bilang wika sa mga transaksyon at/o
komunikasyon sa gobyerno, pasulat man o pasalita,gamit ito bilang
_____.
a. Lingua franca
b. Wikang Pambansa
c. Wikang Opisyal
d. Wikang Panturo
______ 3. Ayon sa kanya, ang wika ay isang sistema ng mga tunog na isinaayos sa
paraang arbitraryo.
a. Paz Hernandez
b. Henry Allan Gleason,Jr.
c. Charles Darwin
d. Lope K. Santos
_______4.Ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo.
a. Filipino
b. Ilokano
c. Bisaya
d.Waray
_______5.Ayon kay ________, ang wika ay sistema ng tunog o sagisag na ginagamit
ng mga tao sa komunikasyon.
a. Sapiro
b. Hemphill
c. Gleason
d. Hutch
_______6. Ipinapahayag sa Sek.7 artikulo bilang ______ ng Saligang batas ng 1987
na ang Wikang Opisyal sa Pilipinas ay Filipino hangga’t walang ibang
itinatadhana ang batas,gagamitin din ang Wikang Ingles.
a. XV
b. XII
c. XIV
d.XVI
_______7.Ano ang ating wikang Pambansa?
a. Ingles
c. Tagalog
4
b. Ilocano
d. Filipino
_______8. Ayon kay _________, ang wika ay isang makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at kaparaanang lumikha ng
tunog.
a. Gleason
b. Sapiro
c. Quezon
d. Hemphill
_______9. Anong wikang ginagamit bilang wikang panturo sa mga paaralang Pangsekundarya?
a. Tagalog at Bisaya
b. Maranao at Bisaya
c. Ingles at Filipino
d. Ingles at Kastila
_______10. Ang tawag sa wikang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na
edukasyon.
a. Wikang Panturo
c. Wikang Pambansa
b. Wikang Opisyal
d.Wikang Pandaigdig
5
ARALIN 1
Ang Wika
Nakapaloob sa araling ito ang tungkol sa mga konsepto ng wika.
YUGTO NG PAGKATUTO
Sa puntong ito, subuking sagutin ang mga sumusunod na katanungan bilang
paghahanda sa gawaing may kinalaman sa mga konseptong pangwika.
A. TUKLASIN
https://www.google.com/search?q=wika+sinasalita++clip+art&tbm=isch&ved=2ahUKEwibroXjornpAhXRA6YKHR8wBaQQ2cCegQIABAA&oq=wika+sinasalita++clip+art&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCABQ25ULWLy3C2CZugtoAHAAeACAAakBiAGEDZIBBDAuMTKYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZw&sclient=img&ei=plPAXpvDBtGHmAWf4JSgCg&bih=676&biw=1517#imgrc=s5x
Nq3ayz9tGXM
6
Gawain 1
Panuto: Sa pamamagitan ng graphic organizer sa ibaba magbigay ng sariling
pagpapakahulugan ng salitang akasulat sa loob ng bilohaba. Isulat ang
iyong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.
WIKA
B. SURIIN
Tunghayan ang Round Table Discussion ng ilang mag-aaral tungkol sa
paksang mga konseptong pangwika: Wika, Wikang Pambansa, Wikang Panturo,
Wikang Opisyal.
Sa pangunguna ng kanilang lider na si Angelo Carrtte, pinag-uusapan nila ang
paksang tatalakayin ng kanilang pangkat, ang tungkol sa mga konseptong pangwika.
Kasama sa pangkat sina Maxine, Stephanie, Nathalie, Angela at Messiah.
Angelo Carrtte: Handa na ba kayo sa tatalakayin natin para sa klase bukas?
Maxine: Ako ang mauuna. Wika ang napunta sa akin. Gaya ng
napagkasunduan natin, gagawan ng handouts ang tatalakayin kaya’t kumuha na kayo
ng tig-iisa para masabayan ninyo ako.
Ayon kay Hutch (1991), ang wika ay sisitema ng tunog o sagisag na ginagamit
ng tao sa komunikasyon. Ang pagsasalita ng tao ay tinutukoy na sistema ng tunog.
Binubuo ng sagisag ang isang wika. Sa nabanggit na depinisyon, tinutukoy rin na ang
wika ay para sa tao. Bagaman ang mga hayop ay mayroon ding paraan ng
komunikasyon, hindi maituturing na wika ang mga ito. Samakatuwid, ang wikang
tinutukoy sa pagtatalakay ay ginagamit ng tao sa pakikipag- ugnayan sa kanyang
kapwa tao.
7
Ipinahayag ni Otanes (1990), na ang wika ay isang napakasalimuot na
kasangkapan sa pakikipagtalastasan. At ang paglinang sa wika ay nakapokus sa
kapakinabang na idudulot sa mag-aaral na matutunan ang wika upang
makapaghanapbuhay,makapamuhay sa kanilang kapwa, at mapahalagahan nang
lubusan ang kagandahang buhay sa kanyang ginagalawan.
Angelo Carrtte: Mahusay, talagang malawak ang naging pananaliksik ni
Maxine. Si Stephanie naman, wika rin itinakda sa iyo, di ba?
Stephanie: Tama ka. Narito naman ang iba pang kahulugan ng wika. Isinaayos ko ito
sa pamamagitan ng isang tsart.
Gleason
(1961)
Ang wika ay masistemang
balangkas
ng
mga
sinasalitang tunog na pinili
at isinaayos sa paraang
arbitaryo na ginagamit
sa pakikipagkomunikasyon
ng mga taong kabilang sa
isang kultura
Sapiro
(Sapiro sa Ruzol
2014:15)
Ang wika ay isang
lakas at makataong
pamamaraan
ng
paghahatid ng mga
kaisipan, damdamin,at
hangarin
sa
pamamagitan ng isang
kusang-loob
na
kaparaanang lumikha
ng tunog.
Hemphill
(Hemphil sa Ruzol
2014:15)
Ang
wika
ay
isang
masistemang kabuuan ng
mga sagisag na sinsalita o
binibigkas na pinagkaisahan
o kinaugalian ng isang
pangkat ng mga tao,at sa
pamamagitan
nito’y
nagkakaugnay,nagkakaunawaan at nagkakaisa ang
mga tao.
Angelo Carrtte: Wow! hindi nagpatalo si Stephanie. Pakinggan naman natin si Angela
sa pagtatalakay niya.
Angela: Ang gamit ng wikang panturo ay magtamo ng mataas na antas ng edukasyon.
Wikang Panturo
Ang wikang pambansa na itinadhana ng batas ay gagamitin bilang Wikang
Panturo.Gagamitin ito upang makatulong sa pagtatamo ng mataas na antas ng
edukasyon. Mahalaga ang mabilis na pag-unawa sa tulong ng wikang panturo upang
makaagapay sa akademikong pag-unlad. Magiging makahulugan ang pagkatuto
gamit ang wikang panturo. Gaya ng isinasaad sa Probisyong Pangwika ng Artikulo
XIV seksyon 6 ng Saligang-batas ng 1987, kaugnay ng wikang panturo na:
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nilinang,ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at ibang
pang mga wika. Dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ilunsad
at puspusang itaguyod ang Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at
bilang wika ng panturo sa sistemang pang-edukasyon.
Angelo Carrtte: Napakakomprehensibo ng talakay mo, Angela. Sige,si Messiah
naman ang pakinggan natin para sa huling konseptong pangwika. Ang Wikang
Opisyal.
Messiah: Okey, ako naman.
8
Wikang Opisyal
Tinatawag na Wikang Opisyal ang prinsipal na wikang ginagamit sa edukasyon,
sa pamahalaan, sa politika,sa komersiyo at industriya. Ipinahayag naman sa Artikulo
XIV seksyon 7 ng Saligang-batas ng 1987 na: “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon
at pagtuturo, ang Wikang Opisyal
sa Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang
itinadhana ang batas, Ingles.” Tinatanggap din ang Ingles na isa sa wikang opisyal
maliban sa Filipino. Maaari itong gamitin sa pakikipagkomunikasyon at edukasyon.
Hangga’t walang batas na nagbabawal gamitin ang Ingles sa nasabing sitwasyon,
kaagapay ito ng Filipino bilang Wikang Opisyal.
Angelo Carrtte: Nakatutuwa naman at talagang handing-handa na tayo para sa
talakayan bukas, Maidaragdag na, dahil sa ang mga wika ay buhay, patuloy na
umiinog ito sa mga pagbabago. Maging kahulugan o depinisyon lumalawak din at
nagbabago. Sige, bukas na natin alamin.Tayo na. Umuwi na tayo at maghanda para
bukas.
Lahat: Tama ka, para maging maayos ang pagtatalakay natin bukas.
- Sipi mula kay M Jocson, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino:Vibal,Inc ,2016 p.4-6
Gawain 2
Panuto: Tukuyin at ipaliwanag ang kahulugan ng konseptong pangwika mula
kina: Sapiro,Hemphill, Hutch at Otanes. Gayahin ang kasunod na
pormat sa sagutang papel o notbuk. (Natutukoy ang mga kahulugan at
kabuluhan ng mga konseptong pangwika nakapag-uugnay-ugnay ng mga
ideya gamit ang makatwirang lohika .F11PT – Ia – 85.)
Hal: Gleason - ang wika ay "masistemang balangkas" ang bawat wika ay may tuntunin o
Sistemang sinusunod sa paggamit ng wika. Isang tiyak na halimbawa ay ang
pagbubuo ng pangungusap. Sa bawat gramatika ng isang wika ay may
Sistema tama o angkop na pagbabalangkas o pagbubuo ng pangungusap.
Dalubhasa sa pag-aaral
ng wika
Sariling Paliwanag
1. Sapiro
2. Hemphill
9
3. Hutch
4. Otanes
C. PAGYAMANIN
Sa araling ito, makabubuting pahalagahan natin ang pagsisikap ng KWF na
bumuo ng Ortograpiyang Filipino. Sa pamamagitan nito, mahuhutok maging may alam
at maingat kayo bilang mag-aaral hinggil sa mga katangian ng mga salitang taal,
hiram, balbal, jargon, siyentipiko, bagong-likha, at iba pa. Basahin ang Dekalogo ng
Wikang Filipino. Isinusulat ang nasabing dekalogo ni Jose Ladera Santos. Ang
kanyang inspirasyon ay ang mga bayani at tanyag ng mga pinuno na nakatuon sa
pagmamahal sa lahi, sa bansa, at sa Diyos.
Dekalogo ng Wikang Filipino
(ni Jose Ladera Santos)
I.
Ang wika ay dakilang biyaya ng Maykapal sa
sangkatauhan.Bawat bansa ay binigyan ng Diyos ng
kani-kaniyang wika sa pagkakakilanlan.
II.
Ang Pilipinas ay mayroong 176 na katutubong wika
bukod pa sa panghihiram sa mga banyagang wika.
III.
Ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino.
Si Pangulong Manuel Luis Quezon ang
Ama ng Wikang Pambansa. Ang wikang Filipino ay
katuparan ng pangarap na wikang panlahat.
IV
Ang wikang pambansa ay pinayayabong,pinagyayaman
at pinatatag ng lahat ng wikang ginagamit sa Pilipinas.
V.
Ang wika ay puso at kaluluwa ng bansa para sa ganap
sa pagkakakilanlan. Nakapaloob ito sa Pambansang Awit, Panunumpa
sa Watawat at sa lahat ng sagisag ng kalayaan at kasarinlan.
10
VI.
Tungkulin ng bawat Pilipino na pag-aralan,gamitin,
Pangalagaan , palaganapin,mahalin at igalang ang
Wikang Pambansa kasabay ang gayon ding pagmamalasakit
sa lahat ng katutubong wika at mga wikang ginagamit sa Pilipinas.
VII.
Ang pagmamahal at paggalang sa wika ay katapat ng
pagmamahal at paggalang sa sarili.Tumitiyak ito
upang igalang din ang kapwa.Taglay ng lahat ng
katutubong wika at mga wikang ginagamit sa Pilipinas
VIII.
Malayang gumamit at pagyamanin ang iba pang wikang
gustong matutuhan. Sa pagkatuto ng iba ay lalo pang
dapat pakamahalin ang mga kinagisnang wika. Ano
mang wikang hindi katutubo sa Pilipinas ay
wikang hiram. Hindi matatanggap bilang
pagkakakilanlan at hindi maaangkin ang sariling atin.
IX.
Bawat Pilipino ay nag-iisip, nangangarap at nanaginip
Sa wikang Filipino o wikang kinagisnan.
X.
Ang bawat pagsasalita at pagsusulat gamit ng wika
ay pagdiriwang at pasasalamat sa Maykapal sa
pagkakaloob ng wika bilang biyaya sa sangkatauhan.
-
Sipi mula kay M Jocson, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino:Vibal,Inc ,2016 p.14-15
Gawain 3
Pagsusuri: Gumawa ng talahanayan sa inyong notbuk kagaya ng modelo sa ibaba.
Sa unang kolum, isulat ang limang (5) konseptong pangwikang inyong
natutunan mula sa modyul na ito. Sa ikalawang kolum naman, isulat
ang
kaukulang bilang ng Dekalogo kung saan nakapaloob ang
konseptong ito at sa ikatlong kolum, magbigay ng maikling paliwanag.
(Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong
pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, at mga panayam F11PN – Ia – 86)
11
KONSEPTONG
PANGWIKA
Hal: Tinatawag na Wikang
Opisyal ang prinsipal na
wikang
ginagamit
sa
edukasyon,
sa
pamahalaan, sa politika, sa
komersiyo at industriya.
Ipinahayag
naman
sa
Artikulo XIV seksyon 7 ng
Saligang-batas ng 1987 na:
“Ukol sa mga layunin ng
komunikasyon at pagtuturo,
ang Wikang Opisyal
sa
Pilipinas ay Filipino
BILANG NG
DEKALOGO
PALIWANAG
III
Filipino ang opisyal na wika ng bansang
Pilipinas
upang
ang
lahat
ay
magkakaintindihan.
1.
2.
3.
4.
5.
D. ISAGAWA
Gawain 4
Natutuwa ako na natapos mo na nang maayos ang mga gawain sa tatlong
yugto ng pagkatuto. Ngayon, inaasahan ko na may sapat ka ng kaalaman upang
sagutin ang mga tanong na ibibigay ko sa iyo sa gawain 4.
Panuto: Gumawa ng hugis puso at kahon sa inyong notbuk kagaya ng modelo sa
ibaba Sagutin ang hinihingi sa bawat hugis base sa kabuuang talakayan
sa modyul na ito.
12
Ang Nilalaman ng Aking Puso Ukol sa Kahulugan ng Wika
Mga dapat kong pahalagahan sa mga konseptong pangwika (Maaari ring
sabihing paano mapahahalagahan ang mga konseptong pangwikang
natutunan)
1.
2.
3.
4.
5.
Ayon sa aklat ni Magdalena O. Jocson sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino na ang pagtukoy sa kahulugan ng mga konseptong pangwika,kailangan
ang literal na kahulugan nito na maaring kunin sa diksyunaryo o iba pang babasahing
pangwika.Maaari rin ito sa pamamagitan ng panayam sa mga taong eksperto sa larangan
ito.Higit sa lahat ang karanasan ng mga taong gumagamit ng wika o nagpapahalaga rito na
gamit sa aktuwal na buhay sa araw-araw na pakikisalimuha sa iba’t ibang tao,ay maaaring
batayan din sa pagtukoy sa kahulugan ng mga konseptong pangwika.Sa araling ito
natutunghayan
ang
kahulugan
ng
ilang
konseptong
pangwika(wika,wikang
pambansa,wikang panturo,at wikang opisyal).
Mayroon iba’t ibang kahulugan ng wika mula sa mga dalubwika tulad ng:
Wika ay binubuo ng tunog at sagisag na ginagamit ng mga tao sa pakikipagkomunikasyon
upang magkaunawaan. Wikang Pambansa naman ay pinagtibay ng pambansang
pamahalaan at ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnaya sa mamamayan. Wikang
panturo ang ginagamit upang magtamo ng mataas na antas ng edukasyon. Tinatawag
naman na wikang opisyal ang principal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa pamahalaan
at sa politika,sa komersiyo at industriya .☺
13
TAYAHIN
HULING PAGTATAYA
Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem.Isulat lamang ang
titik o letra ng mapipili mong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.
______ 1. Ginagamit ang Wikang Filipino upang magkaintindihan ang mga Pilipinong
may iba’t ibang Unang wikang kinagisnan. Ang Filipino rito ay ginagamit
bilang______.
a. Wikang Pambansa
b. Wikang Opisyal
c. Lingua Franca
d.Wikang Panturo
______ 2. Kung ang wika ay ginagamit bilang wika sa mga transaksyon at/o
komunikasyon sa gobyerno, pasulat man o pasalita, gamit ito
bilang____.
a. Lingua franca
b. Wikang Pambansa
c. Wikang Opisyal
d. Wikang Panturo
______ 3. Ayon sa kanya, ang wika ay isang sistema ng mga tunog na isinaayos sa
paraang arbitraryo.
a. Paz Hernandez
b. Henry Allan Gleason,Jr.
c. Charles Darwin
d. Lope K. Santos
_______4.Ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo.
a. Filipino
b. Ilokano
c. Bisaya
d.Waray
_______5.Ayon kay ________, ang wika ay sistema ng tunog o sagisag na ginagamit
ng mga tao sa komunikasyon.
a. Sapiro
b. Hemphill
c. Gleason
d. Hutch
_______6. Ipinapahayag sa Sek.7 artikulo bilang ______ ng Saligang batas ng 1987
na ang Wikang Opisyal sa Pilipinas ay Filipino hangga’t walang ibang
itinatadhana ang batas,gagamitin din ang Wikang Ingles.
a. XV
b. XII
c. XIV
d.XVI
_______7.Ano ang ating wikang Pambansa?
a. Ingles
c. Tagalog
14
b. Ilocano
d. Filipino
_______8. Ayon kay _________, ang wika ay isang makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at kaparaanang lumikha ng
tunog.
a. Gleason
b. Sapiro
c. Quezon
d. Hemphill
_______9. Anong wikang ginagamit bilang wikang panturo sa mga paaralang Pangsekundarya?
a. Tagalog at Bisaya
b. Maranao at Bisaya
c. Ingles at Filipino
d. Ingles at Kastila
_______10. Ang tawag sa wikang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na
edukasyon.
a. Wikang Panturo
c. Wikang Pambansa
b. Wikang Opisyal
d.Wikang Pandaigdig
SUSI NG PAGWAWASTO
Gawain 3
Iwawasto ng guro ang paliwanag ng bata
Gawain 1
Gawain 2
instrumento
Gleason –Ang wika ay may masistemang tunog…
tunog
komunikasyon
salita
15
Subukin at
tayahin
1. A
2. B
3. B
4. A
5. C
6. C
7. D
8. B
9. C
10. A
Gawain 4 .A
Pampelikula, Panradyo,Pantelebisyon
Gawain 4 .B
Ang wika ay mga simbolong salita ng mga.
kaisipan at saloobin.Ito ay isang behikulo o
paraan ng paghahatid ng ideya o palagay sa
tulong ng mga salita na maaaring pasalita o
pasulat
TALASANGGUNIAN
SANGGUNIAN
A. Mga Aklat
Almario, Virgilio S. (Ed.). Poetikang Tagalog: Mga unang pagsusuri sa sining
ng pagtulang Tagalog .Lungsod ng Quezon: UP Diliman. 1996.
Bernales, Rolando, Atienza, Glecy, Talegon, Vivencio Jr., at Rovira, Stanley.
Kritikal
na
pagbasa
at
lohikal
na
pagsulat
tungo
sa
pananaliksik.Valenzuela City: Mutya Publishing House Inc. 2006.
Bernales, Rolando A. Bukal 3: Pagbasa.San Mateo, Rizal: Vicente Publishing
House, Inc. 2006.
Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 927 Quezon
Avenue, Quezon City: Phoenix Publishing House, 2016.
Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group, Inc.
2016
Nuncio, Rhoderick V. et.al. SIDHAYA 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino. Cand E Publishing, Inc. 2016
Tumangan, Alcomister P., Bernales, Rolando A., Dante C. & Mangonon,
Isabela A.Sining ng pakikipagtalastasa: Pandalubhasaan.Valenzuela
City: Mutya Publishing House Inc. 2000.
Webster’s new colligiate dictionary. Springfield, A: G and G Merriam 1961.
The personal promise pocketbook. Makati: Alliance Publishers, Inc. 1987.
De Jesus, Armado F. Institutional research capability and performance at the
University of Santo Tomas: Proposed model for managing research in
private HEIs. Di-nalathalang disertasyon, UST. 2000.
Grospe, Alas A. Isang pagsusuri ng mga pamaraang ginamit ni Rolando Tinio
sa pagsasalin ng mga idyoma sa mga dula ni Shakespeare. Di-nalathalang
tisis, UP Diliman. 1999
Maddux, K. March. True stories of the interest patrol. Net Guide Magazine, 8898. 1997
Nolasco, Ma. Ricardo. Ang panglinggwistiks na pagsasalin sa wikang
pambansa. Lagda, 12-20. 1998.
16
B. Websites
Burgess, Patricia. 1995. A guide for research paper: APA style.
http://webster.commet.edu/apa/apa_intro.htm#content2
Comments and criticisms on Gabriel Garcia Marquez’s Love in the Time of Cholera.
http://Gabrielgarciamarquez.edu.ph
http://atin-americanliterature.edu.ph
https://www.freepik.com/free-vector/research-background-design_1028140.htm
http://floredelresus.blogspot.com/2017/08/gamit-ng-wika-sa-lipunan_11.html
17
Download