Uploaded by flydelrey

Y-Ang-Epekto-ng-New-Normal-System-sa-mga-Estudyante-ng-STEM-STRAND

advertisement
Ang Epekto ng New Normal System
sa mga Estudyante ng STEM Strand
Tesis na Iniharap sa
Departmento ng Senior High School
Kolehiyo ng Sacred Heart
Lungsod ng Lucena
Bilang Bahagi
ng Pangangailangan sa Pagtatapos
ng Ikalawang Semester sa ika-11 baitang sa strand ng
Science, Technology, Engineering and Mathematics
Kurt Darryl Yulde
Abril 2021
PASASALAMAT
Aming pinapabot ang taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod na indibidwal na
walang humpay na tumulong at sumuporta sa amin upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito.
Sa aming minamahal na guro sa asignaturang Filipino na si Bb. April Joy B. Barza, kami
po ay taos-pusong nagpapasalamat sa iyong dedikasyon at suportang ibinahagi sa amin at sa
inyong pagbabahagi ng kaalaman upang maisakatuparan naming mga mananaliksik ang pag-aaral
na ito.
Sa aming mga magulang na tumulong at umiintindi sa amin habang ginagawa ang
pananaliksik na ito at sa pagbigay ng moral na suporta, pagmamahal at inspirasyon sa amin.
Sa aming mga kamag-aral para sa pagtutulungan at pagbibigay ng inspirasyon upang
matapos ang pananaliksik na ito.
Sa mga kaibigan na nakiramay at umintindi ng aming saloobin habang isinasagawa ang
pag-aaral. Sa pagpapanatili na maging positibo ang pag-iisip.
Sa mga respondent na mag-aaral ng Grade 11 STEM na nakilahok sa pagsasagot ng
talatanungan tungkol sa epekto ng new normal. Kung wala sila ay hindi maisasakatuparan ang
pag-aaral na ito.
Mga Mananaliksik,
2
PAGHAHANDOG
Ang pananaliksik na ito ay inihahandog sa mga indibidwal na
walang sawang sumusuporta, nagbigay malasakit at tumulong upang
mapagtagumapayan ang pananaliksik na ito.
Sa aming mga magulang, na hindi nagsasawang ipadama ang suporta,
pagmamahal at pag-unawa sa amin.
Sa aming Tagapayo, sa dedikasyon niya upang kami ay maturuan at
matulungan upang matapos ang pananaliksik na ito.
Sa aming mga kamag-aral, sa pagtulong at pagsuporta sa
aming mga mananaliksik.
Sa mga susunod na mananaliksik, nawa ay makatulong itong
aming pananaliks sa inyong pag-aaral.
Mga Mananaliksik,
R.V.A
K.A.D.B
M.N.E.F
A.A.G.C.L
G.N.R.M
J.J.C.P
K.D.G.Y
D.L.Z
3
ABSTRAK
PAMAGAT: ANG EPEKTO NG NEW NORMAL SYSTEM SA MGA ESTUDYANTE NG
STEM STRAND
MANANALIKSIK
: Arago, Rafael V.
Batayola, Kayleigh Alethea D.
Franco, Mark Niel E.
Libao, Ashley Ayen Ghail C.
Mataya, Gwyneth Nicole R.
Palomar, Jesie Joseph C.
Yulde, Kurt Darryl G.
Zara, Desiree L.
TAGAPAYO
: Bb. April Joy B. Barza
INSTITUSYON
: Sacred Heart College
STRAND
: Senior High School
TAONG PANURAN
: Science, Technology, Engineering and Mathematics
2020-2021
Sinasabing paunti nang nagbabago ang mundo. May mga bagay na patuloy na lumalaki, at
gumagaling dulot ng mga makabagong teknolohiya. Kasama rito ang patuloy na pagbabago ng
sistema ng edukasyon. Kung dati ay ang pagkuha ng online na kurso o klase ay para lamang sa
mga taong walang kakayanan na makapag-aral sa pisikal o tradisyunal na pag-aaral, ngayon naman
ay halos lahat na ng estudyante ay nag-aaral online dulot ng pandemya. Ang bansang Pilipinas ay
isa pa rin sa nakikipagsabakan sa new normal.
4
Noong taong 2016 naipakilala sa bansang Pilipinas ang pagkakaroon ng karagdagang
dalawang taon pa sa pag-aaral bago mag kolehiyo. Isa na ang STEM sa mga pagpipilian ng mga
estudyante, kung saan nakapokus ito sa pag-aaral na may kaugnayan sa Science, Technology,
Engineering at Mathematics. Ang STEM ay isang programa sa edukasyon na naghahanda sa magaaral patungo sa kolehiyo at naglalayong mapayaman ang kaalaman sa makatwirang pag-iisip.
Ang new normal system sa pag-aaral ay kung saan mananatili ang mga estudyante sa bahay
upang aralin ang learning modules, mayroon itong pinaghalong online learning at distance
learning.
Ang pangunahing kahalagahan sa pag-aaral ay matukoy ang epekto ng new normal system
sa pag-aaral para sa mga estudyante ng STEM Strand. Ang pag-aaral ay makabuluhan sapagkat
layunin ng mga mananaliksik na malaman kung ano nga ba ang iba't ibang negatibo at postibong
epekto ng New Normal System sa pag-aaral at kung ano ang kaugnayan ng naitalang
demograpikong profile ng mga respondente sa hinahanap na problema.
Ang limitasyon sa pag-aaral na ito ay naka pokus lamang ito sa kung ano-ano ang mga
positibo at negatibo epekto ng New Normal System sa mga STEM students. Limang babae at
limang lalaki ang naging respondante mula sa STEM 1 hanggang STEM 7 sa ika-11 na baitang.
Lumabas sa resulta na mas madami ang naging negatibo epekto ng new normal system sa
pag-aaral, kung saan nalikom na pinaka naaapektuhan ang sleep schedule ng mga respondente
Susing salita: epekto, STEM Strand, estudyante, new normal, pandemya, kasarian, edad, kaisipan,
personal na karanasan
5
TALAAN NG NILALAMAN
PAMAGAT………………………………………………………………………………………..i
PASASALAMAT………………………………………………………………………………...ii
PAGHAHANDOG………………………………………………………………………………iii
ABSTRAK……………………………………………………………………………………….iv
TALAAN NG NILALAMAN…………………………………………………………………..vi
TALAAN NG PIGURA…………………………………………………………………….....viii
TALAAN NG TALAHAYAN………………………………………………………………...viii
KABANATA I: INTRODUKSYON
Panimula…………………………………………………………………………………..1
Paglalahad ng Suliranin…………………………………………………………………...2
Palagay…………………………………………………………………………………….3
Konsepswal na Balangkas…………………………………………………………………3
Kahalagahan ng Pag-aaral…………………………………………………………………5
Saklaw at Limitasyon……………………………………………………………………...6
Depenisyon ng Katawagan………………………………………………………………..7
Kaugnay na Literatura……………………………………………………………………..8
Kaugnay na Pag-aaral……………………………………………………………………..9
KABANATA II: METODOLOHIYA
Disenyo ng Pananaliksik…………………………………………………………………12
Populasyon ng Pananaliksik……………………………………………………………..12
Lokal ng Pananaliksik……………………………………………………………………12
Instrumento ng Pananaliksik……………………………………………………………..13
6
Paraan ng Pangangalop ng Datos………………………………………………………...13
Paglalapat Istatistikal…………………………………………………………………….14
KABANATA III: PRESENTASYON, ANALISIS, at INTERPRETASYON ng mga DATOS
Unang Bahagi: Demograpikong Tala ng mga respondente……………………………...16
Ikalawang Bahagi: Ang mga masasama at magagandang epekto
ng “new normal system”…………………………………………...18
Ikatlong Bahagi: Ang ugnayan ng demograpikong tala ng mga tagapagsagot
sa epekto ng new normal system…………………………………….22
KABANATA IV: BUOD, KONKLUSYON, at REKOMENDASYON
Buod……………………………………………………………………………………...25
Konklusyon………………………………………………………………………………26
Rekomendasyon………………………………………………………………………….26
TALASANGGUNIAN………………………………………………………………………….28
APENDISIS
A. Awtput ng Pananaliksik………………………………………………………………32
B. Instrumentong Ginamit sa Pananaliksik………………………………………………33
C. Komputasyon ng Pananaliksik………………………………………………………..35
TALA TUNGKOL SA MGA MANANALIKSIK…………………………………………….36
7
TALAAN NG PIGURA
Pigura Blg.
1
Pamagat
Pahina
Pigura 1: Konsepsuwal na Balangkas ng
“Epekto ng New Normal System sa mga Estudyante
ng STEM Strand”…………………………......................................4
2
Pigura 2. Bahagdan ng Dami at Bilang ng Porsyento
ng mga respondente sa tuntunin ng edad………………………..16
3
Pigura 3. Bahagdan ng Dami at Bilang ng Porsyento
ng mga respondente sa tuntunin ng kasarian……………………17
TALAAN NG TALAHANAYAN
Talahanayan Blg.
Pamagat
Pahina
1
Talahanayan 1. 4-Point Likert Scale…………………………….15
2
Talahayan 2.Resulta ng epekto ng New Normal System
sa mga Estudyante ng STEM Strand……………………………..19
3
Talahayan 3. Resulta ng ugnayan ng demograpikong tala
ng mga tagapagsagot sa epekto ng new normal system…………23
8
KABANATA I
INTRODUKSYON
Panimula
Ang STEM ay nangangahulugang “Science, Technology, Engineering and Mathematics”.
Ito ay isang programang pang edukasyon na naghahanda sa mga senior high school sa daan
patungong kolehiyo. Sa karagdagan, ang mga paksang pinag-aaralan ay naglalayong mapayaman
ang kaalaman sa makatwirangpag-iisip at kasanayan sa pakikipagtulungan. Ang strand na STEM
ay karaniwang kinukuha ng mga estudyanteng nagbabalak kumuha ng kursong may kaugnayan sa
medisina, arkitekto, inhinyero, atbp. . Ang mga nabanggit na kurso ay isa sa may malaking
kontribusyon sa ating bansa sa kadahilanang ang mga propesyon na nabanggit ay isa sa mga
bumubuo sa lipunan ng bansa.
Ang New Normal System ng pag-aaral ay remote learning kung saan mananatili sa bahay
ang mga estudyante upang aralin ang mga learning modules na ipapadala sa kanila ng titser gamit
ang teknolohiya tulad ng email, viber, telegram, at FB PM. Maaari din bahay-bahayin ng titser
ang paghahatid ng mga modules na ito. Maaari din gumamit ng telebisyon at Radio learning
broadcast upang maihatid ang aralin sa mga bata. Sa Inglatera, mga sikat na atleta at artista ang
kanilang isinama dito para mahikayat ang estudyante namanood at makinig sa mga learning
broadcasts. Pagkaraan nito, maaaring mag -video conference o virtual meeting o ‘di kaya bibisita
ang titser sa bahay ng estudyante para magkaroon ng “one-on-one” sa estudyante. May “blended
learning” o pinaghalong online at distance learning. Mayroon din “flipped classroom”, isang uri
ng blended learning kung saan manonood ang mga estudyante sa online lecture, magbabasa ng
mga i-tinakdang-aralin, may video chat ang mga magkaklase upang talakayin ang aralin o
magtulong-tulong sa pagsasaliksik.
1
Sa kagustuhan ng Gobyerno at ng karamihan na ipagpatuloy ang pag-aaral, maraming
naisip na solusyon upang hindi matigil ito. Isa na rito ang virtual class o ang online class kung
saan matuto ang mga estudyante sa pamamagitan ng paggamit ng mga makabagong teknolohiya.
Ngunit sa kabila ng mga hakbang na ito ay may mga bagay o ilang aspeto ang hindi kinonsidera
ng gobyerno at ng departamentong nagpatupad nito. Sa karamihan, hindi agaran matututo ang mga
estudyante dahil sa mga ilang kadahilanan. May mga estudyante na hindi kayang mag-online class.
Mayroon ding mga estudyante, lalo na sa mga pampublikong paaralan na hindi kayang bumili ng
mga cellphone, gadget, mga kagamitan at wala ring pang-internet dulot ng kahirapan sa buhay.
Limitado lamang ang gawaing maaari nilang magawa para mas lalo pang maintindihan ang aralin.
Hindi maiintindihan ng mga estudyante ang mga leksyon. Maraming mga estudyante ang nasanay
na sa aktuwal na mga klase dahil dito ay maaaring may katanungan sila na hindi nila maintindihan
dahil mas sanay sila sa personal na klase.
Ngunit sa kabila nito ay ayaw din ng karamihan na matigil ang ating kaalaman at ayaw
natin mahuli sa dapat natin matutunan. Dahil sa online classes, maaari pa ring may matutunan ang
mga estudyante, kahit na may krisis pang nagaganap sa kasalukuyan. Kaya sa ngayon ay
gumagamit ng internet at hindi sa tradisyonal na silid-aklatan sa pagtuturo ang online classes. Ito
ay isang kategorya ng distance learning na tinatawag din na e-learning o electronic learning. Dahil
dito, halos lahat ng tao ay maaaring magkaroon ng access sa edukasyon, kahit nasaan man sila,
basta sila ay may internet connection. Kaysa mag-aksaya ng oras sa paggamit ng social media
apps, isang paraan para maging productive online ay sa pamamagitan ng online courses.
Paglalahad ng Suliranin
Ang pananaliksik na ito ay nagpapakita ng mga epekto ng New Normal System sa mga
Estudyante ng STEM Strand. Ito ay nagpapakita ng analisis sa nararanasan ng bawat indibidwal
2
na kumuha ng "online learning" sa isang pribadong paaralan. Ito ay pananaw nila sa kanilang
karanasan at ito rin ay naglalayon ng masagot ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang demograpikong tala ng mga tagapagsagot sa mga sumusunod:
1.1 Edad
1.2 Kasarian
2. Ano ang mga masasama at magandang epekto ng “new normal system”?
3. Ano ang ugnayan ng demograpikong tala ng mga tagapagsagot sa epekto ng new normal
system?
4. Gamit ang mga nakalop na datos, ano ang mabubuong solusyon o kagamitan upang
matugunan ang kinakaharap na problema ng mga estudyante?
Palagay
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang mga epekto ng makabagong paraan ng
pag-aaral ngayong may kinakaharap tayong krisis. Sa paglulunsad ng new normal system,
mayroong positibo at mga negatibong epekto ito sa mga estudyante na maaring makaapekto sa
pisikal, mental, sosyal at emosyonal na aspeto ng isang indibidwal.
H0. Ang pag-aaral ay magpapakita na may pagkakapareho ang persepsyon ng 16 taong
gulang sa 17 taong gulang at mas lamang ang negatibong epekto kaysa sa positibong epekto
H1. Ang pag-aaral ay magpapakita na may pinagkaiba ang persepsyon ng 16 taong gulang
sa 17 taong gulang at mas lamang ang positibong epekto kaysa sa negatibong epekto
Konsepswal na Balangkas
Pinapakita nito ang lahatang balangkas ng pananaliksik. Ito ay maiipahiwatig sa paggamit
ng input-process-output na pag babalangkas (IPO)
INPUT
PROCESS
OUTPUT
3
1. Ang mga demograpikong
tala ng mga tagapagsagot ng
mga sumusunod:
1.1 Edad
1.2 Kasarian
2. Ang magagandang at
masasamang epekto ng
“new normal system”
3. Ang ugnayan ng
demograpikong tala ng mga
tagapagsagot sa epekto ng
new normal system
4. Ang mabubuong solusyon
o
kagamitan
upang
matugunan ang kinakaharap
na problema ng mga
estudyante
Gamit ang descriptive
research bilang disenyo,
ang mga mananaliksik ay
bubuo ng talatanungan base
sa mga nailahad na
problema at sa mga
katanungang
nais
masagutan.
Ang
Pagpapasagot
sa
10
estudyante na nasa ika-11
na baitang sa strand na
STEM, Matapos makalop
ang
mga
datos,
magkakaroon
ng
pagkukumpara
at
paghahalintulad
upang
mapagtuunan ng pansin ang
mga
epektong
dapat
isaalang-alang sa pagbuo
ng kasagutan.
Isang video o oryentasyon
na
naglalayong
magpaliwanag
at
magpapabukas
pa
ng
kaisipan ng mga estudyante
sa
sitwasyon
na
kinakaharap.
Pigura 1: Konsepsuwal na Balangkas ng “Epekto ng New Normal System sa mga Estudyante ng
STEM Strand”
Sa input, naisaad ang nais ng mga mananaliksik na malaman ang negatibo at positibong
epekto ng new normal system sa mga estudyante na nasa ika-11 na baitang sa ilalim ng STEM
Strand ng Sacred Heart College.
Mag bibigay ng talatanungan ang mga mananaliksik tungkol sa mga naging epekto ng
online class sa estudyante naitulong nito at solusyon sa problema kinakaharap pag dating sa pagaaral sa kasalukuyan.
4
Sa process, ang mga mananaliksik ay mamamahagi ng nasabing talatanungan sa mga
STEM students, ika-11 baitang na nag aaral sa Sacred Heart College upang makakalap ng
impormasyon hinggil sa tinatalakay.
Ang mga mananaliksik ay ipagkukumpara ang sagot ng bawat estudyante galing sa
talatanungan at bibigyang pansin ang mga epekto nito.
Sa output, inaasahan ng mga mananaliksik sa pag aaral ay matukoy ang negatibo at positibo
epekto ng new normal system sa edukasyon sa mga estudyanteng ika-11 baitang na STEM nag
aaral sa Sacred Heart College at ang maitutulong nito.
Isasagawa ito sa pamamagitan ng pag likha ng video na naglalaman ng naging epekto at
naitulong ng online class. Layunin din ng video na magbigay motibasyon at mga bagong kaalaman
sa mga estudyante.
Kahalagahan ng pag-aaral
Ang pangunahing kahalagahan ng pag-aaral na ito ay upang malaman at matiyak kung
malaki ba ang Epekto ng New Normal System sa mga Estudyante ng STEM Strand. Makabuluhan
ang pag-aaral na ito sapagkat naglalayon ang mga mananaliksik na matukoy kung masasama o
mabubuting epekto ba ang naidudulot nito sa mga estudyante. Gayundin, ang pananaliksik ay
magiging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:
Para sa mga estudyante, makakatulong ito sapagkat sila ang paksa sa pananaliksik na ito.
Upang malaman nila kung ano ba talaga ang mga positibo at negatibong epekto nito sa bawat isa.
Ang makakalap na mga impormasyon at solusyon ay maipapakita kung talaga bang epektibo ang
ganitong paraan ng pagtuturo sa mga estudyante.
Para sa mga guro, maaari nila itong gawing batayan upang magkaroon sila ng mas
epektibong paraan ng pagtuturo sa mga estudyante. Magkakaroon din sila ng ideya upang malaman
5
ang mga saloobin ng mga mag-aaral patungkol sa pamamaraan ng pagtuturong ito o ang new
normal system sa edukasyon.
Para sa mga magulang, makakatulong ito upang malaman at matulungan nila ang
kanilang mga anak sa mga problemang kinakaharap nito sa paggamit ng makabagong teknolohiya
sa kanilang pag-aaral.
Para sa mananaliksik sa hinaharap, sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, magkakaroon
sila ng batayan at gabay sa kanilang nanaising paksa sa hinaharap. Ang nilalaman ng pananaliksik
ay magiging makabuluhan upang mabigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan ang mga susunod
na mananaliksik sa paggawa ng kanilang pag-aaral.
Saklaw at Limitasyon
Ang pananaliksik na ito ay inaasahang matapos mula Septyembre 2020 hanggang Abril
2021, ito ay nakatuon sa pagsusuri ng mga positibo at negatibong epekto sa mga estudyante na
dulot ng online class sa mga pribadong paaralan. Sinasaklaw din ng pag-aaral kung hanggang saan
ang makakaya ng bawat mag-aaral dahil na rin sa mga problemang humahadlang sa kanila, tulad
ng pinansyal, mahinang koneksyon at kakulangan sa kagamitan upang makasabay sa mga klase,
lalo na sa strand na STEM, kung saan lumalamang ang bilang nito dahil sa dami ng oportunidad
na maaaring maging trabaho. Nililimitahan ang pag-aaral na ito sa Sacred Heart College lalo na sa
mga magaaral na nasa ika-11 na baitang ng STEM strand sa Senior High School. Ang mapipiling
respondente ay 10 lamang; limang babae at limang lalaki, na nasa 15-17 na taong gulang.
Depenisyon ng Katawagan
Para sa madaliang pag-iintindi sa ilang terminolohiyang ginamit sa pananaliksik at pagaaral.
6
COVID-19 – tumutukoy sa sakit na dulot ng coronavirus. Maaaring magsimula sa karaniwang
sipon hanggang sa malubhang karamdaman o sakit. Maaari rin magdulot sa kamatayan
Estudyante – tumutukoy sa mga porsyon ng lipunan na opisyal na nag-aaral sa isang paaralan.
Guro – tumutukoy sa mga gumagabay at nagtuturo sa mga estudyante sa paaralan.
New Normal – tumutukoy sa bagong patakaran sa aspetong pang-edukasyon matapos umusbong
ang pandemyang COVID-19.
Online classes – tumutukoy sa uri ng pag-aaral na isinasagawa sa makabagong teknolohiya imbes
sa tradisyunal na silid-aralan.
Pandemya – tumutukoy sa kinakaharap na suliranin ng bansa, kung saan maaaring maapektuhan
ang lahat dahil sa mabilis na pagkalat ng virus.
Quarantine – tumutukoy sa aksyon na ginagawa upang makaiwas makahawa sa iba. Kadalasang
tumatagal ng 14 na araw o higit pa.
Social Distancing – tumutukoy sa bagong patakaran upang makaiwas sa pagkalat ng virus.
STEM – tumutukoy sa strand sa programang K-12 na naglalayong palaliman pa ang kaalaman sa
siyensa, teknolohiya, at matematiko. Karaniwang kinukuha ng mga nangangarap maging doktor,
inhinyero, nars, arkitekto, atbp.
Strand – tumutukoy sa konsepto na sakop ng programang K-12. Nahahati sa tatlong (3) track;
Academic (STEM, HUMMS, ABM, GAS), Technical-Vocational-Livelihood, at Sports and Arts.
Kaugnay na Literatura
Ang
online
learning
ay
gumagamit
ng
teknolohiya
na
mag-uugnay
at
maghaharap sa dalawa sa pagsasalin ng karunungan at kasanayan, at sa tagisan at palitan ng kurokuro. Ang pag-aaral ay isa sa mga karapatan ng mga tao. Ngunit dahil hindi lahat ay may
pribiliheyong makapag-aral, maaaring may problema sa pinansyal, sa lugar, sa sitwasyon, atbp. .
7
Hindi bago sa bansa natin ang online class, sa katunayan niyan ay ang online class ay ginagamit
ng mga taong may trabaho ngunit gusto pa din makapag-aral tulad ng ilang artista.
Ngunit dahil nga sa pandemya, napilitan ang ilang estudyante na mag online class. Kaya
naman nagdulot din ang hakbang na ito ng ilang kritik tulad ng “#ACADEMICFREEZE” at
“#NoStudentsLeftBehind” movement, kung saan naghahangad ang mga ilang netizens na i-hinto
muna ang pag-aaral para sa lahat, dahil hindi nga madadagdagan ang kaso na magkasakit ka mula
sa virus, kaso madami namang estudyanteng mapipilitan tumigil dahil sa kahirapan ng buhay,
kakulangan sa materyal, o kawalan ng pribiliheyo.
Ayon sa reporter na si Magsambol (2020), Hindi lahat ay may access sa internet connection
kaya mahihirapan makapag-kondukto ng survey at ito rin ang pangamba ng marami ngayong
pasukan. Isang tinitignang paraan ay ang paghahalo ng online classes at pisikal na diskusyon sa
loob ng silid-aralan ngunit kung patuloy na lalaki ang paglaganap ng pandemya ay makakatiyak
na malaki ang magiging papel ng internet ngayong taon.
Ayon naman sa researcher-writer na si Gavilan (2020), dapat na alalahanin ng gobyerno
ang iba’t ibang pinanggagalingang estado sa buhay ng mga estudyante, dahil sa sitwasyon na ito
makikita ang nagaganap na inequality sa mga estado ng bahay dahil mayroong sapat na resources
ang ilan samantalang wala naman ang iba.
Sinaad ni Gatchalian (2020), hindi lamang naantala ang pag-aaral ng mahigit 28-milyong
mag-aaral mula pre-primary hanggang kolehiyo dahil sa COVID-19 ngunit sinabi rin nito na
nanganganib rin ang mga mag-aaral na naiwan sa kanilang mga tahanan na makaranas ng
kakulangan sa nutrisyon, mga problema sa mental health, karahasan, at pang-aabuso at dahil dito
iginiit ng chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture na kailangang
sanayin ang mga mag-aaral, mga magulang, at mga guro sa ‘learning from home’ na sistema dahil
8
ito na ang magiging paraan ng pagtuturo sa ilalim ng ‘new normal’. Aniya, kailangan ang
pagsasanay na ito upang hindi magdulot ng stress at kalituhan ang mga pagbabagong magaganap.
Totoo ngang may magandang dulot ang online classes, ngunit hindi pa handa ang bansa
para dito. Hindi pa sapat ang quality education na hinahangad ng bansa. Kung gaano man kaganda
ang mga positibong epekto ng new normal sa ating mga personal na interes, kailangan pa din natin
mas magpagtuunan ng pansin ang mga negatibong dulot nito.
Kaugnay na pag-aaral
Ayon sa impormasyong nakalap mula sa Pressreader, tinatayang mahigit 9.7 milyong mga
bata sa buong mundo ang mapipilitang tumigil sa pag-aaral sa pagtatapos ng taon sa kadahilanang
tumataas na ang bilang ng kahirapan at kakulangan ng badyet ng isang pamilya sa buong mundo
dahil sa patuloy na paglaganap ng pandemya ngayon ngunit noong sinimulang ipatupad ang
lockdown ay umabot sa 1.6 bilyong mga bata na ang tuluyan nang tumigil sa pag-aaral sa buong
mundo.
Ang pag-aaral na nabanggit sa itaas ay nagpapatunay na hindi talaga mawawala ang
kahirapan o estado sa buhay sa mga dahilan ng hindi pag-aaral. Makikita rito na hindi pa kayang
makipagsabayan ng ating bansa pagdating sa makabagong paraan ng pagtuturo.
Ayon kay Gunigundo (2020) sa “Online learning sa New Normal ng Edukasyon”, hindi na
uubra ang dating normal na tanging sa silid paaralan lang maghaharap ang guro at mga estudyante
upang maganap ang edukasyon. Dahil nga sa kinakaharap na pandemya, inaanyayahan ang lahat
na mag-iingat at huwag munang lumabas ng kanilang tirahan upang makaiwas sa sakit.
Sinaad din ni Gunigundo na sa ayaw man o sa gusto ng mga guro, magulang, estudyante
at mga opisyales ng Kagawaran ng Edukasyon, CHED at Tesda, mas dadalas at magiging
9
pangunahing pamamaraan sa paghahatid ng karunungan ang “online learning” na dati’y
madalang gamitin.
Ayon sa mga nailathala sa itaas, ang ninanais ng lahat na bumalik na muli sa dati ang lahat
ay malabo pang mangyari, sa kadahilanang delikado pa nga lumabas ng bahay dahil pataas ng
pataas pa rin ang bilang ng kaso bawat araw. Sinasaad din na mapipilitan muna ang lahat na
mamuhay sa makabagong sistema.
Sinabi naman ni Li (2020) sa “World Economic Forum” na mas epektibo ang online
classes kumpara sa pag-aaral sa silid-aralan. Sapagkat mas natatandaan daw ng mga estudyante
ang kanilang natutunan ngayong online classes kumpara sa natututunan sa silid-aralan.
Sa pinapahatid ni Li, nabigyan naman niya ng dahilan kung bakit maganda ang paraan ng
pagkakatuto sa online classes, sa kadahilanang mababalikan daw ng mga estudyante ang mga
tinuturo na paksa mula sa mga materials na ibinibigay sa kanila ng mga guro. Ngunit ang mga
mananaliksik ay hindi rin pabor sa sinabi ni Li dahil mas natatabunan pa rin ng mga negatibong
epekto ang mga positibong epekto.
Ayon naman kay Manuel (2020) sa “Advantages and disadvantages of online classes”,
nakalagay ang iba’t ibang pros at cons, kung saan makikita na mas malala pa yung negatibong
epekto ng online class, tulad ng hindi lahat ng estudyante ang makakapag-online.
Ang online learning ay gumagamit ng at dapat i-konsidera na hindi lahat ay may kakayanan
at abilidad na makipagsabayan dito.
10
11
KABANATA II
METODOLOHIYA
Inilalahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraan na ginamit at mga paglalarawanan ng
mga sangkot na gagamitin sa pananaliksik. Matatagpuan din dito ang disenyo ng pananaliksik na
gagamitin.
Disensyo ng Pananaliksik
Ang isinagawang quantitative research ay gumamit ng deskriptibong pananaliksik. Sa
maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ang Descriptive Survey Research design ang angkop
sa isinasagawang pag-aaral, kung saan ginagamitan ito ng Survey questionaires o talanatungan na
pupunan ng mga napiling tao na siyang panggagalingan ng mga datos. Naniniwala ang mga
mananaliksik na ang disensyong ito ang angkop gamitin sapagkat mas madaling makakuha ng mga
datos dito mula sa mga tagapagsagot.
Populasyon ng Pananaliksik
Ang pananaliksik na “Ang Epekto ng New Normal System sa mga Estudyante ng STEM
Strand” ay isasagawa sa paaralan ng Sacred Heart College. Sa mag-aaral; babae at lalaki, may edad
na 15-17, sa ika-11 na baitang, sa taong panuruan 2020-2021, Ang mga sasagot sa pananaliksik ay
binubuo ng 10 na respondents (5 na babae at 5 na lalaki), na napiling bigyan ng survey.
Lokal ng Pananaliksik
Isinagawa ang pag-aaral sa Kolehiyo ng Sacred Heart, Lungsod ng Lucena, sa mga magaaral ng STEM. Ang Kolehiyo ng Sacred Heart ay isang sistemang pang-edukasyon na
matatagpuan sa Lungsod ng Lucena, probinsya ng Quezon. Ito ang kauna-unahang Katolikong
paaralan sa probinsya ng Quezon at ito ay itinatag noong ika-27 ng Abril taong 1884. Ang
tagapagtatag ng paaralang ito ay si Hermana Fausta Labrador, na nagnais bumuo ng isang Charity
12
School para sa mga kabataan, lalo na para sa mga mayroong problema sa pinansyal at paunlarin
ang pananampalatayang Katoliko. Mas napalago ang paaralan at ang estado nito ay napalitan mula
sa pagiging Academy hanggang sa naging Kolehiyo noong 1941. Makalipas ang ilang taon, ang
paraalang ay ipinamana sa Daughters of Charity of Saint Vincent de Paul noong ika-14 ng Agosto,
taong 1937. Bago pa man sumabak ang bansa sa bagong normal, isa na ang Sacred Heart College
sa gumagamit ng gadgets tulad ng computer at tablet sa pagsasagawa ng mga pagsusulit via
Aralinks at iba pang mga aktibidad. Ang mga gadyets na ito ay may nakatalagang sariling silid,
kung saan maa-access ito ng mga estudyante sa scheduled na klase.
Instrumento ng Pananaliksik
Ang mga mananaliksik ay gagamit ng survey-kwestiyoneyr o talatanungan via Google
Forms bilang pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos at impormasyon na magagamit
sa pananaliksik na ito. Ang talatanungan ay naglalaman ng 10 tanong, na nahahati sa 2 na
kategorya, ukol sa (I) positibong epekto at ang (II) negatibong epekto.
Ang panayam ay makakatulong sa mga mananaliksik upang makakuha ng iba’t ibang
persepsyon ng mga mag-aaral ukol sa epekto ng New Normal System sa mga estudyante ng STEM
strand at ang iba pang mga isyu nito. Ginamit ng mga mananaliksik, ang talatanungan dahil ito
ang pinaka-angkop na pamamaraan sa pag-aaral, at para malaman ang sariling opinyon at
impormasyon sa mga tagasagot.
Paraan ng Pangangalop ng Datos
May iba’t-ibang paraan para makuha ang mga tamang datos sa aming pananaliksik na
gagawin tungkol sa mga Epekto ng New Normal System sa mga estudyante lalo na sa mga taong
nakapasok sa STEM Strand.
13
Sa mga nakalap na datos, mas madadagdagan pa ang mga kaalaman at lalalim ang mga
pagkakaunawa at pagkakaintindi ng mga mananaliksik. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng
talatanungan o survey questionnaires, makakabuo ang mga mananaliksik ng maaaring tugon sa
kinakaharap na isyu. Gamit ang descriptive research bilang disenyo, ang mga mananaliksik ay
bubuo ng talatanungan base sa mga nailahad na problema at sa mga katanungang nais masagutan.
Ang pagpapasagot sa 10 estudyante na nasa ika-11 na baitang sa strand na STEM, Matapos
makalop ang mga datos, magkakaroon ng pagkukumpara at paghahalintulad upang mapagtuunan
ng pansin ang mga epektong dapat isaalang-alang sa pagbuo ng kasagutan.
Ang kabuuang pag-aaral ay nagsimula noong Sityembre taong 2020 at matatapos ng Abril
sa taong kasalukuyan. Ang pagkolekta ng datos ay naisagawa sa loob ng dalawang araw dahil sa
paniniguro na hindi makakaabala sa oras ng mga mag-aaral ang pagpapasagot ng survey.
Paglalapat Istatistikal
Ang nalikom nadatos mula sa ibinahaging talatanungan ay inilathala, inalisa, at
ipinaliwanang sa pamamagitan ng Weighted Average Mean (WAM) namakukuha sa paggamit ng
pormulang:
𝑋=
∑
(𝑤∙𝑥)
∑
𝑊
Kung saan:
𝑤 = 𝑙𝑖𝑘𝑒𝑟𝑡 𝑠𝑐𝑎𝑙𝑒
𝑊 = 𝑃𝑜𝑝𝑢𝑙𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛
𝑋 = 𝑠𝑐𝑎𝑙𝑒
14
Makikita ang interpretasyong nakalagay sa talahanayan bilang pagtugon sa resulta ng
pagsusulit. Upang matugunan ito, gumamit ang mga mananaliksik ng sumusunod na pamantayan
gamit ang 4-point Likert Scale.
Bilang
Katumbas
Paglalarawan
4
3.26-4.00
Lubos na sumasang-ayon (LSA)
3
2.51-3.25
Sumasang-ayon (SA)
2
1.76 - 2.50
Hindi sumasang-ayon (HSA)
1
1.00 – 1.75
Lubos na hindi sumasang-ayon (LHSA)
Talahanayan 1. 4-Point Likert Scale
Ang punto ng pagtanggap para sa mga items ay 2.50 at anumang bumaba sa 2.50 ay
nangangahulugang hindi sumasang-ayon.
15
KABANATA III
PRESENTASYON, ANALISIS, at INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Makikita sa kabanata na ito ang mga nakalop na datos para sa pananaliksik na tungkol sa
mga epekto ng new normal system sa mga estudyante mula sa ika-11 na baitang ng STEM
(Science, Technology, Engineering and Mathematics) Strand. Nilalayon ng kabanatang ito na
mailahad, masuri at mabigyan ng pagpapakaulugan ang mga nakalap na datos.
Unang Bahagi: Demograpikong Tala ng mga respondente
Makikita sa unang bahagi ang mga naitalang datos mula sa demograpikong tala ng mga
respondente sa tuntunin ng edad at kasarian.
1.1. Edad
Pigura 2. Bahagdan ng Dami at Bilang ng Porsyento ng mga respondente sa tuntunin ng
edad
Makikita sa Bahagdan 1 ang kaukulang edad ng mga respondente. Ang mga respondente
ay mula sa ika-11 na baitang ng STEM (Science, Technology, Engineering and Mathematics)
Strand sa paaralang Sacred Heart College. Sa kabuuan, sampung respondente ang napiling
16
sumagot sa survey kung saan 60% ng mga sumagot ay nasa edad na 17 na taong gulang na at ang
natitirang 40% naman ay nasa edad na 16 na taong gulang pa lang.
Ayon sa pag-aaral ni Martinez (2015), isa sa mga salik na nakaaapekto sa performance ng
isang mag-aaral ay ang edad at ayon kay Piaget, buhat sa pananaliksik ni Alibutod (2008), inilahad
niya kung paano ngang kognitibong pag-unlad ay makukuha sa pamamagitan ng maturational
stages kung saan ang prosesong pagbabago at pag-iisip ay tumataas habang tumataas din ang edad.
Kung kaya't naniniwala si Piaget na mas may kakayahang umunawa at makapag-adjust sa
sitwasyon ang mas matanda kaysa sa naka-babata.
Habang umuusbong ang makabagong panahon, mapapansin na halos wala ng pinagkaiba
ang pag-iisip ng mga taong may iisang paniniwala. Kadalasang makikita ang pahayag na
“Maturity does not come with age” na nangunguhulugan na kahit anong edad, basta’t alam mo at
pinipili ang tama kaysa sa mali, maikokonsidera ka ng “mature”. Dahil na rin sa katotohanang
hindi lahat ng mas matatanda ay may mabuti at tamang pag-iisip.
1.2. Kasarian
17
Pigura 3. Bahagdan ng Dami at Bilang ng Porsyento ng mga respondente sa tuntunin ng
kasarian
Nakalahad sa Bahagdan 2 ang kaukulang kasarian ng mga respondente. Ang 10 estudyante
ay nakatalagang pinili bilang 5 lalaki at 5 babae na sasagot lamang. Kung kaya’t ang resulta ng
nakalop na datos ay pantay lamang; 50 porsyento ng mga respondente ay lalaki at ganoong
porsyente rin ang mga babaeng sumagot.
Ayon kay Yoo and Huang (2013, nasa sipi ni Morante, 2017), "Female students have
stronger intrinsic motivation to make online courses than their male counterparts". Nakita rin sa
ibang pag-aaral na mas maganda ang resulta ng kanilang mga takdang-gawain at mga
eksaminasyon kumpara sa mga lalaki. Natuklasan na mas mabilis ang progresong mga babae
pagdating sa mga gawain kaysa sa mga lalaki. Sa makatuwid ay mas lamang sa mga pag-aaral na
mas mabilis makasabay at maka-adapt ang mga kababaihan ngayong New Normal na online class
kumpara sa mga kalalakihan.
Sa pamamagitan ng mga nabanggit sa itaas, nagkaroon at nabigyan pa ng mga ideya kung
paano nakakahabol at nagkakaiba ang pag-angkop ng kasarian ng respondente sa kasalukuyang
problema. Mas mapapansin na mas productive ang mga kababaihan, samantalang ang mga
kalalakihan ay umaangkop pa lang, na maaring dulot ng katamaran noong tradisyunal na klase pa
lamang.
Ngunit dahil nga sa patuloy ng pagbabago ng mundo, mapapansin na may ilan ng
pagbabago sa pag-iisip ng bawat respondente, kung saan nagkakaroon na ng pagkakaisa, hindi
lamang sa edukasyon, kundi pati na rin sa iba’t ibang kontemporaryong isyu.
Ikalawang Bahagi: Ang mga masasama at magandang epekto ng “new normal system”
18
Sa ikalawang bahagi makikita ang resulta ng pinasagutang talatanungan kung saan
matutukoy ang mga epekto ng new normal system at kung lamang ba mga negatibong epekto sa
positibo o kung mas lamang ba ang positibong epekto kaysa sa negatibo.
Rating Scale
4
Pahayag
WAM
Paglalarawan
Ranggo
2
2.20
HSA
10
5
0
2.60
SA
8
5
3
0
2.90
SA
6
4
2
3
2.30
HSA
9
3
2
1
(SA)
(HSA)
(LHSA)
1
2
5
1
4
sariling 2
(LS
A)
Mas
mabilis
natututo
akong
ngayon
kumpara noong regular
pa ang klase
Mas nadadalian ako sa
mga gawain sa online
classes
kumpara
sa
regular na klase
Mas kumportable akong
magklase
sa
bahay
Mabilis kong na-adapt
ang new normal system/
1
Mas nagiging productive
ako ngayon
19
Nagkaroon na ako ng
oras para diskubrihin at
2
5
2
1
2.80
SA
7
3
5
2
0
3.10
SA
3.5
4
4
2
0
3.20
SA
2
makipag-usap sa aking 3
5
2
0
3.10
SA
3.5
6
2
0
3.00
SA
5
2
2
0
3.40
LSA
1
kilalanin pa ang aking
sarili
Hindi sapat ang aking
mga resources; mabagal
na signal ng internet o
mobile data
Tumaas ang presyo ng
bills
at
gastusin
babayaran
ng
na
aming
pamilya
Nahihirapan
akong
mga guro at mga kaklase
Nahihirapan
akong
makahabol o makasunod 2
sa mga diskusyon
Lubos na naapektuhan
ang aking sleep schedule
6
dulot
ng
pagpu-
procrastination, dami ng
20
gawain
o
sasagutang
mga modyul
2.9
Kabuuan:
2.86
SA
Talahayan 2.Resulta ng epekto ng New Normal System sa mga Estudyante ng STEM Strand
Legends:
WAM = WEIGHTED AVERAGE MEAN
3.26-4.00
Lubos
na
sumasang-ayon
(LSA)
2.51-3.25
Sumasang-ayon (SA)
1.76 - 2.50
Hindi sumasang-ayon (HSA)
1.00 – 1.75
Lubos na hindi sumasangayon (LHSA)
Makikita sa Talahayan 2 ang magaganda at masasamang epekto ng “new normal” system
sa mga estudyante ng STEM Strand. Dahil nga sa mag tutuunan ng pansin ang negatibong epekto
ng new normal sa buhay ng mga estudyante, nakabuo ng 2.86 na Weighted Average Mean na
tumutugon sa iskala na “Sumasang-ayon”. Mapapansin na mas maraming sumasang-ayon o mas
nakakaranas ng negatibong epekto kung kaya’t pumapabor ang mga datos na nalikom sa
pangunahing layunin ng pag-aaral na isinasagawa. Sa naganap na pagtataya, Lubos na sinasangayunan ng mga estudyante ang negatibong epekto na naapektuhan ang kanilang sleep schedule
dulot ng pagpu-procrastination, dami ng gawain at sasagutang mga modyul na may WAM na 3.40.
Ang mga sumusunod ay mga negatibong epekto na sinasang-ayunan ng mga estudyante; tumaas
ang presyo ng bills at gastusin na babayaran ng kanilang pamilya (3.20), hindi sapat na mga
resources (tulad ng mabagal na signal ng internet o mobile data) (3.10), pahirapang pakikipagusap sa kanilang mga guro at mga kaklase (3.10), at pahirapang makahabol o makasunod sa mga
diskusyon (3.00). Sinasang-ayunan din ng mga respondente ang mga positibong epekto na; mas
21
kumportable na silang magklase sa sariling bahay (2.90), nagkaroon na sila ng oras para
diskubrihin at kilalanin pa ang kanilang sarili (2.80), at mas nadadalian daw sila sa mga gawain sa
online classes kumpara sa regular na klase (2.60). Lumabas naman na hindi sila sumasang-ayon sa
mga positibong epekto na; mabilis silang naka-adapt sa new normal system at mas naging
productive sila (2.30), at mas mabilis silang natututo ngayon kumpara sa face-to-face classes
(2.20).
Ayon sa artikulo ng Safetyandhealthmagazine (2020) na “COVID-19 pandemic taking a
toll on people’s sleep: survey”, lumabas sa survey na 3/5 ng mga tao sa U.S. ay nagkakaroon ng
disrupted sleep schedule at lalong hindi pumapantay sa kanilang routine.
Ang artikulo sa itaas ay sumusuporta sa napag-alaman na nangunguna sa ranggo; “Lubos
na naapektuhan ang aking sleep schedule dulot ng pagpu-procrastination, dami ng gawain o
sasagutang mga modyul”.
Sa pag-aaral naman na “Face-to-Face learning is better than online” ni Pitt (2020), Base sa
kaniyang personal na karanasan, napansin niya na mahirap makaiwas sa mga distractions sa
kanilang mga kapaligiran, na mas lalo pang makakaapekto sa kaniyang grado.
Ang pag-aaral ni Pitt ay mas pabor sa tradisyonal na klase sa kadahilanang nawawalan
dawn ng motibasyon ang mga estudyante, at maaaring magdulot sa mababa pang grado ang mga
distraksyon sa kanilang bahay tuwing nagkaklase.
Ikatlong bahagi: Ang ugnayan ng demograpikong tala ng mga tagapagsagot sa epekto ng new
normal system.
Sa ikatlong bahagi matutukoy ang kasagutan sa tanong na “Ano ang ugnayan ng
demograpikong tala ng mga tagapagsagot sa epekto ng new normal system?” kung saan mas
makakatulong ito sa pagbubuo ng resulta o kagamitan.
22
T-Test Dependent
Degree
Pinagkumparang
Computed
Mean
of
Grupo
Value
Freedom
Impression
With 0.05
Critical
Decision
Value
level of
significance
Walang
Lalaki
Accept
16 taong gulang
3.00
18
0.43
2.10
pagkakaiba
H0
17 taong gulang
2.70
sa halaga
Walang
Babae
Accept
16 taong gulang
2.97
18
0.50
2.10
pagkakaiba
H0
17 taong gulang
2.95
sa halaga
Talahayan 3. Resulta ng ugnayan ng demograpikong tala ng mga tagapagsagot sa epekto ng new
normal system
Makikita sa Talahayan 3 ang kompyutasyon at resulta ng kaugnayan ng demograpikong
tala ng mga tagapagsagot sa epekto ng new normal system sa kanilang pamumuhay bilang isang
estudyante mula sa STEM Strand. Lumabas na ang mga lalaki na 16 at 17 taong gulang may
computed value na 0.23 at critical value na 2.10 ay tumutugon sa H0; may pagkakapareho ang
persepsyon ng 16 taong gulang sa 17 taong gulang at mas lamang ang negatibong epekto kaysa sa
positibong epekto. Sang-ayon din ang lumabas na resulta sa mga babae na 16 at 17 taong gulang
may computed value na 0.96 at critical value na 2.10.
Ayon sa artikulo ng nina Milosievski, Zemon, Stojkovska, at Popovski (2020), wala
namangt pagkakaiba ang pagiisip ng lalaki at babae na edad 16 taong gulang at 17 taong gulang
sa online class dahil ang mga mag-aaral ay hindi nakakakuha ng tunay at walang hanggang
23
kaalaman pag dating sa online class at nababase lang ang grado ng bawat estudyante sa sagot at
nagiging resulta ng online system.
Ang artikulong nabanggit ay sumusuporta sa nalikom na datos ng mga mananaliksik. Sa
pamamagitan ng literatura na ito, mas napalalim pa ang pagkakaunawa sa sitwasyon ng mga
estudyante at dahil ito na rin ay sinulat na rin ng mga estudyante na nasa 16-17 taong gulang na.
24
KABANATA IV
BUOD, KONKLUSYON, at REKOMENDASYON
Makikita sa kabanata na ito ang buod at konklusyon ng pag-aaral at ang mga
rekomendasyon ng mga mananaliksik. Sinasaad ng kabanata ang kabuuang resulta mula sa mga
nakalop na datos.
Buod
Ang isinagawang pananaliksik ay naglalayong matukoy ang epekto ng new normal system
sa mga estudyanteng nasa sa ilalim ng STEM Strand, kung saan mas pagtutuunan pa ng pansin
ang mga negatibong epekto ng makabuo ng kagamitan at malaman kung may pagkakaiba ang pagiisip ng mga estudyante batay sa demograpikong tala base sa edad at kasarian.
Ang resulta na nalikom ay binuod batay sa pinasagutan na talatanugan sa sampung
estudyante sa ika-11 na baitang sa strand na STEM ng Sacred Heart College taong 2020-2021.
1. Demograpikong Tala ng mga mag-aaral batay sa:
1.1 Mas mataas ang bilang ng mga estudyante na nasa 17 taong gulang at binubuo ng
60% ng mga respondente, samantalang ang natitirang 40% ay ang mga estudyanteng
nasa 16 taong gulang pa lamang.
1.2 Dahil sampu lamang ang napiling respondente, napiling limang babae at limang
lalaki lamang ang sasagot sa talatanungan.
2. Ang masasama at magandang epekto ng new normal system:
Lumabas sa pag-aaral na mas lamang ang negatibong epekto ng new normal system sa pagaaral kaysa sa positibong epekto kung saan nanguguna ito sa ranggo ng mga resulta.
A. Ang suliranin na nakakaapekto ang online learning sa pagkawala at pagkakulang
ng sleep schedule ng mga estudyante na may WAM na 3.40
25
B. Lumabas naman na nahihirapan ang karamihan na matuto ng mas mabilis ngayong
online classes kaysa sa tradisyonal na pag-aaral na may WAM na 2.20.
Konklusyon
Batay sa isinagawang pananaliksik, ang mga mananaliksik ay nakabuo ng mga konlusyon
na:
1. Walang malaking pagbabago sa halaga ng bawat respondente. May tig-limang babae at
lalaki tumugon. May mga labingpitong taong gulang na at ang ilan ay magla-labingpitong
gulang pa lang. Lumabas naman na walang dulot na pagkakaiba ang mga mga kasagutan
ng mga respondente kahit may pagkakaiba sa naitalang demograpikong profile.
2. Lumabas na kahit mga estudyante na nag-aaral online ay nakakaharap din ng samut-saring
problema at epekto na dulot ng bagong normal. Napansin na mas lamang din ang
negatibong epekto kaysa sa positibo. Ang pag-aaral na ito ay magbubukas din ng pinto
upang i-konsidera naman ang mga sitwasyon at epekto ng new normal sa mga estudyante
sa nakakababang estado ng buhay.
3. Ang mga tamang pag-iisip at aksyon ay hindi makikita sa kung ano ang edad at kasarian
ng isang tao. Ang makabagong henerasyon ngayon ay isa sa mga halimbawa na
nagpapatunay sa pahayag na nabanggit. Dahil sa patuloy na nagbabago ang mga paniniwala
ngayong makabagong panahon, unti-unti ng nagkakaroon ng pagkakaisa sa paniniwala ang
lahat ng kasarian, may mga kabataan na rin na mas matured mag-isip. Lumabas sa resulta
na halos lahat ng respondente ay nagkakaisa rin sa mga sagot.
Rekomendasyon
Ang mga sumusunod na rekomendasyon ay batay sa mga nakuhang resulta at nabuong
konklusyon:
26
Para sa mga estudyante
Kahit nahihirapan sa pag-aaral sa sitwasyon ngayon, lagi pa rin dapat tandaan na ikaw ay
suwerte sapagkat mas malaki pa rin ang epekto ng new normal sa mga taong walang pribileheyo
at kakayanang makapag-aral at hindi makasabay ngayong may pandemya.
Para sa mga guro
Isipin at i-konsidera ang mga sitwasyon ng bawat ng estudyante tuwing may mga gawain,
maaaring nakakasali sa klase ang mga estudyante ngayon ngunit hindi pa rin mawawala na may
mas nakakaangat at nakakababa sa sitwasyon. May mga estudyante pa rin na walang sapat na
kagamitan para sa online classes.
Para sa mga magulang
Kung napapansin na ang inyong mga anak ay may kinakaharap na problema sa pag-aaral,
ugaliing kausapin ang mga anak ng masinsinan, magbigay ng kahit kaunting tulong, o kaya ay
sabihan muna na magpahinga. Iwasan na bigyan sila ng leksyon sapagkat hindi lahat ay may
kakayanan na maka-adapt agad sa bagong kapaligiran o sistema.
Para sa mananaliksik sa hinaharap
Gamit ang mga makabagong kagamitan at teknolohiya sa hinaharap, sana ay makahanap
at makabuo pa ng kagamitan at solusyon na mas makakatulong sa bawat mag-aaral.
27
TALASANGGUNIAN
Alumia, H.M. (2014) THESIS (Pananaliksik) Tagalog. Slideshare. Nakuha noong Setyembre 26,
2020 galing sa https://www.slideshare.net/mobile/hillainemarie/thesis-pananaliksik-environmentcode-ng-santa-rosa
Anonymous (2020). “Pahayag ng Pakikiisa ng Kagawaran ng Edukasyon”. Mula sa
https://www.deped.gov.ph/2020/05/01/pahayag-ng-pakikiisa-ng-kagawaran-ng-edukasyon/
Anonymous (n.d) Sacred Heart College (Lucena). Wikipedia. Nakuha noong Setyembre 21, 2020
galing sa https://en.m.wikipedia.org/wiki/Sacred_Heart_College_(Lucena)
Gabay, R.E. (2017). “Persepsyon ng mga Estudyanteng nasa Senior High School sa Malabon
national High School sa Paggamit ng Teknolohiya Bilang Kagamitang Panturo”. Mula sa
https://www.academia.edu/31844197/PERSEPSYON_NG_MGA_ESTUDYANTENG_NASA_
SENIOR_HIGH_SCHOOL_SA_MALABON_NATIONAL_HIGH_SCHOOL_SA_PAGGAMI
T_NG_TEKNOLOHIYA_BILANG_KAGAMITANG_PANTURO
Gatchalian, S. (2020, Mayo 8). “Epekto ng COVID-19 sa sistema ng edukasyon, pag-aaralan ng
Senado” ni Asuncion, N.M.. Mula sa http://radyopilipinas.ph/rp-one/articles/politics/epekto-ngcovid-19-sa-sistema-ng-edukasyon-pag-aaralan-ng-senado
Gavilan, J., Magsambol, B. & Tomacruz, S. (2020). “Ang lumalalang coronavirus pandemic sa
Pilipinas”.
Mula
sa
https://www.rappler.com/newsbreak/podcasts-videos/beyond-stories-
coronavirus-situation-philippines-march-2021
Gunigundo, M. (2020). “Online learning sa New Normal ng Edukasyon”. Mula sa
https://archive.journal.com.ph/editorial/opinion/online-learning-sa-new-normal-ng-edukasyon
28
Hernaez, J. (2020). “Quarantine, online learning may epekto sa mental health ng mga bata”. Mula
sa
https://news.abs-cbn.com/news/10/11/20/quarantine-online-learning-may-epekto-sa-mental-
health-ng-mga-bata
Li, C. (2020). “The COVID-19 pandemic has changed education forever. This is how”. Mula sa
https://www.weforum.org/agenda/2020/04/coronavirus-education-global-covid19-online-digitallearning/
Manuel, J. (2020). “Advantages and disadvantages of online classes”. Mula sa
https://www.noypigeeks.com/featured/advantages-disadvantages-online-classes/
Mickens, R. (2020). “Museum Receives Grant to Study COVID-19 Impact on STEM Students”.
Mula sa https://www.amnh.org/explore/news-blogs/education-posts/covid-19-stem-students
Milosievski, M., Popovski, K., Stojkovska, J., & Zemon, D. (2020). “Learning Online: Problems
and
Solutions”.
Nakuha
noong
Abril
6,
2021
mula
sa
https://www.unicef.org/northmacedonia/stories/learning-online-problems-andsolutions?fbclid=IwAR0vP432zdA2rLi1rXkJLxjWBCbs7xTgjAl3mNIDFc_DqUfQhlOLiLokwI
Pitt,
D.
(2020).
“Face-to-face
learning
is
better
than
online”.
Mula
sa
https://cw.ua.edu/64870/opinion/face-to-face-learning-is-better-thanonline/?fbclid=IwAR3_CGQS3ezep52PPNF9joWi957D7PduHB4P3CIKm5eBrHBWGwf161Jj
Ek4
Uichangco, M.F. (n.d) Lebel ng Pagtanggap kabanata 2. Scribd. Nakuha noong Marso 31, 2021
galing sa https://www.scribd.com/document/472832906/Lebel-ng-Pagtanggap-kabanata-2
Villalobos, A. (2013). “Ang Bagong Sistema ng Edukasyon”. Nakuha noong Abril 6, 2021 mula
sa https://ph.news.yahoo.com/ang-bagong-sistema-ng-edukasyon- 093331364.html
29
Villance,
L.J.
(2018).
“STEM
Life”.
Nakuha
noong
Abril
6,
2021
mula
sa
http://lerryjohnvillance.blogspot.com/2018/10/stem.html’
Wooten, M. (2020). “Study to analyze pandemic’s impact on STEM students”. Mula sa
https://news.uga.edu/study-analyze-pandemics-impact-stem-students/
30
APENDISIS
Apendiks A
Mga grapikong ginamit para sa awtput na video
32
Apendiks B
Magandang araw!
Kami po, ang mga mag-aaral na galing sa ikalabing-isang baitang, STEM 4, na
nagsasagawa ng isang pananaliksik na pinamagatang “Ang Epekto ng New Normal System sa mga
Estudyante ng STEM Strand”. Bilang pagtugon sa pananaliksik, susuriin ng mga mananaliksik
ang inyong kalagayan sa bagong sistema dahil sa pandemya sa pamamagitan ng pagsasagot sa
talatanungan. Ang iyong mga sagot ay magsisilbing datos para sa pinal na paglalapat. Maraming
salamat sa inyong pakikiisa!
ARAGO, RAFAEL V.
MATAYA, GWYNETH NICOLE R.
BATAYOLA, KAYLEIGH ALETHEA D.
PALOMAR, JESIE JOSEPH C.
FRANCO, MARK NEIL E.
YULDE, KURT DARRYL G.
LIBAO, ASHLEY AYEN GHAIL C.
ZARA, DESIREE L.
Mga mananaliksik
______________________________________________________________________________
DEMOGRAPIKONG TALA NG TAGAPAGSAGOT
Pangalan: _____________________________________ (Opsyonal)
Panuto: Lagyan ng Tsek (/) ang mga sumusunod na aytem na umaayon sa iyong demograpikong
tala.
Kasarian: __ Lalaki
__ Babae
Edad: __15
__ 16
__ 17
Panuto: Sa pamamagitan ng mga sumusunod na iskala ay lagyan ng Tsek (/) ang kolum ng
pahayag na iyong mas pinapaboran.
33
I.
4 – Lubos na sumasang-ayon
2 – Hindi sumasang-ayon
3 – Sumasang-ayon
1 – Lubos na hindi sumasang-ayon
TALATANUNGAN
4
3
2
1
Ang mga sumusunod na tanong ay ukol sa mga POSITIBONG EPEKTO
Mas mabilis akong natututo ngayon kumpara noong regular pa ang
klase
Mas nadadalian ako sa mga gawain sa online classes kumpara sa
regular na klase
Mas kumportable akong magklase sa sariling bahay
Mabilis kong na-adapt ang new normal system/ Mas nagiging
productive ako ngayon
Nagkaroon na ako ng oras para diskubrihin at kilalanin pa ang aking
sarili
II.
Ang mga sumusunod na tanong ay ukol sa mga NEGATIBONG EPEKTO
Hindi sapat ang aking mga resources; mabagal na signal ng internet
o mobile data
Tumaas ang presyo ng bills at gastusin na babayaran ng aming
pamilya
Nahihirapan akong makipag-usap sa aking mga guro at mga kaklase
Nahihirapan akong makahabol o makasunod sa mga diskusyon
Lubos na naapektuhan ang aking sleep schedule dulot ng pagpuprocrastination, dami ng gawain o sasagutang mga modyul
APENDIKS C
34
KOMPUTASYON NG WEIGHTED AVERAGE MEAN (WAM)
1. (4 ∙ 1) + (3 ∙ 2) + (2 ∙ 5) + (1 ∙ 2) / 10
2.20
2. (4 ∙ 1) + (3 ∙ 4) + (2 ∙ 5) + (1 ∙ 0) / 10
2.60
3. (4 ∙ 2) + (3 ∙ 5) + (2 ∙ 3) + (1 ∙ 0) / 10
2.90
4. (4 ∙ 1) + (3 ∙ 4) + (2 ∙ 2) + (1 ∙ 3) / 10
2.30
5. (4 ∙ 2) + (3 ∙ 5) + (2 ∙ 2) + (1 ∙ 1) / 10
2.80
6. (4 ∙ 3) + (3 ∙ 5) + (2 ∙ 2) + (1 ∙ 0) / 10
3.10
7. (4 ∙ 4) + (3 ∙ 4) + (2 ∙ 2) + (1 ∙ 0) / 10
3.20
8. (4 ∙ 3) + (3 ∙ 5) + (2 ∙ 2) + (1 ∙ 0) / 10
3.10
9. (4 ∙ 2) + (3 ∙ 6) + (2 ∙ 2) + (1 ∙ 0) / 10
3.00
10. (4 ∙ 6) + (3 ∙ 2) + (2 ∙ 2) + (1 ∙ 0) / 10
3.40
T-test sa paghahanap ng pagkakaiba ng pag-iisip ng Lalaki na 16 taong gulang sa Lalaki na
17 taong gulang at ng Babae na 16 taong gulang sa Babae na 17 taong gulang
35
Download