Ang Epekto ng New Normal System sa mga Estudyante ng STEM Strand Tesis na Iniharap sa Departmento ng Senior High School Kolehiyo ng Sacred Heart Lungsod ng Lucena Bilang Bahagi ng Pangangailangan sa Pagtatapos ng Ikalawang Semester sa ika-11 baitang sa strand ng Science, Technology, Engineering and Mathematics Kurt Darryl Yulde Abril 2021 PASASALAMAT Aming pinapabot ang taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod na indibidwal na walang humpay na tumulong at sumuporta sa amin upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito. Sa aming minamahal na guro sa asignaturang Filipino na si Bb. April Joy B. Barza, kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa iyong dedikasyon at suportang ibinahagi sa amin at sa inyong pagbabahagi ng kaalaman upang maisakatuparan naming mga mananaliksik ang pag-aaral na ito. Sa aming mga magulang na tumulong at umiintindi sa amin habang ginagawa ang pananaliksik na ito at sa pagbigay ng moral na suporta, pagmamahal at inspirasyon sa amin. Sa aming mga kamag-aral para sa pagtutulungan at pagbibigay ng inspirasyon upang matapos ang pananaliksik na ito. Sa mga kaibigan na nakiramay at umintindi ng aming saloobin habang isinasagawa ang pag-aaral. Sa pagpapanatili na maging positibo ang pag-iisip. Sa mga respondent na mag-aaral ng Grade 11 STEM na nakilahok sa pagsasagot ng talatanungan tungkol sa epekto ng new normal. Kung wala sila ay hindi maisasakatuparan ang pag-aaral na ito. Mga Mananaliksik, 2 PAGHAHANDOG Ang pananaliksik na ito ay inihahandog sa mga indibidwal na walang sawang sumusuporta, nagbigay malasakit at tumulong upang mapagtagumapayan ang pananaliksik na ito. Sa aming mga magulang, na hindi nagsasawang ipadama ang suporta, pagmamahal at pag-unawa sa amin. Sa aming Tagapayo, sa dedikasyon niya upang kami ay maturuan at matulungan upang matapos ang pananaliksik na ito. Sa aming mga kamag-aral, sa pagtulong at pagsuporta sa aming mga mananaliksik. Sa mga susunod na mananaliksik, nawa ay makatulong itong aming pananaliks sa inyong pag-aaral. Mga Mananaliksik, R.V.A K.A.D.B M.N.E.F A.A.G.C.L G.N.R.M J.J.C.P K.D.G.Y D.L.Z 3 ABSTRAK PAMAGAT: ANG EPEKTO NG NEW NORMAL SYSTEM SA MGA ESTUDYANTE NG STEM STRAND MANANALIKSIK : Arago, Rafael V. Batayola, Kayleigh Alethea D. Franco, Mark Niel E. Libao, Ashley Ayen Ghail C. Mataya, Gwyneth Nicole R. Palomar, Jesie Joseph C. Yulde, Kurt Darryl G. Zara, Desiree L. TAGAPAYO : Bb. April Joy B. Barza INSTITUSYON : Sacred Heart College STRAND : Senior High School TAONG PANURAN : Science, Technology, Engineering and Mathematics 2020-2021 Sinasabing paunti nang nagbabago ang mundo. May mga bagay na patuloy na lumalaki, at gumagaling dulot ng mga makabagong teknolohiya. Kasama rito ang patuloy na pagbabago ng sistema ng edukasyon. Kung dati ay ang pagkuha ng online na kurso o klase ay para lamang sa mga taong walang kakayanan na makapag-aral sa pisikal o tradisyunal na pag-aaral, ngayon naman ay halos lahat na ng estudyante ay nag-aaral online dulot ng pandemya. Ang bansang Pilipinas ay isa pa rin sa nakikipagsabakan sa new normal. 4 Noong taong 2016 naipakilala sa bansang Pilipinas ang pagkakaroon ng karagdagang dalawang taon pa sa pag-aaral bago mag kolehiyo. Isa na ang STEM sa mga pagpipilian ng mga estudyante, kung saan nakapokus ito sa pag-aaral na may kaugnayan sa Science, Technology, Engineering at Mathematics. Ang STEM ay isang programa sa edukasyon na naghahanda sa mag-aaral patungo sa kolehiyo at naglalayong mapayaman ang kaalaman sa makatwirang pag-iisip. Ang new normal system sa pag-aaral ay kung saan mananatili ang mga estudyante sa bahay upang aralin ang learning modules, mayroon itong pinaghalong online learning at distance learning. Ang pangunahing kahalagahan sa pag-aaral ay matukoy ang epekto ng new normal system sa pag-aaral para sa mga estudyante ng STEM Strand. Ang pag-aaral ay makabuluhan sapagkat layunin ng mga mananaliksik na malaman kung ano nga ba ang iba't ibang negatibo at postibong epekto ng New Normal System sa pag-aaral at kung ano ang kaugnayan ng naitalang demograpikong profile ng mga respondente sa hinahanap na problema. Ang limitasyon sa pag-aaral na ito ay naka pokus lamang ito sa kung ano-ano ang mga positibo at negatibo epekto ng New Normal System sa mga STEM students. Limang babae at limang lalaki ang naging respondante mula sa STEM 1 hanggang STEM 7 sa ika-11 na baitang. Lumabas sa resulta na mas madami ang naging negatibo epekto ng new normal system sa pag-aaral, kung saan nalikom na pinaka naaapektuhan ang sleep schedule ng mga respondente Susing salita: epekto, STEM Strand, estudyante, new normal, pandemya, kasarian, edad, kaisipan, personal na karanasan 5 TALAAN NG NILALAMAN PAMAGAT………………………………………………………………………………………..i PASASALAMAT………………………………………………………………………………...ii PAGHAHANDOG………………………………………………………………………………iii ABSTRAK……………………………………………………………………………………….iv TALAAN NG NILALAMAN…………………………………………………………………..vi TALAAN NG PIGURA…………………………………………………………………….....viii TALAAN NG TALAHAYAN………………………………………………………………...viii KABANATA I: INTRODUKSYON Panimula…………………………………………………………………………………..1 Paglalahad ng Suliranin…………………………………………………………………...2 Palagay…………………………………………………………………………………….3 Konsepswal na Balangkas…………………………………………………………………3 Kahalagahan ng Pag-aaral…………………………………………………………………5 Saklaw at Limitasyon……………………………………………………………………...6 Depenisyon ng Katawagan………………………………………………………………..7 Kaugnay na Literatura……………………………………………………………………..8 Kaugnay na Pag-aaral……………………………………………………………………..9 KABANATA II: METODOLOHIYA Disenyo ng Pananaliksik…………………………………………………………………12 Populasyon ng Pananaliksik……………………………………………………………..12 Lokal ng Pananaliksik……………………………………………………………………12 Instrumento ng Pananaliksik……………………………………………………………..13 6 Paraan ng Pangangalop ng Datos………………………………………………………...13 Paglalapat Istatistikal…………………………………………………………………….14 KABANATA III: PRESENTASYON, ANALISIS, at INTERPRETASYON ng mga DATOS Unang Bahagi: Demograpikong Tala ng mga respondente……………………………...16 Ikalawang Bahagi: Ang mga masasama at magagandang epekto ng “new normal system”…………………………………………...18 Ikatlong Bahagi: Ang ugnayan ng demograpikong tala ng mga tagapagsagot sa epekto ng new normal system…………………………………….22 KABANATA IV: BUOD, KONKLUSYON, at REKOMENDASYON Buod……………………………………………………………………………………...25 Konklusyon………………………………………………………………………………26 Rekomendasyon………………………………………………………………………….26 TALASANGGUNIAN………………………………………………………………………….28 APENDISIS A. Awtput ng Pananaliksik………………………………………………………………32 B. Instrumentong Ginamit sa Pananaliksik………………………………………………33 C. Komputasyon ng Pananaliksik………………………………………………………..35 TALA TUNGKOL SA MGA MANANALIKSIK …………………………………………….36 7 TALAAN NG PIGURA Pigura Blg. 1 Pamagat Pahina Pigura 1: Konsepsuwal na Balangkas ng “Epekto ng New Normal System sa mga Estudyante ng STEM Strand”…………………………......................................4 2 Pigura 2. Bahagdan ng Dami at Bilang ng Porsyento ng mga respondente sa tuntunin ng edad………………………..16 3 Pigura 3. Bahagdan ng Dami at Bilang ng Porsyento ng mga respondente sa tuntunin ng kasarian……………………17 TALAAN NG TALAHANAYAN Talahanayan Blg. Pamagat Pahina 1 Talahanayan 1. 4-Point Likert Scale…………………………….15 2 Talahayan 2.Resulta ng epekto ng New Normal System sa mga Estudyante ng STEM Strand……………………………..19 3 Talahayan 3. Resulta ng ugnayan ng demograpikong tala ng mga tagapagsagot sa epekto ng new normal system…………23 8 KABANATA I INTRODUKSYON Panimula Ang STEM ay nangangahulugang “Science, Technology, Engineering and Mathematics”. Ito ay isang programang pang edukasyon na naghahanda sa mga senior high school sa daan patungong kolehiyo. Sa karagdagan, ang mga paksang pinag-aaralan ay naglalayong mapayaman ang kaalaman sa makatwirangpag-iisip at kasanayan sa pakikipagtulungan. Ang strand na STEM ay karaniwang kinukuha ng mga estudyanteng nagbabalak kumuha ng kursong may kaugnayan sa medisina, arkitekto, inhinyero, atbp. . Ang mga nabanggit na kurso ay isa sa may malaking kontribusyon sa ating bansa sa kadahilanang ang mga propesyon na nabanggit ay isa sa mga bumubuo sa lipunan ng bansa. Ang New Normal System ng pag-aaral ay remote learning kung saan mananatili sa bahay ang mga estudyante upang aralin ang mga learning modules na ipapadala sa kanila ng titser gamit ang teknolohiya tulad ng email, viber, telegram, at FB PM. Maaari din bahay-bahayin ng titser ang paghahatid ng mga modules na ito. Maaari din gumamit ng telebisyon at Radio learning broadcast upang maihatid ang aralin sa mga bata. Sa Inglatera, mga sikat na atleta at artista ang kanilang isinama dito para mahikayat ang estudyante namanood at makinig sa mga learning broadcasts. Pagkaraan nito, maaaring mag -video conference o virtual meeting o ‘di kaya bibisita ang titser sa bahay ng estudyante para magkaroon ng “one-on-one” sa estudyante. May “blended learning” o pinaghalong online at distance learning. Mayroon din “flipped classroom”, isang uri ng blended learning kung saan manonood ang mga estudyante sa online lecture, magbabasa ng mga i-tinakdang-aralin, may video chat ang mga magkaklase upang talakayin ang aralin o magtulong-tulong sa pagsasaliksik. 1 Sa kagustuhan ng Gobyerno at ng karamihan na ipagpatuloy ang pag-aaral, maraming naisip na solusyon upang hindi matigil ito. Isa na rito ang virtual class o ang online class kung saan matuto ang mga estudyante sa pamamagitan ng paggamit ng mga makabagong teknolohiya. Ngunit sa kabila ng mga hakbang na ito ay may mga bagay o ilang aspeto ang hindi kinonsidera ng gobyerno at ng departamentong nagpatupad nito. Sa karamihan, hindi agaran matututo ang mga estudyante dahil sa mga ilang kadahilanan. May mga estudyante na hindi kayang mag-online class. Mayroon ding mga estudyante, lalo na sa mga pampublikong paaralan na hindi kayang bumili ng mga cellphone, gadget, mga kagamitan at wala ring pang-internet dulot ng kahirapan sa buhay. Limitado lamang ang gawaing maaari nilang magawa para mas lalo pang maintindihan ang aralin. Hindi maiintindihan ng mga estudyante ang mga leksyon. Maraming mga estudyante ang nasanay na sa aktuwal na mga klase dahil dito ay maaaring may katanungan sila na hindi nila maintindihan dahil mas sanay sila sa personal na klase. Ngunit sa kabila nito ay ayaw din ng karamihan na matigil ang ating kaalaman at ayaw natin mahuli sa dapat natin matutunan. Dahil sa online classes, maaari pa ring may matutunan ang mga estudyante, kahit na may krisis pang nagaganap sa kasalukuyan. Kaya sa ngayon ay gumagamit ng internet at hindi sa tradisyonal na silid-aklatan sa pagtuturo ang online classes. Ito ay isang kategorya ng distance learning na tinatawag din na e-learning o electronic learning. Dahil dito, halos lahat ng tao ay maaaring magkaroon ng access sa edukasyon, kahit nasaan man sila, basta sila ay may internet connection. Kaysa mag-aksaya ng oras sa paggamit ng social media apps, isang paraan para maging productive online ay sa pamamagitan ng online courses. Paglalahad ng Suliranin Ang pananaliksik na ito ay nagpapakita ng mga epekto ng New Normal System sa mga Estudyante ng STEM Strand. Ito ay nagpapakita ng analisis sa nararanasan ng bawat indibidwal 2 na kumuha ng "online learning" sa isang pribadong paaralan. Ito ay pananaw nila sa kanilang karanasan at ito rin ay naglalayon ng masagot ang mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang demograpikong tala ng mga tagapagsagot sa mga sumusunod: 1.1 Edad 1.2 Kasarian 2. Ano ang mga masasama at magandang epekto ng “new normal system”? 3. Ano ang ugnayan ng demograpikong tala ng mga tagapagsagot sa epekto ng new normal system? 4. Gamit ang mga nakalop na datos, ano ang mabubuong solusyon o kagamitan upang matugunan ang kinakaharap na problema ng mga estudyante? Palagay Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang mga epekto ng makabagong paraan ng pag-aaral ngayong may kinakaharap tayong krisis. Sa paglulunsad ng new normal system, mayroong positibo at mga negatibong epekto ito sa mga estudyante na maaring makaapekto sa pisikal, mental, sosyal at emosyonal na aspeto ng isang indibidwal. H0. Ang pag-aaral ay magpapakita na may pagkakapareho ang persepsyon ng 16 taong gulang sa 17 taong gulang at mas lamang ang negatibong epekto kaysa sa positibong epekto H1. Ang pag-aaral ay magpapakita na may pinagkaiba ang persepsyon ng 16 taong gulang sa 17 taong gulang at mas lamang ang positibong epekto kaysa sa negatibong epekto Konsepswal na Balangkas 3 Pinapakita nito ang lahatang balangkas ng pananaliksik. Ito ay maiipahiwatig sa paggamit ng input-process-output na pag babalangkas (IPO) Pigura 1: Konsepsuwal na Balangkas ng “Epekto ng New Normal System sa mga Estudyante ng STEM Strand” Sa input, naisaad ang nais ng mga mananaliksik na malaman ang negatibo at positibong epekto ng new normal system sa mga estudyante na nasa ika-11 na baitang sa ilalim ng STEM Strand ng Sacred Heart College. 4 Mag bibigay ng talatanungan ang mga mananaliksik tungkol sa mga naging epekto ng online class sa estudyante naitulong nito at solusyon sa problema kinakaharap pag dating sa pag-aaral sa kasalukuyan. Sa process, ang mga mananaliksik ay mamamahagi ng nasabing talatanungan sa mga STEM students, ika-11 baitang na nag aaral sa Sacred Heart College upang makakalap ng impormasyon hinggil sa tinatalakay. Ang mga mananaliksik ay ipagkukumpara ang sagot ng bawat estudyante galing sa talatanungan at bibigyang pansin ang mga epekto nito. Sa output, inaasahan ng mga mananaliksik sa pag aaral ay matukoy ang negatibo at positibo epekto ng new normal system sa edukasyon sa mga estudyanteng ika-11 baitang na STEM nag aaral sa Sacred Heart College at ang maitutulong nito. Isasagawa ito sa pamamagitan ng pag likha ng video na naglalaman ng naging epekto at naitulong ng online class. Layunin din ng video na magbigay motibasyon at mga bagong kaalaman sa mga estudyante. Kahalagahan ng pag-aaral Ang pangunahing kahalagahan ng pag-aaral na ito ay upang malaman at matiyak kung malaki ba ang Epekto ng New Normal System sa mga Estudyante ng STEM Strand. Makabuluhan ang pag-aaral na ito sapagkat naglalayon ang mga mananaliksik na matukoy kung masasama o mabubuting epekto ba ang naidudulot nito sa mga estudyante. Gayundin, ang pananaliksik ay magiging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod: Para sa mga estudyante, makakatulong ito sapagkat sila ang paksa sa pananaliksik na ito. Upang malaman nila kung ano ba talaga ang mga positibo at negatibong epekto nito sa bawat 5 isa. Ang makakalap na mga impormasyon at solusyon ay maipapakita kung talaga bang epektibo ang ganitong paraan ng pagtuturo sa mga estudyante. Para sa mga guro, maaari nila itong gawing batayan upang magkaroon sila ng mas epektibong paraan ng pagtuturo sa mga estudyante. Magkakaroon din sila ng ideya upang malaman ang mga saloobin ng mga mag-aaral patungkol sa pamamaraan ng pagtuturong ito o ang new normal system sa edukasyon. Para sa mga magulang, makakatulong ito upang malaman at matulungan nila ang kanilang mga anak sa mga problemang kinakaharap nito sa paggamit ng makabagong teknolohiya sa kanilang pag-aaral. Para sa mananaliksik sa hinaharap, sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, magkakaroon sila ng batayan at gabay sa kanilang nanaising paksa sa hinaharap. Ang nilalaman ng pananaliksik ay magiging makabuluhan upang mabigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan ang mga susunod na mananaliksik sa paggawa ng kanilang pag-aaral. Saklaw at Limitasyon Ang pananaliksik na ito ay inaasahang matapos mula Septyembre 2020 hanggang Abril 2021, ito ay nakatuon sa pagsusuri ng mga positibo at negatibong epekto sa mga estudyante na dulot ng online class sa mga pribadong paaralan. Sinasaklaw din ng pag-aaral kung hanggang saan ang makakaya ng bawat mag-aaral dahil na rin sa mga problemang humahadlang sa kanila, tulad ng pinansyal, mahinang koneksyon at kakulangan sa kagamitan upang makasabay sa mga klase, lalo na sa strand na STEM, kung saan lumalamang ang bilang nito dahil sa dami ng oportunidad na maaaring maging trabaho. Nililimitahan ang pag-aaral na ito sa Sacred Heart College lalo na sa mga magaaral na nasa ika-11 na baitang ng STEM strand sa Senior High 6 School. Ang mapipiling respondente ay 10 lamang; limang babae at limang lalaki, na nasa 15-17 na taong gulang. Depenisyon ng Katawagan Para sa madaliang pag-iintindi sa ilang terminolohiyang ginamit sa pananaliksik at pag-aaral. COVID-19 – tumutukoy sa sakit na dulot ng coronavirus. Maaaring magsimula sa karaniwang sipon hanggang sa malubhang karamdaman o sakit. Maaari rin magdulot sa kamatayan Estudyante – tumutukoy sa mga porsyon ng lipunan na opisyal na nag-aaral sa isang paaralan. Guro – tumutukoy sa mga gumagabay at nagtuturo sa mga estudyante sa paaralan. New Normal – tumutukoy sa bagong patakaran sa aspetong pang-edukasyon matapos umusbong ang pandemyang COVID-19. Online classes – tumutukoy sa uri ng pag-aaral na isinasagawa sa makabagong teknolohiya imbes sa tradisyunal na silid-aralan. Pandemya – tumutukoy sa kinakaharap na suliranin ng bansa, kung saan maaaring maapektuhan ang lahat dahil sa mabilis na pagkalat ng virus. Quarantine – tumutukoy sa aksyon na ginagawa upang makaiwas makahawa sa iba. Kadalasang tumatagal ng 14 na araw o higit pa. Social Distancing – tumutukoy sa bagong patakaran upang makaiwas sa pagkalat ng virus. STEM – tumutukoy sa strand sa programang K-12 na naglalayong palaliman pa ang kaalaman sa siyensa, teknolohiya, at matematiko. Karaniwang kinukuha ng mga nangangarap maging doktor, inhinyero, nars, arkitekto, atbp. Strand – tumutukoy sa konsepto na sakop ng programang K-12. Nahahati sa tatlong (3) track; Academic (STEM, HUMMS, ABM, GAS), Technical-Vocational-Livelihood, at Sports and Arts. 7 Kaugnay na Literatura Ang online learning ay gumagamit ng teknolohiya na mag-uugnay at maghaharap sa dalawa sa pagsasalin ng karunungan at kasanayan, at sa tagisan at palitan ng kuro-kuro. Ang pag-aaral ay isa sa mga karapatan ng mga tao. Ngunit dahil hindi lahat ay may pribiliheyong makapag-aral, maaaring may problema sa pinansyal, sa lugar, sa sitwasyon, atbp. . Hindi bago sa bansa natin ang online class, sa katunayan niyan ay ang online class ay ginagamit ng mga taong may trabaho ngunit gusto pa din makapag-aral tulad ng ilang artista. Ngunit dahil nga sa pandemya, napilitan ang ilang estudyante na mag online class. Kaya naman nagdulot din ang hakbang na ito ng ilang kritik tulad ng “#ACADEMICFREEZE” at “#NoStudentsLeftBehind” movement, kung saan naghahangad ang mga ilang netizens na i-hinto muna ang pag-aaral para sa lahat, dahil hindi nga madadagdagan ang kaso na magkasakit ka mula sa virus, kaso madami namang estudyanteng mapipilitan tumigil dahil sa kahirapan ng buhay, kakulangan sa materyal, o kawalan ng pribiliheyo. Ayon sa reporter na si Magsambol (2020), Hindi lahat ay may access sa internet connection kaya mahihirapan makapag-kondukto ng survey at ito rin ang pangamba ng marami ngayong pasukan. Isang tinitignang paraan ay ang paghahalo ng online classes at pisikal na diskusyon sa loob ng silid-aralan ngunit kung patuloy na lalaki ang paglaganap ng pandemya ay makakatiyak na malaki ang magiging papel ng internet ngayong taon. Ayon naman sa researcher-writer na si Gavilan (2020), dapat na alalahanin ng gobyerno ang iba’t ibang pinanggagalingang estado sa buhay ng mga estudyante, dahil sa sitwasyon na ito makikita ang nagaganap na inequality sa mga estado ng bahay dahil mayroong sapat na resources ang ilan samantalang wala naman ang iba. 8 Sinaad ni Gatchalian (2020), hindi lamang naantala ang pag-aaral ng mahigit 28-milyong mag-aaral mula pre-primary hanggang kolehiyo dahil sa COVID-19 ngunit sinabi rin nito na nanganganib rin ang mga mag-aaral na naiwan sa kanilang mga tahanan na makaranas ng kakulangan sa nutrisyon, mga problema sa mental health, karahasan, at pang-aabuso at dahil dito iginiit ng chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture na kailangang sanayin ang mga mag-aaral, mga magulang, at mga guro sa ‘learning from home’ na sistema dahil ito na ang magiging paraan ng pagtuturo sa ilalim ng ‘new normal’. Aniya, kailangan ang pagsasanay na ito upang hindi magdulot ng stress at kalituhan ang mga pagbabagong magaganap. Totoo ngang may magandang dulot ang online classes, ngunit hindi pa handa ang bansa para dito. Hindi pa sapat ang quality education na hinahangad ng bansa. Kung gaano man kaganda ang mga positibong epekto ng new normal sa ating mga personal na interes, kailangan pa din natin mas magpagtuunan ng pansin ang mga negatibong dulot nito. Kaugnay na pag-aaral Ayon sa impormasyong nakalap mula sa Pressreader, tinatayang mahigit 9.7 milyong mga bata sa buong mundo ang mapipilitang tumigil sa pag-aaral sa pagtatapos ng taon sa kadahilanang tumataas na ang bilang ng kahirapan at kakulangan ng badyet ng isang pamilya sa buong mundo dahil sa patuloy na paglaganap ng pandemya ngayon ngunit noong sinimulang ipatupad ang lockdown ay umabot sa 1.6 bilyong mga bata na ang tuluyan nang tumigil sa pag-aaral sa buong mundo. Ang pag-aaral na nabanggit sa itaas ay nagpapatunay na hindi talaga mawawala ang kahirapan o estado sa buhay sa mga dahilan ng hindi pag-aaral. Makikita rito na hindi pa kayang makipagsabayan ng ating bansa pagdating sa makabagong paraan ng pagtuturo. 9 Ayon kay Gunigundo (2020) sa “Online learning sa New Normal ng Edukasyon”, hindi na uubra ang dating normal na tanging sa silid paaralan lang maghaharap ang guro at mga estudyante upang maganap ang edukasyon. Dahil nga sa kinakaharap na pandemya, inaanyayahan ang lahat na mag-iingat at huwag munang lumabas ng kanilang tirahan upang makaiwas sa sakit. Sinaad din ni Gunigundo na sa ayaw man o sa gusto ng mga guro, magulang, estudyante at mga opisyales ng Kagawaran ng Edukasyon, CHED at Tesda, mas dadalas at magiging pangunahing pamamaraan sa paghahatid ng karunungan ang “online learning” na dati’y madalang gamitin. Ayon sa mga nailathala sa itaas, ang ninanais ng lahat na bumalik na muli sa dati ang lahat ay malabo pang mangyari, sa kadahilanang delikado pa nga lumabas ng bahay dahil pataas ng pataas pa rin ang bilang ng kaso bawat araw. Sinasaad din na mapipilitan muna ang lahat na mamuhay sa makabagong sistema. Sinabi naman ni Li (2020) sa “World Economic Forum” na mas epektibo ang online classes kumpara sa pag-aaral sa silid-aralan. Sapagkat mas natatandaan daw ng mga estudyante ang kanilang natutunan ngayong online classes kumpara sa natututunan sa silid-aralan. Sa pinapahatid ni Li, nabigyan naman niya ng dahilan kung bakit maganda ang paraan ng pagkakatuto sa online classes, sa kadahilanang mababalikan daw ng mga estudyante ang mga tinuturo na paksa mula sa mga materials na ibinibigay sa kanila ng mga guro. Ngunit ang mga mananaliksik ay hindi rin pabor sa sinabi ni Li dahil mas natatabunan pa rin ng mga negatibong epekto ang mga positibong epekto. 10 Ayon naman kay Manuel (2020) sa “Advantages and disadvantages of online classes”, nakalagay ang iba’t ibang pros at cons, kung saan makikita na mas malala pa yung negatibong epekto ng online class, tulad ng hindi lahat ng estudyante ang makakapag-online. Ang online learning ay gumagamit ng at dapat i-konsidera na hindi lahat ay may kakayanan at abilidad na makipagsabayan dito. 11 KABANATA II METODOLOHIYA Inilalahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraan na ginamit at mga paglalarawanan ng mga sangkot na gagamitin sa pananaliksik. Matatagpuan din dito ang disenyo ng pananaliksik na gagamitin. Disensyo ng Pananaliksik Ang isinagawang quantitative research ay gumamit ng deskriptibong pananaliksik. Sa maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ang Descriptive Survey Research design ang angkop sa isinasagawang pag-aaral, kung saan ginagamitan ito ng Survey questionaires o talanatungan na pupunan ng mga napiling tao na siyang panggagalingan ng mga datos. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang disensyong ito ang angkop gamitin sapagkat mas madaling makakuha ng mga datos dito mula sa mga tagapagsagot. Populasyon ng Pananaliksik Ang pananaliksik na “Ang Epekto ng New Normal System sa mga Estudyante ng STEM Strand” ay isasagawa sa paaralan ng Sacred Heart College. Sa mag-aaral; babae at lalaki, may edad na 15-17, sa ika-11 na baitang, sa taong panuruan 2020-2021, Ang mga sasagot sa pananaliksik ay binubuo ng 10 na respondents (5 na babae at 5 na lalaki), na napiling bigyan ng survey. Lokal ng Pananaliksik Isinagawa ang pag-aaral sa Kolehiyo ng Sacred Heart, Lungsod ng Lucena, sa mga mag-aaral ng STEM. Ang Kolehiyo ng Sacred Heart ay isang sistemang pang-edukasyon na matatagpuan sa Lungsod ng Lucena, probinsya ng Quezon. Ito ang kauna-unahang Katolikong paaralan sa probinsya ng Quezon at ito ay itinatag noong ika-27 ng Abril taong 1884. Ang 12 tagapagtatag ng paaralang ito ay si Hermana Fausta Labrador, na nagnais bumuo ng isang Charity School para sa mga kabataan, lalo na para sa mga mayroong problema sa pinansyal at paunlarin ang pananampalatayang Katoliko. Mas napalago ang paaralan at ang estado nito ay napalitan mula sa pagiging Academy hanggang sa naging Kolehiyo noong 1941. Makalipas ang ilang taon, ang paraalang ay ipinamana sa Daughters of Charity of Saint Vincent de Paul noong ika-14 ng Agosto, taong 1937. Bago pa man sumabak ang bansa sa bagong normal, isa na ang Sacred Heart College sa gumagamit ng gadgets tulad ng computer at tablet sa pagsasagawa ng mga pagsusulit via Aralinks at iba pang mga aktibidad. Ang mga gadyets na ito ay may nakatalagang sariling silid, kung saan maa-access ito ng mga estudyante sa scheduled na klase. Instrumento ng Pananaliksik Ang mga mananaliksik ay gagamit ng survey-kwestiyoneyr o talatanungan via Google Forms bilang pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos at impormasyon na magagamit sa pananaliksik na ito. Ang talatanungan ay naglalaman ng 10 tanong, na nahahati sa 2 na kategorya, ukol sa (I) positibong epekto at ang (II) negatibong epekto. Ang panayam ay makakatulong sa mga mananaliksik upang makakuha ng iba’t ibang persepsyon ng mga mag-aaral ukol sa epekto ng New Normal System sa mga estudyante ng STEM strand at ang iba pang mga isyu nito. Ginamit ng mga mananaliksik, ang talatanungan dahil ito ang pinaka-angkop na pamamaraan sa pag-aaral, at para malaman ang sariling opinyon at impormasyon sa mga tagasagot. Paraan ng Pangangalop ng Datos May iba’t-ibang paraan para makuha ang mga tamang datos sa aming pananaliksik na gagawin tungkol sa mga Epekto ng New Normal System sa mga estudyante lalo na sa mga taong nakapasok sa STEM Strand. 13 Sa mga nakalap na datos, mas madadagdagan pa ang mga kaalaman at lalalim ang mga pagkakaunawa at pagkakaintindi ng mga mananaliksik. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng talatanungan o survey questionnaires, makakabuo ang mga mananaliksik ng maaaring tugon sa kinakaharap na isyu. Gamit ang descriptive research bilang disenyo, ang mga mananaliksik ay bubuo ng talatanungan base sa mga nailahad na problema at sa mga katanungang nais masagutan. Ang pagpapasagot sa 10 estudyante na nasa ika-11 na baitang sa strand na STEM, Matapos makalop ang mga datos, magkakaroon ng pagkukumpara at paghahalintulad upang mapagtuunan ng pansin ang mga epektong dapat isaalang-alang sa pagbuo ng kasagutan. Ang kabuuang pag-aaral ay nagsimula noong Sityembre taong 2020 at matatapos ng Abril sa taong kasalukuyan. Ang pagkolekta ng datos ay naisagawa sa loob ng dalawang araw dahil sa paniniguro na hindi makakaabala sa oras ng mga mag-aaral ang pagpapasagot ng survey. Paglalapat Istatistikal Ang nalikom nadatos mula sa ibinahaging talatanungan ay inilathala, inalisa, at ipinaliwanang sa pamamagitan ng Weighted Average Mean (WAM) namakukuha sa paggamit ng pormulang: ∑(𝑤∙𝑥) 𝑋= ∑𝑊 Kung saan: 𝑤 = 𝑙𝑖𝑘𝑒𝑟𝑡 𝑠𝑐𝑎𝑙𝑒 𝑊 = 𝑃𝑜𝑝𝑢𝑙𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛 𝑋 = 𝑠𝑐𝑎𝑙𝑒 14 Makikita ang interpretasyong nakalagay sa talahanayan bilang pagtugon sa resulta ng pagsusulit. Upang matugunan ito, gumamit ang mga mananaliksik ng sumusunod na pamantayan gamit ang 4-point Likert Scale. Bilang Katumbas Paglalarawan 4 3.26-4.00 Lubos na sumasang-ayon (LSA) 3 2.51-3.25 Sumasang-ayon (SA) 2 1.76 - 2.50 Hindi sumasang-ayon (HSA) 1 1.00 – 1.75 Lubos na hindi sumasang-ayon (LHSA) Talahanayan 1. 4-Point Likert Scale Ang punto ng pagtanggap para sa mga items ay 2.50 at anumang bumaba sa 2.50 ay nangangahulugang hindi sumasang-ayon. 15 KABANATA III PRESENTASYON, ANALISIS, at INTERPRETASYON NG MGA DATOS Makikita sa kabanata na ito ang mga nakalop na datos para sa pananaliksik na tungkol sa mga epekto ng new normal system sa mga estudyante mula sa ika-11 na baitang ng STEM (Science, Technology, Engineering and Mathematics) Strand. Nilalayon ng kabanatang ito na mailahad, masuri at mabigyan ng pagpapakaulugan ang mga nakalap na datos. Unang Bahagi: Demograpikong Tala ng mga respondente Makikita sa unang bahagi ang mga naitalang datos mula sa demograpikong tala ng mga respondente sa tuntunin ng edad at kasarian. 1.1. Edad Pigura 2. Bahagdan ng Dami at Bilang ng Porsyento ng mga respondente sa tuntunin ng edad Makikita sa Bahagdan 1 ang kaukulang edad ng mga respondente. Ang mga respondente ay mula sa ika-11 na baitang ng STEM (Science, Technology, Engineering and Mathematics) 16 Strand sa paaralang Sacred Heart College. Sa kabuuan, sampung respondente ang napiling sumagot sa survey kung saan 60% ng mga sumagot ay nasa edad na 17 na taong gulang na at ang natitirang 40% naman ay nasa edad na 16 na taong gulang pa lang. Ayon sa pag-aaral ni Martinez (2015), isa sa mga salik na nakaaapekto sa performance ng isang mag-aaral ay ang edad at ayon kay Piaget, buhat sa pananaliksik ni Alibutod (2008), inilahad niya kung paano ngang kognitibong pag-unlad ay makukuha sa pamamagitan ng maturational stages kung saan ang prosesong pagbabago at pag-iisip ay tumataas habang tumataas din ang edad. Kung kaya't naniniwala si Piaget na mas may kakayahang umunawa at makapag-adjust sa sitwasyon ang mas matanda kaysa sa naka-babata. Habang umuusbong ang makabagong panahon, mapapansin na halos wala ng pinagkaiba ang pag-iisip ng mga taong may iisang paniniwala. Kadalasang makikita ang pahayag na “Maturity does not come with age” na nangunguhulugan na kahit anong edad, basta’t alam mo at pinipili ang tama kaysa sa mali, maikokonsidera ka ng “mature”. Dahil na rin sa katotohanang hindi lahat ng mas matatanda ay may mabuti at tamang pag-iisip. 1.2. Kasarian 17 Pigura 3. Bahagdan ng Dami at Bilang ng Porsyento ng mga respondente sa tuntunin ng kasarian Nakalahad sa Bahagdan 2 ang kaukulang kasarian ng mga respondente. Ang 10 estudyante ay nakatalagang pinili bilang 5 lalaki at 5 babae na sasagot lamang. Kung kaya’t ang resulta ng nakalop na datos ay pantay lamang; 50 porsyento ng mga respondente ay lalaki at ganoong porsyente rin ang mga babaeng sumagot. Ayon kay Yoo and Huang (2013, nasa sipi ni Morante, 2017), "Female students have stronger intrinsic motivation to make online courses than their male counterparts". Nakita rin sa ibang pag-aaral na mas maganda ang resulta ng kanilang mga takdang-gawain at mga eksaminasyon kumpara sa mga lalaki. Natuklasan na mas mabilis ang progresong mga babae pagdating sa mga gawain kaysa sa mga lalaki. Sa makatuwid ay mas lamang sa mga pag-aaral na mas mabilis makasabay at maka-adapt ang mga kababaihan ngayong New Normal na online class kumpara sa mga kalalakihan. Sa pamamagitan ng mga nabanggit sa itaas, nagkaroon at nabigyan pa ng mga ideya kung paano nakakahabol at nagkakaiba ang pag-angkop ng kasarian ng respondente sa kasalukuyang problema. Mas mapapansin na mas productive ang mga kababaihan, samantalang ang mga kalalakihan ay umaangkop pa lang, na maaring dulot ng katamaran noong tradisyunal na klase pa lamang. Ngunit dahil nga sa patuloy ng pagbabago ng mundo, mapapansin na may ilan ng pagbabago sa pag-iisip ng bawat respondente, kung saan nagkakaroon na ng pagkakaisa, hindi lamang sa edukasyon, kundi pati na rin sa iba’t ibang kontemporaryong isyu. Ikalawang Bahagi: Ang mga masasama at magandang epekto ng “new normal system” 18 Sa ikalawang bahagi makikita ang resulta ng pinasagutang talatanungan kung saan matutukoy ang mga epekto ng new normal system at kung lamang ba mga negatibong epekto sa positibo o kung mas lamang ba ang positibong epekto kaysa sa negatibo. Rating Scale 4 Pahayag WAM Paglalarawan Ranggo 2 2.20 HSA 10 5 0 2.60 SA 8 5 3 0 2.90 SA 6 4 2 3 2.30 HSA 9 3 2 1 (SA) (HSA) (LHSA) 1 2 5 1 4 sariling 2 (LS A) Mas mabilis natututo akong ngayon kumpara noong regular pa ang klase Mas nadadalian ako sa mga gawain sa online classes kumpara sa regular na klase Mas kumportable akong magklase sa bahay Mabilis kong na-adapt ang new normal system/ 1 Mas nagiging productive ako ngayon 19 Nagkaroon na ako ng oras para diskubrihin at 2 5 2 1 2.80 SA 7 3 5 2 0 3.10 SA 3.5 4 4 2 0 3.20 SA 2 makipag-usap sa aking 3 5 2 0 3.10 SA 3.5 6 2 0 3.00 SA 5 2 2 0 3.40 LSA 1 kilalanin pa ang aking sarili Hindi sapat ang aking mga resources; mabagal na signal ng internet o mobile data Tumaas ang presyo ng bills at gastusin babayaran ng na aming pamilya Nahihirapan akong mga guro at mga kaklase Nahihirapan akong makahabol o makasunod 2 sa mga diskusyon Lubos na naapektuhan ang aking sleep schedule 6 dulot ng pagpu-procrastination, 20 dami ng gawain o sasagutang mga modyul 2.9 Kabuuan: 2.86 SA Talahayan 2.Resulta ng epekto ng New Normal System sa mga Estudyante ng STEM Strand Legends: WAM = WEIGHTED AVERAGE MEAN 3.26-4.00 Lubos na sumasang-ayon (LSA) 2.51-3.25 Sumasang-ayon (SA) 1.76 - 2.50 Hindi sumasang-ayon (HSA) 1.00 – 1.75 Lubos na hindi sumasang-ayon (LHSA) Makikita sa Talahayan 2 ang magaganda at masasamang epekto ng “new normal” system sa mga estudyante ng STEM Strand. Dahil nga sa mag tutuunan ng pansin ang negatibong epekto ng new normal sa buhay ng mga estudyante, nakabuo ng 2.86 na Weighted Average Mean na tumutugon sa iskala na “Sumasang-ayon”. Mapapansin na mas maraming sumasang-ayon o mas nakakaranas ng negatibong epekto kung kaya’t pumapabor ang mga datos na nalikom sa pangunahing layunin ng pag-aaral na isinasagawa. Sa naganap na pagtataya, Lubos na sinasang-ayunan ng mga estudyante ang negatibong epekto na naapektuhan ang kanilang sleep schedule dulot ng pagpu-procrastination, dami ng gawain at sasagutang mga modyul na may WAM na 3.40. Ang mga sumusunod ay mga negatibong epekto na sinasang-ayunan ng mga estudyante; tumaas ang presyo ng bills at gastusin na babayaran ng kanilang pamilya (3.20), hindi sapat na mga resources (tulad ng mabagal na signal ng internet o mobile data) (3.10), pahirapang pakikipag-usap sa kanilang mga guro at mga kaklase (3.10), at pahirapang makahabol o makasunod sa mga diskusyon (3.00). Sinasang-ayunan din ng mga respondente ang 21 mga positibong epekto na; mas kumportable na silang magklase sa sariling bahay (2.90), nagkaroon na sila ng oras para diskubrihin at kilalanin pa ang kanilang sarili (2.80), at mas nadadalian daw sila sa mga gawain sa online classes kumpara sa regular na klase (2.60). Lumabas naman na hindi sila sumasang-ayon sa mga positibong epekto na; mabilis silang naka-adapt sa new normal system at mas naging productive sila (2.30), at mas mabilis silang natututo ngayon kumpara sa face-to-face classes (2.20). Ayon sa artikulo ng Safetyandhealthmagazine (2020) na “COVID-19 pandemic taking a toll on people’s sleep: survey”, lumabas sa survey na 3/5 ng mga tao sa U.S. ay nagkakaroon ng disrupted sleep schedule at lalong hindi pumapantay sa kanilang routine. Ang artikulo sa itaas ay sumusuporta sa napag-alaman na nangunguna sa ranggo; “Lubos na naapektuhan ang aking sleep schedule dulot ng pagpu-procrastination, dami ng gawain o sasagutang mga modyul”. Sa pag-aaral naman na “Face-to-Face learning is better than online” ni Pitt (2020), Base sa kaniyang personal na karanasan, napansin niya na mahirap makaiwas sa mga distractions sa kanilang mga kapaligiran, na mas lalo pang makakaapekto sa kaniyang grado. Ang pag-aaral ni Pitt ay mas pabor sa tradisyonal na klase sa kadahilanang nawawalan dawn ng motibasyon ang mga estudyante, at maaaring magdulot sa mababa pang grado ang mga distraksyon sa kanilang bahay tuwing nagkaklase. Ikatlong bahagi: Ang ugnayan ng demograpikong tala ng mga tagapagsagot sa epekto ng new normal system. Sa ikatlong bahagi matutukoy ang kasagutan sa tanong na “Ano ang ugnayan ng demograpikong tala ng mga tagapagsagot sa epekto ng new normal system?” kung saan mas makakatulong ito sa pagbubuo ng resulta o kagamitan. 22 T-Test Dependent Degree Pinagkumparang Computed Mean of Grupo Value Freedom Impression With 0.05 Critical Decision Value level of significance Lalaki Walang Accept 16 taong gulang 3.00 17 taong gulang 2.70 18 0.43 2.10 pagkakaiba H0 sa halaga Babae Walang Accept 16 taong gulang 2.97 18 0.50 2.10 pagkakaiba H0 17 taong gulang 2.95 sa halaga Talahayan 3. Resulta ng ugnayan ng demograpikong tala ng mga tagapagsagot sa epekto ng new normal system Makikita sa Talahayan 3 ang kompyutasyon at resulta ng kaugnayan ng demograpikong tala ng mga tagapagsagot sa epekto ng new normal system sa kanilang pamumuhay bilang isang estudyante mula sa STEM Strand. Lumabas na ang mga lalaki na 16 at 17 taong gulang may computed value na 0.23 at critical value na 2.10 ay tumutugon sa H0; may pagkakapareho ang persepsyon ng 16 taong gulang sa 17 taong gulang at mas lamang ang negatibong epekto kaysa sa positibong epekto. Sang-ayon din ang lumabas na resulta sa mga babae na 16 at 17 taong gulang may computed value na 0.96 at critical value na 2.10. Ayon sa artikulo ng nina Milosievski, Zemon, Stojkovska, at Popovski (2020), wala namangt pagkakaiba ang pagiisip ng lalaki at babae na edad 16 taong gulang at 17 taong gulang sa online class dahil ang mga mag-aaral ay hindi nakakakuha ng tunay at walang hanggang 23 kaalaman pag dating sa online class at nababase lang ang grado ng bawat estudyante sa sagot at nagiging resulta ng online system. Ang artikulong nabanggit ay sumusuporta sa nalikom na datos ng mga mananaliksik. Sa pamamagitan ng literatura na ito, mas napalalim pa ang pagkakaunawa sa sitwasyon ng mga estudyante at dahil ito na rin ay sinulat na rin ng mga estudyante na nasa 16-17 taong gulang na. 24 KABANATA IV BUOD, KONKLUSYON, at REKOMENDASYON Makikita sa kabanata na ito ang buod at konklusyon ng pag-aaral at ang mga rekomendasyon ng mga mananaliksik. Sinasaad ng kabanata ang kabuuang resulta mula sa mga nakalop na datos. Buod Ang isinagawang pananaliksik ay naglalayong matukoy ang epekto ng new normal system sa mga estudyanteng nasa sa ilalim ng STEM Strand, kung saan mas pagtutuunan pa ng pansin ang mga negatibong epekto ng makabuo ng kagamitan at malaman kung may pagkakaiba ang pag-iisip ng mga estudyante batay sa demograpikong tala base sa edad at kasarian. Ang resulta na nalikom ay binuod batay sa pinasagutan na talatanugan sa sampung estudyante sa ika-11 na baitang sa strand na STEM ng Sacred Heart College taong 2020-2021. 1. Demograpikong Tala ng mga mag-aaral batay sa: 1.1 Mas mataas ang bilang ng mga estudyante na nasa 17 taong gulang at binubuo ng 60% ng mga respondente, samantalang ang natitirang 40% ay ang mga estudyanteng nasa 16 taong gulang pa lamang. 1.2 Dahil sampu lamang ang napiling respondente, napiling limang babae at limang lalaki lamang ang sasagot sa talatanungan. 2. Ang masasama at magandang epekto ng new normal system: Lumabas sa pag-aaral na mas lamang ang negatibong epekto ng new normal system sa pag-aaral kaysa sa positibong epekto kung saan nanguguna ito sa ranggo ng mga resulta. A. Ang suliranin na nakakaapekto ang online learning sa pagkawala at pagkakulang ng sleep schedule ng mga estudyante na may WAM na 3.40 25 B. Lumabas naman na nahihirapan ang karamihan na matuto ng mas mabilis ngayong online classes kaysa sa tradisyonal na pag-aaral na may WAM na 2.20. Konklusyon Batay sa isinagawang pananaliksik, ang mga mananaliksik ay nakabuo ng mga konlusyon na: 1. Walang malaking pagbabago sa halaga ng bawat respondente. May tig-limang babae at lalaki tumugon. May mga labingpitong taong gulang na at ang ilan ay magla-labingpitong gulang pa lang. Lumabas naman na walang dulot na pagkakaiba ang mga mga kasagutan ng mga respondente kahit may pagkakaiba sa naitalang demograpikong profile. 2. Lumabas na kahit mga estudyante na nag-aaral online ay nakakaharap din ng samut-saring problema at epekto na dulot ng bagong normal. Napansin na mas lamang din ang negatibong epekto kaysa sa positibo. Ang pag-aaral na ito ay magbubukas din ng pinto upang i-konsidera naman ang mga sitwasyon at epekto ng new normal sa mga estudyante sa nakakababang estado ng buhay. 3. Ang mga tamang pag-iisip at aksyon ay hindi makikita sa kung ano ang edad at kasarian ng isang tao. Ang makabagong henerasyon ngayon ay isa sa mga halimbawa na nagpapatunay sa pahayag na nabanggit. Dahil sa patuloy na nagbabago ang mga paniniwala ngayong makabagong panahon, unti-unti ng nagkakaroon ng pagkakaisa sa paniniwala ang lahat ng kasarian, may mga kabataan na rin na mas matured mag-isip. Lumabas sa resulta na halos lahat ng respondente ay nagkakaisa rin sa mga sagot. Rekomendasyon Ang mga sumusunod na rekomendasyon ay batay sa mga nakuhang resulta at nabuong konklusyon: 26 Para sa mga estudyante Kahit nahihirapan sa pag-aaral sa sitwasyon ngayon, lagi pa rin dapat tandaan na ikaw ay suwerte sapagkat mas malaki pa rin ang epekto ng new normal sa mga taong walang pribileheyo at kakayanang makapag-aral at hindi makasabay ngayong may pandemya. Para sa mga guro Isipin at i-konsidera ang mga sitwasyon ng bawat ng estudyante tuwing may mga gawain, maaaring nakakasali sa klase ang mga estudyante ngayon ngunit hindi pa rin mawawala na may mas nakakaangat at nakakababa sa sitwasyon. May mga estudyante pa rin na walang sapat na kagamitan para sa online classes. Para sa mga magulang Kung napapansin na ang inyong mga anak ay may kinakaharap na problema sa pag-aaral, ugaliing kausapin ang mga anak ng masinsinan, magbigay ng kahit kaunting tulong, o kaya ay sabihan muna na magpahinga. Iwasan na bigyan sila ng leksyon sapagkat hindi lahat ay may kakayanan na maka-adapt agad sa bagong kapaligiran o sistema. Para sa mananaliksik sa hinaharap Gamit ang mga makabagong kagamitan at teknolohiya sa hinaharap, sana ay makahanap at makabuo pa ng kagamitan at solusyon na mas makakatulong sa bawat mag-aaral. 27 TALASANGGUNIAN Alumia, H.M. (2014) THESIS (Pananaliksik) Tagalog. Slideshare. Nakuha noong Setyembre 26, 2020 galing sa https://www.slideshare.net/mobile/hillainemarie/thesis-pananaliksik-environment-code-ng-santarosa Anonymous (2020). “Pahayag ng Pakikiisa ng Kagawaran ng Edukasyon”. Mula sa https://www.deped.gov.ph/2020/05/01/pahayag-ng-pakikiisa-ng-kagawaran-ng-edukasyon/ Anonymous (n.d) Sacred Heart College (Lucena). Wikipedia. Nakuha noong Setyembre 21, 2020 galing sa https://en.m.wikipedia.org/wiki/Sacred_Heart_College_(Lucena) Gabay, R.E. (2017). “Persepsyon ng mga Estudyanteng nasa Senior High School sa Malabon national High School sa Paggamit ng Teknolohiya Bilang Kagamitang Panturo”. Mula sa https://www.academia.edu/31844197/PERSEPSYON_NG_MGA_ESTUDYANTENG_NASA_S ENIOR_HIGH_SCHOOL_SA_MALABON_NATIONAL_HIGH_SCHOOL_SA_PAGGAMIT_ NG_TEKNOLOHIYA_BILANG_KAGAMITANG_PANTURO Gatchalian, S. (2020, Mayo 8). “Epekto ng COVID-19 sa sistema ng edukasyon, pag-aaralan ng Senado” ni Asuncion, N.M.. Mula sa http://radyopilipinas.ph/rp-one/articles/politics/epekto-ng-covid-19-sa-sistema-ng-edukasyon-pa g-aaralan-ng-senado Gavilan, J., Magsambol, B. & Tomacruz, S. (2020). “Ang lumalalang coronavirus pandemic sa Pilipinas”. Mula sa https://www.rappler.com/newsbreak/podcasts-videos/beyond-stories-coronavirus-situation-philip pines-march-2021 28 Gunigundo, M. (2020). “Online learning sa New Normal ng Edukasyon”. Mula sa https://archive.journal.com.ph/editorial/opinion/online-learning-sa-new-normal-ng-edukasyon Hernaez, J. (2020). “Quarantine, online learning may epekto sa mental health ng mga bata”. Mula sa https://news.abs-cbn.com/news/10/11/20/quarantine-online-learning-may-epekto-sa-mental-healt h-ng-mga-bata Li, C. (2020). “The COVID-19 pandemic has changed education forever. This is how”. Mula sa https://www.weforum.org/agenda/2020/04/coronavirus-education-global-covid19-online-digital-l earning/ Manuel, J. (2020). “Advantages and disadvantages of online classes”. Mula sa https://www.noypigeeks.com/featured/advantages-disadvantages-online-classes/ Mickens, R. (2020). “Museum Receives Grant to Study COVID-19 Impact on STEM Students”. Mula sa https://www.amnh.org/explore/news-blogs/education-posts/covid-19-stem-students Milosievski, M., Popovski, K., Stojkovska, J., & Zemon, D. (2020). “Learning Online: Problems and Solutions”. Nakuha noong Abril 6, 2021 mula sa https://www.unicef.org/northmacedonia/stories/learning-online-problems-and-solutions?fbclid=I wAR0vP432zdA2rLi1rXkJLxjWBCbs7xTgjAl3mNIDFc-_DqUfQhlOLiLokwI Pitt, D. (2020). “Face-to-face learning is better than online”. Mula sa https://cw.ua.edu/64870/opinion/face-to-face-learning-is-better-than-online/?fbclid=IwAR3_CG QS3ezep52PPNF9joWi957D7PduHB4P3CIKm5eBrHBWGwf161JjEk4 Uichangco, M.F. (n.d) Lebel ng Pagtanggap kabanata 2. Scribd. Nakuha noong Marso 31, 2021 galing sa https://www.scribd.com/document/472832906/Lebel-ng-Pagtanggap-kabanata-2 29 Villalobos, A. (2013). “Ang Bagong Sistema ng Edukasyon”. Nakuha noong Abril 6, 2021 mula sa https://ph.news.yahoo.com/ang-bagong-sistema-ng-edukasyon- 093331364.html Villance, L.J. (2018). “STEM Life”. Nakuha noong Abril 6, 2021 mula sa http://lerryjohnvillance.blogspot.com/2018/10/stem.html’ Wooten, M. (2020). “Study to analyze pandemic’s impact on STEM students”. Mula sa https://news.uga.edu/study-analyze-pandemics-impact-stem-students/ 30 APENDISIS Apendiks A Mga grapikong ginamit para sa awtput na video 32 Apendiks B Magandang araw! Kami po, ang mga mag-aaral na galing sa ikalabing-isang baitang, STEM 4, na nagsasagawa ng isang pananaliksik na pinamagatang “Ang Epekto ng New Normal System sa mga Estudyante ng STEM Strand”. Bilang pagtugon sa pananaliksik, susuriin ng mga mananaliksik ang inyong kalagayan sa bagong sistema dahil sa pandemya sa pamamagitan ng pagsasagot sa talatanungan. Ang iyong mga sagot ay magsisilbing datos para sa pinal na paglalapat. Maraming salamat sa inyong pakikiisa! ARAGO, RAFAEL V. MATAYA, GWYNETH NICOLE R. BATAYOLA, KAYLEIGH ALETHEA D. PALOMAR, JESIE JOSEPH C. FRANCO, MARK NEIL E. YULDE, KURT DARRYL G. LIBAO, ASHLEY AYEN GHAIL C. ZARA, DESIREE L. Mga mananaliksik ______________________________________________________________________________ DEMOGRAPIKONG TALA NG TAGAPAGSAGOT Pangalan: _____________________________________ (Opsyonal) Panuto: Lagyan ng Tsek (/) ang mga sumusunod na aytem na umaayon sa iyong demograpikong tala. Kasarian: __ Lalaki __ Babae Edad: __15 __ 16 __ 17 Panuto: Sa pamamagitan ng mga sumusunod na iskala ay lagyan ng Tsek (/) ang kolum ng pahayag na iyong mas pinapaboran. 33 4 – Lubos na sumasang-ayon 2 – Hindi sumasang-ayon 3 – Sumasang-ayon 1 – Lubos na hindi sumasang-ayon TALATANUNGAN I. 4 3 2 1 Ang mga sumusunod na tanong ay ukol sa mga POSITIBONG EPEKTO Mas mabilis akong natututo ngayon kumpara noong regular pa ang klase Mas nadadalian ako sa mga gawain sa online classes kumpara sa regular na klase Mas kumportable akong magklase sa sariling bahay Mabilis kong na-adapt ang new normal system/ Mas nagiging productive ako ngayon Nagkaroon na ako ng oras para diskubrihin at kilalanin pa ang aking sarili II. Ang mga sumusunod na tanong ay ukol sa mga NEGATIBONG EPEKTO Hindi sapat ang aking mga resources; mabagal na signal ng internet o mobile data Tumaas ang presyo ng bills at gastusin na babayaran ng aming pamilya Nahihirapan akong makipag-usap sa aking mga guro at mga kaklase Nahihirapan akong makahabol o makasunod sa mga diskusyon Lubos na naapektuhan ang aking sleep schedule dulot ng pagpu-procrastination, dami ng gawain o sasagutang mga modyul APENDIKS C 34 KOMPUTASYON NG WEIGHTED AVERAGE MEAN (WAM) 1. (4∙1) + (3∙2) + (2∙5) + (1∙2) / 10 2.20 2. (4∙1) + (3∙4) + (2∙5) + (1∙0) / 10 2.60 3. (4∙2) + (3∙5) + (2∙3) + (1∙0) / 10 2.90 4. (4∙1) + (3∙4) + (2∙2) + (1∙3) / 10 2.30 5. (4∙2) + (3∙5) + (2∙2) + (1∙1) / 10 2.80 6. (4∙3) + (3∙5) + (2∙2) + (1∙0) / 10 3.10 7. (4∙4) + (3∙4) + (2∙2) + (1∙0) / 10 3.20 8. (4∙3) + (3∙5) + (2∙2) + (1∙0) / 10 3.10 9. (4∙2) + (3∙6) + (2∙2) + (1∙0) / 10 3.00 10. (4∙6) + (3∙2) + (2∙2) + (1∙0) / 10 3.40 T-test sa paghahanap ng pagkakaiba ng pag-iisip ng Lalaki na 16 taong gulang sa Lalaki na 17 taong gulang at ng Babae na 16 taong gulang sa Babae na 17 taong gulang 35