Villan, Patricia Angela R., 1st Year- Molar Gawain 1, Idyoma Panuto: Gamitin sa pangungusap at bigyan ng kahulugan ang sumusunod na idyoma. Isulat sa sagutang papel ang inyong sagot. 1. Nagmumurang kamyas- Matandang nag-aastang bata. hal: Tila nagmumurang kamyas si Lolo Tencio sa kaniyang bagong biling sapatos. 2. Asal hayop- Taong bastos ang isip, salita, at kilos. hal: Asal hayop ang kapitbahay naming dinukot at hinanda ang alaga naming aso. 3. Naniningalang-pugad- Taong nanliligaw. hal: Si Gian ay naniningalang-pugad sa kaniyang kapitbahay na si Angela. 4. May gatas pa sa labi- Taong wala pang gaanong alam sa buhay o sa mga bagay-bagay. hal: Halatang may gatas pa siya sa labi dahil sa pagtingin niya sa mga manggagawa. 5. Naghihigpit ng sinturon- Taong matipid, hindi basta basta naglalabas ng pera kung hindi kailangan. hal: Simula noong nag kolehiyo si Patricia sa syudad, naghihigpit na siya ng sinturon. 6. Kumakalam ang sikmura- Pagkaramdam ng gutom. hal: Kumakalam na ang sikmura ni Annika dahil walong oras na siyang nakapila para makakuha ng mga tiket sa isang konsiyerto. 7. Nagpapanting ang tainga- Nagalit o nainis dahil sa narinig. hal: Nagpapanting ang tainga ni Dana noong biniro siya ng kaniyang kaklase. 8. Malikot ang kamay- Magnanakaw o klemptomaniac; taong kumukuha lagi ng hindi kaniya. hal: Sa kanilang klase, si Tencio ay kilalang malikot ang kamay. 9. Matamis ang dila- Taong mahusay magsalita o bolero hal: Matatamis ang mga dila ng mga politikong nangangampanya sa aming barangay. 10. Maamong kordero- Taong mabait. hal: Halatang maamong kordero ang anak ni Aling Arlene kaya marami siyang matalik na kaibigan. 11. Amoy lupa- Matanda na o malapit na mamatay. hal: Amoy lupa ang aso naming labing-tatlong gulang na. 12. Laman ng lansangan- Istambay; taong laging nasa kalye o kanto. hal: Si tonyo ay laman ng lansangan kaya madalang na siyang umuuwi ng bahay. 13. Pagputi ng uwak- Walang maaasahan, walang kahihinatnan. hal: Papayat lang ako pagputi ng uwak. 14. Luha ng buwaya- Taong hindi totoong nag dadalamhati o nagpapakitang tao lamang. hal: ‘Wag mong paniwalaan si Marco, luha ng buwaya ang ipinakita niya. 15. Usad pagong- Mabagal ang kilos o pagdaloy. hal: Ang daloy ng mga sasakyan sa Davao habang dinidiwang Kadayawan ay usad pagong.