Uploaded by Jaymar Flaviano

Fil.10 Q4 M1-Final-ok

advertisement
Republic of the Philippines
Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
10
Zest for Progress
Z P
eal of
Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 1
Kaligirang Pangkasaysayan ng
El Filibusterismo
Name of Learner:
___________________________
Grade & Section:
___________________________
Name of School:
1
___________________________
artnership
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Girley Joy S. Sorela
Editor:
Tagasuri:
Tagapagpamahala:
Majarani M. Jacinto, EdD,CESO VI
OIC, Schools Division Superintendent
Visminda Q. Valde, EdD
OIC, Assistant Schools Division Superintendent
Raymond M. Salvador, EdD, CESE
OIC, Assistant Schools Division Superintendent
Juliet A. Magallanes, EdD
CID Chief
Florencio R. Caballero, DTE
EPS-LRMDS
Josephine L. Tomboc, EdD
EPS- Filipino
Ed
2
Alamin
Binabati kita sa iyong pagsisimula sa modyul na ito. Nais kong malaman mo
na ito ay inihanda at dinisenyo para sa iyong higit na pagkatuto lalo na sa kakayahan
sa pagbasa at pag-unawa. Bahagi ng modyul na ito, inaasahang maipamalas mo ang
iyong pag-unawa sa kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo.
Pagkatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahang:
Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan tungkol sa
kaligirang pangkasaysayan ng EL Filibusterismo. (F10PN-1Va-b-83)
Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:
-pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda
-pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyong ito sa kabuuan o ilang
bahagi ng akda pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda
(F10PB-1V-a-b-86)
May mga gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong
kaalaman tungkol dito.
Aralin Kaligirang Pangkasaysayan ng
4.1 EL Filibusterismo
Mahalaga na bukas ang iyong isipan sa bagong aralin na pag-aaralan
natin ngayon. Alam kong handa kanang ipamalas ang iyong kakayahan sa
pag-unawa sapagkat ang paksa ay may kaugnayan sa nakaraang aralin.
Balikan
Kumusta ka ngayon! Alam kong sabik ka pa ring maipagpapatuloy ang
iyong gawain sa araw na ito. Balikan muna natin ang ating nakaraang
paglalakbay. Naalala mo pa ba ang huli nating pinag-usapan?
Magaling! Tungkol ito sa nobelang may pamagat na ‘’Paglisan” sa bansang
Africa, na isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera. Ipinakita sa nobelang ito ang
3
kumplikadong mga batas at gawi ng angkang pinagmulan ni Okonkwo, sa
pagpapanatili ng maayos na ugnayan. Alam kong kaya mo ito.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba.
1. Sino ang pangunahing tauhan sa nobelang ‘’Paglisan’’?
2. Saan ang tagpuan ng nobela?
3. Ano-anong mukha ng kahinaan ang iniiwasan ni Okonkowo?
4. Paanong ipinakita ni Okonkwo ang kanyang katatagan sa
kaniyang paniniwala at paninindigan?
5. Sang-ayon ka ba sa naging wakas ng nobela? Pangatwiran ang
iyong sagot.
Tuklasin
A. TukLarawan: Tukuyin ang bawat larawan at isulat sa patlang kung ano ito.
Punan mo lang ang mga kulang na letra upang mabuo ito.
M_ND_
M___ND___
__A__A__AT
I__A___
P__UM__
Binabati kita at nakilala mo ang mga larawan! Magpatuloy ka lang at saggutin ang
mga sumsunod na mga tanong:
1.
2.
3.
4.
5.
Ano-ano ang mga kaugnayan ng mga larawan sa bawat isa?
Ano-ano ang kahalagahan ng pagtatamo ng kalayaan?
Ano-ano ang mga naging tugon ng mga bayani para sa ating kalayaan?
Paano ginamit ng mga bayani ang itak at pluma sa pagtatamo ng kalayaan?
Kung bibigyan ka ng pagkakataong gamitin ng pluma para sumulat hinggil
sa ating lipunan, ano ito at bakit?
4
Narito, basahin at unawaing mabuti ang kaligirang kasaysayan ng El
Filibusterismo.
Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo
Noon pa man pinangarap na ni Rizal ang pagsulat ng isang akdang
magpapamulat sa marami niyang kababayan sa umiiral na maling Sistema sa
lipunan. Sa mga ideolohiyang kanyang tinaglay bunga ng mataas na pagaaral, ipinagpatuloy niyang isulat ang karugtong na nobela ng’’ Noli Me
Tangere’’. Ito ang El Filibusterismo.
LAKBAY 1: Taong 1887, inumpisahan ni Rizal na sulatin ang kanyang
nobelang El Filibusterismo. Sinimulan niya ito bilang isang sequel o
karugtong ng kanyang nobela. Ngunit nabatid ni Rizal na hindi magiging
matagumpay ang pagsulat ng kanyang nobela kung mananatili siya sa bayan
dahil maraming pagbabanta at suliranin ang kanyang kinakaharap, pansarili
man o pampamilya. Kayat nagpasya siya magtungo muli ng ibang bansa taong
1888 upang doon ipagpatuloy ang pagsulat ng El Filibusterismo.
LAKBAY 2: Bago paman siya umalis , nagbilin siya kay Blumentritt hinggil
sa maaari niyang kaharapin at nagging dahilan ng kanyang pag-alis. Ito ang
kanyang sinabi, Lahat ng mga punong panlalawigan at mga arsobispo ay
naparoon sa Gobernador-Heneral araw-araw upang ako’y ipagsumbong.ang
buong ahente ng Dominiko ay sumulat ng sumbong sa mga alcalde na Nakita
nila akong lihim na nakikipagpulong sa mga babae at lalaki sa itaas ng
bundok. Totoong akoy naglalakad sa bundok kung bukang-liwayway na
kasama ang mga lalaki,babae at bata upang damhin ang kalamigan ng umaga
ngunit may kasamang teniente ng guwardiya sibil na marunong managalog.
Inalok ako ng salapi ng aking mga kababayan para lisanin ang pulo.
Hiniling nila ang mga bagay na ito hindi lamang sa aking kapakanan kundi sa
kanila na rin sapagkat marami akong kaibigan at kasalamuha na maaring
ipatapon kasama ko sa Balabag o Marianas. Dahil dito kahit may
pagkarahuyo sa ganitong mga pananalita ay lalong nagpaalab kay Rizal upang
tuluyang sulatin ang karugtong na nobela.
LAKBAY 3: Habang siya ay nasa ibang bansa damang-dama ni Rizal
ang matinding paghihirap sa pagsusulat ng nobela dahil sa kakulangan
ng pondo at labis nap ag-alalasa kalagayan ng pamilya sa bansa. Kaya,
nagpadala siya ng sulat kay Jose Maria Basa; ito ang nilalaman n g
sulat, “Ako’y naghihinawa na sa paniniwala sa ating mga kababayan.
Parang sila’y nagkakaisa upang maging mapait ang aking buhay;
pinipigilan nila ang aking pagbabalik, nangangakong bibigyan ako ng
tustos, at pagkatapos na gawin sa loob ng isang buwan ay kalilimutan
nang muli ako…Naisanla kuna ang aking mga alahas, nakatira ako sa
isang mumurahing silid, kumakain ako sa mga pangkaraniwang
restaurant upang makatipid at mailathala ko ang aking aklat.
5
Hindi naglaon iyon, ititigil ko kung walang darating sa aking salapi. A, sasabihin
ko sa iyong kung hindi lamang sa iyo, kung hindi lamang ako naniniwalang may
mga mabubuti pang Pilipino, nais kong dalhin anking mga kababayan at ang lahat
sa demonyo…’’Bakas sa kanyang sulat ang pagnanais na siya ay mayulungan dahil
gusting-gusto niyang mailimbag at matapos na ang karugtong na nobela.
LAKBAY 4: Naging mabait sa kanya ang tadhana dahil dumating ang inaasahang
tulong mula kay Valentin Ventura mula sa Paris. Ipinadala niya ang kabuoang
perang kinakailanagan para sa pagpapalimbag ng nasabing nobela. Mayo 1891,
nang matapos ang pagwawasto ng EL Filibusterismo at nagtungo si Rizal sa Ghent,
Belgium upang doon ipalimbag. Nailimbag ito noong Setyembre,1891 sa sinabi pa
ring lugar at bansa. Nagpadala siya ng walong daang kopya sa Pilipinas upang
ipamudmod ng kanyang mga kasamahan. Dito nagsimula ang paglaganap ng El
Filibusterismo sa lipunang Pilipino. Nagsimula ito ng maraming pagsibol ng ideya
upang labanan ang mga mapang-abusong Kastila.
LAKBAY 5: Inihandog ni Rizal ang nobela sa tatlong paring martir na Gomez,
Burgos, at Zamora kaya maituturing itong nobelang politikal. Nagsasalaysay at
naglalahad ito ng mga suliranin at bulok na Sistema ng pamahalaan at iba pa.
Masasalamin sa nobela ang mapapait na karanasang umalimpuyo sa damdamin ni
Rizal upang lalong maipakita sa bayan ang kanyang pagmamahal. Ipinakita rito
ang pagbabanyuhay ni Rizal bilang isang dakilang bayani at manunulat.
HANTUNGAN NG RUTA: Ang El Filibusterismo ay mula sa salitang Pilibustero
na ibig sabihin ay ‘’mga balak’’ o’’ paghahari ng kasakiman’’. Ito ang tinaguriang isa
sa mababagsik na nobela na magpahanggang sa ngayon ay naghahatid ng bulok na
pamamahala. Ang tuon ng El Filibusterismo ang pakikibaka at pagsalungat sa mga
matataas na uri sa pamamagitan ng isang marahas at mabalasik na paraan. Ang
nobelang ito ang karugtong at wakas ng dalawang nobela upang matighaw ang
pagkauhaw sa kalayaan ng maraming Pilipino.
Voltaire M. Villanueva Ph. D
6
Suriin
Ang akdang iyong nabasa ay ang kaligirang pangkasaysayan ng El
Filibusterismo na naging pangalawang nobela ni Dr. Jose Rizal.
Binibigyan ng pokus dito ang mga pangyayari na hahasa sa iyong kakayahang
umunawa.
Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ano-ano ang mga pangunahing layunin ni Rizal sa pagsusulat niya
ng nobelang ito?
2. Ano-ano ang ginawa ng kanyang mga kababayan para hadlangan ang
kanyang pagpatuloy sa pagsulat?
3. Bakit damang-dama ni Rizal ang paghihirap sa pagsulat ng nobela?
4. Paano ipinagpatuloy ni Rizal ang pagsusulat ng kanyang nobela? Sino ang
tumulong sa kanya?
5. Sa iyong palagay bakit kaya mahalagang pag-aralan ang nobelang ito?
Magaling! Simula palang ay
ipinamalas muna ang iyong
kahusayan sa pagsagot.
Ituloy mo lang!
Gawain 1.
Panuto: Piliin at suriin ang pagkakaugnay ng mga pangyayari sa loob ng kahon
batay sa napakinggan o nabasang kaligirang pangkakasaysayan ng
El Filibusterismo.
Mga Pangyayari sa Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo
A. Inumpisahang sulatin ang EI Filibusterismo
B. Pag-alis ni Dr. Jose Rizal sa Bansa
C. Hirap na dinanas ng isulat ang El Filibusterismo
D. Ang pagpunta niya sa Ghent, Belgium
7
Pangyayari 1
Pagsusuri:
Pangyayari 2
Pagsusuri:
Pangyayari 3
Pagsusuri
Pangyayari 4
Pagsusuri:
Gawain 2.
Panuto: Lagyan ng tsek( ∕ ) ang mga kahong naglalahad ng mga
kondisyong noong panahong isinulat ni Dr.Jose Rizal ang akdang
El Filibusterismo. Sa patlang ay sumulat ng isang patunay na umiiral o
nangyari ang kondisyon o sitwasyong nilagyan mo ng tsek( ∕).
1. Nabatid ni Rizal na hindi magiging matagumpay ang pagsulat ng
kanyang nobela kung mananatili siya sa bayan.
Patunay: ____________________________________________________
______________________________________________________________
2. Bumuti ang kalagayan ng mga Pilipino dahil nakiisa sa kanila ang mga
Espanyol.
Patunay: _____________________________________________________
_______________________________________________________________
8
3. Habang siya ay nasa ibang bansa, damang-dama ni Rizal ang matinding
paghihirap sa pagsulat ng kanyang nobela.
Patunay: ____________________________________________________
_____________________________________________________________
4. Sa panahong isinulat ni Jose Rizal ang El Filibusterismo, ganoon parin
ang pang-aabuso ng mga Espanyol sa bansang Pilipinas.
Patunay: ___________________________________________________
___________________________________________________________
5.
Huminto siya sa pagsulat dahil ang kangyang pamilya ay pinag-uusig ng
may makapangyarihan.
Patunay: _____________________________________________________
_____________________________________________________________
Mahusay! may tatlong star ka dahil nasagutan mo
ng tama ang gawaing suriin.
Pagyamanin
Higit mo pang malinang ang iyong kakayahang umunawa sa akdang nabasa
sa pamamagitan ng iyong masigasig na pagtugon sa bahaging ito.
Gawain 1.
Tukuyin ang kahulugan ng mga salita batay sa iba’t ibang sanggunian o
diksyunaryo. Iugnay ito sa kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo batay
sa mga nakalap na mga kahulugan.
9
Mga Salita
Kahulugan 1
Kahulugan 2
Kaugnayan sa
Kaligirang
Pangkasysayan ng
El Filibusterismo
1. alimpuyo
2. alingawngaw
3. pagbabanyuhay
4. paratang
5. tighaw
Gawain 2.
Pagbubuod ng Kaligirang
Pangkasaysayan ng El
Filibusterismo gamit ang timeline.
Panuto: Ibuod ang napakinggan o nabasang kaligirang pangkasaysayan ng El
Filibusterismo gamit ang grapikong timeline sa ibaba.
10
TIMELINE
Rubrik sa paggawa ng Timeline
Nilalaman
Napakahusay
Mahusay
Katamtaman
Pagsasanay
Lahat ng
impormasyong
kinuha ay
tama at
makabuluhan
Walong
porsyento(80%)
Impormasyong
kinuha ay
tama at
makabuluhan
8
Anim napung
porsyento(60%)
ng
impormasyong
kinuha ay
tama at
makabuluhan
6
Mahusay pero
may kalituhan
ang
pagkasunodsunod ng
pangyayari
2
Bahagyang
Nakita ang
kalinisan at
kaayusan ng
timeline na
ginawa
2
Halos lahat ng
impormasyong
kinuha ay
mali
10
Maayos na
Pagkasunosunod
ang mga
pangyayari
Napakahusay
ang
pagkasunodsunod ng mga
pangyayari
6
Mahusay
(80%)ang
pagkasunodsunod ng mga
pangyayri
4
Kitang-kita
ang kalinisan
at kaayusan
Kita ang
kalinisan ng
timeline na
ginawa
Kasiningan
4
3
11
2
Hindi
nagawang
pagsunodsunurin ang
mga
pangyayari
1
Hindi Nakita
ang kalinisan
at kaayusan
ng timeline na
ginawa
1
Wow! Ang husay mo. Napatunayan mo na kaya mong sagutin ang lahat ng mga
gawain. Sige, kaibigan ituloy mo lang.
Isaisip
Push mo pa ‘to!
Maganda ang ipinakita mong kasiglahan sa iyong pag-sagawa sa mga
naunang bahagi ng modyul na ito. Batay pa rin sa akdang nabasa, gawin mo ang
mga sumusunod:
Pagsasanay 1
Matapos mong masuri ang kaligirang pangkasaysayan ng
El Filibusterismo, ano ang mabubuo mong pagpapahalaga tungkol sa mga
pangyayayari sa akdang binasa? Isulat ang iyong sagot sa patlang sa ibaba .
____________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Gawain 2.
Panuto: Buuin mo ang mga pahayag sa pamamagitan ng pagpupuno ng iyong sagot
sa patlang mula sa akdang binasa. (10 puntos.)
Ang El Filibusterismo ay maituturing itong nobelang ___________________.
Naisasalaysay at nailalahad ito ng mga ___________ at_____________at iba pang
problemang may kaugnayan sa _________, ____________, ___________at iba pa.
Masalamin sa nobela ang mapapit na karanasang______________sa damdamin ni
Rizal upang lalong maipakita sa bayan ang kaniyang ___________.Ipinakita rito ang
_______________ ni Rizal bilang isang dakilang bayani at manunulat.
12
Tayahin
Panuto: Basahin ang mga pahayag. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang layunin ni Dr. Jose Rizal sa pagsulat niya ng
El Filibusterismo?
A. Magising ang natutulog na damdamin ng mga Pilipino at
magsisiwalat sa kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol.
B. Ang mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino sa pamamagitan
ng pagbibigay ng trabaho.
C. Ang mabago ang naghaharing Sistema ng pamahalaan
sa pilipinas
D.ang maturuan ang mga Pilipinong lumaban sa pamamatitan
ng mapayapang paraan.
2. Ang sumusunod ay mga dahilang binanggit ni Rizal kung bakit nagtungo
siya sa ibang bansa maliban sa______.
A. Dahil sa pagmamalabis ng makapangyarihan sa kanya
B. Dahil sa nais niyang magkaroon ng kasiyahan sa pagtuklas at pagaaral
C. Dahil gusto niyang ipagpatuloy ang pagsusulat
D. Dahil gusto niyang mapalayo sa kanyang kababayan
3. Taon kung kailan sinimulang sulatin ni Dr. Jose Rizal ang
El Filibusterismo?
A. 1891
C. 1888
B. 1887
D. 1896
4. Ang sumusunod na pahayag ay
mga kahirapang dinanas ni Rizal sa
pagsulat ng kanyang nobela. maliban sa ____.
A. Naisanla ang kanyang mga alahas
B. Nakatira sa pangkaraniwang restawran
C. Wala siyang nasisingil sa pinagbilhan ng kanyang unang nobela
D. Kakulangan ng pondo at labis na pag-aalala sa pamilya
5. Sa nobelang El Filibusterismo. Sino ang pinadalhan ng sulat ni
Dr. Jose Rizal ?
A. Maria Clara
B. Jose Maria Basa
C. Pamilya
D. Ferdinand Blumentritt
6. Kailan nailimbag ang El Filibusterismo?
A. Marso 29,1887
C. Mayo 1891
B. Pebrero 21, 1887
D. Setyembre 1891
13
7. ‘’Ako’y nanghihinawa na sa paniniwala sa ating mga kababayan.
Parang sila’y nagkakaisa upang maging mapait ang aking buhay.
Ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit ay______.
A. nag-aalala
C. nagtatampo
B. nagsasawa
D. nagtataka
8. Anong damdamin ang ipinakita ni Rizal sa kanyang pahayag
sa itaas?
A. nalilito
C. natatakot
B. nagdadalamhati
D. nawalan ng pag-asa
9. Ang El Filibusterismo ay isang nobelang _____
A. pampamilya
B. pampolitika
C. panlipunan
D. panrelihiyon
10. Kung si Maximo Viola ang tumulong sa kanya upang maipalimbag
ang Noli Me Tangere. Sino naman ang tumulong kay Dr. Rizal upang
maipalimbag ang kanyang ikalawang nobelang
El Filibusterismo?
A. Ferdinand Blumentritt
B. Jose Maria Basa
C. Valentine Ventura
D. Tenyente Jose Taviel de Andrade
Karagdagang Gawain
Wow! Kapuri-puri ka kaibigan,
Pinatunayan mo ang iyong tagumpay
hanggang sa dulo ng iyong paglalakbay
sa module na ito.
Bilang karagdagang gawain, umisip ka ng pinakamahalaga o natatanging
kaganapan na sa iyong palagay ay labis na nakaimpluwensya kay Rizal upang
lalong ipagpatuloy ang pagsulat ng EL Filibusterismo. Isulat ito sa loob ng “speech
bubble”.Gabay mo ang pormat sa ibaba.
14
Susi ng Pagwawasto
1. C
2. D
3. B
4. C
5. B
6. D
7. B
8. D
9. B
10.C
11. B
12. B
13. B
14. C
15. C
TAYAHIN:
1. Okonkwo
2. Mbanta
3. ayaw niyang matulad sa
ama,ang kanyang buhay ay
dinidiktahan ng kanyang
tinatatagong takot at ayaw rin
niyang matulad sa kanyang ama
hindi kayang suportahan ang
pangangailangan ng pamilya
4. Nakikipaglaban siya upang
ipakita ang kanyang katatagan sa
kanyang paniniwala at
paninindigan
5. Nakadepende sa sagot ng magaaral
TUKLASIN:
1. mundo
2. watawat
3. itak
4. pluma
BALIKAN:
Sanggunian
Knife black and white clipart. Accessed December 2020.
https://www.google.com/search?client=firefox-bd&ei=QU3MX8KEO6a9mAWviIugDw&q=black+and+white+itak+free&oq=blac
k+and+white+itak+fre&gs.
Panitikang pandaigdig Filipino 10: Modyul para sa mag-aaral. Philippines.
Philippine flag black and white clipart. Accessed December 2020.
https://www.google.com/search?q=clipt+art+philippine+flag+black+and+whi
te+free&tbm=isch&ved=2ahUKEwj.
Villanueva, Voltaire. Bahaghari 10 yaman ng panitikang pandaigdig aklat sa
Filipino: Wika at panitikn. Philippines: Pisara Publishing.
World images black and white. Accessed December 2020.
https://www.google.com/search?q=world+images+clipart+free+black+and+white&c
lient=firefox-b-d&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=Qs2hxv.
15
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom
Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow,
Linger with love and care
Here the birds sing Merrily,
Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays,
Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Here the Badjaos roam the seas
Here the Samals live in peace
Here the Tausogs thrive so free
With the Yakans in unity
Hardworking people Abound,
Every valleys and Dale
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
The Footprints Prayer
Land...
Trees
by Joyce Kilmer
One night I had a dream. I dreamed I think that I shall never see
that I was walking along the beach
A poem lovely as a tree.
with the LORD.
In the beach, there were two (2) sets A tree whose hungry mouth is prest
of footprints – one belong to me and Against the earth’s sweet flowing
the other to the LORD.
breast;
Then, later, after a long walk, I
A tree that looks at God all day,
noticed only one set of footprints.
And lifts her leafy arms to pray;
“And I ask the LORD. Why? Why?
Why did you leave me when I am sad
and helpless?”
A tree that may in Summer wear
And the LORD replied “My son, My A nest of robins in her hair;
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the Upon whose bosom snow has lain;
sand, because it was then that I Who intimately lives with rain.
16
CARRIED YOU!
Poems are made by fools like me,
Download