TAMANG GAMIT NG MGA SALITA Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. nagagamit ang angkop na mga salita sa pasulat at pasalita; b. natutukoy ang angkop na mga salitang dapat gagamitin sa ising pahayag; c. naipapaliwanag ang wastong gamit ng mga salita; d. nakasusulat ng talata o komposisyon gamit ang angkop na mga salita; e. f. nakagagawa ng sariling pangungusap sa pamamagitan ng tamang paggamit ng mga salita; at nasusuri nang maigi ang mga pangungusap ayon sa tamang gamit ng mga salita. May mga nagsasabi na kahit mali-mali ang gamit ng salita at balarila o gramar ng isang tao, sa paraang pasulat man o pasalita, basta maintindihan lamang ang gusto niyang sabihin, okey na. Pero, kung mali ang pagkakagamit ng isang tao ng wika o salita, hindi niya maipahahayag nang mabuti ang kaniyang ibig sasabihin, at naiiba tuloy ang pagkakaintindi sa nais niyang ipahayag. TAMANG GAMIT NG MGA SALITA 1. nang at ng vGinagamit ang nang kapag napapagitnaan ng dalawang pandiwa (verb). Sa pag-uulit ng pandiwa 1.Sigaw nang sigaw ang anak niya. 2.Kain nang kain ang dalawang aso ni Mang Anton. v Ginagamit ang nang kung ang sumusunod na salita ay pang-abay (adverb). a. Ang lumakad nang matulin kung matinik ay malalim. b. Dumating nang maaga ang kanilang pinuno. Nang ang gagamitin sa unahan ng pangungusap at kung ito'y katumbas ng when sa Ingles. a. Nang umalis ka, dumating siya. b. Nang malaman ni Dexter na wala na siyang pera, tinawagan niya ang kaniyang ina. c. Nanonood kami ng TV nang tumawag ang kapatid ko mula sa Australia. d. Tapos na ang Philippine Got Talent nang buksan niya ang telebisyon. v Ginagamit ang nang bilang katumbas ng “so that o in order to” sa Ingles. a. Mag-aral ka nang mabuti nang ika'y makapasa sa sabdyek na ito. b. Magsumikap ka nang ang buhay mo'y guminhawa. v Ginagamit ang nang bilang pinagsamang pang-abay na na at pangangkop na ng. a. Tinanggap (na+ng) nang kapatid ko ang regalo ng kaniyang ninong. b. Sumayaw (na+ ng) nang tanggo at cha-cha ang dalawa kong kaklase. v q Ginagamit ang ng bilang katumbas ng of sa Ingles. a. Si Ellen ang Pangulo ng aming organisasyon. b. Ang mga sa ABM Section 8 ng Senior High School ay nagdaos ng Entrepreneur Week. q Ginagamit ang ng bilang pang-ukol na tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak. a. Ginawa ng mga estudyante ni Bb. Gomez ang kanilang proyekto sa Filipino. b. Hinuli ng mga tauhan ni Heneral Bato ang mga druglords. q Ginagamit ang ng bilang pang-ukol ng layon ng pandiwa. a. Naglalaro sila ng taekwondo tuwing Miyerkules. b. Bumili siya ng gatas para sa kaniyang dalawang anak. 2. daw/din , raw/rin, vGinagamit ang daw at din kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa malapatinig na w at y; raw at rin naman kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at malapatinig na w at y. a. May pagsusubok daw tayo sa Filipino 12 sa Lunes. b.Masarap din ang pagkaing niluto ng iyong ina. c.Dalawa raw silang sasama sa akin papuntang Maynila. d. Sasali rin siya sa timpalak ng pagtula sa darating na University Day. vGamitin ang raw/rin kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa w o y. a. Kahoy raw ang ginamit nila na mga materyales sa paggawa ng tulay. b. Ikaw rin ang dapat tumulong sa iyong mga kapatid pagdating nila sa kolehiyo. 3. kung di at kundi vAng kung di ay galing sa “kung hindi” o “if not” sa Ingles at ang kundi naman ay katumbas ng “except” sa Ingles. a.Lalaro na sana ang mga anak niya kung ‘di dumating ang matalik na kaibigan niya. b.Walang sinuman ang pumasok sa Rose Memorial Auditorium kundi iyong may mga I.D. lamang. 5. hatiin at hatian vAng hatiin ay katumbas ng “to divide” (partehin) sa Ingles at ang hatian naman ay katumbas ng “to share” (ibahagi). A_______ mo sa walo ang dala mong cake. b. _______ niya ng dala niyang mga pagkain ang pulubi. 6. punasin at punasan vTulad ng pahirin at pahiran, ang punasin (wipe off) ay nangangahulugang alisin o tanggalin. Ang punasan (to apply) ay nangangahulugan ng lagyan. a. ________ mo ang pawis sa iyong noo. b. Ang paa mong namamaga ay _______ mo ng gamot. 7. nabasag at binasag vAng nabasag ay nangngahulugan ng kilos na di sinasadya o di ginusto. Ang binasag naman ay nagpapakita ng sariling pagkukusa. a. Sa sobrang galit, ________ ni Kardo ang basong mamahalin. b. ________ ng katulong ang salamin sa dressing room sa sobra niyang pagmamadali. 8. kumuha at manguha v “To get” sa Ingles ang kumuha, at “to gather o to collect” naman ang manguha. a. Kumuha ng pagkain si Lilibeth para sa kaniyang kapatid na nag-aaral sa Kindergarten. b. Nanguha ng mga bulaklak ang apo ni Aling Rose para sa Flores de Mayo. 9. bumili at magbili v Ang bumili ay nangangahulugan ng “to buy” sa Ingles, at “to sell” naman ang magbili (magbenta). a. Bumili ng mga sariwang isda si Aling Korena sa La Paz public market. b. Ang trabaho ng kapatid niya ay magbili ng second hand na mga sasakyan. 12. kila at kina vDapat tandaan na walang salitang kila. Sa halip ay gagamitin ang kina bilang maramihan (plural) ng kay. a. Mamasyal tayo kina Ben at Allan. b. Para kina Toni, Roy, at Sarah ang mga regalong ito. 13. sundin at sundan vNangangahulugan ng pagsunod sa payo o pangaral ang sundin at katumbas ito sa Ingles ng“to obey”.“To follow” sa Ingles ang sundan at nangangahulugang gayahin o pumunta sa pinuntahan ng iba. a.Para sa maganda mong kinabukasan, palagi mong ______ ang mga payo ng iyong mga magulang. b. Dapat ang bawat Pilipino ay _______ ang kabayanihan nina Rizal, Bonifacio, at Aguinaldo. 14. habang, samantala/samantalang vTumutukoy sa isang kalagayang walang tiyak na hangganan ang habang, at tumutukoy naman sa isang kalagayang pansamantala ang samantala/samantalang. a.Kailangang niyang magsumikap ________ nabubuhay. b.Nagnenegosyo muna siya ________wala pa ang resulta ng board exam. 16. taga- at tiga vWalang unlaping tiga-. Sa halip, taga- ang dapat gamitin. Gumagamit lamang ng gitling kapag sinusundan ng pangngalang pantangi (proper noun). a.Ang kasama niya ay taga- Palawan. b. Taga- Lambunao ang kanilang mga bisita noong Sabado. B.Tama rin ang sumusunod na halimbawa, at hindi na dapat lagyan ng gitling. 1. 2. Marangal din ang trabaho niya kahit siya'y tagahugas lamang ng mga sasakyan. Tagaluto ng pagkain ang trabaho niya tuwing may Palarong Pambansa. • Tandaan: Naiiba ang panlaping tig- na ginagamit kasama ng mga pambilang na: tig-isa, tigdalawa, tigapat, tigsampu, tig-anim atbp. 18. abutan at abutin vAbutan (bigyan) ng isang bagay, at abutin (kunin) ang isang bagay. a. Maawa ka naman, _______ mo ng pera ang pulubi. b. Inutusan ko siyang ________ ang hinog na manga sa puno. 19. bilhin at bilhan vBilhin ang isang bagay, at bilhan ng isang bagay ang tao. a.Sige na, _______na natin ang relong iyan. Mura kasi eh. b._______ mo ng pagkain ang katulong namamalantsa sa bahay. 21. tunton, tuntong at tungtong vAng tunton ay pagbakas o paghahanap sa bakas ng anumang bagay. Pagyapak sa anumang bagay ang tuntong, at panakip naman sa palayok, kawali at iba pang kaugnay na bagay ang tungtong. a.Hindi ________ng kapatid ko ang aso naming si Elaine. b.___________ sa silya si Stephen upang maabot niya ang pugad ng ibon. c.Matagal nang hindi nakita ng aming kasambahay na si Aling Soleng ang _________ng aming palayok. 23. tawagin at tawagan vGinagamit ang tawagin para palapitin ang isang tao o hayop. Ang tawagan naman ay ginagamit para kausapin o bigyanpansin ang isang tao. a.Jeb, _________mo na si Raine kasi aalis na tayo mamaya. b.Bukas nang umaga, ________mo si Janjan para malaman natin kung sasama siya sa atin o hindi. 24. dito/rito at doon/roon vGinagamit ang dito at doon kapag ang sinusundan na salita ay nagtatapos sa katinig (consonant) a.Pupunta rin dito ang mga kandidato ng PDP-Laban. b.May mga tumutubong bulaklak doon sa tabi ng ilog na iyon. vGinagamit ang rito at roon kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig (vowel) at malapatinig na w at y. a.Maraming kahoy roon sa gubat na iyon. b.Halika rito sa tabi ko upang marinig mo ang mga sinasabi ko. vGinagamit ang dito at doon sa unahan ng pangungusap. a. Dito sa kwartong ito kami nagpalabas ng dula-dulaan. b. Doon sa Iloilo Covention Center sa Megaworld gaganapin ang konsyerto ni Sarah Geronimo. 25. bitiw at bitawan vAng salitang bitiw (pandiwa) ay ang pagkawala o pag-alis sa pagkakahawak ng isang bagay o pangyayari. Ang bitawan ay tumutukoy sa lugar pagdarausan ng salpukan ng manok na walang tari. a.Sabihin mo sa anak mong huwag _______sa ‘yo para hindi siya mawala. b. Gumawa ng inspeksyon ang mga pulis sa _______ng manok sa Brgy. Cuartero noong nakaraang linggo. 26. imik at kibo vGinagamit ang imik sa pagsasalita o pangungusap. a. Hindi nakaimik si Elena sa tanong ng kaniyang guro. vGinagamit sa pagkilos ang kibo. a. Hindi siya kumikibong nakatayo sa isang sulok ng simbahan. • Hindi lamang sa tao nagagamit ang kibo. a. Huwag mong kibuin ang bagong sibol na mga tanim ni itay. 27. kapag at kung vIpinakilala ng kapag ang isang kalagayang tiyak. Ipinakilala ng kung ang di-katiyakan ng isang kalagayan. a. Nagtuturo si Windy ng ballet _______ bakasyon at walang klase. b. Hindi tiyak ni Martin _______ sa Disyembre o Mayo siya magbabakasyon. 28. suklayin at suklayan vSuklayin ang buhok ng sarili o ng iba. a. Gerald, upang guwapo kang tingnan, suklayin mo nga ang buhok mo. • Suklayan ng buhok ang ibang tao. a. Aling Soting, suklayan mo nga ng buhok ang lola pagkatapos niyang maligo ha. 30. hanapin at hanapan vKatumbas ng “to look for” sa Ingles ang hanapin. Ginagamit ito upang piliting makita, halungkatin, o saliksikin ang isang bagay, tao o lugar. Ginagamit ang hanapan upang tingnan at siyasatin ang bagay na mahirap makita. Katumbas ito sa Ingles ng “to look and insist on something that is hard to find.” a._________ mo nga ang relo ko sa ibabaw ng mesa. b. Bakit pati si Elena ay _______ mo ng nawala mong pera? Mga Halimbawa: 1. Huwag (magbitiw, magbitaw) ng masamang salita sa kapwa. 2. Maraming mga mumurahing damit (roon, doon) sa kanilang lugar. 3. Hindi alam ng mga estudyante ni Gng. Medez (kapag, kung) darating siya bukas o hindi. 4. Japhet, (pahirin, pahiran) mo ang dugo sa leeg mo. 5. (Hatiin, Hatian) mo sa limang bahagi ang dala mong pizza. 6. Sa (bitiw, bitawan) nagkita ang magkumpare noong nakaraang piyesta. 7. Wala (dito, rito) sa mga gamit ko ang hinahanap mong cellphone. 8. Lumaki (nang, ng) bahagya ang mata niyang may sugat. 9. Sa susunod na linggo mo na lamang (tawagan, tawagin) si Dinah kung sasali siya sa sabayang pagbigkas natin o hindi.