Uploaded by Mernie Grace Naldoza

mc script grad

advertisement
Ang PANAHON NG DIYOS ay hindi palaging ayon sa ating panahon.
Hindi siya laging maaaring gumawa ng mga bagay, mga paraan na ayon sa
ating binabalak, ngunit gumagawa siya ng mga bagay para sa mas ikabubuti
ng lahat. Sa COVID19 PANDEMIC na ito ay talagang nabago ang lahat,
nabago ang ikot ng mundo. Mula sa ating kinagawiang pamamaraan ng
buhay hanggang sa malaking kaganapan ay napalitan ng tinatawag 'NEW
NORMAL'. Sa ngayon, matapos ang isang taong pagbabago sa kalagayan
ng edukasyon, bagamat hindi pa natatapos ang pandemya, narito na ang
inaasam – asam at hinihintay ng ating mga mahal na magulang at mga mag
– aaral, ang ARAW NG PAGTATAPOS NG SANTA ROSA ELEMENTARY
SCHOOL CENTRAL – III PARA SA TAONG PANURUAN 2020-2021 na
may temang “Kalidad ng Edukasyon Lalong Patatagin sa Gitna ng
Pandemya”.
At upang pasimulan ang kapana-panabik na pagdiriwang na ito, ating
tanggapin ang mga sumusunod, kung saan hindi magkakaroon ng
kaganapan kung hindi dahil sa suporta ng mga kapita-pitagang indibidwal
mula sa Sangay na Pandibisyon ng Lungsod ng Santa Rosa sa pamumuno ni
Dr. Manuela S. Tolentino, halimbawa ng maimpluwensiya, matibay at
matatag na babae ng edukasyon, at ang masigasig na tagapamasid
pampurok ng Klaster 1B, G. Sammy Empleo, kasama ang aming masigasig
at may hindi matatawarang dedikasyong punungguro, Dr. Catherine M.
Laza, mga kapita-pitagang babae at lalaking guro ng SRES Central3, mga
magsisipagtapos, proud parents, tagapatnubay, mga kaibigan, mga
kababaihan at mga ginoo, isang mapagpalang araw po sa ating lahat!
Sa pagsisimula, ilagay natin ang ating mga sarili sa presensiya ng
pagiging Makabayan habang ating inaawit ang Pambansang Awit ng
Pilipinas.
Ngayon naman ay ating damhin ang presensiya ng ating Panginoon
sa pamamagitan ng isang Doksolohiya.
Atin naming saksihan ang CALABARZON March na susundan ng
Santa Rosa Hymn
Upang tayo ay tanggapin sa pagdiriwang na ito, pakinggan natin si
Jessica Francheska D. Daliuag mula sa pangkat SRC sa kaniyang Bating
Pagtanggap.
Sa pagkakataong ito, ating, mapapakinggan ang awit ng pasasalamat
mula sa mga batang magsisipagtapos.
Ito na ang pinakainaasam-asam ng lahat ang pagpapakilala sa mga
mag-aaral na nagkamit ng karangalan na may pinakamataas na marka na
pangungunahan ng bawat gurong tagapayo.
Ngayon naman, ating tawagin ang pinakamamahal na punungguro
ng SRESCentral3 upang iharap ang ating mga magsisipagtapos.
Atin namang tawagin ang ever supportive na tagamasid pampurok ng
Cluster1B, G. Sammy M. Empleo sa pagpapatunay sa mga magsisipagtapos.
Ngayon, upang pagtibayin ang mga batang magsisipagtapos
pakinggan natin ang ating tagapamanihalang pansangay ng Lungsod ng
Santa Rosa, Dr. Manuela S. Tolentino.
Ang pinakakahihintay ng lahat, ang tanggapin ang bunga ng 6
hanggang 7 taong pagpapagal, dili’t iba ang pagtanggap ng sertipiko ng mga
batang nagsipagtapos.
Upang ipakilala ang ating Panauhing Pandangal tawagin natin ang
ating Dalub Guro 1.. Gng Solita C. Porteria.
(Talumpati ng Panauhing Pandangal )
Salamat sa napakagandang mensahe. Gienelle G. Navarro bilang ating
panauhing pandangal sa taong ito.
Ngayon naman ay ating maririnig ang talumpating Pasasalamat ni
Marcela Q. Layos mag aaral mula SSES nagkamit ng mataas na karangalan.
Maraming Salamat Marcela. Binabati ka namin.. Hangad namin ang
iyong pagtatagumpay sa lahat ng aspeto ng iyong buhay kasama ng iyong
pamilya.
Ngayon naman ay ating maririnig ang awit ng magsisipagtapos..
Tawagin natin muli si Marcela Q. Layos mula sa SSES nagkamit ng
mataas na karangalan sa taong panuruan 2020-2021 , upang pangunahan
tayo sa panunumpa ng mga nagsisipagtapos.
Binabati naman kayo mga nagsipagtapos kasama ng inyong mga
magulang. Humayo kayo at dalhin ang liwanag ng karunungan sa inyong
Alma Mater Santa Rosa Elementary School Central 3. Hangad naming ang
inyong tagumpay sa anumang larangan na inyong tatahakin. Inyong tandan
ang mga salita ng Diyos mula sa Jeremias 29:11 “Sapagkat batid kong lubos
ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi
para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng
kinabukasang punung-puno ng pag-asa.”
Muli ako po ang gurong naging tagapanguna sa umagang Gng. Donna
L. Bartolome, at ako naman po si Gng. Mernie Grace Naldoza ang isa sa mga
guro ng palatuntunang….
Nagsasabing congratulations at pagpalaing tayong lahat ng ating
Panginoon!
Download