Uploaded by Mernie Grace Naldoza

marcella speech

advertisement
Sa aming kapita – pitagangTAGAPAMANIHALA ng dibisyon ng Lungsod ng Santa
Rosa, Dr. Manuella S. Tolentino, CESO V, sa napakasupportive naming TAGAMASID
PAMPUROK, Ginoong Samy Empleo, minamahal naming Punong - Guro Doctor
Catherine M. Laza, panauhing pandangal, mga minamahal naming mga guro ng Santa
Rosa Elementary School Central 3, mga magulang, mga kapamilya, kaibigan, at kapwa
ko mag aaral na magtatapos ngayon araw na ito, magandang araw sa inyong lahat.
Ako po si Marcella Layos, naatasang magtalumpati sa inyo ngayong araw ng
pagtatapos, nagpapasalamat higit sa lahat sa Panginoon sa napakagandang biyayang
ito at pagkakataon, salamat po Panginoon at salamat po sa araw na ito ng aming
pagtatapos sa inyo po ang lahat ng Papuri.
Sa Gitna ng kinaharap nating pagsubok umpisa pa lang ng taong 2020 dahil sa
pandaigdigang Pandemya dulot ng Covid 19, tayo ay di nawalan ng pag asa, di sumuko,
nanatiling matatag, at nagtagumpay. Kaya isang masigabong palakpakan sa bawat isa,
maligayang pagtatapos SRES C3 batch 2020 – 2021(palakpakan) …. At isang mas
masigabong palakpakan para sa lahat ng taong nagsakripisyo ng kanilang oras,
panahon at talento upang tayo ay magtagumpay, ang ating matatag na punong guro at
mga masisipag na kawani ng ating paaralan, mga masisipag at masisigasig nating mga
guro na walang sawa sa kaka – follow up at kaka adjust ng deadline makapagtapos
lamang tayo, at sa ating mga magulang at mga kapamilya na naging supporter, director,
videographer at editor natin. Maraming salamat po sa inyong lahat. Wala po kami sa
ganitong kalagayan ngayon kung hindi dahil sa inyo. (palakpakan)
Tunay nga na maituturing na malaking tagumpay ang araw na ito, sapagkat
nalagpasan natin ang isang napakalaking pagsubok sa larangan ng edukasyon.
Ang hamon na kailangang maipagpatuloy ang pag- aaral ng mga kabataan subalit
hindi puwedeng pumasok sa paaralan. Sa umpisa lahat ay nangangapa, nag- iisip,
gumagawa ng paraan, nag- uusap. Tanong ng marami, matutuloy pa ba ang pagbubukas
ng klase ng taong 2020- 2021? Ngunit salamat sa Panginoon at sa matatag na pamunuan
ng Deped at lahat ng kawani nito, kahit naantala ang pasukan ng halos apat na buwan
ay natuloy din. Isipin na lang natin kung ito ay hindi itunuloy, nasayang sana ang isang
taon.
Maraming pagbabagong nangyari kaakibat nito, na akala natin ay panandalian
lamang subalit ito ay naging pangmatagalan at tinawag na nga nating new normal.
Marami tayong na-mimiss. Ang dati’y pag aaral sa isang pisikal na paaralan ay nangyari
na lamang sa harap ng mga computer screen sa ating sariling mga tahanan. Ang
maiingay na daldalan sa loob ng klase na minsan naririnig hanggang sa kabilang
classroom ni Maam, mga sekreto na di na puedeng ibulong sapagkat maririnig ng buong
klase, harutan na minsan nauuwi sa awayan,ay napalitan na lamang ng mukha ng mga
kaklase nating naka on cam sa screen, tahimik, nahihiya, naninibago,. Yung iba pa nga
natapos na ang school year minsan lang nag on cam. Wala na ang paborito nating subject
na recess at ang paborito nating lugaw ni Maam. Wala na ring tumatakas na cleaners
tuwing hapon . Ang mga groupings, napalitan na ng kanya kanyang performance task.
Kung dati miyembro ka lang ng isang grupo at umaasa sa lider na natatakot bumaba ang
grade, ngayon kailangan mo ng kumilos dahil grade mo na ang mapapahamak. Kailangan
mo ng banatin ang mga brain cells mo para mag isip at minsan nakakatulugan mo na
lang. Kung dati late ka dahil trapik at nasiraan ang service mo, ngayon kahit nasa kama
ka pa, at naka- pajama, present ka na dahil may link na, na na- send si Maam. Kung noon
pag masakit ang ulo absent ka na agad, pero ngayon wala ka ng dahilan para umabsent
pa. Kung dati nakikigaya ka lang sa likod kung may sayaw, ngayon ikaw na ang star at
kailangan mong ipraktis ang bawat step, kagaya ko. Mahirap pero kaya pala, at kayang
kaya pala basta bibigyan mo ng panahon at dedikasyon.
Malaking pagkakaiba, para bang tayong lahat ay nangangapa sa dilim,
naghihintay, nakikiramdam. Hanggang sa starring na ang pangalan mo sa GC niyo dahil
di ka pa pala nakapagpasa deadline na naman. Ilan lamang yan sa mga malalaking
pagbabago na nangyari sa atin sa loob ng isang taon. At lagi ngang tanong sa akin ng
aking nanay pagkatapos ng bawat klase, “anong natutunan mo ngayon? At pag ang sagot
ko ay"tungkol po sa panahon ng Hapon", may kasunod ulit na tanong “what about it,
explain? Kaya nalalaman niya po kung ako po ay nakinig o naka - youtube lang habang
nagtuturo si Maam. Ito pong lahat na pagbabago, para sa akin ay hindi madali sa umpisa
hanggang sa ngayon, pero dahil dito natuto akong maging mas mapamaraan, mas nagiisip at kumikilos, at mas nagpapahalaga sa aking oras. Dahil bukod sa araw – araw na
klase may mga trainings din po ako sa hapon at tuwing sabado. Bukod pa dito ang
paghahanda ko sa mga National at International contest sa Math, Science, English at
informatics na sinasalihan ko. At alam ko na bawat isa sa atin ay ginawa ang lahat sa
kabila ng mga iba- iba nating suliranin sa araw araw.
Ang iba ay talaga namang naging biyaya sa kanila ang online distance learning,
pero sa iba naman ito ay naging malaking hamon. Lalo na ang paggawa ng mga
video. Ako din po. At sa maliit kong paraan, lagi ko pong ipinopost sa facebook ang aking
mga gawang video para po makita ng iba at magka ideya rin sila ng kanilang gagawin at
malaman nila na kung kaya ko pong sumayaw kayang- kaya rin nila. Sa ganitong paraan
ako po ay nkakapagbabahagi ng aking kaalaman at nagbibigay inspirasyon sa iba na
hindi makaagapay sa online distance learning. Sabi nga po, mahalaga ay may natutunan
ka, pero mas mahalaga kung ano ang iyong gagawin sa iyong natutunan. At ito po ang
aking hamon sa inyo kapwa ko mag aaral na magtatapos ngayong araw na ito. Ano ang
gagawin mo sa iyong natutunan? Sana hindi lang para maging magaling ka sa paningin
ng iba, at maging proud sa yo ang iyong mga mahal sa buhay, pero maging isa ka sanang
inspirasyon ng ibang mga kabataan, upang sila ay magpursige at mag aral ding mabuti
sa kabila ng kanilang sitwasyon at kawalan. Pagkat ang lahat ng ating talento at
kalakasan ay galing sa Panginoon, at walang pinakamagandang paraan para ibalik ang
papuri at pasasalamat sa Kanya kundi sa pamamagitan ng pagtulong sa iba.
Tayo po ay pinagpala sapagkat may internet po tayo, kahit minsan mabagal; tayo
po ay may mga gadget para sa online distance learning, pero marami po ang hirap at
wala pong kakayahan. Kaya gamitin po natin ito ng tama, paunlarin ang ating kaalaman
at gamitin ang ating oras sa mahahalagang bagay at ibahagi kung ano ang meron tayo
sa iba. Bilang isang kabataan ang kinabukasan po ay nakasalalay sa atin. Lalo na sa
panahon natin ngayon na ang source ng impormasyon ay ang internet, mga vlogs na
pinapanood at ginagaya natin. Kaya sa ating paghayo sa mas mataas na paaralan, dalhin
sana natin ang pagmamalasakit sa kapwa, sa bayan at sa kapaligiran at gawin ito ayon
sa kanya kanya nating talento. Ito sana ang maging gabay natin sa pagtupad sa ating
mga pangarap at paraan ng pasasalamat sa paaralan na nag- aruga sa atin sa loob ng
anim na taon, ang Santa Rosa Elementary School Central 3. Na ang mga Batang C3 ay
may pagpapahalaga sa Diyos, sa sarili, sa kapwa, sa bayan at sa kapaligiran.
Malungkot ngunit may kasiyahan sa bawat puso ang pagpapaalam. Malungkot
dahil huling araw na nating magkakasama at magpapaalam na sa ating mga naging
kaibigan, sa ating mga naging masasayang karanasan, pagpapaalam sa ating mga guro
na gumabay at nagturo sa atin ng buong husay. Ngunit masaya dahil sa wakas nakatapos
na tayo ng elementarya at ngayon ay haharap na sa panibagong kabanata ng ating
buhay. excited, kinakabahan at nag aalinlangan. Kaya, hanggang sa muli mga kamag
aaral, mga minamahal naming mga guro at aming punong - guro, sa aming mahal na
paaralan na maaga kaysa inaasahan ay aming nilisan, Paalam. Kasihan nawa tayong
lahat ng Dakilang Lumikha.
Download