Ang PANAHON NG DIYOS ay hindi palaging ayon sa ating panahon. Hindi siya laging maaaring gumawa ng mga bagay, mga paraan na ayon sa ating binabalak, ngunit gumagawa siya ng mga bagay para sa mas ikabubuti ng lahat. Sa COVID19 PANDEMIC na ito ay talagang nabago ang lahat, nabago ang ikot ng mundo. Mula sa ating kinagawiang pamamaraan ng buhay hanggang sa malaking kaganapan ay napalitan ng tinatawag 'NEW NORMAL'. Sa ngayon, matapos ang isang taong pagbabago sa kalagayan ng edukasyon, bagamat hindi pa natatapos ang pandemya, narito na ang inaasam – asam at hinihintay ng ating mga mahal na magulang at mga mag – aaral, ang ARAW NG PAGTATAPOS NG SANTA ROSA ELEMENTARY SCHOOL CENTRAL – III PARA SA TAONG PANURUAN 2020-2021 na may temang “Kalidad ng Edukasyon Lalong Patatagin sa Gitna ng Pandemya”. At upang pasimulan ang kapana-panabik na pagdiriwang na ito, ating tanggapin ang mga sumusunod, kung saan hindi magkakaroon ng kaganapan kung hindi dahil sa suporta ng mga kapita-pitagang indibidwal mula sa Sangay na Pandibisyon ng Lungsod ng Santa Rosa sa pamumuno ni Dr. Manuela S. Tolentino, halimbawa ng maimpluwensiya, matibay at matatag na babae ng edukasyon, at ang masigasig na tagapamasid pampurok ng Klaster 1B, G. Sammy Empleo, kasama ang aming masigasig at may hindi matatawarang dedikasyong punungguro, Dr. Catherine M. Laza, mga kapita-pitagang babae at lalaking guro ng SRES Central3, mga magsisipagtapos, proud parents, tagapatnubay, mga kaibigan, mga kababaihan at mga ginoo, isang mapagpalang araw po sa ating lahat! Sa pagsisimula, ilagay natin ang ating mga sarili sa presensiya ng pagiging Makabayan habang ating inaawit ang Pambansang Awit ng Pilipinas. Ngayon naman ay ating damhin ang presensiya ng ating Panginoon sa pamamagitan ng isang Doksolohiya. Atin naming saksihan ang CALABARZON March na susundan ng Santa Rosa Hymn Upang tayo ay tanggapin sa pagdiriwang na ito, pakinggan natin si Jessica Francheska D. Daliuag mula sa pangkat SRC sa kaniyang Bating Pagtanggap. Sa pagkakataong ito, ating, mapapakinggan ang awit ng pasasalamat mula sa mga batang magsisipagtapos. Ito na ang pinakainaasam-asam ng lahat ang pagpapakilala sa mga mag-aaral na nagkamit ng karangalan na may pinakamataas na marka na pangungunahan ng bawat gurong tagapayo. Ngayon naman, ating tawagin ang pinakamamahal na punungguro ng SRESCentral3 upang iharap ang ating mga magsisipagtapos. Atin namang tawagin ang ever supportive na tagamasid pampurok ng Cluster1B, G. Sammy M. Empleo sa pagpapatunay sa mga magsisipagtapos. Ngayon, upang pagtibayin ang mga batang magsisipagtapos pakinggan natin ang ating tagapamanihalang pansangay ng Lungsod ng Santa Rosa, Dr. Manuela S. Tolentino. Ang pinakakahihintay ng lahat, ang tanggapin ang bunga ng 6 hanggang 7 taong pagpapagal, dili’t iba ang pagtanggap ng sertipiko ng mga batang nagsipagtapos. Upang ipakilala ang ating Panauhing Pandangal tawagin natin ang ating Dalub Guro 1.. Gng Solita C. Porteria. (Talumpati ng Panauhing Pandangal ) Salamat sa napakagandang mensahe. Gienelle G. Navarro bilang ating panauhing pandangal sa taong ito. Ngayon naman ay ating maririnig ang talumpating Pasasalamat ni Marcela Q. Layos mag aaral mula SSES nagkamit ng mataas na karangalan. Maraming Salamat Marcela. Binabati ka namin.. Hangad namin ang iyong pagtatagumpay sa lahat ng aspeto ng iyong buhay kasama ng iyong pamilya. Ngayon naman ay ating maririnig ang awit ng magsisipagtapos.. Tawagin natin muli si Marcela Q. Layos mula sa SSES nagkamit ng mataas na karangalan sa taong panuruan 2020-2021 , upang pangunahan tayo sa panunumpa ng mga nagsisipagtapos. Binabati naman kayo mga nagsipagtapos kasama ng inyong mga magulang. Humayo kayo at dalhin ang liwanag ng karunungan sa inyong Alma Mater Santa Rosa Elementary School Central 3. Hangad naming ang inyong tagumpay sa anumang larangan na inyong tatahakin. Inyong tandan ang mga salita ng Diyos mula sa Jeremias 29:11 “Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa.” Muli ako po ang gurong naging tagapanguna sa umagang Gng. Donna L. Bartolome, at ako naman po si Gng. Mernie Grace Naldoza ang isa sa mga guro ng palatuntunang…. Nagsasabing congratulations at pagpalaing tayong lahat ng ating Panginoon!