Uploaded by Abcde Cruz

docsity-sitwasyon-ng-mga-pangkat-minorya-katutubo

advertisement
Sitwasyon ng mga pangkat
minorya; katutubo
History
University of Northern Philippines
7 pag.
Document shared on www.docsity.com
Downloaded by: JustinFz (xoroxey592@upshopt.com)
YUNIT VI SITWASYON NG MGA PANGKAT MINORYA: KATUTUBO
LUNSARAN
MAGSALIKSIK KA
!
Narito ang ilan lang mga
sa pangunahing
pangkat etniko sa Pilipinas,
magsaliksik ng mga impormasyon ukol sa kultura’t tradisyon ng mga
pangkat na ito nang sa gayon ay higit mo pa silang makilala. Isulat
ang nasaliksikna impormasyon maging kung saan ito kinuha sa loob
ng kahon.
Matatagpuan ang mga Tinguian sa Abra. Naglalagay sila ng tatu at itim
sa ngipin upang akitin ang napupusuan. Naniniwala sila sa pagkakaroon
ng isang asawa lamang at pinapatawan ng malaking multa ang
pagtataksil sa asawa. Ang tribong ito ay nanatili pa ring buhay at
masigla ang kultura magpa hanggang ngayon, sa kabila ng mga
pagbabago sa lipunan. Ang salitang "Tinguian" ay kinuha marahil sa
isang Malay na salita na ang ibig sabihin ay bundok o matatas na lupain
at marahil ay ipinukol ang salitang ito sa panahon ng pananakop ng mga
Espanyol. Ito kasi ang salitang itinatawag ng mga Espanyol sa lahat ng
mga tao o tribong nakatira sa mga bundok sa buong arkipelago tulad ng
Zambales, Bohol, Basilan, at Mindanao. Ngunit ngayon ang mga
natatanging gumagamit nito ay mga kapwa nating Pilipino na
naninirahan sa mga bundok ng Abra, Ilocos Sur at Ilocos Norte.
Matatagpuan sa Batanes. Karaniwan sa kanila ang pagsusuot
ng vakul, isang uri ng sombrero na gawa sa hinabing dahon ng
voyavoy. Madalas dinaraanan ng bagyo ang Batanes kaya
mababang hugis-kahon ang kanilang bahay na yari sa bato,
kogon at apog. Pangunahing ikinabubuhay nila ay ang
pagtatanim ng mga halamang-ugat. Sa kasaysayan, ang mga
ninuno ng mga Ivatan ay nanggaling pa sa timog ng Taiwan at
ang Batanes ay ginawang tulay para makarating sa iba pang
mga bansa na gaya ng Indonesia. Ang kanilang wikang Ivatan
ay namumukod-tangi dahil sa kakaibang bokabularyo at
pagbigkas na hindi katulad ng isang tipikal na wika sa Pilipinas,
bagamat may pagkakahawig naman ang Ivatan sa ibang mga
wika sa hilagang Luzon, tulad ng Ilokano at Ibanag.
SOSYEDAD AT LITERATURA
Pahina I 1
CASTILLO, GEORGE P.
Document shared on www.docsity.com
Downloaded by: JustinFz (xoroxey592@upshopt.com)
YUNIT VI SITWASYON NG MGA PANGKAT MINORYA: KATUTUBO
Kilala rin sa tawag na Apayao o Ina-gang mga Isneg na
matatagpuan sa Kalinga at Apayao. Ang pamayanan nila ay
matatagpuan sa matatarik na dalisdis at mabababang burol na
malapit sa mga ilog. Bigas ang pangunahing pagkain ng mga
Isneg. Maliban sa palay, nagtatanim sila ng mais, kamote, taro
at tubo para sa paggawa ng basi. Ginagawa nila ang
pagtatanim matapos ang ilang ritwal o seremonya ayon na rin
sa kanilang paniniwala na kaugnay ng lupa, gubat at ilog ang
buhay. Ayon sa kanilang batas, ang pag-aari ng lupa ay batay
sa pagiging una sa paggamit nito, aktwal na paggamit at
pagtira rito at kung ito ay namamana.
Pangatlo sa pinakamalaking pangkat sa bulubunduking lalawigan
ng Hilagang Luzon. Naniniwala sila sa pagkakaroon ng iisang
asawa. Kadalasan ang Kadangyan na tradisyonal na aristokrasya
at ang mga matatanda ang may malaking impluwensiya sa
lipunan. Sila ang pinag-apuhan ng mga semi-literate na Malay na
dumayo sa Pilipinas sa pamamagitan ng Lingayen gulf. Katulad
ng mga ibang tribo, sila ay kasama sa mga gumawa ng nakakiling
na sakahan upang mapalawak ang lupain ng Cordillera. Anga mga
nasa kanlurang Mountain Province mula sa munisipalidad ng
Sagada at Besao ay kinikilala ang kanilang mga sarili bilang parte
ng tribong tinatawag na Applai o Aplai. Ang mayorya sa mga
Kankanaey ay kawangis ng mga Nabaloi ngunit ang pagkakaiba
ng mga babaing Kankanay a mga Nabaloi ay ang kanilang
pananamit. At ang tawag sa kanilang damit ay palingay o tapis.
Unti-unting nawawala ang tradisyon ng pagtatatu at pagsusuot ng
leglet (purselas sa binti).
Pandak, maitim, kulot ang buhok, itim ang mga mata, pango ang
ilong at nakabahag. Pinaniniwalaang ang mga Negrito o Ita ay
ang mga pinakaunang tao sa Pilipinas. Ang pangangaso at
kaunting kaalaman sa pagtatanim ang pangunahing
ikinabubuhay nila. Kilala rin sa tawag na Ita, ang mga Aeta ay isa
sa mga sinaunang pangkat etniko sa Pilipinas. Naninirahan sila
sa kabundukan ng Zambales. Simple lang ang kanilang
pamumuhay at patuloy pa rin silang gumagamit ng mga sibat,
itak, at pana sa panghuhuli ngkanilang makakain.
SOSYEDAD AT LITERATURA
Pahina I 2
CASTILLO, GEORGE P.
Document shared on www.docsity.com
Downloaded by: JustinFz (xoroxey592@upshopt.com)
YUNIT VI SITWASYON NG MGA PANGKAT MINORYA: KATUTUBO
Ang mga Tausug na nakatira malapit sa dagat ay mga
mangingisda, at magsasaka naman ang mga nasa loobang
bahagi. Naninisid ng perlas na kanilang ipinangpapalit ng tanso at
bakal sa mga taga Borneo at ng pagkain sa mga magsasaka. Ang
kalakalang ito ang nagdala ng Islam sa Sulu. Sila ang kaunaunahang tribo sa Kamindanawan at mas mataas ang tingin sa
kanilang kasultanan kaysa sa ibang mga Muslim sa Pilipinas.
Ayon sa mga datos, karamihan sa mga kasabihan ng mga Tausug
ay “masaalla”, mula sa mga Arabo, ang iba naman ay mga payo
sa buhay o “pittuwa”, at ang kanilang mga kasabihan ay “daman”,
o sa Ingles ay symbolic speech na katulad ng mga bugtong at mga
dayalogo sa tradisyonal na panliligaw.
Naninirahan sa Sulu. Samal ang kanilang wika. Nakaira sila sa
bangkang-bahay na may iisang pamilya na binubuo ng dalawa
hanggang tatlongpu. Pangingisda ang pangunahin nilang
hanapbuhay. Gumagawa din sila ng mga Vinta at mga gamit sa
pangingisda tulad ng lambat at bitag. Karamihan sa mga Badjao
ay mga Muslim. “SEA GYPSIES” ng katubigan ng Sulu.
Kung saka-sakaling makikita mo man ang impormasyong ito sa iyong Facebook
Account, ano ang maibibigay mong kumento ukol dito?
Maganda dahil nagawa at naibahagi ang impormasyong ito sapagkat ito’y
nagbibigay aral at mas mamumulat tayo na huwag idiskrimina ang mga
pangkat minorya lalo na’t malaki din ang ambag nila sa ating bansa. At kahit
sila’y mga indigenous people at may kaniya kaniyang tradisyon at kultura
kailangan talaga na irespeto at pahalagahan natin ang isa’t isa at
makipagkaisa, ito ang magsisilbing kayamanan ng bawat lipunan sa ating
bansa.
SOSYEDAD AT LITERATURA
Pahina I 3
CASTILLO, GEORGE P.
Document shared on www.docsity.com
Downloaded by: JustinFz (xoroxey592@upshopt.com)
YUNIT VI SITWASYON NG MGA PANGKAT MINORYA: KATUTUBO
ABSTRAKSYON
Ilahad ang mga sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan nakalahad sa akdang
“Katutubo”
HINDI PAGKAKAPANTAY-PANTAY NG KARAPATAN
Dahil sa mga katutubong pangkat
minorya at sila’y nasa mga
kabundukan o mga malalayung
lugar sa kabihasnan at hindi sapat
ang kanilang inaral kung kaya’t
hindi mulat sa kanila ang tinatawag
na
karapatan
pagka
sila’y
makikipagsapalaran sa mga ibang
bayan. Lalo na sa mga tribo na
talagang sila sila lang, sila ang
target ng mga dayuhan pati na rin
ang mga may matataas na antas
sa lipunan dahil kulang ang
kanilang kaalaman sa kung ano
ang pamamalakad dito At dahil din
sa sila’y nasa maliliblib na lugar
mababa ang antas ng edukasyon
na nakukuha nila minsan.
Dahil dito ang nagiging epekto nito
ay hindi nila maipaglaban ang
kanilang mga sarili sa mga
dayuhan. Sila ay pinagkaisahan at
pinagkaitan inaaabuso, tinatapaktapakan
ang
kanilang
mga
karapang pantao at wala rin silang
kaalam alam sa mga batas . Ang
mga nakagisnan nilang gawain
noon ay nalilimitahan dahil ayaw
nilang mapahamak o kaya ay
madamay ang kanilang mga
pamilya. Ang mga nakagisnan din
nilang
kaugalian
ay
nalalapastangan dahil lang sa wala
silang laban.
SOSYEDAD AT LITERATURA
Pahina I 4
CASTILLO, GEORGE P.
Document shared on www.docsity.com
Downloaded by: JustinFz (xoroxey592@upshopt.com)
YUNIT VI SITWASYON NG MGA PANGKAT MINORYA: KATUTUBO
DISKRIMINASYON SA NASA PANGKAT MINORYA
Diskriminasyon sa mga nasa
pangkat minorya dahil may
kinalaman sa hindi magandang
pakikitungo sa kanila dahil
nagmula sila sa partikular na lahi
o dahil sa mga personal na
katangian na nai-uugnay sa
kanilang lahi gaya ng karakter ng
buhok, kulay ng balat, o ilang
katangian ng mukha pati na din
ang kanilang tradisyon at kultura
at dahil dito ito’y nagiging dahilan
ng hindi magandang pakikitungo
ng mga taga rural na tao sa mga
pangkat
minorya
at
dinidiskrimina sila dahil dito.
Ang
nagiging
bunga
nito
ay
nakakaranas sila ng pang iinsultong naiuugnay sa kanilang lahi, kultura at
tradisyon,
nakakarinig
ng
mga
mapanakit na salita o kaya naman mga
mapanirang puri na komento tungkol sa
kanila at dahil sa mga kaugalian o
tradisyon na bago sa mga dayuhan,
pinagtatawanan at hindi nirerespeto
kaya unti-unting naglaho ang mga
makukulay nilang kultura. Bilang
espesyal na sektor sa lipunan,
nahaharap din ang mga katutubo sa
siyudal na di pagka kapantay-pantay,
korakot at represibong gobyerno, at
dominasyon ng dayuhan kaya mas
nanaisin nalang nila na hindi magpakita
sa mga ibang tao na hindi nila kalahi.
Suriin mo!
Sa bahaging ito ng Yunit VI, kailangan mo nang maipakita ang iyong kahusayan sa pagsusuri
ng akda gamit ang angkop na akdang pampanitikan. Narito ang gabay mo sa iyong
isasagawang pagsusuri:
o
Panimula: Introduksyon ukol sa tula at kung para kanino ang akdang ito
o
o Katawan: Angkupan ng teoryang pampanitikan ang akda at gamitin ang konsepto
nito sa pagsusuri ng nilalaman at isinisiwalat ng tula
o
Wakas: Mensahe at repleksyon ukol sa akdang sinusuri
SOSYEDAD AT LITERATURA
Pahina I 5
CASTILLO, GEORGE P.
Document shared on www.docsity.com
Downloaded by: JustinFz (xoroxey592@upshopt.com)
YUNIT VI SITWASYON NG MGA PANGKAT MINORYA: KATUTUBO
PAGSUSURI SA TULANG KATUTUBO NI REMO FENIS
Ang akdang ito’y para sa mga katutubo na pinagkakaisahan ng mga may kapangyarihan o nasa
isang mataas na posisyon. Ang mga katutubong di masyadong nabibigyan ng pansin sa lipunan dahil sa
pagkakaroon ng kaibahan sa kultura, pananamit at kanilang mga paniniwala ngunit sa kabila nito naisasabuhay pa rin ang kanilang kultura lalo na ngayong nasa makabagong heneresyon na tayo. Tsaka
lamang nabibigyan ng atensyon ang mga ito kapag may mga toristang namamasyal upang maipakita ang
makulay na kultura at kasuotan sapagkat dito naipapakita nila ang katingkaran ng kultura ng Pilipinas.
Kadalasan silang ginagawang kaaliwan tuwing may mga piyestahan sa bayan.
Nasa piit nakalagayan ang mga katutubong ito kung saan pinagkakaitan sila ng mga karapatan
maliban sa di pagkakaroon ng kapayapaan. Iniuugnay sa mga rebolusyonaryong kilusan ang mga
personalidad ng mga katutubong ito na nagsusumikap mailagay sa panukala ng bansa ang kanilang mga
karapatan sa teritoryo, pagkakilanlan at bilang mamamayan. Base sa mga nabanggit na kalagayan ng mga
katutubo ay masasabi ko na ito ay teoryang Realismo dahil ito ay tumatalakay sa totoong nangyayari sa
lipunan tulad ng korapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon. Ipinaglalaban din ng teoryang
realismo ang katotohanan kaysa kagandahan ng tulang ito. Ang tulang "Katutubo" ay naglalayong
mabigyan ng pansin ang mga pangkat minorya na walang boses at hindi lubusang kinikilala sa
lipunan.Masasabi din ang tulang ito na Teoryang Kultural dahil sa kabila ng makabagong henerasyon natin
ngayon ay kapansin-pansin parin ang pagpapanatili nila sa mga natatanging katutubong kultura ng ating
mga ninuno. Hindi maitatangging malaki ang kanilang kontribusyon sa pagprereserba at pagpapatuloy sa
pagpapayaman ng ating kultura at tradisyon kahit na humaharap sila sa mga pagsubok gaya ng
pakikipaglaban nila para sa kanilang ancestral domains at likas na yaman, gayundin sa pagsulong nila sa
kanilang karapatan.
Para sa dapat manatiling buhay ang presensya na mga katutubo na kung saan dapat bigyan nang
katarungan ang unti-untiang pagkawala nila sa mata nang lipunan. Sa ngayun hindi nadin nabigyang
pansin ang kanilang mga karapatan. Karapatan na mabuhay, pisikal at mental na integridad, kalayaan at
katiyakang pansarili. Karapatan na kolektibong mamuhay ng malaya, tahimik at ligtas bilang mga
natatanging tao at hindi dapat isailalim sa anumang paglipol o anumang marahas na hakbang, kabilang na
ang sapilitang paghihiwalay sa mga anak ng isang grupo papunta sa ibang grupo. Karapatan na pasiglahin,
gamitin, paunlarin at ipasa sa susunod na henerasyon ang kanilang mga kasaysayan, wika, oral na
tradisyon, pilosopiya, sistema ng pagsulat at literatura, at itakda at panatalilihin ang kanilang mga sariling
pangalan ng mga komunidad, lugar at tao. At higit sa lahat ang pinakaimportante na kung saan ang mga
katutubo ay may karapatang magtatag at mamahala ng kanilang sistema ng edukasyon at institusyong
nagbibigay ng edukasyon sa sariling wika, sa pamamaraang naaangkop sa kanilang kultural na
pamamaraan ng pagtuturo at pagkatuto. Dagdag ko din ang sinabi nang may akda na “ Makulay nilang na
Kultura “ tunay nga na makulay ang kultura nila. Sinabi yun nang may akda dahil nakita niya ang
importansya nang mga katutubo, Nakita niya ang kahalagan nito at iyon ay kaniyang nirerespeto.
Pinahiwatig nang may akda na ating tandaan na ang katutubong kultura at tradisyon ay ang paraan ng
pamumuhay na nabubuhay pa rin sa kabila ng pagsakop at impluwensya ng modern at dominanteng kultura
sa mga katutubong pamayanan. Ang mga kultura at tradisyon na ito ay mahalaga dahil ito ay nagpapakita
ng kolektibong pamana ng mga katutubo sa marami pang henerasyon. Dahil sa mga katutubo, sila ay
nagbibigay sa atin ng paalala na ang mga Pilipino ay natatangi sa ibang bansa at ibang kultura.
SOSYEDAD AT LITERATURA
Pahina I 6
CASTILLO, GEORGE P.
Document shared on www.docsity.com
Downloaded by: JustinFz (xoroxey592@upshopt.com)
YUNIT VI SITWASYON NG MGA PANGKAT MINORYA: KATUTUBO
APLIKASYO
N
Gumawa ng sariling akdang pampanitikan na nagsisiwalat ng mga sitwasyong nararanasan
ngayon ng mga taong nabibilang sa mga pangkat minorya. Ilahad sa iyong akda ang iyong
saloobin, damdamin, opinyon, at pakikisangkot sa isyung nabanggit.
SOSYEDAD AT LITERATURA
Pahina I 7
CASTILLO, GEORGE P.
Document shared on www.docsity.com
Downloaded by: JustinFz (xoroxey592@upshopt.com)
Download