Handbuk ng Handbook of Sikolohiyang Filipino Pilipino Psychology Bolyum 1: Perspektibo at Metodolohiya Volume 1: Perspectives and Methodology Rogelia Pe-Pua Editor The University of the Philippines Press Diliman, Quezon City Nilalaman / Contents BOLYUM 1: PERSPEKTIBO AT METODOLOHIYA Volume 1: Perspectives and Methodology Paghahandog (Dedication) / v Paunang Salita / xvii Preface / xxiii UNANG BAHAGI: PERSPEKTIBO AT DIREKSIYON (PART ONE: PERSPECTIVES AND DIRECTION) Kahulugan at Batayan ng Sikolohiyang Pilipino (Definition and Foundation of Filipino Psychology) 1 Mga Batayan ng Sikolohiyang Pilipino sa Kultura at Kasaysayan (The Bases of Filipino Psychology in Culture and History) (1975) / 5 Ǥ 2 Sikolohiyang Pilipino: Perspektibo at Direksiyon (Filipino Psychology: Perspectives and Direction) (1976) / 19 Ǥ 3 Four Filiations in Philippine Psychological Thought (Apat na Tradisyon sa Kaisipang Sikolohikal sa Pilipinas) (1985) / 32 Ǥ 4 Ang Pantayong Pananaw bilang Diskursong Pangkabihasnan (The Pantayo Perspective as a Civilizational Discourse) (1991) / 43 Ǥ 5 Pilipinolohiya (Indigenous Philippine Studies) (1991) / 62 Ǥ 6 The Sugidanon (Epics) of the Highlanders of Panay Island, Central Philippines (Ang mga Epiko ng mga Taga-bundok ng Panay, Kalagitnaang Pilipinas) (2016) / 68 Ǥ 7 Origins and Development of Indigenous Psychologies: An International Analysis (Mga Pinagmulan at Pag-unlad ng mga Katutubong Sikolohiya: Isang Pandaigdigang Pagsusuri) (2006) / 77 Ǥ 8 Indigenous Psychology (Katutubong Sikolohiya) (2015) / 109 Ǧ Kasaysayan ng Sikolohiyang Pilipino (History of Filipino Psychology) 9 Philippines (Pilipinas) (2012) / 123 Ǧ Ǧ vii 10 Decolonizing the Filipino Psyche: Impetus for the Development of Psychology in the Philippines (Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng Pilipino: Tulak para sa Pag-unlad ng Sikolohiya sa Pilipinas) (1987) / 145 Ǥ 11 Sikolohiyang Pilipino: Pamana ni Virgilio G. Enriquez (Filipino Psychology: Legacy of Virgilio G. Enriquez) (2002) / 158 Ǧ Ǧ 12 An Empirical Analysis of Research Trends in the Philippine Journal of Psychology: Implications for Sikolohiyang Pilipino (Isang Empirikal na Pagsusuri ng Kalakaran sa Pananaliksik sa Philippine Journal of Psychology: Mga Implikasyon para sa Sikolohiyang Pilipino) (2011) / 180 Jose Antonio Clemente 13 Sikolohiyang Pilipino: 50 Years of Critical-Emancipatory Social Science in the Philippines (Sikolohiyang Pilipino: 50 taon ng Kritikal at Mapagpalayang Agham Panlipunan sa Pilipinas) (2013) / 200 ǦǦ 14 Tungo sa Isang Mas Mapagbuong Sikolohiya: Hamon sa Makabagong Sikolohiyang Pilipino (Towards a More Inclusive Psychology: Challenge for Contemporary Filipino Psychology) (2013) / 216 Ǥ 15 Has Sikolohiyang Pilipino (Filipino Psychology) Become Sikolohiya ng mga Pilipino sa Pilipinas (the Psychology of Filipinos in the Philippines)? (Ang Sikolohiyang Pilipino ba ay Naging Sikolohiya ng mga Pilipino sa Pilipinas?) (2017) / 235 Sylvia Estrada-Claudio Katutubong Konsepto sa Sikolohiyang Pilipino (Indigenous Concepts in Filipino Psychology) 16 Theoretical Advances in the Discourse of Indigenization (Mga Pag-unlad na Teoretikal sa Diskurso ng Pagsasa-katutubo) (2007) / 251 Ǥ 17 Kapwa: A Core Concept in Filipino Social Psychology (Kapwa: Isang Buod na Konsepto sa Sikolohiyang Panlipunang Pilipino) (1978) / 287 Ǥ 18 Revisiting the Kapwa Theory: Applying Alternative Methodologies and Gaining New Insights (Muling Pagtingin sa Teorya ng Kapwa: Paggamit ng mga Alternatibong Metodolohiya at Pagkuha ng mga Bagong Pananaw) (2008) / 293 ǡǡǡϔǡ and Jason Laguerta 19 Connected with All Life—The Enduring Filipino Kapwa Orientation, the Filipino Shared Self in a Postmodern Context (Kaugnay ng Buhay—Ang Walang Kupas na Oryentasyong Kapwa ng mga Pilipino sa Kontekstong Postmodern) (2017) / 310 viii HANDBUK NG SIKOLOHIYANG PILIPINO / HANDBOOK OF FILIPINO PSYCHOLOGY 20 Bahala na! (Bahala na!) (1977) / 329 Ǥ 21 Hiya: Panlapi at Salita (HiyaǣϐȌȋͳͻͺͷȌȀ͵͵Ͷ Ǥ 22 A Conceptual and Psychological Analysis of Sumpong (Isang Konseptwal at Sikolohikal na Pagsusuri ng Sumpong) (1977) /339 Ǥ 23 Filipinos’ Representations for the Self (Paglalarawan ng Sarili ng mga Pilipino) (1999) / 348 Ǥ 24 Loob ng Tao (A Person’s Loob) (2017) / 368 Ǥǡ 25 Unpacking the Concept of Loob: Towards Developing Culture-Inclusive Theories (Paghihimay ng Konsepto ng Loob: Tungo sa Pagbuo ng mga Teoryang Napapalooban ng Kultura) (2017) / 382 Ǧ 26 Ang Biyolohikal na Pundasyon ng Utang na Loob-Buot-Nakem (The Biological Foundation of Utang na Loob-Buot-Nakem) (2017) / 395 ǤǦ IKALAWANG BAHAGI: METODOLOHIYA (PART TWO: METHODOLOGY) Batayan ng Katutubong Pananaliksik (Foundation of Indigenous Research) 27 Tungo sa Maka-Pilipinong Pananaliksik (Towards Filipino-oriented Research) (1976) / 411 Ǥ Ǥ 28 Cross-indigenous Methods and Perspectives (Kros-katutubong Metodo at Perspektibo) (1979) / 416 Ǥ 29 “Pakapa-kapa” as an Approach in Philippine Psychology (“Pakapa-kapa” bilang Lapit sa Sikolohiya sa Pilipinas) (1982) / 428 Ǥ 30 Ang Pamamaraan ng Sama-samang Pananaliksik (Collective/Collaborative Research Methodology) (1988) / 431 Ǥ 31 Ang Etika ng Makamasang Pananaliksik Laban sa Makabanyagang Kamalayan (Ethics of People-oriented Research Against Colonial Consciousness) (1985) / 440 Ǥ Ǥ 32 Kros-katutubong Perspektibo sa Metodolohiya: Ang Karanasan ng Pilipinas (Crossindigenous Perspective in Methodology: The Philippine Experience) (2005) / 450 Ǧ NILALAMAN / CONTENTS ix 33 Indigenous Psychology, Ethnopsychology, Cross-cultural Psychology, and Cultural Psychology: Distinction Implications for Sikolohiyang Pilipino (Katutubong Sikolohiya, Etnosikolohiya, Sikolohiyang Kros-kultural, at Sikolohiyang Kultural: Mga Implikasyon ng Pagkakaiba para sa Sikolohiyang Pilipino) (2000) / 473 Ǥ 34 Pakikipagkapwa Endography: An indigenous Approach to Ethnography (Endograpiyang Pakikipagkapwa: Katutubong Lapit sa Etnograpiya) (2017) / 482 Almond Aguila Metodong Kaugnay ng Pakikipag-usap (Conversation-related Methods) 35 Pagtatanong-tanong: A Cross-cultural Research Method (Ang Pagtatanong-tanong: Isang Kros-kultural na Metodo ng Pananaliksik) (1989) / 507 Ǧ 36 Pakikipagkuwentuhan: Isang Pamamaraan ng Sama-samang Pananaliksik, Pagpapatotoo, at Pagtulong sa Sikolohiyang Pilipino (Pakikipagkuwentuhan: A Method of Collective Research, Establishing Validity, and Contributing to Filipino Psychology) (1997) / 519 Ǥ 37 Pampamamaraang Kaangkinan ng Pakikipagkuwentuhan (Methodological Characteristics of Pakikipagkuwentuhan) (2005) / 534 Ǥ Ǥ 38 Ang Ginabayang Talakayan: Katutubong Pamamaraan ng Sama-samang Pananaliksik (The Collective Discussion: An Indigenous Method of Participatory Research) (1988) / 558 Ǥ 39 : Notes from Sexuality Research (Ginabayang Talakayan: Ilang Tala mula sa Pananaliksik sa Seksuwalidad) (1997) / 565 Ǧ 40 Sama-samang Pagtuklas at Paglilimi: Ang Workshop bilang Pamamaraan ng Maka ȋ ϐ ǣ Indigenous Research Method) (2007) / 573 Ǥ 41 Mga Kuwentong Buhay at Kuwentong Bayan sa Paghahabi ng Araling Panlipunan (Life Stories and Folklores in the Weaving of Social Science) (2006) / 584 Ǥ 42 Sanglaan: Tunay bang Tulay ng Masang Pilipino? (Pawning/Pawnshop: Is It Really a Bridge for the Common Filipino?) (2013) / 592 Ǥ Ǧ 43 The Meaning of the Meaning of Houses: An Interdisciplinary Study (Ang Kahulugan ng Kahulugan ng Bahay: Isang Interdisiplinaryong Pag-aaral) (2015) / 605 Ǧ x HANDBUK NG SIKOLOHIYANG PILIPINO / HANDBOOK OF FILIPINO PSYCHOLOGY Metodong Kaugnay ng Pagmamasid at Pagpunta sa Larangan (Methods Related to Observation and Fieldwork) 44 Ang Pagmamasid bilang Katutubong Pamamaraan ng Pananaliksik sa Sikolohiya (Observation as an Indigenous Research Method in Psychology) (1984) / 617 ǤǤ 45 Nakikiugaling Pagmamasid: Pananaliksik sa Kulturang Agta (Participant Observation: Research on Agta Culture) (1985) / 627 Ǥ 46 Pagdalaw at Pakikipagpalagayang-loob sa Mamumulot ng Basura (Visiting and Making Friends with Garbage Scavengers) (1979) / 637 Ǥ ǤǤ 47 Pakikipanuluyan: Tungo sa Pag-unawa sa Kahulugan ng Panahon (Living in the Community: A Guide to Understanding the Concept of Time) (1982) / 644 Erlinda Nicdao-Henson 48 Ang Panunuluyan: Mula Paninimbang hanggang Malalimang Pakikipagpalagayang-loob ȋǣ ϐ ȌȋͳͻͺͷȌȀͷ͵ ϔǤ 49 The Purposeful Journey: In Search of the Epics of Panay (Ang Malayuning Paglalakbay: Paghahanap ng mga Epiko ng Panay) (2017) / 678 Ǧ Katutubong Panukat na Sikolohikal (Indigenous Psychological Measurement) 50 Ang Masaklaw na Panukat ng Loob (Mapa ng Loob) at ang Pagpapatibay nito Batay sa Paggamit ng Bahala na (The Masaklaw na Panukat ng Loob (Mapa ng Loob) and Its Validation Based on the Use of Bahala na) (2017) / 691 Ǥ Ǥ ǡ ǡ ǡ ǡ NILALAMAN / CONTENTS xi GREGORIO E. H. DEL PILAR REGINA MARIE BERMUDEZ DOROTHEA CAJANDING MELISSA ECO KIMBERLY GUEVARRA ANGELA LARRACAS Unibersidad ng Pilipinas Diliman Ang Masaklaw na Panukat ng Loob (Mapa ng Loob) at ang Pagpapatibay nito Batay sa Paggamit ng Bahala na* A ng isang mahalagang prinsipyo na pinaniniwalaan ng mga nakikiisa sa kilusang Sikolohiyang Pilipino ay ang pagtitiyak na angkop sa kulturang Pilipino ang mga instrumentong pampananaliksik na ginagamit dito. Sa kabila ng matagal nang panahon mula nang unang tinawag-pansin ni Feliciano (1965) ang limitasyon ng mga instrumento at metodong Kanluranin sa lipunang Pilipino, waring may tendensiya pa ring ipalagay na ang mga pamamaraan at kasangkapan na binuo sa mga tanyag na sentro ng pananaliksik sa Kanluran ay maaaring gamitin sa Pilipinas, o saanmang bahagi ng mundo. Kasama ang mga may-akda sa mga naniniwala na ang solusyon sa alinlangan ni Feliciano ay hindi sa pagwawaksi sa lahat ng mga pamamalakad at modelo na nanggagaling sa Kanluran, kundi sa istriktong pagsubok ng kaangkupan ng mga ito para sa mga Pilipino. Ang Masaklaw na Panukat ng Loob ay bahagi ng kasaysayan ng paghahanap ng katutubo at mas makabuluhang pag-unawa sa pagkataong Pilipino sa larangan ng panukat na sikolohikal. Tulad ng isang tao, ang panukat na ito ay maaaring ipakilala sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng pangalan nito. Ang salitang masaklaw ay tumutukoy sa katangian ng modelong pinagbabatayan ng instrumento, ang kilalang Modelong FiveFactor (MFF), na naglalayong saklawin ang kabuuan ng mga mahahalagang katangian na ginagamit sa paglalarawan ng mga tao. Ang loob naman ay nakaturo, batay sa paniniwala ng mga may-akda ng instrumento, sa pinanggagalingan ng mga tendensiya ng mga tao na kumilos, makaramdam, at mag-isip sa partikular na mga pamamamaraan na nagtatangi sa kanila sa iba. Sa madaling salita, ang loob dito ay ginagamit na kasingkahulugan (synonymously) sa personalidad, at inihahayag ang posisyon ng mga may-akda ng instrumento (Del Pilar, Sio, Cagasan, Siy, at Galang 2015) sa person-situation debate na matagal nang pinagtalunan ng mga sikolohista (halimbawa, Mischel 1968; Epstein 1979; Kenrick at Funder 1988; Mischel at Shoda 1998). Ayon sa posisyong ito, bagama’t ang pagkilos ng tao ay umaangkop sa sitwasyon, ito ay may natatanging estilo o pangkaraniwang motibasyon na nanggagaling sa loob ng tao, sa kanyang personalidad. * Karapatang sipi © 2017 May-akda 691 Mula naman sa mga unang pantig ng masakalaw at panukat galing ang mapa, na maituturing na palayaw ng instrumento. Subalit kahit palayaw, makahulugan pa rin ang napiling maikling pangalang nito. Maituturing na mapa ang instrumento dahil matutukoy ang kinalalagyan ng mga tao sa isang “espasyo” na binubuo ng mga pangunahing katangiang sinusukat ng MFF bilang mga dimensiyon. Maliban sa mga tao, ang mga konsepto tulad ng “resiliency,” “ǡdz at “bahala na” ay mailalagay din sa “mapa,” batay sa mga katangian, o kombinasyon ng mga katangian na sinasalamin ng mga ito (tingnan ang larawan 1). Pangalawang Factor Unang Factor Forgivingness Bahala na Larawan 1. Representasyon ng mga tao at konsepto sa dalawa sa limang dimensiyon ng Mapa ng Loob Gaano man kahusay ang disenyo ng isang panukat, gaano man kapino ang naging paraan ng pagbuo nito, ang halaga nito ay nakasalalay sa kakayahan nitong gampanan ang gawain na inaako nito. Para sa isang panukat na tulad ng Mapa ng Loob, ang uri ng ebidensiyang kailangan ay tinataguriang construct validity. Ito ay dahil layunin ng instrumento na sumukat ng mga konsepto o construct na malawak ang saklaw, at hindi lamang para matantiya ang performance ng isang tao sa isang takdang larangan tulad ng pag-aaral sa kolehiyo o husay sa pagtatrabaho, kung saan ang ebidensiyang kailangan ay tinatawag na predictive validity. Para makapag-ambag sa pag-aaral ng construct validity ng instrumento, siniyasat ng kasalukuyang pag-aaral ang ugnayan ng mga iskala ng instrumento sa karaniwang dalas ng paggamit ng isang konseptong kilala sa literatura ng agham panlipunan sa Pilipinas: ang bahala na. Mayroong sapat na 692 literaturang teoretikal at empirikal tungkol sa paksang ito para makapagbuo ng mga hipotesis kung alin-aling mga iskala ng Mapa ng Loob ang dapat lumabas na kaugnay ng paggamit ng konseptong ito. Ang susunod na bahagi ay tatalakay sa kahalagahan ng MFF at ang ebidensiya tungkol sa kaangkupan ng modelong ito sa kulturang Pilipino.Ito ay susundan ng pagtalakay ng estruktura, at maikling kasaysayan ng pagbuo at pagpapatibay (validation) ng Mapa ng Loob. Wawakasan ang panimulang bahagi ng artikulo sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga pananaw tungkol sa gamit ng bahala na, at sa mga empirikal na pag-aaral tungkol dito. Ang kaangkupan ng Modelong FiveFactor (MFF) sa kulturang Pilipino Ang Modelong Five-Factor Model (MFF) ng mga katangian ng personalidad ay bunga ng matagal na panahon ng pananaliksik sa Europa at sa Amerika (halimbawa, Cattell 1947; Eysenck 1947; Tupes at Cristal 1992; Wiggins 1968; John at Srivastava 1999). Ang MFF ay itinuturing ng marami na breakthrough na nagwakas sa matagal na paghahanap ng isang pamamaraan ng pagaayos ng daang-daang mga konsepto sa larangan ng mga katangian ng personalidad (personality traits) mula noong dekada 1940 hanggang 1990 (tingnan halimbawa sina John, Naumann, at Soto 2008; Carney, Jost, Gosling at Potter 2008; Shiner at De Young 2013). Tulad ng maaasahan sa isang modelo sa anumang disiplinang siyentipiko, ang ganitong malawakang pag-aayos ng mga konsepto ay naghahatid ng maraming bago at higit na tiyak na kaalaman, dahil sa kakayahan ng modelo na pagsama-samahin ang dating hiwa-hiwalay na mga resulta ng mga pag-aaral. Sa pananaw ng mga may-akda, sa paggamit ng modelong ito bilang batayan ng Mapa ng Loob, ang mga mananaliksik na Pilipino ay maaaring makilahok nang direkta sa mabilis na pagpapayaman ng mga kaalaman sa larangan ng personalidad na gumagamit ng nasabing modelo bilang balangkas. Ang kaangkupan ng MFF sa kulturang Pilipino ay siniyasat nina Katigbak, Church, Guanzon-Lapeña, Carlota at Del Pilar (2002) ANG MASAKLAW NA PANUKAT NG LOOB (MAPA NG LOOB) sa pamamagitan ng pag-imbestiga ng mga Pilipinong panukat ng personalidad na pawang binuo nang walang kinalaman sa MFF. Dalawa rito ay ang mga imbentaryong nabuo bago nakilala ang MFF—ang Panukat ng Ugali at Pagkatao (PPP) nina Enriquez at Guanzon-Lapeña (1985) at ang Panukat ng Pagkataong Pilipino (PPP) ni Carlota (1987). Ginamitan ng principal component analysis ang dalawang instrumento para malaman kung ang mga iskala o aytem ng mga ito ay magpapangkat-pangkat sa limang factor ng MFF. Ito ang dapat asahan kung totoo ang sinasabi ng mga naniniwala sa modelo na ito raw ay maaaring ituring na pandaigdigang modelo ng mga katangian ng personalidad. Sa PPP (Carlota 1987), ang 19 na iskala ay nagpangkat-pangkat sa apat, bilang katumbas ng Conscientiousness (halimbawa, Pagkamasikap, Pagkamaayos, Pagkaresponsable), Extraversion (Pagkapalakaibigan, Pagkamadaldal, Pagkamasayahin) at (Pagkamatalino, Pagkamalikhain, Pa gka m a p a g s a p a l a ra n ) . A n g u n a a t pinakamalaking pangkat ay binuo ng mga iskala na may kaugnayan sa Agreeableness (Pagkamaunawain, Pagkamaalalahanin, Pagkamapagkumbaba) at sa Neuroticism (mababang antas ng Pagkamahinahon, Pagkamaramdamin). Ipinalagay ng mga mayakda na ang pagsasanib ng dalawang huling grupo ng mga iskala ay dulot ng kakulangan ng variance mula sa mga iskala sa PPP na may kaugnayan sa Neuroticism, na dadalawa lamang, habang may anim na mga iskala na waring may kinalaman sa Agreeableness. Sa PUP, ang 141 aytem ay bumuo ng anim na pangkat, kung saan ang unang apat ay hawig sa ǡ ǡ ǡ at Extraversion. Ang ikalimang pangkat ay binuo ng mga aytem na may napakataas na porsiyento ng pagsang-ayon o kaya’y di-pagsang-ayon, at itinuring na communality factor, na kabaligtaran ng factor sa PKP, at kung gayun ay wala ring tukoy na katuturan. Ang ikaanim na pangkat, ayon kina Katigbak et al. (2002), ay nagpapakita ng kagustuhang mamukod/ katigasan ng ulo, at kung gayun ay may kaugnayan din (negatibo) sa Agreeableness (r=-.36, p<.01). Mula sa mga resultang ito, at maging sa mga karagdagang pagsusuri na nakasaad sa artikulo, nagpasiya sina Katigbak et al. na karamihan sa mga dimensiyon na sinusukat ng mga Pilipinong imbentaryo ng personalidad ay katulad, at sapat na sinasaklaw, ng mga dimensiyon ng MFF: “. . . most of the dimensions measured by the Philippine personality inventories overlap considerably with, and are adequately ǡϐǦ model . . .” (97). Estruktura ng Mapa ng Loob, pagbubuo, at pagpapatibay nito Ang bawat isa sa limang malawak na katangian (domain) ng Mapa ng Loob ay binubuo ng apat na mas makikitid na katangian (mga batayang iskala o facet). May dalawang iskala na nakagitna sa dalawang malawak na katangian, ang Dalas Makaramdam ng Galit, na nakagitna sa Neuroticism at Agreeableness; at ang Pagkamatapat na nakagitna sa Agreeableness at Conscientiousness. Maliban sa 22 mga iskalang ito, na pawang may walong aytem bawat isa, mayroon ding isang panukat ng Social Desirability, na may 12 aytem. Ang iskor para sa bawat malawakang katangian ay nagmumula sa pagsasama-sama ng mga iskor ng mga batayang katangian na bahagi nito. Pagbubuo ng Mapa ng Loob Ang Mapa ng Loob ay nagsimula bilang isang proyekto sa isang kursong gradwado na itinuro ni Del Pilar sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman noong Ikalawang Semestre ng taong akademiko 2010–2011, at natapos noong Mayo 2013. Ang unang plano para sa Mapa ng Loob ay bilang modipikasyon ng PPP ni Carlota (1987) para iayon ang estruktura ng PPP sa MFF (Del Pilar et al. 2015). Dahil dito, sa 15 batayang katangian na unang inasinta para sa Mapa, pito ay galing sa PPP, at tatlo ay halaw rito. Ang pitong nanggaling sa PPP ay Pagkamaramdamin para sa Neuroticism, Pagkamasayahin at Pagkapalakaibigan para sa Extraversion, Pagkamaunawain para sa Agreeableness, at Pagkamasikap, Pagkamaayos at Pagkaresponsable para sa Conscientiousness. Ang ginamit na DEL PILAR, BERMUDEZ, CAJANDING, ECO, GUEVARRA, AT LARRACAS 693 pakahulugan para sa pagbubuo ng mga iskala na susukat sa mga katangiang ito ay malapit sa mga depinisyon ng mga ito sa PPP. Ang tatlong iskalang halaw mula sa PPP ay ang Hina ng Loob na bahagi ng Neuroticism, Kakaibang Pag-iisip na bahagi ng to Experience, at ang Pagkadi-mayabang na bahagi ng Agreeableness. Ang mga ito ay nagmula, sa ganitong pagkakasunod-sunod, sa mga iskalang PPP na Pagkamahinahon, Pagkamalikhain, at Pagkamapagkumbaba. Kinilala na ang hina ng loob ay kabaligtaran ng isa sa dalawang aspekto ng pagkamahinahon, at ang pagkamagagalitin, na siyang pangalawang aspekto nito, ay hindi bahagi ng malawak na katangian ng Neuroticism.1 Kinilala rin na ang tendensiyang mag-isip sa pamamaraang orihinal, na bahagi ng pagkamalikhain, ay ang katangiang karapatdapat sa antas ng mga facet, habang ang pagkamalikhain ay waring mas masaklaw. Itinuring namang sadyang komplikado ang konsepto ng pagkamapagkumbaba, kung kaya’t pinili ang mas payak subalit kaugnay na konsepto ng pagkadi-mayabang. Mahalagang linawin na sa kabila ng ganitong simula ng Mapa ng Loob, naging malinaw kinalaunan kay Del Pilar at sa may-akda ng PPP na mas mabuting panatilihing magkahiwalay at magkaiba ang dalawang instrumento. Dumaan ang pagbubuo ng Mapa ng Loob sa anim na pag-aaral sa pagsubok ng mga aytem sa loob ng limang semestre. Karamihan sa mga kalahok ay mga mag-aaral sa UP Diliman na bahagi ng UP , subalit ang kahuli-hulihang pag-aaral (kabuuang N=576), na siyang nagbigay ng pinal na bersiyon ng instrumento, ay kinabilangan din ng dalawang ibang grupo, maliban sa mga estudyanteng taga-UP Diliman (N=192): mga estudyante mula sa tatlong pamantasan sa Metro Manila at sa Luzon (N=192), at mga kalahok na adult (N=192)Ǥ Sa pagbuo ng mga iskala, apat ang mga katangiang sikometriko na pinagtuunan ng pansin. Una, binigyang-diin ang katatagan o reliability ng bawat iskala. Sa grupo kung 1 saan kinalkula ang katatagan na nakasaad sa professional manual ng instrumento (N=296, Del Pilar et al. 2015), makikitang ang katatagan ng mga iskalang facet ay di bababa sa .65, at umaabot hanggang .81 (katampatang bilang=.71), habang para sa mga iskalang domain, ito ay mula .81 hanggang .90 (katampatang bilang=.87). Pangalawa, binigyang-diin din ang malawak na sakop o content validity ng bawat iskala. Pangatlo, sa pagsisikap na maging balanse sa direksiyon ang pagkakasaad ng mga aytem (positibo o negatibo) ng bawat iskala, 16 sa 20 iskalang facet ang ganap o halos ganap na balanse. Panghuli, tiniyak na ang pagpapangkat-pangkat ng mga iskala (factorial structure) ay umaayon sa MFF, ibig sabihin ang bawat isa sa mga iskalang facet ay naka-load sa malawakang katangiang kinabibilangan nito. Lumitaw ang malinaw na pagpapangkatpangkat ng mga iskalang facet sa inaasahang limang domain mula sa pangalawang pag-aaral sa pagsubok ng mga aytem. Sa pangatlong pag-aaral, inangkupan ang natuklasang kawalan ng balanse ng pagkakasaad ng mga aytem sa malalawak na iskalang Neuroticism at Agreeableness. Sa pang-apat na pag-aaral, idinagdag ang pang-apat na makitid na iskala sa bawat domain (Pagkasumpungin, Pagkamadaldal, Pagkamaharaya (pagiging aktibo ng imahinasyon), Pagkamapagparaya, at Pagkamaingat para sa malalawak na katangian ng Neuroticism, Extraversion, , Agreeableness, at Conscientiousness.). Sa panlimang pag-aaral, inalis ang walong nalalabing aytem mula sa PPP (kasama ang isang aytem mula sa Hina ng Loob at isang aytem mula sa Pagkaresponable), at pinalitan ang Pagkamaalalahanin ng iskalang Pagkamatapat bilang pang-apat na iskalang facet ng Agreeableness. Sa pang-anim at huling pag-aaral, ipinalit sa Pagkamatapat ang iskalang Pagkamaharaya, at bahagyang inayos ang dalawang iskala ng Conscientiousness (Pagkamaayos na itinuon sa Pagkamapagplano; at Pagkaresponsable). Ang pagkamagagalitin ay binansagang Dalas Makaramdam ng Galit at natuklasang nakagitna sa Neuroticism at Agreeableness (Sio at Del Pilar 2011, 2012; Del Pilar at Sio 2013), at dahil dito ay ginawang interstitial scale. 694 ANG MASAKLAW NA PANUKAT NG LOOB (MAPA NG LOOB) Pagpapatibay ng Mapa ng Loob May halos 15 pag-aaral na ang nagawa tungkol sa katibayan ng Mapa ng Loob. Isa rito ay sa buong instrumento (Del Pilar 2014; Del Pilar et al. 2015), apat ay sa mga iskalang domain nito (Guerrero, Guzman, Marino, at Sanchez 2013; Benitez, Florendo, Lim, Orlino, at Vera Cruz 2014; Achacoso, Mathay, at Untalan 2015; Azarraga, Canlas, Carrera, at Palima 2015), dalawa ay sa tigsampu sa mga iskalang facet nito (Del Pilar et al. 2016; Del Pilar at Mangahas 2016), at pito ay sa isa o dalawang iskalang facet nito (Del Pilar et al. 2015). Kung pagsasama-samahin ang lahat ng mga pag-aaral na nagawa na, makikita na lahat ng mga malalawak na iskala ng Mapa ng Loob, at lahat ng mga iskalang facet nito ay napagtibay na ng mga resultang makabuluhan ( ϔ ). Ang karamihan ng mga pag-aaral sa pagpapatibay ng Mapa ng Loob ay tinatalakay sa manwal ng instrumento (Del Pilar et al. 2015). Bahala na: Mga pananaw at empirikal na pag-aaral Ang nakasulat sa paksa ng bahala na ay karaniwang binabasa bilang isang debate sa pagitan ng mga naniniwala na ito ay nakakasama o nakabubuti sa mga gumagamit nito, o na ito ay sumasalamin sa mga negatibo o positibong aspekto ng pagkatao. Ayon sa unang posisyon, ang paggamit ng bahala na ay sumasalamin sa pasibong pagtanggap sa kapalaran o Ǥ Halimbawa, iniulat ni Bostrom (1968) ang kanyang obserbasyon na waring may tendensiya ang mga Pilipino na “hayaan ang daloy ng mga pangyayari . . . sa halip na magplano para sa hinaharap . . . ay maghintay na lamang at tingnan kung ano ang darating (aming salin, 405).” Binanggit niya ang obserbasyon na isinalaysay ni Gorospe (1966) ng paggamit sa bahala na sa sitwasyon ng isang estudyanteng magdedesisyon, matapos sambitin ang bahala na, na manood ng sine sa halip na mag-aral para sa isang eksamen; at ng isang nangungupahang magsasaka na gagastahin ang lahat ng kanyang kita, “bahala na,” para lang makapaghanda nang mahusay sa piyesta. Sa kabilang dako, may mga naniniwala na ang paggamit ng bahala na ay sumasalamin sa “determinasyon sa harap ng kawalan ng katiyakan” (Enriquez 1992; Lagmay 1993). Ayon kay Jocano (1974), ang bahala na ay nagsisilbing isang balon ng lakas ng loob (“reservoir of psychic energy”), isang haliging sikolohikal na maaaring sandalan ng isang tao sa panahon ng pangangailangan. Kasama sa mga benepisyong binanggit ni Jocano ay ang pagpapadali sa tao na mangahas (risk-taking), magplano para sa hinaharap, at kumawala sa kanyang nakaraan. Ang pananaw ni Lagmay (1993) tungkol sa bahala na ay pinagtibay ng isang maliit na pag-aaral na kanyang ginawa, kung saan tinanong niya ang 15 kalahok na magsalaysay ng isang kuwento kung saan ginamit nila ang bahala na. Sa pananaw ni Lagmay (1993), ipinapakita ng pagsambit ng bahala na ang kahandaan ng isang tao na angkupan ang sitwasyon sa paraang maparaan at malikhain sa harap ng kawalan ng ganap na paghahanda, o mga pangangailangang materyal para sa isang sitwasyon. Sa kabila ng ganitong magkasalungat na pagkiling sa usaping ito, kinikilala ng marami na hindi pawang maganda o masama ang epekto ng paggamit ng bahala na, o na ito ay laging sumasalamin ng kahinaan o lakas. Kinilala ni Bostrom (1968) na maaaring ang paggamit ng bahala na ay ang huling remedyo (“last resort”) kapag ang mga pagtatangka na baguhin ang isang sitwasyong hindi maganda, o iwasan ang isang krisis, ay hindi matagumpay (403). Binanggit niya ang sinabi ni Osias tungkol sa halaga ng bahala na sa harap ng ligalig o kalamidad, na hindi raw ito nangangahulugang “wala akong pakialam,” kundi “nagpapapahiwatig ng lakas ng loob at kakayahang magtiis, ng kahandaang harapin ang mga kahirapan, at tanggapin ang mga resulta [ng masasama at di-maiiwasang kaganapan] (aming salin, 403).” Makikita naman sa ilang ekspresyong ginagamit nina Jocano (1974) at Enriquez (1992) ang pagkilala na mayroong negatibong aspekto ang paggamit ng bahala na. Sa artikulo ng una, bago ihayag ang mga positibong epekto DEL PILAR, BERMUDEZ, CAJANDING, ECO, GUEVARRA, AT LARRACAS 695 ng paggamit ng bahala na na binanggit sa itaas, sinimulan ang pangungusap ng ganito: “Kung titingnan sa pamamaraang positibo, ang bahala na ay . . . ,” na isang pagkilala na maaaring tingnan ito nang negatibo. Sa artikulo naman ni Enriquez (1993), ginamit niya ang salitang “balanse” para ipakilala ang mga sinabi ni Osias na binanggit din ni Bostrom: Si Osias (1941, p. 88) ang nauna nang nagbigay ng mas balanseng pananaw na ang bahala na ay kombinasyon ng “fatalism at determinism.” Ang pag-aaral nina Menguito at TengCalleja (2010) marahil ang pinakamalinaw na kumilala na ang paggamit ng bahala na ay maaaring positibo o negatibo. Hayagan ang kanilang pakay na ituon ang atensiyon sa “iba’t ibang dimensiyon [ng bahala na] na naglalagay rito sa kategorya ng positibong konsepto (aming salin, p. 5).” Pinulong nila ang kanilang mga kalahok sa mga ginabayang talakayan (focus group discussion) at tinanong tungkol sa kanilang paggamit ng bahala na. Ang mga sagot sa tanong kung ano ang ibig nilang sabihin kapag sinasabi nila ang bahala na ay pinangkat sa positibo kapag ito ay kaugnay ng pagkamit ng isang bagay o sitwasyon na gustong mangyari ng kalahok, negatibo kapag ang gamit nito ay nangangahulugang di kikilos ang kalahok, at neutral kapag ang kalahok ay hindi sigurado sa susunod niyang gagawin sa isang sitwasyon. Ang pag-aaral nina Menguito at TengCalleja (2010) ay kaiba rin sa mga naunang nalathala tungkol sa bahala na dahil ito ay may mahalagang bahaging empirikal. Bilang tugon sa napapansing kakulangan ng ganitong uri ng pag-aaral sa paksa ng bahala na, hinikayat ni Del Pilar ang kanyang mga estudyante na pag-aralan ang paggamit ng konseptong ito, gamit ang punto-de-bista mula sa larangan ng personalidad. Sa pag-aaral nina Rayos at Sunga (2003), pinasagutan sa 60 estudyante at 60 empleyado ang 11 iskala ng PPP (Carlota 1987). Batay sa kanilang rebyu ng literatura, ipinalagay ng mga may-akda na ang uri ng mga taong gumagamit ng bahala na ay yaong matatawag na “nangangahas” o “risk-takers,” at ang mga hindi naman gumagamit nito ay ang matataas ang antas sa pagkaresponsable, 696 pagkamatiyaga, at pagkamasikap. Ginamit ng mga estudyanteng mananaliksik ang pormang S at KS ng PPP, na naglalaman ng mga katangiang nabanggit, kasama na ang pito pang ibang katangian. Sa dulo ng inihandang palatanungan, pinatantiya sa mga kalahok ang kanilang dalas ng paggamit ng bahala na sa huling tatlong buwan, at ibinigay bilang mapagpipilian ang mga sagot na “madalas,” “paminsan-minsan,” “bihira,” at “hindi gumagamit.” Bagama’t lumabas na hindi makabuluhan ang resulta para sa Pagkaresponsable (-.13) at Pagkamasikap (-.09), nakumpirma nila na ang iskalang Pagkamapagsapalaran ay may positibong korelasyon sa dalas ng paggamit ng bahala na (r=.23, p<.05). Maliban dito, lumabas ding makabuluhan ang negatibong korelasyon para sa Pagkamatalino (-.23, p<.05) at Pagkamahinahon (-.32, p<.01). Ang mga resultang ito, sa tingin ng mga may-akda ng kasalukuyang pag-aaral, ay umaayon sa pananaw na ang paggamit ng bahala na ay maaaring pahiwatig ng mga negatibo at positibong aspekto ng pagkatao, o na ito ay maaaring nakasasama o nakabubuti sa isang tao. Tungo sa kasalukuyang pag-aaral Matapos simulan ang pagbuo ng Mapa ng Loob, nagdaos si Del Pilar ng apat na sunodsunod na pag-aaral gamit ang pangalawa (Del Pilar 2011, 2013) at pangatlong preliminaryong bersiyon ng Mapa ng Loob (Del Pilar 2012, 2013). Ang mga pag-aaral na ito ay nilahukan ng mga estudyante mula sa iba’t ibang disiplinang akademiko na kumukuha ng panimulang kurso sa sikolohiya (Introductory Psychology), at sa gayo’y bahagi ng UP . Sa unang pag-aaral, pinatantiya sa mga kalahok kung ilang ulit nilang ginamit ang bahala na sa nakaraang tatlong buwan, tulad ng ginawa nina Rayos at Sunga (2003). Sa mga sumunod na pagaaral, binigyan ng laya ang mga kalahok na piliin ang tanong para matantiya ang kanilang dalas ng paggamit ng bahala na sa loob ng isang linggo, isang buwan, o tatlong buwan. Ito ay para mapadali ang pagtantiya para roon sa mga karaniwang gumagamit ng bahala na sa loob ng isang linggo, o kaya isang ANG MASAKLAW NA PANUKAT NG LOOB (MAPA NG LOOB) Hanayan 1. Mga korelasyong Spearman ng mga iskalang kabilang sa malawak na mga katangiang Neuroticism at Conscientiousness sa tantiya ng dalas ng paggamit ng bahala na Iskala Unang Pag-aaral Lahat N=381 Pangalawang Pag-aaral Gipit N=129 Lahat N=472 Gipit N=180 Pangatlong Pag-aaral Lahat N=287 Gipit N=93 Pang-apat na Pag-aaral Lahat N=313 Gipit N=175 .20** N1 Hina ng Loob .19** .31** .12** .22** .08 -.06 .20** N2 Pagkamaramdamin .15** .35** .11* .16* -.00 -.16 .20** .11 N3 Pagkapamapag-alala .15** .30** .17** .27** .09 -.11 .23** .18** C1 Pagkamasikap -.26** -.36** -.18** -.27** -.11 .04 -.25** -.24** C2 Pagkamaayos -.20** -.22** -.18** -.29** -.15* -.06 -.28** -.34** C3 Pagkaresponsable -.24** -.31** -.20** -.29** -.08 -.06 -.33** -.40** buwan. Dahil sa resulta nina Rayos at Sunga (2003) tungkol sa pagkamapagsapalaran, tiningnan din ng mga pag-aaral kung ang bahala na ay ginagamit sa ibang konteksto maliban sa gipit na sitwasyon, partikular na sa konteksto ng biruan, paglalarong hamunan (mga dare), at iba pang “magaan” na konteksto. Nang paghambingin ang mga resulta mula sa kontekstong gipit, magaan, o magkahalong gipit at magaan (i.e., buong grupo), nakitang ang pinakamalakas na ugnayan ng personalidad at gamit ng bahala na ay sa kontekstong gipit lamang. Kahawig ng resulta nina Rayos at Sunga (2003) tungkol sa Pagkamahinahon, lumabas na may makabuluhang kaugnayan ang mga iskalang Hina ng Loob, Pagkamaramdamin, at Pagkamapag-alala sa paggamit ng bahala na. Lumabas din ang inaasahang mga resulta nina Rayos at Sunga (2003) para sa Pagkamasikap at Pagkaresponsable. Makikita sa hanayan 1 ang mga iskala na may mga pinakamalakas at pinaka-regular na resulta. Para sa buong grupo, at lalo na para sa grupong gumagamit ng bahala na sa kontekstong gipit lamang, ang mga iskalang facet ng Neuroticism at Conscientiousness ay makabuluhan para sa una, pangalawa, at pang-apat na pag-aaral. Positibo ang korelasyon sa pagitan ng paggamit ng bahala na para sa Neuroticism, at negatibo para sa Conscientiousness. Makikita sa pag-aaral nina Rayos at Sunga (2003) at ni Del Pilar (2011, 2012, 2013) na may mga taong mas malakas ang tendensiyang gumamit ng bahala na. Sa mga taong mababa ang antas ng Conscientiousness (kulang sa sikap, hindi gaanong maayos sa mga gamit at sa pag-organisa ng mga gawain, di gaanong responsable), mas madalas itong gamitin. Maaaring ang ganitong mga kahinaan ay mas madalas maglagay sa mga kinauukulan sa mga sitwasyong gipit. Sa mga tao namang mataas ang antas ng Neuroticism (mahina ang loob, maramdamin, mapagalala, kulang sa hinahon), ang paggamit ng bahala na ay malamang na nakatutulong sa kanilang pag-angkop sa mga pangamba at kahirapan ng loob na mas madalas nilang maramdaman. Kung tama ang ganitong interpretasyon, makikita na bagama’t ang kaugnayan sa mababang Conscientiousness ay nagpapahiwatig ng kahinaan, ang kaugnayan sa mataas na Neuroticism ay nagpapakita ng mga positibong katangian na naglalayong lampasan ang mga pagsubok. Ang kapansin-pansing kaibahan ay ang mga resulta mula sa pangatlong pag-aaral, kung saan halos walang makabuluhang resulta ang lumabas, maging sa magkakahalong konteksto, o sa kontekstong gipit lamang. Ayon kay Del Pilar (2012) ito marahil ay dulot ng pagkalap ng datos sa bandang dulo ng semestre para sa pangatlong pag-aaral, kaiba sa una, pangalawa, at pang-apat na pag-aaral, kung saan ang datos ay kinalap sa simula ng semestre. Dagdag pa niya, maaaring ang tensiyon na dulot ng pagtatapos ng semestre, tulad ng mga eksamen at iba pang pangangailangan sa klase na dumarami at nagkakasabay-sabay sa panahong ito, ay DEL PILAR, BERMUDEZ, CAJANDING, ECO, GUEVARRA, AT LARRACAS 697 nakapagpatingkad sa kamalayan ng mga kalahok ng paggamit nila ng bahala na, at maaaring nakaapekto ito sa pagsagot nila sa mga tanong ng pananaliksik. Posible, halimbawa, na may mga kabilang sa grupong madalas gumamit nito na binawasan ang kanilang pagtantiya ng kanilang dalas ng paggamit, dahil sa kaalamang ito ang dapat gawin. Ang mga pagbabago na ginawa sa Mapa ng Loob mula sa pangalawa at pangatlong preliminaryong bersiyon na ginamit sa mga pag-aaral ni Del Pilar (2012, 2013) ay naglayong paghusayin ang instrumento sa katatagan, sakop, at balanse ng pagkakasaad ng mga aytem nito. Dinagdagan din ng limang iskalang facet ang imbentaryo, isa para sa bawat malawak na katangian, at nilayong paghusayin ang linaw ng pagpapangkatpangkat ng mga iskala sa limang malalaking katangian na bumubuo ng MFF. Sa kabila ng ganitong pakay, at sa pagkakaroon ng mga obhetibong pamantayan para matiyak na ang mga ito ay naisakatuparan (i.e., katatagan, balanse, pagpapangkat-pangkat ng mga iskalang facet), hindi ito maaaring tanggapin bilang garantiya ng katibayan o validity ng mga iskala. Ito ang dahilan kung bakit patuloy na ginagawa ang pagpapatibay o validation ng pinal na bersiyon ng instrumento, kasama na ang kasalukuyang pag-aaral. Ipinapalagay ng kasalukuyang pag-aaral na lilitaw muli ang positibong korelasyon sa pagitan ng dalas ng paggamit ng bahala na at ang mga iskor sa mga iskalang kaugnay ng Neuroticism (Del Pilar 2011, 2012, 2013) at ng kawalan ng hinahon na kaugnay nito (Rayos at Sunga 2003). Ipinapalagay rin na lalabas muli ang negatibong korelasyon sa pagitan ng dalas ng paggamit ng bahala na at ng mga iskor sa mga iskalang kaugnay ng Conscientiousness (Del Pilar 2011, 2012, 2013). Bilang pangunahing dagdag sa metodolohiya ng pag-aaral, tinanong din ang mga kalahok ng kanilang tantiya ng paggamit ng bahala na sa nakaraang linggo, na ipinapalagay na mas madaling gawin kung 2 ihahambing sa pagtantiya ng karaniwang dalas ng paggamit, kahit na para sa isang linggo lamang. ĊęĔĉĔ Mga kalahok. Ang mga kalahok sa pagaaral na ito ay mga estudyante sa UP Diliman mula sa iba’t ibang disiplinang akademiko (N=200).2 Sila ay mga estudyante sa kursong Introductory Psychology, pawang bahagi ng ng Departamento ng Sikolohiya, at may katampatang edad na 18.32 (SD=1.38). Sa grupong ito, 160 ang bilang ng mga babae (80%), habang 40 ang bilang ng mga lalaki (20%). Instrumento. Ginamit sa pag-aaral ang Mapa ng Loob na binubuo ng 188 aytem. Ang Mapa ng Loob ay sumusukat sa apat na facet para sa bawat isa sa limang malawak na katangian (domain) ng MFF. Ang 20 iskalang facet ay naglalaman ng walong aytem, na siya ring bilang ng mga aytem ng dalawang interstitial na iskala: ang Dalas Makaramdam ng Galit na nakagitna sa Neuroticism at Agreeableness, at ang Pagkamatapat na nakagitna sa Agreeableness at Conscientiousness. Mayroon ding iskala para sa Social Desirability ang Mapa, na naglalaman ng 12 aytem. Ang iskor sa bawat malawak na katangian ay ang suma ng mga iskor sa mga iskalang facet na bumubuo nito. Sumagot din ang mga kalahok ng isang maikling palatanungan tungkol sa kanilang paggamit ng bahala na. Pinatantiya sa mga kalahok ang karaniwang dalas ng paggamit nila ng bahala na sa loob ng isang linggo, isang buwan, at tatlong buwan, at sa kung anong konteksto ito ginamit (“gipit” o “ibang uri ng sitwasyon”). Tinanong din ang mga kalahok kung gaano kadalas ginamit ang bahala na sa nakaraang linggo. Patakaran. Sa simula ng semestre, hinikayat ang mga mag-aaral ng kursong Introductory Psychology na lumahok sa isang pag-aaral tungkol sa Mapa ng Loob, na ipinakilala bilang isang instrumento na binuo May isang kalahok na inalis dahil sa mga sagot na di kapani-paniwala. Ayon sa kalahok, isang babae na 17 taong gulang, ginagamit niya ang bahala na ng 75, 750, at “1M++” sa isang linggo, sa isang buwan, at sa tatlong buwan. 698 ANG MASAKLAW NA PANUKAT NG LOOB (MAPA NG LOOB) sa UP Diliman. Hiningi ang email address ng mga nais lumahok, at ipinadala sa kanila ang link sa instrumento. Nilinaw na ang partisipasyon ay gagawaran ng kredit para sa kanilang kurso. Ang bilang ng mga lumahok sa pagsagot ng Mapa ng Loob ay 328. Sa bandang dulo ng semestre, nagpadala ng email sa mga lumahok sa naunang pagaaral para imbitahan silang lumahok sa isang “validation study” para sa instrumento. Ang mga sumang-ayon (152) ay pinadalhan ng link para sa palatanungan tungkol sa bahala na. May 48 ding mga kalahok sa ibang pagaaral na ginagawa rin noong mga araw na iyon, na sumali sa pag-aaral. Sa grupong ito, may 41 na binigyan ng link para sumagot sa imbentaryo, at may pito na sumagot din ng Mapa ng Loob kaugnay ng isa pang pagaaral. Binigyan ang 48 kalahok ng link para sa palatanungan tungkol sa bahala na. Ang mga palatanungan ay sinagot ng mga kalahok sa isang silid na inilaan para sa mga pag-aaral sa Departamento ng Sikolohiya ng UP, o kung saan man nila ito gustong sagutan. Pangunahing analisis. Kinalkula ang korelasyong Spearman sa pagitan ng mga iskala ng Mapa ng Loob at ng dalawang indise ng dalas ng paggamit ng bahala na. Ang una ay ang tantiya ng dalas ng paggamit ng bahala na sa loob ng tatlong buwan, tulad ng ginawa nina Rayos at Sunga (2003). Dahil mas madaling tumantiya para sa panahong mas maikli, hiningi rin ang tantiya para sa isang linggo at isang buwan, ngunit ang kalkulasyon ay para sa tatlong buwan. Halimbawa, kung ang sagot ng kalahok ay 2, 5, at 10, (i.e., 2 beses sa isang linggo; 5 beses sa isang buwan; 10 beses sa tatlong buwan), ang ginamit ay ang sagot para sa isang linggo (2 beses), at ang dalas ng paggamit para sa tatlong buwan ay itatala bilang 24 (i.e., 2 x 12), dahil may 12 linggo sa tatlong buwan. Kung ang inilagay naman ay 0, 3, at 7, ang gagamiting tantiya ay yaong para sa isang 3 buwan (3 beses), at ang ilalagay na dalas para sa tatlong buwan ay 9 (3 beses x 3 buwan). Ang pangalawang indise ay ang dalas na isinaad ng kalahok para sa nakaraang linggo. Ang lahat ng mga kalkulasyon ay ginawa para sa kabuuan ng mga kalahok (N=200) at para sa mga kalahok na nagsabing ginagamit nila ang bahala na sa kontekstong “gipit” lamang (N=113). Tinukoy ang grupong ito para maihambing ang mga resulta sa nakuha sa mga naunang pag-aaral ni Del Pilar (2012, 2013). ĊĘĚđęĆ Katatagan. Ang katatagan ng mga iskala ng Mapa ng Loob para sa mga kalahok ng pag-aaral ay hindi nalalayo sa katatagan na naipamalas ng mga iskala para sa normative sample (tingnan ang hanayan 2)Ǥ 3 Ang pinakamababang reliability ay para sa iskalang E4 Pagkamadaldal (.64), at ang pinakamataas ay para sa iskalang E2 Pagkapalakaibigan (.86). Estruktura bilang mga factor. Makikita sa hanayan 2 ang resulta ng Principal Component Analysis na ginawa sa 20 iskalang facet ng Mapa ng Loob batay sa sagot ng mga kalahok. Malinaw na para sa grupong ito, ang mga iskalang facet ay sumusukat sa limang malalawak na katangian ng MFF. Korelasyon ng mga iskala ng Mapa ng Loob at dalas ng paggamit ng bahala na. Tulad ng ipinalagay, ang mga iskalang may kinalaman sa Neuroticism (N) at Conscientiousness (C) ang lumabas na may kaugnayan sa paggamit ng bahala na. Makikita sa hanayan 3 ang korelasyong Spearman sa pagitan ng mga iskalang ito at ang dalawang indise ng dalas ng paggamit ng bahala na, ang tantiya para sa dalas sa loob ng tatlong buwan, at ang dalas ng paggamit nito sa nakaraang linggo. Mapapansin sa hanayan 3 ang mga sumusunod: Ang katatagan ng mga iskala ay kinalkula batay sa 152 na kumuha ng Mapa ng Loob sa simula ng semestre at sa 41 na lumahok sa pag-aaral sa bandang dulo ng semestre (N=193). Ang nalalabing pitong kalahok na lumahok din sa pag-aaral sa bandang dulo ng semestre ay may mga iskor sa mga iskala na nanggaling sa isa pang pagaaral sa Mapa ng Loob na ginawa rin kasabay ng kasalukuyang pag-aaral. Bilang mga kalahok ng kasalukuyang pag-aaral, pinasagot sila ng palatanungan tungkol sa bahala na. DEL PILAR, BERMUDEZ, CAJANDING, ECO, GUEVARRA, AT LARRACAS 699 Hanayan 2. Ang pagpapangkat-pangkat ng mga iskalang facet na bumubuo ng malalawak na katangian, batay sa Prinicipal Component Analysis, para sa kasalukuyang grupo ng mga kalahok, N=200 Unang factor Iskala Pangalawang factor N1 Hina ng Loob .812 N2 Pagkamaramdamin .765 N3 Pagkamapag-alala .803 N4 Pagkasumpungin Pangatlong factor .576 E1 Pagkamasayahin .802 E2 Pagkapalakaibigan .833 E3 Pagkamasigla .566 E4 Pagkamadaldal .831 O1 Kakaibang Pag-iisip Pang-apat na factor Panlimang factor -.442 -.413 .675 O2 Hilig sa Bagong Kaalaman .768 O3 Pagkamakasining .751 O4 Pagkamaharaya .636 A1 Pagkadi-mayabang .649 A2 Pagkamapagtiwala .637 A3 Pagkamaunawain .787 A4 Pagkamapagparaya .868 C1 Pagkamasikap .676 C2 Pagkapamapagplano .803 C3 Pagkaresponsable .867 C4 Pagkamaingat .699 Hanayan 3. Mga korelasyong Spearman sa pagitan ng mga iskala ng Mapa ng Loob at ang tantiyang dalas ng paggamit ng bahala na Tantiyang dalas sa loob ng 3 buwan Iskala N1 Hina ng Loob Tantiyang dalas sa nakaraang linggo Kabuuan (N=200) Gumagamit sa kontekstong gipit lamang (N=113) Kabuuan (N=200) Gumagamit sa kontekstong gipit lamang (N=113) .27** .24** .29** .19* N2 Pagkamaramdamin .06 .22* .03 .18 N3 Pagkamapag-alala .17* .16 .20* .22* .26** N4 Pagkasumpungin .24** .23* .24** C1 Pagkamasikap -.23** -.26** -.16* -.21* C2 Pagkamapag-plano -.19* -.16 -.22** -.23* C3 Pagkaresponsable -.16* -.23* -.16* -.28** C4 Pagkamaingat -.17* -.15 -.17* -.20* Neuroticism (N) .23** .28** .21** .28** Conscientiousness (C) -.23** -.23* -.22** -.26** Ang kaugnayan ng mga iskalang may kinalaman sa N at C sa paggamit ng bahala 700 na ay makikita sa dalawang indise ng dalas ng paggamit ng bahala na. ANG MASAKLAW NA PANUKAT NG LOOB (MAPA NG LOOB) Tulad sa mga naunang pag-aaral ni Del Pilar (2011, 2012, 2013), ang korelasyon ng dalas ng paggamit ng bahala na para sa mga iskalang kaugnay ng N at C ay tumaas nang kalkulahin para sa mga kalahok na gumagamit nito para sa sitwasyong gipit lamang. Ang panggitnang halaga (median) ay tumaas mula .18 patungong .23 sa tantiyadong dalas ng paggamit para sa tatlong buwan, at mula .18 patungong .22 para sa tantiya ng paggamit sa loob ng nakaraang linggo. Bagama’t hindi ito sinasalamin ng pagbabago ng panggitnang halaga, waring bahagyang mas malakas ang epekto para sa tantiya ng dalas sa nakaraang linggo: pito sa walong facet (tatlong N at lahat ng C) ay makabuluhan para sa mas maliit na grupo, habang lima lamang ang ganito para sa tantiya para sa tatlong buwan. Liban dito, mapapansin din na lahat ng korelasyon ay tumaas para sa tantiya para sa nakaraang linggo, habang apat lamang ang ganito para sa indiseng tantiya para sa tatlong buwan. ĆČęĆđĆĐĆĞ Tulad ng nauna nang nabanggit, ang mga bersiyon ng Mapa ng Loob na ginamit para sa mga naunang pag-aaral ay ang pangalawa at pangatlong preliminaryong bersiyon ng instrumento. Mula noon, may dinaanang mga pagbabago ang ilang mga iskala bago ito umabot sa pinal na bersiyon na ginamit para sa kasalukuyang pag-aaral. Ipinapakita ng mga resulta ng pag-aaral na ang mga pagbabagong ito ay nagpanatili ng katibayan o validity ng mga iskalang kaugnay ng Neuroticism at Conscientiousness kung ibabatay sa dalas ng paggamit ng bahala na, lalo na sa sitwasyon ng kagipitan. Kung ihahambing ang mga resulta ng mga nauna at ng kasalukuyang pag-aaral, mapapansin na hindi tumaas ang mga korelasyon, tulad ng maaaring asahan sa mga pagbabagong ginawa sa mga iskala na may pangkalahatang layunin na paghusayin ang buong instrumento. Sa katunayan, bagama’t ang median ng mga korelasyon para sa mga iskala ng N ay bahagyang tumaas mula .22 4 para sa siyam na mga korelasyon hango sa mga naunang pag-aaral (hindi kasali ang pangatlong pag-aaral) patungong .24 para sa apat na iskala na ginamit sa kasalukuyang pag-aaral, ang median para sa mga iskala kaugnay ng C ay bumaba mula -.29 patungong -.22. Ito marahil ay dulot ng pagkalap ng datos sa bandang dulo ng semestre. Matatandaan na noong pangatlong pag-aaral na ginawa ni Del Pilar (2012), halos walang resulta ang lumabas na makabuluhan, sa buong grupo at maging sa mga kalahok na nagsaad na sa gipit na sitwasyon lamang nila ginagamit ang bahala na (tingnan ang hanayan 3). Tulad ng nauna nang binanggit, maaaring ang kakaibang tensiyon na nararanasan ng mga estudyante sa bandang dulo ng semestre ay nagpapatingkad ng kanilang paggamit ng bahala na sa kanilang kamalayan, at ang kanilang pagtantiya ng dalas ng kanilang paggamit ng mga katagang ito ay nahahaluan ng kagustuhang bawasan ang paggamit nito. Sa katunayan, mayroong datos na waring sumusuporta sa ganitong pananaw na nakadaragdag sa pagpapatibay ng mga iskalang kaugnay ng N at C. Pinagpangkatpangkat sa tatlong grupo ang mga kalahok na gumagamit ng bahala na sa gipit na sitwasyon lamang (mataas, panggitna, at mababa) ayon sa kanilang mga score sa dalawang malalawak na katangiang ito, at kinuha ang katampatang bilang o mean ng dalas ng paggamit ng bahala na para sa tatlong tantiya. 4 Tandaan na ang mga tantiya ay pawang para sa tatlong buwan, i.e., ang tantiya para sa isang linggo ay pinarami ng 12 (tantiya para sa isang linggo x 12), dahil may 12 linggo sa tatlong buwan; at ang tantiya para sa isang buwan ay pinarami ng 3 (tantiya para sa isang buwan x 3) para makuha ang tantiya para sa tatlong buwan. Dahil dito, tama lang na paghambingin ang mga tantiya sa isa’t isa. Sa hanayan 4, ipinapakita ng mga mean para sa buong grupo na bumababa ang tantiya habang ang panahong kaugnay ng tantiya ay humahaba. Ang epektong ito ng panahon ng tantiya ay makabuluhan, ayon sa Ang mga iskor ng mga domain ay kinalkula sa pamamagitan ng pagsuma ng mga iskor ng apat na iskalang facet na bumubuo ng domain. DEL PILAR, BERMUDEZ, CAJANDING, ECO, GUEVARRA, AT LARRACAS 701 Hanayan 4. Mga katampatang bilang (mean) ng tantiya para sa tatlong buwan, at sa kalkuladong tantiya para sa tatlong buwan mula sa tantiya para sa isang linggo at isang buwan, ng mga kalahok na may iba’t ibang antas sa mga katangiang Neuroticism at Conscientiousness, N=113 ANTAS Neuroticism Conscientiousness sa 1 linggo sa 1 buwan sa 3 buwan sa 1 linggo sa 1 buwan sa 3 buwan Mababa 24.97 21.16 17.47 31.89 24.79 20.79 Panggitna 28.56 21.04 16.89 31.95 26.80 20.92 Mataas 31.26 28.18 24.20 21.16 18.95 16.95 Buong grupo 28.30 23.48 19.54 28.30 23.48 19.54 na ginawa para sa dalawang malawak na katangian (F=28.031, p<.001, para sa mga mean ng N, at F=28.097 para sa mga mean ng C, p<.001). Ang mga mean sa mga hanay para sa mga may mababa, panggitna, at mataas na antas ng Neuroticism at Conscientiousness ay nagpapakita na ganito ang pangkalahatang tunguhin para sa lahat ng antas ng dalawang domain na ito. Maaaring isipin na dahil natural lamang na palaki ang bilang na kailangang ilagay ng kalahok para sa kanyang pangkaraniwang paggamit ng bahala na para sa isang linggo, isang buwan, at tatlong buwan, may tendensiya siyang paliitin ito dahil alam niyang hindi siya dapat gumamit nito ng masyadong madalas. Subalit kung ipaghahambing ang mga tunguhin para sa N at C, makikita na may kaibahan ang mga ito. Makikita sa larawan 2 na sa N, ang tatlong antas sa katangiang ito ay may magkakahawig na pagbaba ng tantiya. Bagama’t may kalakihan ang pagbaba ng tantiya ng panggitnang grupo mula sa tantiya para sa isang linggo patungong tantiya para sa isang buwan, ang F=1.002 para sa interaction ng antas at panahon ng tantiya ay hindi makabuluhan. Sa kabilang dako, para sa C, makikita sa larawan 3 na ang pagbaba ng tantiya ay iba para sa mataas ang antas ng C (mas banayad) kung ihahambing sa dalawang mas mababang antas nito (mas matarik). Ang F=2.118, bagama’t hindi umaabot sa pagiging makabuluhan, ay di kalayuan dito (p<.098). Sa madaling salita, ang mga kalahok na mababa ang antas ng C ay may mas malaking tendensiyang ibaba ang kanilang tantiya ng paggamit ng bahala 702 na, kung ihahambing sa mga kalahok na mataas ang antas sa katangiang ito, at sa mga kalahok sa lahat ng antas ng N. Ito marahil ay dahil pinakamatingkad sa kamalayan ng mga mabababa ang antas ng C na ang kanilang paggamit ng bahala na ay dala ng kanilang kakulangan sa sikap, sa pagpaplano, sa pagiging responsable, sa pagiging maingat, at iba pang mga katangiang kaugnay ng C. Sa kabilang banda, ang matataas ang antas sa N ay hindi kakikitaan ng ganitong tendensiya. Ito marahil ay dahil sa kanilang kamalayan na ang kanilang paggamit ng bahala na ay nakapagbigay sa kanila ng lakas ng loob na harapin ang mga agam-agam at pag-aalala, tungkol sa mga kaganapan at sa mga tao, na naging daan para manumbalik ang kaunting hinahon. Sa simula ng artikulong ito, binanggit na ang isang bentahe ng paggamit sa isang instrumentong nakabatay sa MFF ay ang mabilis na pag-uugnay ng mga resulta ng pananaliksik gamit ang gayung instrumento sa malawak na mga kaalaman na naiipon gamit ang modelo. Ipinapakita sa larawan 4 ang kinalalagyan ng paggamit ng bahala na sa “mapa” ng mga konsepto gamit ang dalawang dimensiyon ng N at C. Ang ganitong lokasyon ay di nalalayo sa puwesto ng tendensiyang procrastination, ang tendensiya na ipagpaliban ang mga gawain sa halip na gampanan agad ang mga ito. Ayon sa rebyu ni Pascasio (2015), ang N at C din ang sangkot sa tendensiyang ito, at kung gayun, maaaring tingnan ang kaugnayan ng paggamit ng bahala na at ang procrastination. Bagama’t malinaw na mahalagang ambag ito ng Mapa ANG MASAKLAW NA PANUKAT NG LOOB (MAPA NG LOOB) Katampatang dalas ng paggamit ng bahala na sa 3 buwan 35.00 ְNeuroticism 30.00 25.00 ְNeuroticism 20.00 ְNeuroticism 15.00 1 linggo 1 buwan 3 buwan Batayan ng pagtantiya Larawan 2. Ang mga katampatang bilang (mean) ng mga tantiya para sa tatlong buwan, at mga kinalkula para sa tatlong buwan mula sa tantiya para sa isang linggo at para sa isang buwan, para sa mga grupong mataas, panggitna, at mababa sa katangiang Neuroticism. Katampatang dalas ng paggamit ng bahala na sa 3 buwan 35.00 ְ 30.00 25.00 ְ 20.00 ְ 15.00 1 linggo 1 buwan 3 buwan Batayan ng pagtantiya Larawan 3. Ang mga katampatang bilang (mean) ng mga tantiya para sa tatlong buwan, at mga kinalkula para sa tatlong buwan mula sa tantiya para sa isang linggo at para sa isang buwan, para sa mga grupong mataas, panggitna, at mababa sa katangiang Conscientiousness. DEL PILAR, BERMUDEZ, CAJANDING, ECO, GUEVARRA, AT LARRACAS 703 Conscientiousness Neuroticism Neuroticism Bahala Na Conscientiousness Larawan 4. Ang lokasyon ng paggamit ng bahala na sa mga dimensiyon ng Neuroticism (N) at Conscientiousness (C). Ang matataas sa N at mabababa sa C ang pinakamadalas gumamit nito. ng Loob at ng MFF, maaari namang tanungin kung ang paggamit ng nasabing modelo bilang batayan ng Mapa ay may kapalit. Tandaan na sa pagbubuo ng Mapa, “hinubog” ang mga iskala nito para umayon sa estruktura ng MFF. Posibleng sa gayung pagbubuo ng mga iskala, nalihis ang mga ito mula sa mga katangiang gusto talaga nitong sukatin. Ang positibo at makabuluhang resulta ng pag-aaral na ito ay patunay na waring di naman ito naganap. Ang kongklusyong ito ay pinatitibay ng resulta mula sa isa pang pag-aaral (Del Pilar at Mangahas 2016), kung saan ang iskalang Pagkaresponsable ng Mapa at ng Panukat ng Pagkataong Pilipino (PPP, Carlota 1987) ay parehong kabilang sa mga iskalang sinagutan ng mga kalahok (N=245). Nakitang may kaugnayang positibo at makabuluhan ang iskalang Pagkaresponsable ng PPP (r=.15, p<.05) sa tugon kung naging maingat ang pagsagot ng mga kalahok sa Mapa ng Loob, at gayundin ang iskalang Pagkaresponsable ng Mapa ng Loob (r=.26, p<.001). Batay sa mga resultang ito, ipinapalagay ng mga may-akda ng kasalukyang artikulo 704 na tinutugunan ng Mapa ng Loob ang mga pamantayan para sa isang instrumentong umaayon sa adhikain ng Sikolohiyang Pilipino, na ito ay malinaw na angkop sa kulturang Pilipino. Inaasahang patuloy na makatulong ang Mapa ng Loob sa katutubo at mas makabuluhang pag-unawa sa pagkataong Pilipino sa larangan ng panukat na sikolohikal. ĆēČČĚēĎĆē Achacoso, J. R. P., R. P. M. Mathay, at L. G. V. Untalan. 2015. “’It’s Not You, It’s E!’—A Study on the Interplay between the Personality Domain of Extraversion and Self-reported Sleepiness in a Classroom Setting.” Di-nakalathalang manuskrito, Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Lungsod Quezon. Azarraga, J. T., J. C. Canlas, P. C. Carrera, at I. T. Palima. 2015. “Examining the Personality Traits of Filipino Free Thinkers Using Del Pilar’s Masaklaw na Panukat ng Loob.” Dinakalathalang manuskrito, Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Lungsod Quezon. ANG MASAKLAW NA PANUKAT NG LOOB (MAPA NG LOOB) Benitez, D. L., G. I. Florendo, S. M. Lim, J. A. Orlino, at H. J. Vera Cruz. 2014. “Neuroticism in the Five-Factor Model of Personality as a Predictor of Marital Satisfaction Based on Self- and Partnerratings: A Theory Validation of the Masaklaw na Panukat ng Loob (Mapa ng Loob). Di-nakalathalang manuskrito, Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, Lungsod Quezon. Bostrom, L. 1968. “Filipino Bahala Na and American Fatalism.” Silliman Journal 15 (3): 399–413. Carlota, A. J. 1987. “The Development of the Panukat ng Pagkataong Pilipino (PPP).” Pp. 50–65 sa Psychological Measurement in the Philippines: A Book , inedit nina A. J. Carlota at L. S. Lazo. Quezon City: University of the Philippines. Friends at Adolescence and Best Friends in Childhood.” Papel na binasa sa Ika-51 taunang kumbensiyon ng Psychological Association of the Philippines, Lungsod ng Cagayan de Oro. Del Pilar, G. E. H., at A. Mangahas, A. 2016. “The Mapa ng Loob and the PPP: A Validation Study.” Papel na binasa sa ika-53 taunang kumbensiyon ng Psychological Association of the Philippines, Clark Freeport Zone, Pampanga. Del Pilar, G. E. H., at C. P. Sio. 2013. “Locating the Experience of Anger in Five-Factor Space.” Paper presented at the First World Conference on Personality, Stellenbosch, Capetown, South Africa, March. Del Pilar, G. E. H., C. P. Sio, L. P. Cagasan, A. C. Siy, at A. J. R. Galang. 2015. Mapa ng Loob Professional Manual. Lungsod Quezon: Unibersidad ng Pilipinas. ǡ Ǥ Ǥ ͳͻͶǤ Dzϐ ϐ Factors.” Psychometrika 12 (3): 197–220. Enriquez, V. G. 1992. From Colonial to Liberation Psychology. Lungsod Quezon: University of the Philippines Press. Carney, D. R., J. T. Jost, S. D. Gosling, at J. Potter. 2008. “The Secret Lives of Liberals and ǣ ϐǡ Interaction Styles, and the Things They Leave Behind.” Political Psychology 29 (6): 807–40. Enriquez, V. G., at M. A. Guanzon-Lapeña. 1985. “Toward the Assessment of Personality and Culture: The Panukat ng Ugali at Pagkatao.” Philippine Journal of Educational Measurement 4: 15–54. Del Pilar, G. E. H. 2011. “Ang pagbubuo ng Masaklaw na Panukat ng Loob (Mapa ng Loob).” Papel na binasa sa Ika-36 Kumperensya ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino, Lungsod Quezon. ———. 2012. “Empirical Investigations on the Relationship of Personality Traits and the Use of Bahala na.” Papel na binasa sa ika-49 taunang kumbensiyon ng Psychological Association of the Philippines, Lungsod ng Cebu. ———. 2013. “Empirical Investigations on the Relationships between Personality Traits and the Use of Bahala na.” Poster para sa First World Conference on Personality, Stellenbosch, South Africa. ———. 2014. “Validating the Mapa ng Loob Scales Using Adjective Ratings from Best Epstein, S. 1979. “The Stability of Behavior: I. On Predicting Most of the People Much of the Time.” Journal of Personality and Social Psychology 37 (7): 1097–126. Eysenck, H. 1947. Dimensions of Personality. London: Routledge & Kegan Paul. Feliciano, G. D. 1965. “The Limits of Western Social Research Methods in Rural Philippines: The Need for Innovation.” Lipunan 1 (1): 114–28. Gorospe, V. R. 1966. “Christian Renewal of Filipino Values.” Philippine Studies 14 (2): 191–227. Guerrero, B. C., R. S. Guzman, B. M. Marino, at S. M. Sanchez. 2013. “Openness to Experience (O Domain) of the Mapa ng Loob as a Predictor of Creativity.” Dinakalathalang manuskrito, Unibersidad ng Pilipinas, Lungsod Quezon. DEL PILAR, BERMUDEZ, CAJANDING, ECO, GUEVARRA, AT LARRACAS 705 ǡǤǤǡǤǤ ǤͳͻͺͺǤDzϐ from Controversy: Lessons from the Person-situation Debate.” American Psychologist 43 (1): 23–34. Filipino’s Courage, Hope, Optimism, Ǧϐ ǡ Ǥdz Philippine Journal of Psychology 43 (1): 1–26. Jocano, F. L. 1974. “Toward a New Conceptual Orientation of Filipino Culture and Personality.” Philippine Education 6 (1): 9–15. Mischel, W. 1968. Personality and Assessment. New York: John Wiley & Sons. John, O. P., at S. Srivastava. 1999. “The Big Five Trait Taxonomy: History, Measurement, and Theoretical Perspectives.” Pp. 102– 38 sa Handbook of Personality: Theory ǡ, inedit nina L. A. Pervin at O. P. John. New York: Guilford Press. John, O. P., L. P. Naumann, at C. J. Soto. 2008. “Paradigm Shift to the Integrative Big Five Trait Taxonomy.” Pp. 114–58 sa Handbook of Personality: Theory and ǡ, inedit nina O. P. John, R. W. Robins, at L. A. Pervin. New York: Guilford Press. Katigbak, M. S., A. T. Church, M. A. GuanzonLapeña, A. J. Carlota, at G. H. del Pilar. 2002. “Are Indigenous Personality Ǧ ϐ ǫ Philippine Inventories to the Five-Factor Model.” Journal of Personality and Social Psychology 82 (1): 89–101. Lagmay, A. V. 1993. “Bahala na.” Philippine Journal of Psychology 26 (1): 31–36. Menguito, M. L. M., at M. Teng-Calleja. 2010. “Bahala na as an Expression of the 706 Mischel, W., at Y. Shoda. 1998. “Reconciling Processing Dynamics and Personality D i s p o s i t i o n s .” Psychology 49: 229–58. Pascasio, M. 2015. “Procrastination in Conscientiousness and Neuroticism.” Di-nakalathalang papel, Unibersidad ng Pilipinas, Lungsod Quezon. Rayos, M. G., at J. M. Sunga. 2003. “A Correlational Study on Bahala na and ϐǤdz Ǧ nakalathalang papel, Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Lungsod Quezon. Shiner, R. L., at C. G. De-Young. 2013. “The Structure of Temperament and Personality Traits: A Developmental Perspective.” Pp. 113–41 sa ǡ Ǥǣ, inedit ni D. P. Zelazo. New York: Oxford University Press. Tupes, E. C., at R. E. Christal. 1992. “Recurrent Personality Factors Based on Ratings.” Journal of Personality 60 (2): 225–51. Wiggins, J. S. 1968. “Personality Structure.” 19 (1): 293–350. ANG MASAKLAW NA PANUKAT NG LOOB (MAPA NG LOOB)