Uploaded by Ma. Janice Cunanan

Ang-Pagmamahal-sa-Diyos-Script

advertisement
`
Video Animated Lesson SCRIPT-GRADE 10
SDO ALBAY
S.Y. 2021-2022
QUARTER 3, LAS __
Topic: Ang Pagmamahal sa Diyos
Length/Estimated Running Time: 15 minutes
Scriptwriter and Teacher/Narrator: SHERWIN JAY A. AGUILAR
AUDIO
GENERAL INTRO
Magandang Buhay - Mabuting Tao!
Tayo ay nasa ika-tatlong markahan na. Ako si- Sir Sherwin Jay Aguilar, ang
inyong guro at gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao.
Ang paksa natin sa linggong ito ay pinamagatang "Pagmamahal sa
Diyos".
"Nakapagmamahal tayo sapagkat Siya ang naunang nagmahal sa atin."
Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung bakit kailangang mahalin ang
kapuwa? Ang pagmamahal na ito ang susi ng pagpapalalim ng tao ng
kaniyang pagmamahal at pananampalataya sa Diyos. Ikaw, paano mo
minamahal ang iyong kapuwa? Paano ka nagbibigay ng iyong sarili upang
paglingkuran sila? Mga ilang katanungan na maari mong pagnilayan habang
dumaraan ka sa bahagi ng aralin na ito.
LESSON INTRO
Layunin ng aralin na ito na magabayan ka at maunawaan bilang
pinaka espesyal na nilalang. Tayo ay dapat tumugon sa pananawagan ng Diyos
na mahalin natin ang lahat ng Kaniyang linikha, lalo't higit ang ating kapuwa.
Handa ka na ba? Tayo na! (Music)
(Balik Aral)
Sa mga nakaraan modyul, bingyang diin ang mga konsepto tungkol sa
sa makataong kilos at mga salik na makatutulong upang makagawa ng mga
pagpasiyang moral ang isang indibidwal.
Naunawaan ang mga konsepto tungkol sa makataong kilos upang
makapag pasya nang may preperensya sa kabutihan sa gitna ng mga isyung
moral at impluwensya ng kapaligiran.
Ang pag-unawa sa konsepto ng moralidad ng kilos ay gabay sa pagpili
ng moral na pasya at kilos.
ABSTRACTION
Ugnayan sa Diyos at Pagmamahal sa Kapuwa
Mula sa pagmamahal ay nagbabahagi ang tao ng kaniyang sarili sa iba.
Naipapakita niya ang kaniyang pagiging kapuwa.
Sa oras na magawa ito ng tao, masasalamin sa kaniya ang pagmamahal niya
sa Diyos dahil naibabahagi ang kaniyang buong pagkatao, talino, yaman, at
oras nang buong-buo at walang pasubali.
Ito ang makapagbibigay ng kahulugan sa kaniyang buhay. Ito rin ang
makasasagot ng dahilan ng kaniyang pag-iral sa mundong ito.
PAGHAHANAP NG KAHULUGAN NG BUHAY
Ang buhay ay maituturing na paglalakbay.
Sa Paglalakbay na ito ay kailangan ng tao ang makakasama upang maging
magaan ang kaniyang paglalakbay.
Una, paglalakbay kasama ang KAPUWA at Ikalawa, paglalakbay kasama ang
Diyos.
Hindi maaring paghiwalayin ang paglalakbay kasama ang kapuwa at ang
paglalakbay kasama ang Diyos, dahil makikita ng tao sa mga ito ang kahulugan
ng kaniyang buhay.
Sa kanyang patuloy na paglalakbay sa mundong ito, siguradong matatagpuan
nya ang kanyang hinahanap. Kung siya ay patuloy na maniniwala at
magbubukas ng puso at isip sa katotohanan ay may dahilan kung bakit siya ay
umiiral sa mundo. Dapat palaging tandaan na ang bawat isa ay may personal
na misyon sa buhay.
May magandang plano ang Diyos sa tao. Nais ng diyos na maranasan ng tao
ang kahulugan at kabuluhan ng buhay. Ang mabuhay ng maligaya at
maginhawa. Ngunit kailangan na maging malinaw sa kanya na hindi ang mga
bagay na materyal tulad ng cellphone, gadgets, laptop, mahahaling kotse,
malaking bahay at iba pa ang nakapag bibigay ng tunay na kaligayahan at
kaginhawaan, kundi ang paghahanap sa Diyos na Siyang pinagmumulan ng
lahat ng biyaya at pagpapala. Kaya't sa paglalakbay ng tao, mahalagang
malinaw sa kaniya ang tamang pupuntahan. Ito ay walang iba kundi ang Diyosang pinakamabuti at pinakamahalaga sa lahat.
PAGPAPALALIM
Espirituwalidad at Pananampalataya: Daan sa pakikipag-ugnayan sa Diyos at sa
kapuwa.
Ang PERSONA ayon kay Max Scheler ay ang pagka-"AKO" ang bawat tao
na nakakapag bukod tangi sa kaniya. Kaya't ang ESPIRITWALIDAD ng
bawat tao ay galing sa kaniyang PAGKATAO.
Ito ay lalong lumalalim kung isasabuhay niya ang pagiging kalarawan ng Diyos at
kung paano niya minamahal ang kanyang kapuwa, kaya't ang tunay na diwa ng
ESPIRITWALIDAD ay ang pagkakaroon ng magandang pakikipag ugnayanan sa
kapuwa at ang pagtugon diwa kung ang espiritu ng tao, ang pagtugon sa tawag
ng Diyos na may kasamang kapayapaan at kapanatagan sa kalooban.
Ang Espituwalidad ay nagkakaroon ng diwa kung ang espiritu ng tao ay
sumasalamin ng kaibuturan ng kangyang buhay, kasama ang kanyang KILOS,
DAMDAMIN, at KAISIPAN.
Kayat anuman ang relihiyon ng isang tao, ang ESPITUWALIDAD ang pinakarurok
na punto kung saan nya nakakatagpo ang Diyos.(6:00)
_______
Ang tao ay naghahanap ng kahulugan ng buhay, mula sa kaniyang
pagtatanong kung bakit siya umiiral?
Ang tunay na diwa ng espirituwalidad ay ang pagkakaroon ng mabuting
ugnayan
sa kapuwa at ang pagtugon sa tawag ng Diyos. Sa harap ng mga pag subok o
problema na kaniyang pinagdaraanan marahil nagtatanong ang tao kung may
Diyos bang makapag bibigay ng kasagutan sa kaniyang pinagtatanong. Dito
kailangan niya ng pananamaplataya.
Ang PANANAMPALATAYA ay ang personal na ugnayan ng tao sa DIYOS.- Isa itong
malayang pagpapasya na alamin at tangapin ang katotohanan ng presensya
ng Diyos sa kaniyang buhay at sa pagkatao niya. Isa itong biyaya na maari niyang
malayang tanggapin o tanggihan. Sa pananampalataya, naniniwala at umaasa
ang mga tao sa mga bagay na hindi nakikita ng mga mata.
Sa aklat ng Hebreo sinasabi na ang pananampalataya ang siyang kapanatagan
sa mga bagay na inaasam, ang kasiguruhan sa mga bagay na di nakikita. Ibig
sabihin, magiging mapanatag ang tao dahil sya ay naniniwala at nagtitiwala sa
Diyos kahit na hindi nya ito nakikita, at mula rito nararanasan nya ang
kapanatagan. Ang tunay na kaginhawahan at kaligayahan. sa
pananampalataya, itinatatalaga ng tao ang kanyang paniniwala at pagtitiwala
sa Diyos. Inaamin niya ang kanyang limitasyon at kahinaan, dahil naniniwala sya
na anumang kulang sa kanya au pupunan ng Diyos.
Ang Pananampalataya ay katulad ng pag mamahal ay dapat ipakita sa gawa.
Ito ay ang pagsasabuhay ng tao sa kanyang pinaniniwalaan.
_________
Kung kaya't ang pananampalataya ay hindi maaring lumago kung hindi
isinasabuhay
para sa kapakanan ng kapuwa. Naipapahayag ng tao ang kaniyang
pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng aktuwal sa pagsasabuhay nito.
Wika nga ni Apostol Santiago sa Bagong Tipan,
"Ang pananmpalatayang walang kalakip na gawa ay patay" (Santiago 2:20)
Ibig sabihin, ang mabuting kilos at gawa ng tao ang siyang matibay na
nagpapakita ng kaniyang pananampalataya.
Ikaw, kumusta naman ang iyong pananampalataya?
Ito ba ay pananamplatayang buhay?
Sa paanong paraan?
______
Naipahahayag ang pananampalataya ng tao
kahit ano paman ang kaniyang relihiyon maging Kristyanismo, Islam, Budhismo o
iba pa.
_______
Ang pananampalataya ay dapat ding alagaan upang mapanatili ang ningas
nito. katulad ng dalawang taong nagmamahalan, kailangan alagaan nila ang
kanilang ugnayan upang mapanatili ito. Narito ang ilan sa Mga dapat gawin
upang mapangalagaan ang ugnayan ng tao sa Diyos.
1. Panalangin - ito ay paraan ng pakikipag ugnayan ng tao sa Diyos. Sa
panalangin ang tao ay nakapagbibigay ng papuri, pasasalamat, paghingi ng
tawad, at paghiling sa Kaniya.
Kung hindi natutupad ang hinihiling sa panalangin, huwag agad panghinaan
ng pananampalataya dahil may dahilan ang Diyos kung bakit hindi Niya
ibinibigay ito sa tao.
Maaring hindi pa ito dapat mangyari, o di kaya'y maaring makasasama ito sa
taong humihiling.
2. Panahon ng pananahimik o pagninilay - Sa buhay ng tao, napakahalaga ng
pananahimik.
Ito ay makatutulong upang ang tao ay makapag isip at makapagnilay. Mula rito
ay mauunawaan
ng tao ang tunay na mensahe ng Diyos sa kaniyang buhay. Makatutulong ito
upang malaman ng tao kung ano ginagawa niya sa kaniyang paglalakbay, kung
saan siya patungo.
3. Pagsisimba o pagsasamba - anuman ang pinaniniwalaan ng tao, mahalaga
ang pagsisimba o pagsasamba saan man sya kaanib na relihiyon. Ito ang
makakatulong sa tao upang lalo pang lumawak
ang kaniyang kaalaman sa Salita ng Diyos at maibabahagi ito sa pamamagitan
ng pagsasabuhay ng kaalaman na napulot sa pagsisimba/pagsamba.
4. Pag-aaral sa Salita ng Diyos - Upang lubos na makilala ng tao ang Diyos,
nararapat na malaman
ang Kanyang mga turo o aral. Tulad ng isang tao na nais makilala nang lubos ang
kaniyang minamahal, inaalam nya ang lahat ng impormasyon ukol dito. Hindi
lubusang makikilala ng tao ang Diyos kung hindi sya mag-aaral o magbabasa ng
Banal na Kasulatan o Koran.
5. Pagmamahal sa Kapuwa - Hindi maaring ihiwalay ang kaniyang ugnayan sa
kaniyang kapuwa.
Ito ay isang dahilan ng pag-iral ng tao, ang mamuhay kasama ang kapuwa. Hindi
masasabi na
maganda ang ugnayan ng tao sa Diyos kung hindi maganda ang kaniyang
ugnayan sa kapuwa.
Mahalagang maipakita ng tao ang pag-lilingkod sa kaniyang kapuwa.
6. Pagbabasa ng mga aklat tungkol sa espirituwalidad Malaki ang naitutulong ng mga babasahin na may kinalaman sa espirituwalidad.
Ito ay makakatulong sa paglago at pagpapalalaim ng pananampalataya ng
isang tao.
Mula sa ibat-ibang paraan, napapalalim ng tao ang kanyang ugnayan sa Diyos,
kayat dito ay makikita ng tao na hindi maaring ihiwalay ang espirituwalidad sa
pananamplataya.Ang Espirituwalidad ng tao ang pinaghuhugutan ng
pananampalataya. Ang pananampalataya naman ang siyang nagpapataas ng
ispirtuwalidad ng tao. Dito nagkakaroon ng ugnayan ang Diyos at ang tao.
____
Ang pagmamahal sa Diyos at kapuwa
ay ang tunay na pananampalataya.
Paano ka ba nagmamahal? Naitatanong mo na ba ito sa iyong sarili?
Paano mo minamahal ang Diyos at ang iyong kapuwa?
-Hindi ito madali, pero ito ay isang hamon para sa lahat, dahil kung anuman ang
ginagawa mo sa iyong kapuwa ay sa Diyos natin ginagawa.
_____
Kilala mo ba si Mother Teresa ng Calcutta? nakita sa kaniya ang malalim na
ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng paglilingkod sa mga taong di katangap
tangap sa lipunan. Tulad ng mga pulubi sa lansangan, may mga sakit na
ketong,mga matatandang may sakit na iniwan ng kanilang pamilya at marami
pang iba. Sila ay inalagaan, pinakain at tinulungan ni Mother Teresa na walang
hinihintay na anumang kapalit.
_____
Sinabi ni Mother Teresa, paano mo nalalaman na nagmamahal ka? Ito ang
"Ang tunay na pagmamahal, ay nagmamahal
ng walang hinihintay na anumang kapalit
kahit na nahihirapan o nagsasakripisyo ay
nagmamahal pa rin"
Ganyan ang ipinakitang pagmamahal ni Mother Teresa. Isang pagmamahal na
hinanahanap na makita ang Diyos sa piling ng kapuwa na pinag lilingkuran. Kaya
mapapatunayan na ang tao ay minamahal nya ang Diyos at minamahal nya ang
kaniyang kapuwa.
_____
Apat na Uri ng Pagmamahal ayon kay C.S. Lewis
1. Affection - Ito ay pagmamahal bilang magkakapatid, lalo na sa mga
magkakapamilya o maaring sa mga taong nagkakilala at naging malapit o
palagay na ang loob sa isa't isa.
2. Philia - Ito ay pagmamahal ng magkakaibigan. Mayroon silang iisang tunguhin
o nilalalayon na kung saan sila ay magkakaugnay.
3. Eros - Ito ay pagmamahal batay sa pagnanais lamang ng tao. Kung ano ang
nagdudulot na kasiyahan sa kaniyang sarili. Halimbawa: Mahal mo sya dahil
maganda siya. Ito ay tumutukoy sa pisikal na nais ng tao.
4. Agape - Ito ang pinakamataas na uri ng pagmamahal. Ito ay ang
pagmamahal ng walang kapalit.
EXTRO
Ganyan ang Diyos sa tao. Patuloy na nagmamahal sa kabila ng
pagkukulang at patuloy na pagkakasala ng tao ay patuloy pa rin Niyang
minamahal dahil ang TAO ay mahalaga sa kanya.
Kung gayon, ang bawat isa sa atin ay inaanyayahan na tularan ang Diyos.
Sikapin natin na mahalin ang ating kapuwa dahil ito ang palatandaan ng
pagmamahal natin sa Diyos na lumikha. (end) Music
Download