Uploaded by Albert Ian Casuga

arts4 q1 mod3 forprint

advertisement
4
MAPEH (Arts)
Unang Markahan – Modyul 3:
Mga Disenyo sa Kultural na
Pamayanan ng Mindanao
(Kasuotan at Palamuti)
MAPEH (Arts) – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Mga Disenyo sa Kultural na Pamayanan ng Mindanao
(Kasuotan at Palamuti)
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Brian E. Ilan EdD
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat:
Glenda I. Mosada
Editor:
Myrna T. Parakikay
Tagasuri:
Myrna T. Parakikay
Tagalapat:
Marisse G. Eng
Tagapamahala:
Angelita S. Jalimao
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum
Neil Vincent C. Sandoval
Pandibisyong Tagamasid, LRMS
Myrna T. Parakikay
Pandibisyong Tagamasid, MAPEH
Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng
Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)
Department of Education – Schools Division Office of Makati City
Office Address:
Telefax:
E-mail Address:
Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
(632) 8882-5861 / 8882-5862
makati.city@deped.gov.ph
0
Alamin
Ang modyul na ito ay isinulat at nilikha upang ang pag-aaral ay maging madali lalonglalo na ngayong panahon ng “New Normal.” Bilang isang tugon sa edukasyon, ang
modyul na ito tungkol sa Mga Disenyo sa Kultural na Pamayanan ng Mindanao
(Kasuotan at Palamuti) ay naghahamon sa iyo upang ikaw ay maging isang
malikhain, mapamaraan at malayang mag-aaral. Ang saklaw ng modyul ay magbigay
ng iba-ibang gawain upang mapasigla at mahikayat ang malaya at pansariling gabay
sa kasanayang pagkatuto. Ang mga aralin sa modyul na ito ay maayos na sumunod
sa naaayong pamantayan ng asignatura upang matiyak ang pagpapatuloy ng
mabisang pagkatuto, maging makabuluhan ang bawat gawain, at maiugnay sa pangaraw-araw na buhay
Ang modyul na ito ay kinapapalooban ng mga paksa at kasanayang may kinalaman
sa:
• Mga disenyo ng mga kultural na pamayanan sa Mindanao ayon sa uri ng
kasuotan at palamuti.
• Mga elemento ng Sining sa disenyo ng mga kultural na pamayanan sa
Mindanao.
• Mga prinsipyo at proseso ng Sining sa disenyo ng mga kultural na pamayanan
sa Mindanao.
• Pagpapahalaga sa disenyo ng mga kultural na pamayanan sa Mindanao ayon
sa uri ng kasuotan at palamuti.
• Pagguhit ng mga disenyo ng mga kultural na pamayanan sa Mindanao.
Pagkatapos mong basahin, aralin at sagutan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
• Nakikilala ang mga disenyo ng mga kultural na pamayanan sa Mindanao ayon
sa uri ng kasuotan at palamuti.
• Nailalarawan ang mga disenyo sa kultural na pamayanan sa Mindanao ayon
sa uri ng kasuotan at palamuti.
• Nakalilikha ng disenyo gamit ang mga disenyo sa kultural na pamayanan sa
Mindanao.
• Napahahalagahan ang mga disenyo sa kultural na pamayanan sa Mindanao
ayon sa uri ng kasuotan at palamuti.
.
Subukin
Panuto: Pagmasdan ang nakalarawan at
sagutin ang mga katanungan sa ibaba
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Anong uri ng palamuti ang nakalarawan?
a. singsing
b. kuwintas
c. polseras
d. panyeta
2. Saan kadalasan makakakita ng ganitong uri ng palamuti?
a. sa bundok
c. sa ibang bansa
b. sa mga selebrasyon tulad ng pista
d. sa mga ritwal
3. Anong materyales ang ginamit sa nakalarawan?
a. plastic beads
b. karton
c. papel
1
d. glass
4. Ano-ano ang tatlong hugis na nakalarawan?
a. bilog, parihaba, tatsulok
c. parisukat, bilog, tatsulok
b. bilohaba, tatsulok, bilog
d. bilog, bilohaba, parihaba
5. Ano ang dalawang matitingkad na kulay ang makikita sa larawan?
a. puti, itim
b. asul, puti
c. pula at dilaw
d. itim, asul
Aralin Mga Disenyo sa Kultural na
1
Pamayanan sa Mindanao
(Kasuotan at Palamuti)
Ang mga katutubong disenyo ng mga kultural na pamayanan sa Mindanao ay mula
sa kanilang pagiging malikhain. Sila ay kilala sa paggawa ng mga damit, malong,
banig, palamuti sa katawan, kampanilya, placemat, wall décor, at marami pang iba
na ginagamitan ng iba’t ibang linya, hugis at kulay na may prinsipyong pag-uulit sa
kanilang mga disenyo o obra.
Balikan
Tukuyin kung saang pangkat etniko kabilang ang mga disenyong nakalarawan.
sining101.weebly.com
1.
3.
sining101.weebly.co
m
sining101.weebly.com
sining101.weebly.com
4.
2.
Tuklasin
Tingnan ang larawan.
Pag-isipan ang mga
sumusunod na katanungan.
2
1.
2.
3.
4.
5.
Nakakita ka na ba ng ganitong kasuotan at palamuti? _____________________
Saang selebrasyon mo ito nakita? _________________________________________
Ano-ano ang mga kulay ng kasuotan na nakita mo? ________________________
Ano-ano ang mga kulay ng palamuti na nakita mo? _________________________
Ano-anong uri ng linya ang nakita mo sa kanilang kasuotan?
___________________________________________________________________________
Suriin
Mga Pangkat Etniko o Katutubo sa Mindanao
MARANAO
Ang mga Maranao ay nananatili ang kanilang mayamang kultura sa mga disenyo sa
kasuotan, banig, gawang ukit at mga kagamitang brass o tanso na may geometric o
iba’t ibang hugis, linya at kulay.
.
commons.wikemedia.com
commons.wikemedia.com
commons.wikemedia.com
Ang sarimanok ay ang makasaysayang ibon ng mga Maranao na naging simbolo ng
kanilang sining at pinaniniwalaan na nagdadala ng suwerte sa kanilang buhay. Ito ay
makikita sa kanilang iba’t ibang kagamitan tulad ng okir ito ay isang uri ng paguukit
o paglililok sa kahoy at metal tulad ng brass o tanso na may disenyong sarimanok. Ito
rin ang ginamit bilang dekorasyon sa paligid ng bahay ng mga sultan o mga sinaunang
maharlika ng mga Maranao. Ang bahay na ito ay tinatawag na Torogan at ang bubong
nito ay may hugis salakot o trianggulo.
Kilala rin sila sa paghahabi ng malong na kadalasan ay may kulay ginto, lilak, berde,
dilaw at pula. Ito ay tradisyong kasuotan ng mga Maranao na isinusuot ng mga lalaki
at babae.
commons.wikemedia.com
commons.wikemedia.com
commons.wikemedia.com
3
commons.wikemedia.com
Ang kulintang ay kilala rin bilang kanilang instrumento sa musika na may disenyong
sarimanok. Ito ay maaaring sa pamamagitan ng paglilok o pagpinta sa kahoy o tanso
gayundin ang food jar (gadur) na gawa sa brass o tanso na may disenyong sarimanok
at geometric o iba’t ibang linya, kulay at hugis.
YAKAN
Ang tradisyunal na kasuotan ng mga lalaking Yakan ay nakabalot ang malong sa
kanilang ulo samantalang nakabalot naman sa beywang ng mga babae.Sa
kasalukuyan isinusuot na lamang nila ito sa mga espesyal na okasyon tulad ng pista.
Sila ay kilala rin na magaling sa paglalala ng tela na galing sa hibla ng pinya at abaka.
Ang tradisyon nila sa paglalala ay tinatawag na “tennum” na gamit ang iba’t ibang
kulay ng sinulid upang makabuo ng kakaibang disenyo. Ang kanilang ginagamit na
pangkulay sa paglalala ay galing sa dagta ng dahon, sanga at ugat. Ang mga telang
“tennum” ay ginagamit sa paggawa ng iba’t ibang mga produkto tulad ng mga
kasuotan, bag, table runner, placemat, wall décor at iba pa.
commons.wikemedia.com
commons.wikemedia.com
Taon-taon ay ipinagdiriwang sa
Lamitan City, Basilan ang
“Lami-Lamihan Festival na
nagpapakilala
ng
kanilang
tradisyunal
na
kaugalian,
musika, sayaw at produktong
Yakan. Nagpapatunay ang lahat
ng ito na ang kanilang disenyong
kultural ay may iba’t ibang
kulay, hugis at linya.
commons.wikem
edia.com
T’BOLI
Makukulay ang kasuotan ng mga T’boli. Ito ay hindi katulad ng ibang pangkat na
isinusuot lamang bilang costume tuwing may bisita at pista. Kadalasang iniuukol ng
mga kababaihan ang kanilang panahon sa pagpapaganda tulad ng paglalagay ng
pulot-pukyutan o honey sa mukha. Mahilig rin silang magsuot ng binurdang damit,
maliliit na kampanilya o bell, mga palamuti sa buhok at katawan tulad ng hikaw,
kuwintas, singsing, sinturon na yari sa glass beads na may iba’t ibang kulay tulad ng
dilaw, pula, puti at itim. Nilalagyan din nila ng tattoo ang kanilang katawan.
commons.wikemedia.com
commons.wikemedia.com
4
commons.wikemedia.com
Kilala sila sa paghahabi ng tela na tinawag na T’nalak mula sa hibla ng abaka. Ito
rin ay ginawang T’nalak Festival isang makulay na selebrasyon taon-taon tuwing
Julyo sa Lungsod ng Koronadal kabisera ng Timog Cotabato. Ang Lake Sebu, Timog
Cotabato ay tinaguriang “The Land of the Dreamweavers” dahil sa kakaibang
disenyo sa paghahabi ng telang ito na sumisimbolo ng kanilang mayamang kultura,
lakas at pagkakaisa.
commons.wikemedia.com
commons.wikemedia.com
Pagyamanin
Gawain
•
Isulat ang pagkakaiba ng mga pangkat etniko sa Mindanao ayon sa uri ng
kasuotan o tela at palamuti.
Pangkat Etniko sa
Mindanao
Kasuotan/Tela
Palamuti
Maranao
Yakan
T’boli
Isaisip
Ang mga disenyo sa kultural na pamayanan ng
Mindanao ay ayon sa uri ng ________________ at
_______________.
➢ Ang bawat kultural na pamayanan ay may mga
natatangi at kani-kanilang ipinagmamalaking
disenyo o obra.
➢ Ang kanilang mga disenyo ay hango sa kalikasan at
kapaligiran tulad ng dahon, hayop at iba pa na
makikita sa kanilang kasuotan at palamuti na may
iba’t ibang linya, hugis at kulay.
➢ Ang bawat disenyo ay ginagamitan ng prinsipyong
paulit-ulit.
5
Isagawa
BATANG ARTISTIK
Gawaing Pansining: Pagguhit
Panuto: Ihanda ang mga kagamitan at sundin ang mga hakbang sa paggawa.
Kagamitan: paper plate o karton na ginupit na hugis bilog, lapis, pambura, ruler,
krayola o oil pastel
Mga Hakbang sa Paggawa:
1. Pumili ng isa lamang disenyo mula sa kultural na pamayanan ng Mindanao.
2. Iguhit ang napiling disenyo sa paper plate o karton gamit ang lapis. Maaari
ring gumamit o umisip ng sariling disenyo gamit ang mga hugis, kulay, linya
at prinsipyo ng paguulit.
3. Kulayan ang iyong iginuhit na disenyo at sundan ito ng krayola o oil pastel
upang lalong maging kaakit-akit ang iyong likhang-sining.
4. Pagkatapos ay kunan ito ng larawan kasama ang magulang o ibang miyembro
ng pamilya na may pirma at ipadala sa iyong guro sa pamamagitan ng
messenger.
5. Sundin ang rubriks.
Rubriks
Gawain
Napakagaling
Magaling
Di-gaanong
Magaling
1. Nakilala ang mga disenyong kultural ng
pamayanan sa Mindanao ayon sa uri ng
kasuotan at palamuti.
2. Nailarawan ang iba’t ibang kultural na
pamayanan sa Mindanao ayon sa uri ng
kanilang kasuotan at palamuti tulad ng
Maranao, Yakan, at T’boli.
3. Nakalikha ng sariling sining gamit ang
disenyong kultural ng pamayanan ng
Mindanao.
4. Naipagmalaki ang sariling likhang sining
sa
iba.
5. Napahalagahan ang mga disenyong
kultural ng pamayanan ng Mindanao sa
pamamagitan ng isang maayos na
paggawa
ng disenyo.
Tayahin
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang natatanging sining ng mga T’boli?
a. pag-ukit ng iba’t ibang disenyo
c. paghahabi ng telang T’nalak
b. paghahabi ng malong
d. pagbuburda
2. Alin sa mga sumusunod ang naiiba at natatanging likhang sining ng pangkat
etnikong Maranao?
a. gawang ukit, kagamitang gawa sa tanso, malong,
b. paghahabi ng telang T’nalak
c. pagbuburda
d. paggawa ng iba’t ibang palamuti
6
3. Anong pangkat ang gumagamit ng tradisyon sa paglalala na “tennum” at
gumagamit ng dagta ng dahon, sanga at ugat sa pagkulay ng tela?
a. B’laan
b. Maranao
c. T’boli
d. Yakan
4. Anong pangkat ang nagmamay-ari ng
disenyong nakalarawan?
a. Yakan
c. Maranao
b. T’boli
d. B’laan
5. Anong pangkat etniko ang nagdaraos ng T’nalak Festival na kakikitaan ng iba’t
ibang linya, hugis at kulay?
a. Maranao
b. T’boli
c. B’laan
d. Yakan
6. Anong pangkat ang kilala sa paghahabi ng mga makukulay na malong?
a. B’laan
b. Yakan
c. T’boli
d. Maranao
7. Aling pangkat ang mahilig magsuot ng palamuti sa buhok, kuwintas at hikaw?
a. T’boli
b. Maranao
c. Yakan
d. B’laan
8. Alin sa mga sumusunod na pangkat etniko ang nagbabalot ng malong sa mga
ulo ng lalaki at sa baywang para sa mga babae?
a. Maranao
b. Yakan
c. B’laan
d. T’boli
9. Anong elemento ng sining ang nakalarawan?
a. hugis, tekstura, linya
b. hugis, espasyo, porma
c. linya, hugis, kulay
d. linya, kulay, tekstura
10. Anong prinsipyo ng sining ang nakalarawan?
a. paulit-ulit
a. balanse
b. kontras
c. ritmo
Karagdagang Gawain
Sumulat ng isang pahayag
na binubuo ng tatlong
pangungusap kung paano
mapahahalagahan ang
mga disenyong kasuotan
ng mga katutubo sa
panahon natin ngayon.
7
Download