Uploaded by Aubrey Jen Matibag

pdfcoffee.com bahagi-ng-pananaliksik-1pdf-pdf-free

advertisement
BAHAGI NG PANANALIKSIK
Inihanda ni Reynele Bren G. Zafra, PhD
BAHAGI NG PANANALIKSIK
1. Preliminaryong Pahina
2. Kabanata 1: Paglalahad ng Suliranin
3. Kabanata 2: Rebyu ng mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
4. Kabanata 3: Disenyo at Metodo ng Pananaliksik
5. Kabanata 4: Presentasyon ng mga Datos
6. Kabanata 5: Kongklusyon at Rekomendasyon
PRELIMINARYONG PAHINA
1. Fly Leaf. Ito ay isang blangkong papel.
2. Abstrak. Ito ay naglalaman ng pamagat, layunin, metodong
ginamit, resulta ng pag-aaral at kongklusyon sa pag-aaral.
3. Pahina ng Pamagat. Nagpapakilala ito ng pamagat ng
pananaliksik. Kanino inihaharap o ipinapasa ang pananaliksik.
Kung saang asignatura o kursong nabibilang. Kung sino ang
mga mananaliksik
PRELIMINARYONG PAHINA
4. Dahon ng Pasasalamat. Tinatalakay rito ng mananaliksik
ang mga tao/organisasyong nais niyang pasalamatan.
5. Talaan ng Nilalaman. Nakasulat dito ang nilalaman ng
papel at kaukulang pahina.
6. Talaan ng mga Graph/Talahanayang Ginamit. Nakalista
ang lahat ng talahanayang ginamit.
KABANATA 1: PAGLALAHAD NG SULIRANIN
1. Introduksiyon. Ito ang unang bahagi ng pag-aaral. Inilalatag
dito ang isyu o problema na nag-udyok sa mananaliksik upang
isagawa ang pananaliksik. Gayundin, mahalagang banggitin ang
mga pag-aaral na may kaugnayan sa problema ng kasalukuyang
pag-aaral sapagkat magsisilbi itong gabay.
KABANATA 1: PAGLALAHAD NG SULIRANIN
2. Suliranin ng Pag-aaral. Inilalatag sa bahaging ito ng
pananaliksik ang mga suliranin na nais bigyang-tugon ng
mananaliksik. Ito ay nahahati sa dalawang bahagi. Una, ang
pangkalahatang suliranin ng pag-aaral, at pangalawa, ang mga
espesipikong suliranin ng pag-aaral na nakapaloob naman sa
pangkalahatang suliranin ng pag-aaral. Kadalasang isinusulat
ang mga suliraning ito sa anyong patanong.
KABANATA 1: PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Pangunahing Suliranin:
Ang pag-aaral na ito na pinamagatang “KOKUSAI
KEKKON: ISANG PAG-AARAL SA BUHAY NA
KARANASAN NG MGA FIRIPINA TSUMA” ay may
pangunahing layunin na malaman ang pagtingin ng mga
Pilipina sa kanilang pagkatao bunga ng kanilang karanasan sa
intermarriage.
KABANATA 1: PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Espesipikong Suliraning:
1. Ano-ano ang dahilan ng mga Firipina tsuma sa pag-aasawa ng isang
Hapon? Ano-ano ang sirkumstansiya ng kanilang pagtatagpo?
2. Ano-ano ang mga suliraning kinaharap ng mga Firipina tsuma at
paano nila nilabanan ang mga nabanggit na suliranin?
3. Ano ang implikasyon ng kanilang kasarian, nasyonalidad, at social
class na pinanggalingan sa relasyon nila sa kani-kanilang asawa?
KABANATA 1: PAGLALAHAD NG SULIRANIN
3. Kahalagahan ng Pag-aaral. Inilalahad dito ang benepisyo
o kapakinabangan na
makukuha ng isang indibidwal,
organisasyon, o institusyon sa pag-aaral. Sa pagsulat ng
bahaging ito, ipinapayo na balikan ang pangkalahatan at
espesipikong suliranin ng pag-aaral. Ito ay magsisilbing gabay
upang maging masinop ang pagkakasulat ng bahaging ito.
KABANATA 1: PAGLALAHAD NG SULIRANIN
4. Sakop at Limitasyon ng Pag-aaral. Ito ang nagsisilbing
parametro ng kabuuan ng pananaliksik. Sa pagsulat nito, hawak
ng mananaliksik ang kalayaan sa pagbuo ng sakop at
limitasyon. Maaaring ang sakop ay masukat sa katangian ng
kalahok, bilang ng kalahok, aspektong nais pag-aralan sa isang
paksa, edad, lugar, at panahong itatagal ng pag-aaral
KABANATA 1: PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Halimbawa
ng Sakop at
mga
Limitasyon
Saklaw lamang ng pag-aaral na ito na pag-aaralan ang karanasan ng
Pilipinang nakapag-asawa ng Hapones at nakaranasan ng paninirahan sa Japan.
Hindi lamang ito nililimitahan sa mga kwento ng kabiguan o kwento ng
tagumpay upang bigyan ng patas o balanseng pagtingin ang karanasan ng mga
Pilipina sa ganitong penomenon.
Sa kabilang banda, tanging mga Firipina tsuma lamang na nakaranas ng
paninirahan sa bansang Hapon na kasalukuyan nang naninirahan sa Pilipinas
ang naging kalahok sa pag-aaral. Samakatuwid, ang mga Firipina tsuma na
kasalukuyang naninirahan sa Japan ay hindi na sakop ng pag-aaral na ito.
KABANATA 1: PAGLALAHAD NG SULIRANIN
5. Teorya ng Pananaliksik. Tinatalakay sa bahaging ito ng
pananaliksik ang teorya, modelo, prinsipyo o paradigm na
ginamit sa pag-aaral na umaangkla sa paksa at framework ng pagaaral. Tinatawag din itong teoretikal na balangkas. Samantala,
sa paghahanap ng teoryang gagamitin, ipinapayo na dapat itong
suriing mabuti ng mananaliksik upang maisaalang-alang ang
kaugnayan nito sa paksa at balangkas ng pag-aaral.
KABANATA 1: PAGLALAHAD NG SULIRANIN
6. Konseptuwal na Balangkas. Ito ay isang estruktura na
sariling likha ng mananaliksik na iniugnay sa teorya at mga
suliranin ng pag-aaral. Mahalaga ang bahaging ito sapagkat
nagsisilbi itong gabay ng mananaliksik sa magiging daloy ng
pag-aaral.
KABANATA 1: PAGLALAHAD NG SULIRANIN
7. Depinisyon ng mga Termino. Naglalaman ito ng
mahahalagang konsepto o salita na ginamit sa pag-aaral. Sa
kalakaran, may dalawang pamamaraan ng pagbibigay ng
kahulugan ng mga salita na ginamit sa pananaliksik. Una, batay
sa Operasyonal na Depinisyon (kung papaano ginamit ang
salita o konsepto sa pananaliksik) at pangalawa, batay sa
Konseptuwal na Depinisyon (kahulugang nakabatay sa
sanggunian).
KABANATA 2:
REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Ang Rebyu ng mga Kaugnay na Pag-aaral ay naglalaman ito ng
iba’t ibang artikulo mula sa magasin at pahayagan, dokumentaryo,
artikulo sa research journal at mga nagawang tesis o disertasyon na
ginamit bilang instrumento sa pagsusuri ng datos sa kasalukuyang
pag-aaral. Ayon kay Leedy (2005), mahalaga ang bahaging ito ng
pananaliksik dahil ipinapakita nito ang mga naunang pag-aral kaugnay
ng napiling paksa. Ang bahaging ito ay nagbibigay ng mga bagong
ideya at pamamaraan ng pananaliksik sa isang paksa
KABANATA 2:
REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Nahahati ito sa dalawang bahagi: ang Lokal na Literatura at Pag-aaral
at Dayuhang Literatura at Pag-aaral. Sa pagsulat ng bahaging ito ng
pag-aaral, mahalaga na maglagay ng parenthetical citation bilang
pagtupad sa etika ng pananaliksik. Ang bahaging ito ng pananaliksik
ay maaaring talakayin sa ganitong pamamaraan:
1. Talakayin ang buod ng pag-aaral.
2. Banggitin ang pagkakatulad man at pagkakaiba sa kasalukuyang
pag-aaral.
Buod ng
KABANATA 2:
Pag-aaral
REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Sa pag-aaral na isingawa ni Fr. Eugene A. Docoy, Jr. SVD na pinamagtang “Breaking the Bread:
Sharing Lives with Migrant Workers in Korea” ay komprehensibo niyang tinatakay ang
problemang naranasan ng mga migranteng mangagagawa sa pabrika sa bansang Korea kabilang
na ang mga problemang pinansiyal, sikolohikal, espirituwal at kultural. Sa katunayan, ilan sa mga
naranasan ng mga kalahok sa nasabing pag-aaral ang di makatarungang pasahod ng kanilang mga
employer sa naturang bansa at ang mataas na placement fee ng mga ahensiya sa lakas-paggawa sa
Pilipinas. Nariyan din ang di makataong trato ng kanilang mga employer sa Korea. Ang problema
naman sa wika sa pagitan ng mga manggagawang Pilipino at ng mga employer na Koreano ay
kadalasang nagreresulta sa madalas na di pagkakaunawaan at pandaraya sa mga Pilipino. Danas
din nila ang labis-labis na pangungulila sa mga mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas gaya ng
pamilya, kaibigan at kaanak na nagreresulta sa tangkang pagpapakamatay (33-48).
KABANATA 2:
REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Pagkakatulad
ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay malapit sa kasalukuyang pag-aaral na isinasagawa ng
mananaliksik sapagkat gaya ng mga nabanggit sa itaas ay malaki din ang tendensiya na lumabas sa
pag-aaral ang mga impormasyong inilahad sa libro ni Fr. Eugene Docoy, Jr., gaya ng problema sa
Pagkakaiba
aspektong pinansiyal, sosyal, kultural, at maging sikolohikal.
ng Pag-aaral
Samantala, malaki ang kaibahan ng pag-aaral na nabanggit sa kasalukuyang pag-aaral sa
usapin ng layunin ng pag-aaral, kalahok, at lokasyon ng pag-aaral. Gaya nang nabanggit sa unang
kabanata, tataluntunin ng kasalukuyang pag-aaral ang epekto sa pagkato ng karanasan ng mga
kalahok bilang isang may-asawang banyaga at dayuhan sa bansa ng kanyang kabiyak na hindi
naman sakop ng pag-aaral ni Fr. Docoy. Ibang-iba rin ang lokasyon at sitwasyon ng mga kalahok
sa kasalukuyang pag-aaral.
ORGANISASYON NG REBYU NG KAUGNAY
NA LITERATURA AT PAG-AARAL
1. Tematikong Pamamaraan. Sa paggamit ng ganitong pamamaraan,
pinagsasama-sama ng mananaliksik ang mga artikulo, babasahin, at
pag-aaral na may iisang tema o paksang tinatalakay kahit pa ito ay
gawang lokal o banyaga.
2. Kronolohikal na Pamamaraan. Sa ganitong organisasyon,
inilalatag ang mga magiging RRL sa pananaliksik batay sa petsa ng
pagkakalathala sa mga ito.
ORGANISASYON NG REBYU NG KAUGNAY
NA LITERATURA AT PAG-AARAL
3. Paghihiwalay ng Lokal at Banyagang Literatura at Pag-aaral.
Sa pamamaraang ito ay mas binibigyang-pansin ang pinagmulan ng
artikulo o babasahing gagamitin sa pag-aaral. Dito pinagsasama-sama
ng mananaliksik ang lahat ng mga lokal na literature/pag-aaral at saka
tatalakayin gayundin ang lahat ng banyagang literatura at pag-aaral.
KABANATA 3:
DISENYO AT METODO NG PANANALIKSIK
Ang Disenyo at Metodo ng Pananaliksik ay bahagi ng anumang
pananaliksik-papel na naglalarawan at nagpapaliwanag ng naging/
magiging daloy ng kabuuan ng pag-aaral. Sa bahaging ito, makikita
kung paano isinagawa ang pag-aaral. Itinuturing ito bilang gulugod
ng kabuuan ng pananaliksik. Sa katunayan, ito ay ang nagsisilbing
pangkalahatang plano tungkol sa kung papaano sasagutin ang
pangunahin at mga tiyak na problema ng pag-aaral.
KABANATA 3:
DISENYO AT METODO NG PANANALIKSIK
Sa kabilang banda, ayon kay Trochim (2005) na nabanggit sa website
ng US Department of Health and Human Services, ang disenyo ng
pananaliksik ay nagsisilbing “glue” o “tagapagbigkis” na nag-uugnay
sa bawat bahagi ng isang pananaliksik-papel. Sa katunayan, dahil sa
disenyo ng pananaliksik ay nagiging malinaw ang estruktura o daloy
ng pag-aaral.
KABANATA 3:
DISENYO AT METODO NG PANANALIKSIK
1. Disenyo ng Paglalahad. Tinatalakay rito ang uri ng pananaliksik na
gagamitin/ginamit sa pag-aaral. Ilan sa mga halimbawa nito ang
deskriptibo, ebalwatibo, komparatibo, action research, at iba pa.
2. Metodo ng Pag-aaral. Dito inilalahad ang metodong ginamit ng
mga mananaliksik sa pag-aaral. Maaaring ito ay interbyu, emersiyon,
obserbasyon, eksperimentasyon, sarbey, pagtatanong-tanong,
pagmamasid-masid, pagdalaw-dalaw, pakikisama, o panunuluyan.
KABANATA 3:
DISENYO AT METODO NG PANANALIKSIK
3. Kalahok sa Pag-aaral. Sa bahaging ito tinatalakay kung sino-sino
ang kalahok sa pag-aaral. Ang kanilang deskripsyon, bilang ng mga
kalahok, paliwanag kung bakit at paano sila pinili.
PROBABILITY
NON-PROBABILITY
Random Sampling
Purposive Sampling
Systematic Sampling
Convenience Sampling
Stratified Sampling
Quota Sampling
Cluster Sampling
Snowball Sampling
KABANATA 3:
DISENYO AT METODO NG PANANALIKSIK
4. Instrumentasyon sa Pangangalap ng Datos. Sa bahaging ito ay
inilalahad ng mananaliksik ang mga kasangkapang nagamit upang
maidokumento ang mga impormasyon sa pananaliksik gaya ng video
recorder, tape recorder, survey questionnaire, at interview guide.
5. Statistical Treatment ng Datos. Ipinapaliwanag din sa bahaging
ito kung papaano ginamit at trinato ang mga numerong nakuha.
KABANATA 3:
DISENYO AT METODO NG PANANALIKSIK
6. Kalendaryo ng Pananaliksik. Sa bahaging ito ng pananaliksik,
makikita ang planong gawain sa kabuuan ng pag-aaral. Mahalaga ang
bahaging ito sapagkat nagbibigay ito ng impormasyon sa mga
mambabasa sa mga pangyayari o sitwasyong pinagdaanan ng
mananaliksik sa buong proseso ng pangangalap at pagsulat ng
pananaliksik. Sa pagsulat ng bahaging ito, maaaring gumamit ng
Talahanayan, Gantt Chart at Naratibo.
KABANATA 3:
DISENYO AT METODO NG PANANALIKSIK
Hunyo 1, 2016
Hunyo 5, 2016
Hunyo 10, 2016
Hunyo 15, 2016
Hunyo 25, 2016
Hunyo 30, 2016
Hulyo 5, 2016
Hulyo 10, 2016
KAUKULANG GAWAIN
Konseptuwalisasyon ng Paksa
Naaprubahan ang paksang napili ng mga mananaliksik
Naaprubahan ang pangunahin at tiyak na layunin ng pagaaral
Pananaliksik at pagbabasa ng mga kaugnay na literatura at
pag-aaral
Ipinasa ang buong Unang Kabanata ng Pananaliksik
Ibinalik ng guro ang Unang Kabanata na may ilang
pagtatama at komento
Ipinasa ang rebisyon ng Unang Kabanata
Muling ibinalik ng guro ang rebisyon ng Unang Kabanata na
mayroon pa ring komento at pagtatama
KABANATA 4:
PRESENTASYON NG MGA DATOS
Sa tradisyonal na format ng pananaliksik, nabibilang ang
Presentasyon, Analisis, at Interpretasyon ng Datos sa Ikaapat na
Kabanata. Sa bahaging ito ng pananaliksik, tinatalakay ang resulta ng
pag-aaral sang-ayon sa pangkalahatan at mga tiyak na suliranin ng
pag-aaral. Sa pangkalahatan, kailangang bigyang-pansin ng
mananaliksik ang sumusunod:
KABANATA 4:
PRESENTASYON NG MGA DATOS
1. Organisasyon ng mga Ideya
2. Tamang Gamit ng Wika at Estruktura ng Pangungusap
3. Kaakmaan ng mga Datos at Impormasyon
4. Tamang Pagpili ng Pamamaraan sa Presentasyon ng mga Datos
PAMAMARAAN SA
PRESENTASYON NG MGA DATOS
1. Bar Graph. Ang bar graph ay isang uri ng tsart na
gumagamit ng bar upang ipakita ang paghahambing sa
dalawang bagay na pinagkokompara. Inilalatag nito ang
pagkakaiba sa dalawang bagay kaysa sa ipakita ang
pagbabago o trends. Ilan sa mga kadalasang ipinapakita dito
ang paghahambing sa sukat, bilang at halaga. Ang
presentasyon nito ay maaaring patayo o pahalang.
PAMAMARAAN SA
PRESENTASYON NG MGA DATOS
PAMAMARAAN SA
PRESENTASYON NG MGA DATOS
2. Pie Chart. Gaya ng layunin ng bar graph, ang pie graph ay may
layunin ding paghambingin ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng
pagkakahati-hati ng isang bilog para maipakita ang bahagdan. Ang
ganitong presentasyon ng datos ay maaaring gamitin sa pagplano ng
diet, distribusyon ng gastusin, at maging oras na ginugugol sa bawat
asignatura sa paaralan.
PAMAMARAAN SA
PRESENTASYON NG MGA DATOS
Ang larawan ay makikita sa website ng Departament of Tourism. Makikita ito sa URL na ito: http://
www.tourism.gov.ph/Pages/IndustryPerformance.aspx)
PAMAMARAAN SA
PRESENTASYON NG MGA DATOS
3. Line Graph. Ang line graph naman ay naglalarawan ng mga
kalakaran o trends ng datos na may koneksiyon sa isa’t isa. Ang
nasabing mga datos ay maaaring nagpapakita ng pagtaas at pagbaba o
pag-unlad ng katangian ng isang bagay gamit ang linya at tuldok na
naglilinaw sa bilis o bagal ng isang bagay. Mahalaga ang paggamit ng
line graph sapagkat nasusubaybayan nito ang pagbabago ukol sa isang
bagay sa loob ng isang panahon.
PAMAMARAAN SA
PRESENTASYON NG MGA DATOS
4. Talahanayan. Talahanayan (Table) naman ang ginagamit
upang ilatag ang mga datos o impormasyon gamit ang
dibisyon o kolum. Sa paggamit ng ganitong pamamaraan,
mahalagang isaalang-alang ang bilang ng kolum, ang pamagat
ng bawat kolum at ang kabuuang pamagat ng presentasyon.
PAMAMARAAN SA
PRESENTASYON NG MGA DATOS
5. Naratibo. Anyong naratibo naman ang pamamaraan ng
presentasyon ng mga impormasyon sa kwalitatibong
pananaliksik. Kaugnay nito, mahalagang bigyang pansin ng
mananaliksik ang mga katangian ng isang mahusay na talata
sa paglalahad ng impormasyon gamit ang pamamaraang ito
gaya ng kaisahan, koherens, emphasis, kasapatan, at kalinawan.
PA KABANATA 5:
KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
1. Konglusyon. Kongklusyon. Dito inilalahad ng mga
mananaliksik ang kanilang kongklusyon sa kinalabasan ng
pag-aaral base sa mga datos na nakalap.
2. Rekomendasyon. Bahagi ng panaliksik na kakikitaan ng
mungkahing solusyon /suhestiyon para sa suliraning natukoy
sa pag-aaral.
MARAMING SALAMAT
Download