Ang Pagsulat ng Personal na Sanaysay eros s. atalia Papansin Muna May isang lumang bago at bagong luma na umuusbong ngayon na genre… tinatawag itong creative non-fiction (malikhaing sanaysay) Para pag-usapan ang lumang bago at bagong luma, kailangan ng mahabahabang inuman ng extra joss at shoktong Uwi na tayo Kung tatanungin nyo ako kung ano ang sanaysay… sasabihin kong uwi na lang tayo at sa bahay, sunugin natin ang lahat ng gamit natin sa eskwelahan Hybrid Ini Tinawag itong malikhaing sanaysay dahil lumihis ito sa karaniwang pagturing natin sa pagsulat ng sanaysay Pinagsama ang teknik ng fiction (katha) at katapatan ng sanaysay Ibig Sabihin Na, alam mong totoo (non-fiction nga) pero napakamalikhain ng pagkakalahad. Gumagamit ng teknik sa pagsulat ng katha o fiction gaya ng karakterisasyon, detalyado at/o poetikong paglalarawan, dayalogo at iba pa Pero matapat pa rin sa paglalahad at pagpaksa Bakit? Dahil, mas nakawiwiling basahin ang malikhaing sanaysay kesa sa karaniwang sanaysay lamang. Dito kasi, mas nakagagawang makapasok ng mambabasa sa sensibilidad ng naglalahad o nagsasalaysay Tignan ang susunod na halimbawa Dalawang Uri ng Palarawang Pagsulat: Impersonal na paglalarawan (objective) Impresyonistiko o ebokatibong paglalarawan (subjective) (Ilalarawan ang labas ng Malacanang Palace) Objective na Paglalarawan Makikita ang Malacanang Palace sa Mendiola, malapit sa Ilog-Pasig. Napapaligiran ng mga bakal na bakod, barbed wire at may mga bantay na sundalo, aso at tangke. Maraming puno’t halaman sa paligid. Kulay puti ang pintura ng Palasyo Subjective na Paglalarawan Nakahimlay ang Palasyo ng Malacanang sa makasaysayan at amoy-dugo-pang kahabaan ng Mendiola at malapit sa halos nabubulok na Ilog Pasig. Nagpapakita ng katatagan ang mga bakal na bakod, nanakot ang barbed wire at walang emosyon ang mga aso’t sundalong bantay. Gaya ng mga tangke … malamig din ang damdaming namamayani sa kapaligiran. Waring sinasala ng mga puno’t halaman ang dumi sa paligid. Mistulang higanteng nitso ang Palasyong napipinturahan ng puti. Parang nagsasabing malinis ang labas, ngunit may nabubulok sa loob. Sampol? Gaya ng travelogue Talambuhay Anekdota Personal na sanaysay At iba pa Personal na Sanaysay Ang personal na sanaysay ay ang paglalahad ng mga personal na bagay na naranasan, nakita o naramdaman ng isang indibidwal. Impormal ang wika at paksa. Kalimutan Nang Magsulat ng Personal na Sanaysay Kapag Nakalimutan ang mga Ss: Pantay-pantay ang halaga ng buhay ng lahat. Wag pakaisipin na espesyal ang buhay mo kesa sa iba Kung espesyal naman ang lahat ng buhay, wala nang espesyal (ano ka mami, special kapag may egg?) Cont… Walang nagawang kasalanan sa iyo ang mambabasa, kayat huwag silang pagalitan o pangaralan. Mas mahalagang mabasa ng mga mambabasa ang hindi nakasulat, nangangahulugan na wag sabihin ang lahat. Bagkus, ipakita lang ang lahat nang mahalaga. Cont… Hindi pagyayabang o pagpapasikat ang pagsusulat ng personal na sanaysay, bagkus, gusto mo ipakita sa mambabasa ang pagiging tunay mong tao. Di artipisyal, di cartoon, di artista, di anghel at hindi lumulutang sa kawalan. Ilang Mungkahi sa Pagsusulat ng Personal na Sanaysay: Dapat, ang unang tatlong talata pa lang ay hindi na bibitawan ng mambabasa ang iyong sinusulat. Nangangahulugan ito na dapat sa simula pa lang ay eksplosibo na ang lalamanin ng iyong sinusulat at tiyak na babasahin o susundan ng mambabasa. Cont… Laging tandaan na ikaw ay nagpapakita ng kaisipan at hindi nagsasabi ng kaisipan, pagalawin ang mga pangyayari na magtutulak ng gusto mong sabihin Cont… Unti-unting ilahad o isiwalat ang mga karakter, lugar at pangyayari sa katawan. Sikapin na wakasan sa pamamagitan ng isang twist, punchline o malikhaing statement Mga Dapat basahin First 4 books ni Bob Ong Personal at Impersonal ni Rene Villanueva Ilang Taon na ang Problema Mo at Nunal sa Talampakan ni Jun Cruz Reyes Erick’s Slum Book ni Fanny Garcia Silakbo ni Rose Torres-Yu At marami pang iba