Pang-abay Kahulugan Istruktural Pansemantika Pang-abay na Kataga o Ingklitik Pang-abay na Salita o Parirala Pamanahon Panlunan Pamamaraan Pang-agam Kundisyunal Panang-ayon Pananggi Panggaano Kusatibo Benepaktibo Pangkaukulan Istruktural • Ang pang-abay ay nakikilala dahil sa kasama ito sa pandiwa, pang-uri o isa pang pang-abay na bumubuo ng parirala. Pansemantika • Nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri o sa iba pang pang-abay. • Halimbawa: Malayang mamumuhay ang mga mamamayan. Mga katagang laging sumusunod sa unang salita ng kayariang kinabibilangan. 16 na Kataga • ba man muna nga yata daw/raw din/rin lamang/lang naman na pala tuloy kaya pa sana Pang-abay na Pamanahon Nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. May pananda Walang Pananda Dalas ng Pagganap nang, sa, noong, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang • Halimbawa: Kailangan ka bang pumasok nang arawaraw. kahapon, kangina, ngayon, bukas, sandali at iba pa • Halimbawa: Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal. araw-araw, taon-taon, oras-oras at iba pa • Halimbawa: Dinidilig arawaraw ng masipag na hardinero ang malawak na damuhan sa paaralan. Pang-abay na Panlunan Tumutukoy sa pook na pinangyayarihan o pangyayarihan ng kilos ng pandiwa. kay o kina Kapag kasunod ay pantanging ngalan ng tao. sa Kapag kasunod ay pangngalang pambalana o panghalip. kay + pangngaalang pantanging ngalan ng tao Tumawag siya kay Fely upang ipagbigay-alam ang nangyari. kina + pangngaalang pantanging ngalan ng tao Nagpaluto ako kina Aling Ingga ng masarap na keyk para sa iyong kaarawan. sa + pangngalang pambalana Maraming masasarap na ulam ang itininda sa kantina. sa + pangngaalang pantangi na di ngalan ng tao Maraming nagsasaliksik sa U.P., sa Ateneo at sa PNC tungkol sa wika. sa + panghalip na panao Ninawagan sa amin ang mga nasalanta ng bagyo. sa + panghalip pamatlig Nagluto sa ganito ang kanyang ina. Maaring sundan ng pariralang pusisyunal na pangngalan at ng. Nakita ko ang hinaharap mo sa likod ng kabinet. Pang-abay na Pamamaraan Naglalarawan kung paano naganap o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa o ng isang kayariang hango sa pandiwa. Panandang nang Halimbawa: Kinamayan niya ako nang mahigpit. Panandang na/-ng Halimbawa: Bakit siya umalis na umiiyak? Tumawa siyang parang sira ang isip. Pang-abay na Pang-agam Nagbabadya ng di-katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. marahil, siguro, tila, baka, at iba pa Halimabawa: Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa desisyon ng Sandiganbayan. Pang-abay na Kundisyunal Nagsasad ng kundsyon para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa. kung, kapag, o pag at pagkaHalimbawa: Luluwag ang ekonomya ng bayan kapag nakapagtatag ng maraming industriya dito sa atin. Pang-abay na Panang-ayon Nagsasaad ng pagsang-ayon. oo, opo, tunay, talaga, at iba pa Halimbawa: Oo, asahan mo ang aking pagtulong. Pang-abay na Pananggi Nagsasaad. pagtanggi hindi/di at ayaw Halimbawa: Hindi pa lubusang nagagamot ang sakit an kanser Pang-abay na Panggaano o Pampanukan Nagsasaad ng timbang o sukat. Halimbawa: Tumaba ako nang limang libra. Tumagal nang apat na oras ang opersyon niya. Pang-abay na Kusatibo Nagsasaad ng dahilan sa pagganap ng kilosng pandiwa. dahil sa,sanhi ng/sa, bunga ng/sa Halimbawa: Nagkasakit si Vianing dahil sa pagpapabaya sa katawan. Pang-abay na Benepaktibo Nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao dahil sa pagganap sa kilos ng pandiwa o ng layunin ng kilos ng pandiwa.. para sa Halimbawa: Mag-aroskaldo ka para sa maysakit. Pang-abay na Pangkaukulan Nagsasaad ng pag-uukol. tungkol, hinggil o ukol Halimbawa: Nagpalno kami tungkol sa gagawin nating pagdiriwang.