PANG ARAW-ARAW NA TALA SA PAGTUTURO Pangalan DLP Blg. : JENNIFER F. ARAMBALA Paaralan: SUBANGDAKU ELEMENTARY SCHOOL th Asignatura: Baitang: VI Kwarter: 4 Oras (haba) : 50 min. Petsa: FILIPINO 6 Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang Code: napakinggang balita, isyu o usapan F6PS-IVc-1 Susing Konsepto/ Pag-unawa sa Dapat Malinang Ang pagbibigay ng palagay o reaksiyon ay isang mabuting kasanayan dahil naipapapahayag natin ang ating sariling saloobin, opinyon , o pananaw hinggil sa kaisipang inilahad. Sa pagbibigay-reaksiyon ay maaaring sumangayon o sumalungat sa ating narinig o nabasang teksto, isyu, pangyayari o balita. Sikapan lamang bam aging magalang upang maiwasan ang makasakit ng damdamin ng ating kapwa. I. LAYUNIN 1. Kaalaman 2. Kasanayan Naiisa-isa ang tamang hakbang sa pagbibigay ng reaksyon Naipapahayag ang sariling opinion o reaksyon sa isang napakinggang balita, isyu o usapan. 3. Atityud Napapahalagahan ang pagbibigay ng sariling opinion o reaksyon sa napakinggang balita, isyu o usapan 4. Pagpapahalaga Paggalang sa reaksyon o opinion ng bawat isa. II. NILALAMAN III. KAGAMITANG PANTURO 1. Mga Pahinang gabay ng guro 2. Mga pahina sa kagamitang pang magaaral 3. Iba pang kagamitang panturo III. PAMAMARAAN A. Paghahanda / Panimulang Gawain ( Balik-aral sa Nakaraang Aralin / Pagganyak ) Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang balita, isyu o usapan MELC p. 166 Module Q4 Linggo 3 – Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksyon sa Isang Napakinggang Balita, Isyu o Usapan Powerpoint Presentation, Activity Sheets Tingnan ang bawat larawan. Magbigay ng reaksyon gamit ang sumusunod na emoji. 1. 3. 2. 4. B. Paglalahad Pakikining sa balita: Patuloy ang paglobo ng bilang ng mga taong nagpopositibo sa COVID19. Sa kabila nito marami pa ring mga mamamayan ang hindi sumusunod sa mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan ng DOH. Tila ba hindi nila alintana ang peligrong dulot ng sakit na ito. Ano ang inyong saloobin tungkol sa balita? (Ang sagot ngamga bata ay tatawagin natin na opinyon} Ang opinyon ay sariling palagay, pananaw o saloobin sa isang napakinggang balita, isyu o usapan. Ano ang damdamin mo pagkatapos mong basahin ang balita? (Ang sagot ng mga bata ay tatawagin natin na reaksyon) Ang reaksyon ay damdaming nagpapakita ng pagsang-ayon, pagsalungat, pagkatuwa o pagkadismaya sa mga balita, isyu o usapan. C. Pagtatalakay Ang pagbibigay ng palagay o reaksiyon ay isang mabuting kasanayan dahil naipapapahayag natin ang ating sariling saloobin, opinyon , o pananaw hinggil sa kaisipang inilahad. Sa pagbibigay-reaksiyon ay maaaring sumangayon o sumalungat sa ating narinig o nabasang teksto, isyu, pangyayari o balita. Sikapan lamang bam aging magalang upang maiwasan ang makasakit ng damdamin ng ating kapwa. Mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng oppinyon o reaksyon. 1. Sa palagay ko 5. Sa ganang akin 2. Sa aking opinion 6. Para sa akin 3. Sa aking pananaw 7. Kung ako ang tatanungin 4. Sa tingin ko 8. Naniniwala ako Halimbawa: 1. Isyu: Paghinto sap ag-aaral ng maraming estudyante dahil sa pandemya. Opinyon: Para sa akin, hindi dapat na huminto sap ag-aaral ng dahil sa pandemya sapagkat napakaraming paraan para maituloy ang edukasyon, sa mga tahanan gaya ng paggamit ng module, telebisyon, online classes at iba pa. Reaksyon: Nakakalungkot isipin na maraming mag-aaral ang nahinto sap ag-aaral dahil sa pandemya. 2. Isyu: Maraming estudyanye ang napapabayaan ang pag-aaral dahil sa pagkahilig sa paglalarro ng mobile games. Opinyon: Naniniwala ako na dapat mas bigyan ng pansin ang pag-aaral dahil ito ang sus isa pagkakaroon ng magandang buhay. Maaaring maglaro kapag nagawa na ang gawaing pampaaralan. Reaksyon: Nakakalungkot isipin na maraming kabataan ang nagpapabaya sap ag-aaral. Nagpapakahirap maghanapbuhay ab gating magulang para tayo ay mapag-aral lamang. D. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw na buhay Basahin ang tungkol sa Klima sa Bansa. Klima sa Bansa, Hindi na Tama? Init-oamig, lamig-init. Ulan sa tag-araw at init sa tag-ulan. Lubhang Malaki na ang ipinagbago ng klima sa ating bansa simula ng pumasok ang ika-20 siglo. Ayon sa siyentipikong pananaliksik, ito ay sanhi ng tinatawag na “Climate Change” at “Global Warming”. Kung saan hindi lamang ang ating bansa ang naaapektuhan kundi maging ang iba pang bahagi ng mundo. Malaking hamon ang hinaharap ngayon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan upang makahanap ng solusyon para malabanan ang hindi tama o pabago-bagongklimang na nakaaapekto sa bansa. Ibigay ang iyong Opinyon at Reaksyon. Pangkat 1: Pagbago-bagong klima sa ika-20 siglo Opinyon:____________________________________________________ _________________________________________. Reaksyon:___________________________________________________ __________________________________________. Pangkat 2: Climate Change o Global Warming Opinyon:____________________________________________________ _________________________________________. Reaksyon:___________________________________________________ __________________________________________. Pangkat 3: Paghahanap ng solusyon ng gobyerno para malaban ang problema. Opinyon:____________________________________________________ _________________________________________. Reaksyon:___________________________________________________ __________________________________________. (Apply knowledge content within and across curriculum teaching areas) E. Paglalahat ng Aralin Ano ang ibig sabihin ng opinyon? Ano ang ibig sabihin ng reaksyon? Tandaan: Ang bawat isa ay may kanya-kanyang opinyon o reaksyon sa mga bagay-bagay. Igalang ang opinyon ng iba upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan. F. Pagtataya ng Aralin Sa pagbibigay ng opinyon o reaksyon: 1. Unawaing Mabuti ang balita, isyu o usapan. 2. Suriin ang dalawang panig. 3. Maging magalang sa pagpapahayag ng iyong opinyon o reaksyon. 4. Kumpletuhin ang mga pangungusap. Ibigay ang sariling opinyon o reaksyon sa mga sumusunod na balita, isyu at usapan. 1. Malawakang pinsala sa Bagyong Odette. Ano ang iyong opinyon? ____________________________________________________________ _______________________________. Ano ang inyong reaksyon? ____________________________________________________________ _____________________________. 2. Pagpapatuloy ng Edukasyon sa Panahon ng Pandemya. Ano ang iyong opinyon? ____________________________________________________________ _______________________________. Ano ang inyong reaksyon? ____________________________________________________________ _____________________________. 3. Pagbubukas ng ilang pasyalan sa mga lugar na mababa na ang bilang ng positibo sa COVID-19.. Ano ang iyong opinyon? ____________________________________________________________ _______________________________. Ano ang inyong reaksyon? ____________________________________________________________ _____________________________. G. Karagdagang Gawain para sa Takdang Aralin Makinig ng balita sa radio, telebisyon, o internet sa napapanahong isyu o usapin sa inyong pamayanan. Pumili lamang ng isa. Ibu-od and balita, isyu o usapin na inyong napili ay isulat ang inyong opinyon at reaksyon tungkol dito. V. MGA TALA VI. PAGNINILAY A.Bilang ng mag-aaral na nakakuhang 80% sa pagtataya B. Bilag ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin? D. Bilangngmga magaaralnamagpatuloysa remediation? E.Alin sa mga istrateheyang patuturo na katulong ng lubos? Paano ito nakatulong? F.Anong suliranin ang aking naranasan na solusyon sa tulong ng aking punongguro at superbisor? G.Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro? Inihanda ni: Pangalan: Posisyon/ Designasyon: Contact Number: Iniwasto ni: RUFA P. ABANID EdD Principal IV JENNIFER F. ARAMBALA Master Teacher I 09493727876