SENIOR HIGH SCHOOL CORE SUBJECT IKATLONG MARKAHAN – PAGBABASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK NILALAMAN PAMANTAYANG PANGNILALAMAN PAMANTAYAN SA PAGGANAP KASANAYANG PAMPAGKATUTO DETALYADONG KASANAYANG PAMPAGKATUTO PAMAMAHAGI NG ORAS Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig Nasusuri ang kalikasan, katangian, at anyo ng iba’t ibang teksto Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig (F11PB-IIId-99) Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang naratibong teksto sa sarili at komunidad gamit ang Teoryang Sikolohikal 100 Minuto BALANGKAS: 1. PANIMULA: Ilalahad ng guro ang kasanayang pampagkatuto sa mga mag-aaral (10 Minuto) 2. PAGGANYAK: Magsusulat ang mga magaaral ng maikling journal entry (10 Minuto) 3. INSTRUKSYON: Ilalahad ng guro ang depinisyon ng Teoryang Sikolohikal tungkol sa Extrinsic at Instrinsic Motivation gamit ang ilang piling talata (40 Minuto) 4. PAGSASANAY: Ang mga mag-aaral ay magbabasa ng isang naratibong teksto at susuriin ito gamit ang Teoryang Sikolohikal at iuugnay ito sa kanilang sarili (40 Minuto) 5. PAGPAPAYAMAN: Ang mga mag-aaral ay magbabasa ng isang naratibong teksto at susuriin ito gamit ang Teoryang Sikolohikal at iuugnay ito sa kanilang komunidad 6. PAGTATAYA: Ang mga mag-aaral ay magsusuri ng isang teksto gamit ang Teoryang Sikolohikal at iuugnay ito sa kanilang sarili. MGA KAGAMITAN MGA REPERENSIYA Kopya ng naratibong teksto, kwaderno Cicarelli, Saundra K. and White, J. Noland. Psychology. Fourth Edition. 2015. Pearson Education Inc. Deldoc, Eljay. “Pagsugat at Pagmulat” 01/07/2014. Accessed 01/05/2016. (https://deldoctrines.wordpress.com/2014/01/17/pagsugat-at-pagmulat/) Page 1 of 7 SENIOR HIGH SCHOOL CORE SUBJECT IKATLONG MARKAHAN – PAGBABASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK PAMAMARAAN MGA TIP PARA SA MGA GURO PANIMULA (Introduction/Review) (10 Minuto) 1. Ilahad ang kasanayang pampagkatuto sa mga mag-aaral 2. Ipasulat sa mga magaaral ang kasanayang pampagkatuto sa kanilang mga kwaderno. Pasalungguhitan sa kanila ang mahahalagang salita sa kasanayang pampagkatuto. Ilan sa mga salitang maaari nilang salungguhitan ay “kaisipan,” “teksto,” “sarili,” “teorya,” at “sikolohikal.” 3. Hayaan ang mga mag-aaral na magbigay ng kanilang pansariling depinisyon para sa mga nasalungguhitang salita. 4. Tanungin kung ano sa tingin ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng mga salita. Halimbawa: “Masasabing ang kaisipang nakapaloob sa isang teksto kung ito ang pinakamahalagang impormasyon o ideya na nakalahad sa teksto. Ang lahat ng sumusuportang detalye ay maiuugnay din natin sa kaisipang nakapaloob sa teksto.” “Ang teksto ay isang orihinal na komposisyong naisulat. Ang isang teksto ay maaaring maging impormatibo, deskriptibo, persuweysib, naratibo, argumentatibo, o prosidyural.” “Maaaring maiugnay ko ang mga kaisipang nakapaloob sa aking sarili gamit ang aking mga karanasan, ideya, paniniwala, o saloobin.” “Ang isang teorya ay isang pagaaral o pagsasaliksik sa isang bagay o pangyayari.” “Sa aking pananaw, ang Teoryang Sikolohikal ay ang pagsusuri ng ating mga partikular na karakter, desisyon, gawi at galaw – at ang pagaaral ng ating mga layunin o motibo sa pagbibigay ng pokus sa takbo ng ating isip.” Tip: Maaaring palalimin pa ng guro ang mga nailahad na ideya ng mga mag-aaral sa pagbibigay ng mga karagdagang katanungan. Isang paraan sa pagpapalalim ng mga naibigay nang sagot ay ang pagbibigay ng kaugnayan sa mga naibigay na sagot ng mga mag-aaral. Tatawag ang guro ng isa o dalawang mag-aaral upang isaad ang pagkakaparehas o pagkakaiba ng mga naibigay na sagot. Tip: Maaari ring gumawa ang mga mag-aaral ng tsart kung saan mag-iisip sila ng mga salitang maaaring iugnay sa salitang “Sikolohikal” Ideya Ideya Sikolohikal Ideya Ideya Page 2 of 7 SENIOR HIGH SCHOOL CORE SUBJECT IKATLONG MARKAHAN – PAGBABASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK PAGGANYAK (Motivation) (10 Minuto) 1. Sabihin sa mga mag-aaral na kuhanin ang kwaderno. Ipatiklop sa kanila ang isang pahina, o hindi kaya’y gumuhit sila ng isang table na may tatlong hanay. 2. Sabihin sa mga mag-aaral na mag-isip ng limang bagay na kanilang ginawa noong nakaraang linggo. Maaari ring palitan ang pangyayari at gawing “noong Pasko,” “noong bakasyon,” “kagabi.” 3. Pagkatapos nila itong gawin, atasan silang sagutan kung bakit nila ginawa ang mga nasabing gawain. Maaaring higit pa sa isa ang mabanggit na mga dahilan. Isusulat nila ang kanilang mga sagot sa ikalawang hanay. 4. Sa ikatlong hanay, susubukin nilang bigyan ng dahilan kung bakit nila ginawa ang mga nakasulat sa ikalawang hanay. Bigyan sila ng sapat na oras upang matapos ang gawain. Tip: Maaari ring gumawa pa ng ikaapat hanggang ikalimang hanay; o hindi kaya’y hikayatin ang mga magaaral na magsulat ng dalawa o higit pang mga dahilan sa iisang hanay para sa isang bagay na ginawa. Halimbawa: Ginawa Naglaba Mga ginawa noong nakaraang Linggo Bakit ginawa? Bakit ginawa? Dahil may pasok kinabukasan at Kailangang pumasok sa paaralan kailangang may suotin sa upang maabot ang mga pangarap. pagpasok. INSTRUKSYON (Instruction/Delivery) (40 minuto) Ipaliwanag ang Teoryang Sikolohikal. Ang motivation ay ang proseso kung saan ang mga gawain ay inaaksyunan, pinatutunguhan, at ipinagpapatuloy upang ang mga pisikal at sikolohikal na mga pangangailangan at kagustuhan ay makamit (Petri, 1996). Ang mismong salita ay galing sa salitang Latin na movere, na nangangahulugang “ilipat.” Ang motivation ang “naglilipat” sa mga tao upang gawin nila ang mga bagay na kanilang ginagawa. Tip: Maaari ring konsultahin ang ibang mga pagaaral tungkol sa Teoryang Sikolohikal. Upang mapalalim pa ang pagaaral, maaaring basahin ang eksperimento ni Teresa Amabile tungkol sa motivation ng mga bata, at kung paano ito nagiging kaugnay sa kanilang pagiging malikhain. Halimbawa, kapag may isang taong nagpapahinga at nanood ng palabas sa TV at biglang nakaramdam ng gutom, ang kaniyang pisikal na pangangailangan sa pagkain ang magtutulak sa tao upang tumayo, pumunta sa kusina, at maghanap ng makakain. Ang kaniyang pisikal na pangangailangan ng pagkain ang gumawa ng “aksyon” (pagtayo), “patutunguhan” (pumunta sa kusina), at ipagpatuloy ang paghahanap (paghahanap ng makakain). Ang gutom ay isang halimbawa lamang. Page 3 of 7 SENIOR HIGH SCHOOL CORE SUBJECT IKATLONG MARKAHAN – PAGBABASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK May iba’t ibang uri ng motivation. Minsan, ginagawa ng tao ang isang bagay dahil siya ay may makukuhang panlabas na gantimpala, o hindi kaya’y pagiwas sa isang hindi magandang kalabasan, kagaya nang pagkawala ng pera at ari-arian kapag ang isang tao ay nawalan ng trabaho. Ito ay isang halimbawa ng extrinsic motivation. Kapag ang ginagawang aksyon ng isang tao ay hiwalay sa kaniya, ito ang tinatawag na extrinsic motivation. (Ryan & Deci, 2000). Sa kabilang dako, kapag ang isang tao ay gumagawa ng isang aksyon dahil ito ay masaya, o nagbibigay-kasiyahan sa ilang mga panloob na paraan, ito ay tinatawag na intrinsic motivation. Parehong ang kinakalabasan at ang antas ng pagsisikap ay maaaring mag-iba depende sa uri ng motivation. PAGSASANAY (Practice) (40 Minuto) Bago ang Gawain 1. Ilahad na ang mga magaaral ay magbabasa ng ilang maiikling talata na kanilang tatalakayin nang magkapares. 2. Siguraduhing may kapares na ang lahat ng magaaral. Ipaalam sa kanila na italaga ang kanilang mga sarili bilang “Partner A” o “Partner B.” 3. Sabihin sa mga magaaral na sila ay magbabasa ng tatlong maiikling talata na kanilang tatalakayin. Ang mga talata ay ibibigay ng paisa-isa. Pagkatapos nilang basahin ang unang talata, ang guro ay magpapakita ng tanong pandiskusyon. Si “Partner A” ang unang sasagot ng katanungan. Pagkatapos si “Partner B” naman ang sasagot. Ipaalala na habang nagsasalita ang isang miyembro ng pares, ang kanyang kapareha ay kailangang magbigay ng buong atensyon sa pakikinig. Gagawin ito ng magkapares sa tatlong talata. Tip: Maaari ding ibigay ang talata bilang handouts, na maaaring sulatan ng mga magaaral ng kanilang mga ideya. Habang Gawain 1. Ipaskil ang unang talata sa pisara. 2. Bigyan ang mga mag-aaral ng tatlong minuto na basahin ang bawat talata, bago ibigay ang unang tanong na pandiskusyon. 3. Bigyan ang mga bawat miyembro ng dalawang minuto sa pagbigay ng kanilang sagot. Page 4 of 7 SENIOR HIGH SCHOOL CORE SUBJECT IKATLONG MARKAHAN – PAGBABASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK Talata Unang Talata: Kapag may isang taong malungkot, maaari niyang tawagan ang kaniyang kaibigan o hindi kaya’y pumunta sa isang lugar kung saan maraming tao. Ang kagustuhan naman na magpatuloy ng pagaaral papuntang kolehiyo ay isang paraan naman upang maging matagumpay sa buhay. Ang simpleng pagbangon mula sa higaan ay isang halimbawa rin upang patuloy na makapag-hanap buhay. Tanong Paano naipapakita sa mga halimbawa ang: aksyon, pagtutuluyan, at pagpapatuloy sa paghahanap? Magbigay pa ng ilang mga halimbawa kung saan ipinapakita ang aksyon, pagtutuluyan, at pagpapatuloy sa paghahanap. Anong uri ng motivation ang ipinapakita rito? Ikalawang Talata: Kapag ang isang bata ay nakakuha ng pera kapag siya ay nakakuha ng mataas na grado ay isang halimbawa ng motivation. Ang bonus din sa trabaho kapag siya ay masipag sa pagtatrabaho, o ang tip na ibinibigay sa mga waiter ay isang halimbawa din ng motivation. Ikatlong Talata: Ang ilang mga pagtatangka upang maintindihan pa ang motivation ay nakatuon sa biologically determined na mga kaugalian na tinatawag na instinct. Ang ilan sa mga halimbawa ng instinct na makikita sa mga hayop ay ang migration, nest building, paggawa ng anak, at pagprotekta sa kaniyang teritoryo. Magbigay ng ilang pangyayari kung saan ipinapakita ang extrinsic at ang intrinsic motivation. Sabi nina James at McDougall, ang biologically determined behavior ng mga hayop ay parehas sa biologically determined behavior ng mga tao. Paano naipapakita ang pagkakaparehas ng biologically determined behaviors ng hayop at ng tao? Page 5 of 7 SENIOR HIGH SCHOOL CORE SUBJECT IKATLONG MARKAHAN – PAGBABASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK Pagkatapos nang Gawain 1. Maaaring kumalap ng mga kasagutan sa mga tanong mula sa mga magaaral at ipamahagi ito sa buong klase. PAGPAPAYAMAN (Enrichment): Opsyonal 1. Kung may kakayahang makapagpalabas ng pelikula, iminumungkahi rin na magpalabas ng pelikula. Ilan sa mga iminumungkahing pelikula na maaaring lapatan ng Teoryang Sikolohikal, at maaaring humalili sa isinulat na teksto, ay ang mga sumusunod: a. Fincher, David. Seven. 1995. Pitt, Brad. Freeman, Morgan. b. Howard, Ron. A Beautiful Mind. 2001. Crowe, Russell. c. Docter, Pete. Inside Out. 2015. Disney. 2. Upang mapalalim pa ang diskusyon, maaaring humanap din ng iba pang mga pagaaral tungkol sa Teoryang Sikolohikal, o hindi kaya’y atasan ang mga magaaral na magsaliksik pa ng ibang depinisyon tungkol sa Teoryang Sikolohikal. PAGTATAYA (Evaluation): Takdang Aralin 1. Magbigay ng isang naratibong teksto sa mga mag-aaral. Maaaring ibigay ang akda ni Eljay Deldoc na “Pagsugat at Pagmulat.” (https://deldoctrines.wordpress.com/2014/01/17/pagsugat-at-pagmulat/) 2. Bigyan ang mga mag-aaral nang sapat na panahon upang basahin ang teksto. 3. Pagkatapos nilang basahin ang teksto, bumalik sa mga depinisyon na ibinigay sa klase, at ipaliwanag sa mga magaaral na kailangan nilang humanap nang mga pangungusap sa babasahing naratibong teksto na susuporta sa mga depinisyon. 4. Gayundin, ipakita ang mga sumusunod na tanong na gagabay sa kanilang pagsasaliksik: a. Gamit ang tono ng sanaysay, paano mo mailalarawan ang takbo ng utak ng awtor gamit ang ___ at ___. b. Ano ang masasabi mo tungkol sa pangarap ng awtor, at kung ano ang ginamit niyang motivation upang maabot ito? Page 6 of 7 SENIOR HIGH SCHOOL CORE SUBJECT IKATLONG MARKAHAN – PAGBABASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK c. Sabi ni Deldoc, “Patuloy akong tutula para paganahin ang isip at puso ng mga kapwa ko Hagonoenyo, Bulakenyo, at Filipino. Dahil sa bansang ito, maraming tao ang may isip ngunit hindi nagsasalita at maraming tao rin ang nagsasalita ngunit hindi nag-iisip.” Paano kaparehas o kaiba ang iyong pananaw mula sa pananaw ni Deldoc sa komunidad? 5. Gamitin ang rubrics upang bigyan ng marka ang ginawang pagsasaliksik ng mga mag-aaral: RUBRICS Nilalaman at mga Ideya Organisasyon Paglalahad Estilo at Pagpili ng salita Papalapit sa inaasahan Nangangailangan ng pagpapabuti Ang pagbabasa ay magulo at malabo. Ang mga kaisipang nakaloob sa mga talata ay hindi napagyaman ng binasang teksto. Ang pagbabasa ay hindi ginamitan ng Teoryang Sikolohikal. Ang organisasyon ng mga talata ay magulo. Ang teksto ay walang maayos na introduksyon o katapusan. Lampas sa inaasahan Nakatugon sa inaasahan Ang mga nakasaad na ideya ay orihinal at kritikal. Nasagot ng magaaral ang mga gabay na tanong at naiuganay ang kaniyang mga ideya sa kaniyang sarili at komunidad. Ang mga nakasaad na ideya ay kritikal. Nasagot ng magaaral ang mga gabay na tanong at naiuganay ang kaniyang mga ideya sa kaniyang sarili. Ang mga ideya ay malinaw, ngunit sumasaklaw sa pangkalahatan, at hindi kritikal. Ang pagbabasa ay mababaw, at hindi naiugnay sa sarili o sa komunidad. Ang pag-develop ng mga punto ay natural, at ang lahat ng mga ideya ay nakatahi sa isa’t isa. Naihahanda ang magbabasa sa lalim ng teksto mula sa introduksyon. Ang mga ebidensiyang nakapaloob sa teksto ay natatangi at tunay na napagaralan. Nagpapakita ang magaaral ng inferential na pagiisip. Tiyak ang paggamit ng mga salita at maingat ang pagpili ng tonong gagamitin. Ang pag-develop ng mga punto ay natural, at ang lahat ng mga ideya ay nakatahi sa isa’t isa. Maayos at lohikal ang pagkakasulat sa buong teksto. Ang mga ebidensiya ay kapani-paniwala. Nagpapakita ang magaaral ng inferential na pagiisip. Ang organisasyon ay lohikal na may malinaw na simula, gitna, at wakas. Ang mga talata ay sinusuportahan ang bawat isa. Ang pagtatangka ng magaaral na magpaliwanag ay malinaw. Mayroong naaangkop na ebidensiya na sumusuporta sa kaisipan. Walang ebidensiyang nakapaloob sa teksto. Ang paliwanag ay hindi sapat upang mabigyang paglilinaw ang mga gabay na tanong. Ang wikang ginamit ay particular, at tiyak ang nagamit na tono. Tama ang wika; and estilo ay paiba-iba. Ang mga citations ay maayos ngunit hindi orihinal. Ang mga pangungusap at mga salita ay maraming mali. Wala ring kaayusan ang pagkakasunod ng mga salita. Page 7 of 7